You are on page 1of 2

 

Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Katutubo


1. Kasaysayan ng Wika sa Panahon ng Katutubo 2. Mayroon ng sining at Panitikan
ang mga Pilipino bago dumating ang mgaKastila. May sariling pamahalaan
(barangay), batas, sining, panitikan at wika ang mga katutubonoon. 3. Mga biyas
ng kawayan, dahon ng palaspas at balat ng punong kahoy ang pinaka papel
nilanoon. Ang ginagamit nilang panulat ay ang dulo ng matutulis na bakal
(lanseta) 4. Ang mga gawang mga katutubo noon ay sinunog ng mga Kastila dahil
ito daw ay gawa ng demonyo. 5.Pinatunayan ni Padre Chirino ang kalinangan
ng Pilipinas sa kaniyang Relacion de las Islas Filipinas(1604). Sinabi niya na may
sariling sistema ng pagsulat ang mga katutubo noon at ito ay tinawag na
Baybayin. 6. Baybayin ang tawag sa paraan ng pagsulat ng mga katutubo. -
Binubuo ito nglabimpitong (17) titik: tatlong (3) patinig at labinapat (14) na
katinig. 7. Kung nais bigkasin angkatinig kasama ang /e/ o /i/, nilalagyan ng tuldok
sa itaas. Kung nais bigkasin ang katinig kasamaang /o/ o /u/, nilalagyan ng tuldok
sa ibaba. 8. Kung nais kaltasin ay ang anumang patinig kasamang katinig sa
hulihan ng isang salita, ginagamitan ito ng kruz (+) pananda sa pagkaltas ng
hulingtunog. 9. Gumagamit ng dalawang pahilis na guhit (//) sa dulo
ng pangungusap hudyat ngpagtatapos nito. 10. Teorya tungkol sa mga Taong
Unang Nanirahan sa Pilipinas 11. Marami angnabuong alamat at teorya hinggil sa
unang taong nanirahan sa Pilipinas. 12. Teorya ngPandarayuhan ni
Dr. Otler Beyer Isang Amerikanong Antropologo Kilala din ang teoryang itobilang
wave migration theory. Ito ay sumikat noong 1916. Sabi ni Beyer, may tatlong
grupo angnagpasimula ng lahing Pilipino: Negrito, Indones, at Malay. 13. Nasira
ang teorya ni Dr. Beyer dahilnakakita ng bungo at isang panga ang pangkat ng
arkeologo na pinangunahan ni Dr. Robert B. Foxsa yungib ng Tabon sa Palawan
noong 1962. 14. Pinatutunayan ng bungong ito na mas nauna anggrupo ng tao
nito o yung lahi nito kaysa sa Malaysia na sinasabing pinanggalingan ng mga
Pilipino.Tinawag nila itong Taong Tabon. 15. Nanirahan sila sa yungib may 50,000
taon nang nakakaraan.May nakuha ring bakas ng uling na nagpapatunay na
marunong magluto ang mga sinaunang taosa Pilipinas. 16. Pinatunayan ni Landa
Jacano sa kanyang pag-aaral sa kasaysayan ng Pilipinas sa UPCenter of Advanced
Studies noong 1975 at ng mga mananaliksik ng National Museum na angbungong
natagpuan ay kumakatawan sa unang lahi ng Pilipino. 17. Ang Taong Tabon ay
nagmulasa specie ng Taong Peking na kabilang sa homo sapiens o modern man at
ang taong Java nakabilang sa Homo erectus. 18. Natagpuan ni Dr. Armand
Mijares ang isang buto ng paa sa kuwebang Callao, Cagayan. Sinasabing mas
matanda pa daw ito sa Taong Tabon at nabuhay ito 67,000taon na nakakalipas.
19. Teorya ng Pandarayuhan mula sa Relihiyosong Austronesyano Ang
mgaPilipino daw ay nagmula sa lahi ng mga Austronesian. Ito ay hango sa salitang
Latin na auster na
ibig sabihin ay “south wind” at nesos na nangangahuluga
ng isla. 20. Ayon kay Wilheim Solheim II,Ama ng Arkeolohiyang Timog-Silangang
Asya, nagmula ang mga Austronesian sa mga isla ng Suluat Celebes na tinawag na
Nustantao. Dahil sa kalakalan, migrasyon at pag- aasawa kaya kumalat ang lahing
ito sa iba’t ibang rehiyon.
21. Teorya ng Pandarayuhan mula sa RelihiyosongAustronesyano Ayon kay Peter
Bellwood ng Australia National University, ang lahing ito ay nagmulasa Timog
Tsina at Taiwan at nagtungo sa Pilipinas noong 5,000 B.C 22. Kinilala ang mga
Pilipinobilang unang nakatuklas ng bangkang may katig. Ang mga Austronesian
ang kinikilalangnagpaunlad ng rice terracing. Naniniwala din ang lahing ito sa
mga anito. Naniniwala din sila sapaglilibing ng bangkay sa banga tulad ng
natagpuan sa Manunggul Cave sa Palawan.

Mga Sanggunian:
Scribd jdgtrxx July 07, 2019
Slideshare.net
Jeff Austria – Instructor at PSU Integrate school

You might also like