You are on page 1of 2

Pinagmulan ng Pilipinas

Teoryang Bulkanismo
Ang teoryang Bulkanismo ay isang teorya na nagmumula kay Bailey Wills. Ayon sa
teorya, ang Pilipinas ay nabuo sa pamamagitan ng pagsabog ng mga bulkan mula
sa Karagatang Pasipiko. Isinasaad dito na nabuo ang mga pulo dahil sa pagsabog
ng mga bulkan at, sa inilabas na bato, buhangin, at putik ng bulkan noong
panahon ng Tertiary. Dahil din sa pagsabog, nabiyak ang mga batong nakalagay sa
ilalim ng dagat. Matagal na panahon ang lumipas at ang mga bato ay tuluyang
tumigas at nagging kapuluan
2. Teorya ng Continental Drift
Ayon kay Alfred Wegner ang ama ng “Teorya ng Continental Drift”, nung unang
panahon ang mundo raw ay ibinubuo ng 1 supercontinent lamang na itinatawag
na Pangaea ngunit, hindi nagtagal dahil sa sunod-sunod na baha at lindol dahil
dito, ang Panggaea ay naghiwahiwalay at nagging mga kontinente na kilala natin
ngayon.

Pinagmulan ng Lahing Pilipino

1. Teorya ng Wave Migration

Ang Teorya ng Wave Migration ay isang teoryang binuo ni Henry Otley Beyer tungkol sa mga
sinaunang tao sa Pilipinas. Ayon dito, Sunod-sunod na dumating ang mga iba’t ibang uri ng
grupo ng tao sa Pilipinas, na maihahalintulad sa mga alon na sabay-saby ang pagbuso. Ito
ang dahilan kung bakit ito itinawag na Teorya ng Wave Migration
2. Teorya ng Tulay na Lupa
Ang teorya ng tulay na lupa ay isang teorya na ibinuo ni Fritj of Voss. Isinasaad sa teoryang ito na noon
ang mga lupain ay magkaka-kabit at nagkahiwahiwalay dahil natunaw ang mga bundok ng yelo. Ito ang
nagging dahilan ang paglalakbay ng mga tao sa iba’t ibang kontinente.

3.) Ayon sa Teorya ng Pandarayuhan ng mga Austranesian ang lahing pilipino ay mula sa
austrenesian na nanggaling sa south China. Ang mga austrenesian ay pinaghalong lahing
mongoloid o taong madilaw at austroid o taong maitim.ang mga austrenesian ay may
maunlad na kaalaman sa agrikultura at paglalayag. Marunong silang gumawa ng mga
kagamitan na gawa sa luwad tulad ng palayok at tapayan.

4. Teorya ng Nusantao o Nusantao Maritime Trading and Communication Network


ay teorya ni Wilhelm Solheim tungkol sa mga unang tao sa Pilipinas. Ayon dito, nagmula
sa China ang mga taong unang nanirahan sa Pilipinas. Dumaan sila sa Taiwan at gumamit ng
mga balangay para makapaglakbay. Tinawag rin niyang Nusantao Maritime Trading and
Communication Network ang naging pagkalat ng mga Nusanto sa iba't ibang bahagi ng Asya.
Ang mga Nusantao ay grupo ng tao na nagsasalita ng wikang Austronesyano. Nagkaroon ng
ugnayan ang mga tao sa Hilagang Pilipinas at sa Timog Tsina, sa Taiwan at sa Hilagang Vietnam.
Kumalat ang wika at kultura ng mga Austronesyano sa iba’t ibang mga lugar, patunay na hindi sila
lumipat o nag-"migrate". Sa halip, sila ay kumalat sa iba’t ibang lugar, mula Easter Islands sa Timog
Amerika hanggang Madagascar sa Africa.

You might also like