You are on page 1of 20

THE AUSTRONESIAN MIGRATION

Teorya ng Austronesian migration

Ang austronesian migration theory ang teoryang nagsasabi na ang mga


sinaunang tao ng mga bansa at kapuluang matatagpuan sa timog-silangang
asya at australia ay nagmula sa mga austronesians na nakatira sa taiwan at
naglayag gamit ang kanilang mga bangka at naninirahan sa mga pulong
natagpuan nila.
Ito rin ang teroryang naging batayan ng mga sinaunang pilipino dito sa
pilipinas.
Ayon sa pagaaral,nagmula sila sa tsina at naglayag papuntang taiwan.
Mula doon ay naghiwa-hiwalay sila kaya napadpad sa timog-silangang asya.
Ayon sa arkeologong australian si PETER BELLWOOD ang
autronesian na ninuno ng mga filipino.
Ayon sa kanya ang mga taong nagsasalita ng wikang austronesian
ang ninuno ng lahat ng mga tao sa timog-silangang asya.
Paliwanag niya ang mga austronesian ay dumating sa pilipinas
noong 2,500 B.C.E mula taiwan, sa timog china naman ang
orihinal na pinagmulan ng pangkat ng taong ito.
Ito ay kinikilalang teoryang austronesian migration.
 Noong 1,500 B.C.E ang ilang pangkat ng austronesian ay
patuloy na naglakbay patimog mula sa kapuluan ang iba
patungong indonesia at malaysia gayon din sa gyugimi,
samoa, hawaii, easter island hanggang madagascar.
 Ang katawagang austronesian ay tumutukoy sa pangkat ng
mga taong gumagamit o nagsasalita ng wikang austronesian.
 Sila ay nanirahan sa gawing timog-silangang asya, polynesia,
at oceania.
 Ayonsa mga pag-aaral maaaring ang mga unang dumating na
austronesian ay nanatili sa hilagang luzon at nadatnan ang mga
austral-melanasian na nauna nang nanirahan sa pilipinas.
 Sapaglipas ng panahon nagkaroon ulit ng migration hanggang sa
kumalat na sila sa buong kapuluan hanggang sa mga isla ng
celebes, torneo, at Indonesia.
 Nagingbatayan ni bellwood sa kanyang teorya ang pagkakatulad
ng wikang gamit ng timog-silangang asya at sa pacific.
Naniniwala naman ang antropologong amerikano na si
WILHELM SOLHEIM II na mga austronesian ang mga unang
tao sa pilipinas.
Batay sa kanyang nusanto maritime trading and
communication network hypothesis.
Ang nusantao ay hango sa mga austronesian na nusa + tao na
nangangahulugang tao mula sa timog.
 Batayrito naniniwala si solheim na ang mga austronesian ay
nanggaling naman sa Indonesia at nag tungo sa pilipinas mula
sa Mindanao.
 Nagpatuloyang mga austronesian mula sa pilipinas patungong
hilaga hanggang sa makarating sila ng timog china.
 Si Wilhelm G. Solheim II ang pinakatanyag sa larangan ng pag-
aaral sa timog-silangang asya, pilipinas, at prehistorical
archeology ng timog-silangang asya.
 Ayon kay Solheim ang pangunahing dahilan ng pagpapalawak ng
teritoryo ng austronesian noon ay ang pakikipagkalakalan.
 Pinaniniwalaang nagmula sa celebes at sulu, lumawak ang kanilang
pakikipag-ugnayan na nauwi sa pakikipag kasunduan, kasalan, at
migrasyon ng mga tao sa timog-silangang asya hanggang sa
makarating sa pilipinas.
 Alinman sa totoo ang pagkakaibang paniniwala ng mga
austronesian mas mahalagang malaman na mga ninunong ito ay
kinikilalang bihasa sa pandagarat at paglalayag.
 Dahil
naghiwa-hiwalay sila ng landas, nahati ang malaking
grupo at bumuo sila ng sari-sariling grupo.
 Bawat grupo may ginamit na wika bilang pagkakakiloanlan
na tinawag sa:
 FOMOSAN ito ay ang mga grupo ng mga austronesians na
napadpad sa timog ng taiwan at sa hilagang bahagai ng
pilipinas.
 Halimbawa nito ay ang mga ivatan at itbayaten.
 Itoay kadalasang naihahambing sa mga grupo ng
gumagamit ng mga wikang atayal (na ginagamit sa mga
kabundukan), amis (na wika sa silangang pampang), at
paiwan (wika sa timog ng kapuluan).
 WESTERN MALAYO-POLYNESIAN sila naman ang mga
grupo ng Austronesians na napadpad sa ilang bahagi ng
pilipinas, borneo, sumatra, java, bali, sulawesi, chamorro, at
Micronesia.
 Bilangbahagi ng kanilang kultura, ang ilan sa mga kilalang
wika ng grupong ito ay ilokano, cebuano, tagalog, javanese,
balinese, at malagasy.
 CENTRAL MALAYO-POLYNESIAN sila naman ang mga
napadpad sa bahagi ng sundra islands at moluccas.
 Angmga wikang ginagamit nila ay roti, tetum, manggarai, at
buruese.
 SOUTH HALMAHERA-WEST NEW GUINEA sila ang
grupong napunta sa Halmahera at doberai peninsula.
 Ang wikang ginagamit nila sa buli at numfor-biak.
 OCEANIC sila ang pinakamaling grupong napadpad sa
micronesia.
 Angwikang ginamit nila ay motu, tolai, sa’a, tsuukese, mota,
samoan, tahitian, at marami pang iba.
 Noong1899, si WILHELM SCHMIDT ay gumamit ng
terminong “AUSTRONESYANO” o “AUSTRONESIAN” na
tumutuloy sa pamilya ng wikang sinasalita mula Taiwan
hanggang new zealand at Madagascar hanggang eastern islands.
 Ang terminolohiyang ito ang ginamit sa pananaliksik sa
maraming larang katulad ng archaeolohiya, antropolohiya,
lingwistika, haynayan, at genetika na nagdala ng mga baong
teorya noong ika-20 siglo.
ANG TEORYANG AUSTRONESIAN MIGRATION

