You are on page 1of 4

ARALIN 5-

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA ( Unang Bahagi )

Panahon ng mga Katutubo

1. Teoryang Pandarayuhan

Dr. Henry Otley Beyer -isang Amerikanong antropologo noong 1916, kilala sa kanyang pinakasikat na
teoriyang “ Wave of Migragation Theory”. Naniniwala si Beyer na may tatlong pangkat ang taong
dumating sa Pilipinas na nagpasimula ng lahing Pilipino. Ang mga ito ay ang mga grupo ng Negrito,
Indones at Malay.

Dr. Robert B. fox- nangunguna sa pangkat ng mga arkeologo ng Pambansang Museo ng Pilipinas na
nakatagpo ng isang bungo at isang buto ng panga sa yungib ng Tabon sa Palawan noong 1962.

Tinawag na Taong Tabon ang mga labing kanilang natagpuan dito. Tinatayang nanirahan ang mga unang
taong ito sa yungib ng Tabon may 50,000 taon na ang nakaraan. Kasama sa mga nahukay na labi ng
Taong Tabon ay ang ilang kagamitang bato tulad ng chertz, isang uri ng quartz, gayundin ang mga buto
ng ibon at paniking nagpapatunay na nabuhay ang mga taong ito sa pagkuha ng pagkain sa kapaligiran .
May nakuha ring mga bakas ng uling na katibayan ng kaalaman sa pagluluto ng pagkain.

Landa Jocano- napatunayan sa kanyang pag-aaral ukol sa kasaysayan ng Pilpinas sa UP Center for
Advance Studies noong 1975 at ng mananaliksik ng National Museum na ang bungong natagpuan ay
kumakatawan sa unang lahing Pilipino sa Pilipinas. Ayon din sa kanilang pagsusuri, ang Taong Tabon ay
nagmula sa specie ng Taong Peking na kabilang sa Homo Sapiens o modern man at ang Taong Java na
kabilang sa Homo Erectus.

Dr. Armand Mijires- nakatagpo ng isang buto ng paa na sinasabing mas matanda pa sa taong Tabon sa
Kuweba ng, Cagayan . Tinawag itong Taong Callao na sinasabing nabuhay nang 67,000 taon na ang
nakalipas. Callao.

2. Teorya ng Pandarayuhan Mula sa Rehiyong Austronesyano

Isa sa pinakabagong teorya tungkol sa pinagmulan ng lahing Pilipino ay ang Teorya ng Pandarayuhan
mula sa rehiyong Austroneyano. Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang mga Pilipino ay nagmula sa
lahing Austronesian. Ang Austronesian ay hinango sa salitang Latin na auster na nangangahulugang
“south wind “ at nesos na ang ibig sabihin ay “ isla.”

May dalawang pinaniniwalaang teorya kung saan nagmula ang mga Austronesian. Ayon kay Wilheim
Solheim II, ama ng Arkeolohiya ng Timog Silangang Asya , ang mga Austronesian ay nagmula sa mga isla
ng Sulu at Celebes na tinawag na Nusantao. Sa pamamagitan ng kalakalan , migrasyon at pag-aasawa ay
kumalat ang mga Austronesian sa iba’t ibang panig ng rehiyon.

Bilang lahing Austronesian, kinilala ang mga Pilipino bilang unang nakatuklas ng bangkang may katig.
Ang mga Austronesian din ang kinikilalang nagpaunlad ng pagtatanim ng palay at ng rice terracing na
tulad ng Hagdan-hagdang Palayan sa Banawe. Naniniwala rin ang lahing ito sa mga anito na naglalakbay
sa kabilang buhay gayundin sa paglilibing sa mga patay sa isang banga tulad ng natugpuan sa
Manunggul Cave sa Palawan.

Kung susuriin , batay sa mga nabanggit na mga teorya, ang unang taong naninirahan sa Pilipinas ay
nagtataglay ng mga patakarang pangkabuhayan, kultura at paniniwalang panrelihiyon. Gayundin,
mahihinuha na sila man ay may sarili nang wikang ginagamit bagama’t pinaniniwalaang walang isang
wikang nanaig sa Pilipinas noon. Gayunpaman, napatunayang marunong sumulat at bumasa ang mga
katutubo . May sinusunod silang pamamaraan ng pagsulat na tinatawag na baybayin. May mga
ebidensyang magpapatunay sa paggamit nila ng baybayin. Ang mga ito ay matatagpuang nakasulat sa
biyas ng kawayang matatagpuan sa Museo ng Aklatang Pambansa at ng Unibersidad ng Santo Tomas.

Ang baybayin ay binubuo ng labimpitong titik- tatlong patinig at labing apat na katinig. Binibigkas ang
katinig na may kasamang tunog na patinig na /a/ . Kung ang patinig ay bibigkasin ng may kasamang
patinig na /e/ o /i/ nilalagyan ang titik ng tuldok sa itaas, samantalang tuldok sa ibaba naman kung ang
nais isama ay /o/ o /u/. Ang baybayin ay gumagamit ng dalawang guhit (//) sa hulihan ng pangungusap.

ALIBATA/ BAYBAYIN

MGA HALIMBAWA

You might also like