You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 5

Lokasyon ng Pilipinas, Pinagmulan ng Kapuluan ng Pilipinas at ng Lahing Filipino


1st Quarter

Mga Importanteng Detalye:

Pilipinas- Matatagpuan sa 4 21’ Hilagang Latitud at 116-127 Silangang Longhitud.


Tinagurian bilang “Pintuan ng Asya” dahil sa kinalalagyan nito sa Pasipiko.
Asya - pinakamalaking kontinente sa daigdig na kinabibilangan ng Pilipinas, particular sa Timog-Silangang Asya.

Dalawang representasyon ng daigdig:


1. Globo- modelo/replica ng tunay na daigdig.
2. Mapa- flat o patag na representasyon ng daigdig.

Mga Imahinasyong Guhit sa Globo at Mapa:


1. Latitud- guhit na pahalang na tinatawag ding parallels. Ito ay ang sukat ng layo ng isang lugar mula sa
Ekwador.
2. Longhitud- angular na distansya pasilangan at pakanluran mula sa Prime Meridian.
3. Ekwador- Pabilog na guhit sa pinakagitna ng globo at humahati sa dalawang hating-globo-ang Hilagang
Hating-globo at Timog Hating-globo.
4. Prime Meridian- guhit na patayo na may bilang na 0 na naghahati sag lobo sa Silangan at Kanlurang
Hating-globo.
5. International Date Line (IDL)- matatagpuan katapat ng Prime Meridian na naging batayan sa
pagkakaiba ng araw o petsa sa magkabilang panig ng mundo.
6. Tropic of Cancer o Tropiko ng Kanser- guhit sa 23.5 Hilaga ng Ekwador.
7. Tropic of Capricorn o Tropiko ng Kaprikornyo- guhit sa 23.5 Timog ng Ekwador.
8. Arctic Circle o Kabilugang Arktiko- 66.5 Hilaga ng Ekwador
9. Antarctic Circle o Kabilugang Antarktiko- 66.5 Timog ng Ekwador.

Dalawang Paraan ng Pagtukoy ng Lokasyon ng Pilipinas:


1. Tiyak na Lokasyon- gumagamit ng latitud at longhitud upang matukoy ang lugar.
2. Relatibong Lokasyon- anyong tubig (insular) at anyong lupa o mga karatig-bansa (bisinal) ang
nagiging basehan sa pagtukoy ng lugar.

Relatibong Lokasyon ng Pilipinas: Bisinal


Hilaga Taiwan, China at Japan
Timog Brunei at Indonesia
Silangan Micronesia at Marianas
Kanluran Vietnam, Laos, Cambodia at Thailand
Relatibong Lokasyon ng Pilipinas: Insular
Hilaga South China Sea, Bashi Channel
Timog Celebes Sea, Sulu Sea
Silangan Pacific Ocean
Kanluran South China Sea/West Philippine Sea

Pangunahing Lokasyon: Hilaga, Timog, Silangan, Kanluran


Pangalawang Lokasyon: Hilagang-Silangan, Timog-Silangan, Hilagang-Kanluran, at Timog-Kanluran

KLIMA AT PANAHON
Klima- kondisyon ng atmospera sa loob ng mahabang panahon.
Panahon- kalagayan ng kapaligiran sa isang araw.
Temperatura- ang nararanasang init o lamig ng isang lugar.
Hanging Amihan- malamig na hangin buhat sa Hilagang-Silangan.
Hanging Habagat- mainit na hangin na buhat sa Timog-Kanluran.

PAG-ASA- Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration


-ahensya ng gobyerno na nangangalaga sa kaligtasan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbabantay
sa kalagayan ng panahon sa bansa.

Inihanda ni: G. ARCHIE N. UGBAMEN


Rotasyon- pag-ikot ng mundo sa sariling axis sa loob ng 24 oras o 1 araw.
- Nagdudulot ng araw at gabi.
Rebolusyon- pag-ikot ng mundo sa araw sa loob ng 365 ¼ na araw o 1 taon.
- Nagtatakda ng mga panahon o season
Axis- imahinasyong guhit sa globo na tumatagos mula sa North Pole hanggang South Pole na nakahilig sa
anggulong 23.5.
Counterclockwise-direksiyon ng pag-ikot ng mundo sa sariling axis.

