You are on page 1of 15

NG

IKALAWANG
PANGKAT
Mae M. Tatel
Ciara Tudlong
Isabela R. Palamara
Danielle A. Napoles
KASAYSAYAN NG WIKANG
PAMBANSA
PINAGMULAN NG WIKA
➡Paniniwala sa banal na pagkilos ng Panginoon
-Ang mga Teologo ay naniniwalang ang pinagmulan ng
wika ay matatagpuan sa Banal na Aklat. Sa Genesis 2:20
naisulat na “At pinangalanan ng lalaki ang lahat ng mga
hayop, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang bawat
ganid sa parang.” Ayon dito, magagamit kasabay ng
pagkalalang sa tao ay ang pagsilang din ng wika na
ginagamit sa pakikipagtalastasan.
-Sa Genesis 11:1-9 naman ay ipinakikita ang pinagmulan
ng pagkakaiba-iba ng wika. Ito ay ang teorya ng Tore ng
Babel, ito’y nahalaw mula sa Banal na Kasulatan. Ayon sa
pagsasalaysay, noong umpisa’y iisa ang wika ng tao na
biyaya ng Diyos. Dahil sa nagkakaunawaan ang lahat,
naisipan nilang magtayo ng isang tore na magbubuklod sa
kanila at upang mahigitan ang Panginoon, kaya’t ng
nabatid ito ng Panginoon, bumaba siya sa lupa at sinira
ang tore. Nagkawatak-watak na ang mga tao dahil sa
pagkakaiba ng kanilang wikang binibigkas kung kaya’t
nagkanya-kanya na sila’t kumalat sa mundo.
ANG TORE NG BABEL
➡Ebolusyon
-Ayon sa mga Antropologo, nagkaroon ng mas
sopistikadong pag-iisip at ang kanilang mga kakayahan
ay umunlad kaya’t nadiskubre nila ang wikang
gagamitin sa pakikipagtalastasan. Nagsulputan ang
sumusunod na mga teoryang nagtatangkang
ipaliwanag ang pinagmulan nito.
☑Teoryang Ding-Dong
Nagmula raw ang wika sa panggagaya ng mga
sinaunang tao sa mga tunog ng kalikasan, kagaya ng
salitang Boom na naikabit sa pagsabog, Splash sa
paghampas ng tubig, at Whoosh sa pag-ihip ng hangin.
☑Teoryang Bow-Wow
Katulad ng teoryang Ding-Dong, ang wika raw ay
nagmula sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga
tunog na likha ng mga hayop, katulad ng bow-wow ng
aso, ngiyaw ng pusa, kwak-kwak ng pato, at moo ng
mga baka. Kagaya raw ng mga sanggol na nagsisimula
pa lamang magsalita, ginagaya nila ang mga tunog na
kanilang naririnig.
☑Teoryang Pooh-Pooh
Isinasaad naman nito na ang wika raw ay nagsimula sa
mga salitang namutawi sa mga bibig ng sinaunang tao ng
sila ay makaramdam ng maisisidhing damdamin tulad ng
tuwa, galit, sakit, sarap, kalungkutan, at pagkabigla.
☑Teoryang Ta-Ta
May koneksiyon raw ang kumpas o galaw ng kamay ng
tao sa paggalaw ng dila. Sanhi ng pagkatuto ng taong
lumikha ng tunog at matutong magsalita. Ayon sa mga nag-
aral ng ebolusyon ng tao, ito raw ay humantong sa pagkilala
nila ng wika.
☑Teoryang Yo-he-ho
Ayon sa Teoryang ito, ang wika ay nabuo mula
sa pagsasama-sama, ang mga tunog o himig ng
mga bibig ng tao kapag sila ay nagtatrabaho nang
sama-saya ay sinasabing pinagmulan ng wika.
Sa sanaysay na isinulat ni Jean-Jacques Rosseau,
ang pagkalikha ng wika ay hindi nagmula sa
pangangailangan ng mga tao kundi sa silakbo ng
kanilang damdamin. Dahil ang mga ito ang
nagtutulak na mamutawi sa bibig ng mga tao ang
iyak, halakhak, sigaw, at galit na maaaring
pinagmulan ng wika.
PINAGMULAN NG WIKANG
PAMBANSA
Sa panahon ng mga katutubo, naging palaisipan
para sa mga siyentipiko at antropologo kung saan
nagsimula ang mga sinaunang taong nanirahan sa
Pilipinas. Napakaraming teorya ang umusbong
patungkol sa pinagmulan ng lahing Pilipino. Narito
ang ilan sa mga ito:
☑Teorya ng pandarayuhan
Kilala rin sa tawag na wave migration theory na pinasikat
ni Dr. Henry Otley Beyer, isang Amerikanong antropologo
noong 1916. Naniniwala si Beyer na may tatlong pangkat ng
taong dumating sa Pilipinas na nagpasimula ng lahing Pilipino.
Ito ay ang Negrito, Indones, at Malay. Ngunit bunga ng
masigasig na pananaliksik, ang mga haka-hakang ito’y
nabigyang liwanag. Nasira ang teorya ni Beyer nang
matagpuan ng mga arkeologo ng Pambansang Museo ng
Pilipinas na pinangunahan ni Dr. Robert B. Fox ang harap ng
isang bungo at isang buto ng panga sa yungib ng Tabon sa
Palawan noong 1962. Ito ang nagpatunay na mas naunang
dumating sa Pilipinas ang tao kaysa sa Malaysia na
pinanggalingan raw ng mga Pilipino.
☑Teorya ng pandarayuhan mula sa
Rehiyong Austronesyano
Isa sa pinakabagong Teorya ukol sa pinagmulan
ng ating lahi ay ang teoryang ito. Naniniwala ang
teoryang ito na ang Pilipino ay nagmula sa lahing
Austronesian na hinango sa salitang Latin na auster
na nangangahulugang “South wind” at nesos na ang
ibig sabihin ay “isla”.
May dalawang pinaniniwalaang teorya kung
saan nagmula ang mga Austronesian. Ayon kay
Wilheim Solheim II, Ama ng Akeolohiya ng Timog-
Silangang Asya, ang mga Austronesian ay nagmula
sa mga isla ng Sulu at Celebes na tinawag na
Anuman ang totoo sa dalawang teoryang ito,
isa lang ang tiyak na ang mga Pilipino ay isa sa mga
pinakaunang Austronesian.
Kung susuriin, batay sa mga teoryang ito, ang
uanang taong nanirahan sa Pilipinas ay nagtataglay
na ng mga patakarang pangkabuhayan, kultura, at
paniniwalang panrelihiyon. Gayunpaman,
napatunayang marunong sumulat at bumasa ang
mga katutubo. May sinusunod silang pamamaraan
ng pagsulat na tinatawag na baybayin.
Baybayin

You might also like