 Ito ay ipinanukala ni PETER BELLWOOD, isang propesor


sa archeolohiya.
 Ang teoryang ito ay nagsasaad na ang mga unang tao sa
pilipinas ay nagmula sa mga grupo ng awtronesyano na
naglakbay mula asya patungong pasipiko na dumaan sa
Taiwan 6,000 taon nang nakalipas.
 Sa kasalukuyan, ang teoryang austronesian migration ang
tinanggap bilang pinagmulan ng mga filipino.
 Namuhay ang mga awtronesyano sa
asya noong 10,000 BC.
 Nagsimula silang pumunta sa mga
isla ng pilipinas, Indonesia, at
pasipiko mula 5,000 hanggang 2,000
BC.
 Ang migration ay nagmula sa lupain ng mga tsino.
 Angmga awtronesyano ay nakarating sa Taiwan noong 3,500
BC at sa pilipinas noong 3,000 BC.
 Naglakbay sila at natagpuan ang Sumatra at java noong
2,000 BC, at hawaii, eastern island, at Madagascar noong
500 A.D.
 Angpagkakatulad ng mga wika, tradisyon, at kagamitan ay
natagpuan sa pilipinas at ilang mga bansa sa asya ang
nagging batayan ng teoryang ito.
 Ang ilang batayang kultural pa ay ang mga prehistorical na
sining, tattoo, balsa, bangka, at ilang karakter.
PISIKAL NA KATANGIAN NGAWTRONESYANO

 Ayon sa maraming iskolar, ang pisikal na


katangian ng awtronesyano ay pinaghalong mga
austroloid at mga mongoliod.
 Ang pangkaraniwang itsura ng awtronesyano ay:
 -Maliit na mukha
 -Malaking bungo
 -Matang hugis-almond
 -Hugis pala na ngipinb sa harap
 -Halos malalapad na mga ilong
ANG WIKANG AWTRONESYANO

 Angwikang awtronesyano ay nahahati


sa malayo-Polynesian at Formosan.
 Ang kanluraning bahagi na may halos
500 na wika na sinasalitan ay nasa
lugar ng pilipinas, indonesia, taiwan,
vietnam, thailand, madagascar, at
Cambodia.
GROUP 5:

ASGALI, KARYLLE
CASTILLO, DERLYN
CASTILLO, DIONILYN
GOREN, ALBASIR
KAHAG, SAMIA
LIMOS, VIA
SOLON, CHINCHIN
LULON, YIEL
MASANGLIN, RINALYN

You might also like