MGA TEORYA TUNGKOL SA PINAGMULAN NG KAPULUAN NG PILIPINAS

Teorya ng Continental Drift- ang siyentistang German na si Alfred Wegener ang sumusuporta sa teoryang ito.
- Ang daigdig ay binubuo ng isang malaking kalupaan o supercontinent na tinatawag na Pangaea 240
milyong taon na ang nakalilipas na kalaunay nagkabitak-bitak hanggang sa nabuo ang kasalukuyang
mga kapuluan ng mundo.
Teorya ng Bulkanismo o Pacific Theory- sinuportahan ni Dr. Bailey Willis
- Ang Pilipinas ay nabuo bunsod ng pagputok ng mga bulkan na nakalatag sa Pacific Ocean. Isang
patunay nito ang pagkakaroon ng mga lumang Volcanic Material o kabundukan ng mga korales sa
Baguio City.
Teorya ng Tulay na Lupa o Land Bridge Theory- ang mga pulo ng Pilipinas ay dating kabahagi ng tinatawag na
continental shelf na nakadugtong sa mainland Asia at kalaunay
nagkahiwa-hiwalay dahil sa pagkatunaw ng mga yelong nakabalot sa
kapuluan.
Continental Shelf- tawag sa tipak na lupa sa ilalim ng katubigan na nakakabit sa mga kontinente.

MGA TEORYA TUNGKOL SA PINAGMULAN NG LAHING FILIPINO

Teorya ng Austronesian Migration –ayon sa arkeologong Australian na si Peter Bellwood, ang mga Austronesian
ang mga ninuno ng mga Filipino na nanggaling sa Taiwan at dumating sa Pilipinas noong 2500 B.C.E. Sa Timog
China ang orihinal na pinagmulan ng mga pangkat na ito.
- Ang wikang ginamit ng Timog-Silangang Asya at Pacific ang ginawang basehan ni Peter Bellwood.
- Naniniwala rin ang antropologong Amerikano na si Wilhelm Solheim II na ang mga Austronesian
ang mga unang tao sa Pilipinas batay sa kaniyang Nusantao Maritime Trading and Communication
Network Hypothesis.
- Nusantao- hango sa salitang Austronesian na nusa at tao na nangangahulugang “tao mula sa Timog”.
Batay rito, naniniwala si Solheim na ang mga Austronesian ay nanggaling naman sa Indonesia at
nagtungo sa Pilipinas mula sa Mindanao. Nagpatuloy ang mga Austronesian mula sa Pilipinas
patungong Hilaga hanggang makarating sa Timog China.
Teorya ng Core Population- ang Filipinong antropologo na si Felipe Landa Jocano ang naghain ng teoryang ito.
- Ang mga Filipino ay mula sa malaking pangkat ng mga sinaunang tao sa Timog-Silangang Asya. Ito ay
batay sa pagkakatulad ng mga labi ng Tabon Man, isang Homo Sapiens, sa iba pang parte ng rehiyon
ng Timog-Silangan Asya.
- Ang teorya ng Core Population ay reaksiyon ng naunang teorya ni Henry Otley Beyer.
Teorya ng Wave Migration- si Henry Otley Beyer ang naghain ng teoryang ito.
- Dumating sa Pilipinas ang pangkat-pangkat na mga tao mula sa iba’t ibang bahagi ng Asya. Batay rito,
mas naunang nakarating sa Pilipinas ang mga Negrito na naglakad mula Borneo gamit ang Tulay na
Lupa na nagdurugtong noon sa Pilipinas at sa Asya. Sinundan naman ng mga Indones mula sa Timog
China at Indochina at ng ikatlong pangkat na mga Malay.

Inihanda ni: G. ARCHIE N. UGBAMEN

You might also like