You are on page 1of 8

REPLEKSYONG PAPEL SA

KASAYSAYAN NG WIKANG
PAMBANSA

INIHANDA NI:
GLORYANN G. BATANGAN
PARA SA FIL.214
PANAHON NG KATUTUBO
Sa panahon ng katutubo napakahalagang malaman na noong unang
panahon ay may sarili ng kamalayan ang ating mga ninuno ukol sa
pakikipag- komunikasyon. Sa panahon na ito umusbong ang mga
sinaunang panitikan at ang pinaka- unang Sistema ng pagsulat na
tinatawag nilang Baybayin kung saan binubuo ito ng 17 na alpabeto na
may 3 patinig at 14 na katinig. Napag- alaman din natin na sa panahon
ng katutubo ay mayroon ng Barter System kung saan ito ay ang
pamamaraan nila upang makipagpalitan ng mga produkto nila at
makapagpalitan na din ng mga kuro- kuro ng bawat. At isa din ito sa
patunay na ang ating mga ninuno ay may mga kaalaman na tungkol sa
mga bagay- bagay noong unang panahon.

PANAHON NG ESPANYOL
Sa panahon ng pananakop ng mga espanyol sa ating bansa ninais ng
mga dayuhan na buwagin at wasakin ang itinatag na panitikan at wika
ng mga katutubong Pilipino sa pamamagitan ng pagpapakilala at
sapilitang pagtuturo ng wikang kastila at ang ABECEDARIO na Sistema
ng mga espanyol. Itinuro din nila ang KRISTIYANISMO para mas
mapalawig pa nila ang impluwensiya nila sa ating bansa. At hanggang sa
kasalukuyan ang KRISTIYANISMO ay namamayagpag parin at niyakap na
ng mga Pilipino ang kulturang ito ng mga espanyol. At dahil sa mga
iba’t- ibang mga wika ang itinuturo ng mga dayuhan sobrang naguluhan
ang mga katutubo kung ano nga ba ang dapat gamitin kung kaya’t ang
wikang katutubo ay nabuwag at nagtagumpay ang mga dayuhan na
sakupin ang ating bansa.
PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO
Sa panahong ito sumibol ang pagkakaisa ng bawat Pilipino. At
umusbong ang kasabihang “ISANG BANSA, ISANG DIWA” na ang ibig
sabihin ay pagbubuklod- buklod ng mga mamamayang Pilipino upang
ipaglaban at mas pagtibayin ang wika at panitikan ng ating bansa. Sa
panahong ito ninais ng mga bayani ng ating bansa mas tumibay pa at
makilala ang sarili nating wika kung kaya’t pinalawig pa nila ang
kanilang mga kaalaman tungkol sa wika sa pamamagitan ng pag-aaral
pa na may kaugnayan sa wika. Hindi man naging madali ang
pinagdaanan ng ating wikang pambansa at panitikan sa panahon ng
pananakop laking pasasalamat pa rin natin na may mga bayani tayong
nakipaglaban hindi man sa marahas na paraan pero sa pamamagitan ng
mga pluma. At dahil sa pagmamahal nila sa ating bansa at kapwa
Pilipino nagkaroon sila ng lakas ng loob upang ipaglaban ang kalayaan
ng bawat Pilipino.

PANAHON NG AMERIKANO
Dito mapapatunayan natin na hindi basta- basta mabubura o
mabubuwag ang nakagisnan ng wika at panitikan ng mga Pilipino. Kahit
pa anong panlilinlang ang gawin ng mga dayuhang mananakop
mananatili pa ring matibay ang pundasyon ng wikang Pilipino. Sa
panahon naman ng mga amerikano napalawig at napalalim ang Sistema
ng edukasyon sa ating bansa. At nakapagpalimbag din sila ng mga iba’t-
ibang libro na magagamit sa pagkatuto ng mga salitang Ingles. Sa
kagustuhan ng mga amerikano na sakupin ang ating bansa nagpanukala
sila ng mga batas kung saan walang magawa ang mga Pilipino kung
hindi ang sumunod sa mga ito. Isa nga dito ang pagpapatupad ng
Sistema ng edukasyon sa ating bansa. At dahil dito simula noon at
hanggang sa kasalukuyan napapakinabangan pa rin natin ito. At sumibol
din sa panahong ito ang panukalang magkaroon ng iisang wikang
pambansa na hango sa mga katutubong wika upang sa gayon ay mas
maging Malaya at epektibo ang paraan ng edukasyon sa ating bansa.
Nag- umpisa din dito ang pagpapalaganap ng wikang tagalog.

PANAHON NG HAPONES
Ibinasura ng mga hapon ang wikang ingles at mas ninais ng mga hapon
na gamitin ng mga Pilipino ang sariling wika natin. Mas lumawig at
nakilala ang wikang tagalog at umusbong ang mga iba’t- ibang panitikan
ng ating bansa. Ipinatupad din na wikang opisyal ang wikang TAGALOG
at NIHONGO(wikang Hapon). Sa panahong ito marami ang mga
naglabasang debate tungkol sa usaping wika may mga hindi
pagkakaunawaan at hindi pagkakasunduan. Ngunit sa kabila ng mga ito
hindi maikakaila na nagagana ang talakayan sa panahon ng mga
hapones. Sinakop man tayo ng mga hapones ngunit hindi maitatanggi
na sa panahon nila ang ating wika at panitikan ay nanumbalik at mas
napatibay pa.
PANAHON NG PAGSASARILI HANGGANG
SA KASALUKUYAN
Ito ang panahon na natamasa natin ang kalayaan mula sa mga
mananakop at ipinatupad din na ang wikang tagalog at ingles ang
maging wikang opisyal ng ating bansa. Sa panahong ito din sumibol ang
iba’t- ibang batas tungkol sa wika na ipinapatupad ng mga pulitika sa
aitng bansa. Ipinatupad din ang Patakarang Edukasyong Bilinggwal na
kung saan wikang ingels at wikang tagalog ang gagamitin sa pagtuturo
sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Bilang 25.

KABUUANG REPLEKSIYON SA KASAYSAYAN NG


WIKANG PAMBANSA SA IBA’T- IBANG PANAHON
Masasabi nating marami ang pinagdaanan ng ating wikang pambansa at
panitikan mula noon hanggang sa kasalukuyan. Ngunit sa kabila ng mga
masalimuot na kinaharap ng ating bansa at ng ating wika masasabi kung
matagumpay na naipaglaban ng ating mga ninuno at mga bayani ang
ating kalayaan sa mga kamay ng mga mananakop. Dahil patuloy pa rin
nating ginagamit at pinapatibay ngayon ang mga bagay na ipinaglaban
nila para sa mga Pilipino. At sadyang napakahalaga nga talaga ng
magkaroon tayo ng isang wika na mauunaaan ng lahat upang sa gayon
mas mapabuti at mapalalim pa ang samahan at pagkakaisa ng ating
bansa. Dahil naniniwala ako na kapag tayo ay may kanya- kanyang
wikang sinasalita at wala tayong pagkakaunawaan marahil ay hindi
magiging progresibo at maunlad an gating bansa bagkus marahil an
gating bansa ay watak watak at walang magandang patutunguhan o
kinabukasan.

You might also like