You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
ARALING PANLIPUNAN 7
Unang Markahan

Quarter : 1 Week : 8 Day : 1 Activity No. : 1

Competency: : Nasusuri ang komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng yamang-tao sa


Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon
(No code indicated)
Objective : Naihahambing ang mga hakbang na ginawa ng mga bansang Asyano upang
matugunan ang suliran sa paglaki ng populasyon.
Topic : Mga Patakaran ng mga Bansang may Maraming Populasyon

Materials :

Reference : Asya; Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba pp. 131-132

Copyrights : For classroom use only

Konsepto:

CASE ANALYSIS
Malaking hamon sa mga bansa sa Asya ang patuloy na paglaki ng populasyon.
bansaAng bawat
ay may kani
– kanyang hakbang o patakarang ipinatutupad upang malunas ang suliraning kaakibat nito.
Tunghayan mo ang kaso ng China
t Indonesia.
a Suriin kung paano
tinugunanilanang patuloy na paglaki
ng populasyon
Pagsasanay:
1. Ano ang hakbang na ginawa ng dalawang bansa upang matugunan ang suliran ng paglaki ng
populasyon?
2. Ano ang mga dahilan ng suliranin ng paglaki ng populasyon sa Indonesia?
3. Sang –ayon ka ba sa patakaran ng China at Indonesia na kontrolin ang paglaki ng populasyon sa
kanilang bansa? Pangatwiranan
4. Ano ang masasalamin sa kaso ng dalawang bansang sinuri?
5. Ano ang napatunayan at natutunan mo sa gawaing ito?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
ARALING PANLIPUNAN 7
Unang Markahan
Quarter : 1 Week : 8 Day : 2 Activity No. : 2

Competency: : Nasusuri ang komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng yamang-tao sa


Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon (No
code indicated)
Objective : Nababatid ang mga indikasyon sa kaunlarang pantao at ng kasalatan sa
larangan ng pangangalagang pangkalusugan.
Topic : Ang Yamang Tao ng Asya

Materials :

Reference : 1. EASE II Module 2


2. Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan II. 2008. Pp.90-104
3. Ang Pilipino at mga Kaibigang Asyano (Philippine Nonformal
Education Project). 1998. Pp.17-20
4. Asya: Noon, Ngayon at sa Hinaharap II. 2000. Pp.45-59
Copyrights : For classroom use only

Konsepto:
Mga Indikasyon sa Kaunlarang Pantao (indikasyón: anumang nagpapahiwatig o tumutukoy,
tulad ng senyas o sintomas)
 Birth rate – bilang ng buhay na sanggol na ipinapanganak sa bawat 1,000 populasyon
sa loob ng isang taon.
 Death rate – bahagdan ng kabuuang bilang ng namatay sa kabuuang populasyon sa
isang particular na lugar sa loob ng isang taon.
 Life expectancy – inaasahang haba ng buhay

Mga Implikasyon (implikasyon ay ang ugnayan sa pagitan ng dalawang mga pahayag ng


isang pahayag na may pasubali (pahayag na may kondisyon).
 Mataas na birth rate - malaki ang potensyal sa paglaki ng populasyon
 Mataas na death rate - may kasalatan sa aspetong medikal ng lipunan
 Mataas na Life expectancy rate – kaginhawaan ng buhay/ progreso sa larangang
medikal at teknolihikal
Pagsasanay:
Ibigay ang mga indikasyon sa kaunlarang pantao at ang mga implikasyon nito. Sundin ang pormat
sa ibaba.

Mga Indikasyon Implikasyon


1. 1.
2. 2.
3. 3.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
ARALING PANLIPUNAN 7
Unang Markahan
Quarter : 1 Week : 8 Day : 3 Activity No. : 3

Competency: : Nasusuri ang komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng yamang-tao sa


Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon.
(No code indicated)
Objective : Nasusuri ang kahalagahan ng yamang tao sa pambansang kaunlaran

Topic : Kahalagahan ng Yamang tao sa Pambansang Kaunlaran

Materials :

Reference : Panahaon, Kasaysayan at Lipunan II pp. 50-51

Copyrights : For classroom use only

Konsepto:
Mahalaga sa kaunlaran ng bansa ang mga likas na yaman lalo na ang yamang tao at makabagong
teknolohiya nito.

Nakasalalay sa yamang tao at sa wastong paggamit ng likas na yaman ang pambansang kaunlaran. Kaya
naman marapat na magkaroon ng sapat na edukasyon ang yamang tao upang mapakinabangan ng bansa
ang kanyang kaalaman at kakayahan. Kaugnay nito, dapat magkaroon ng masusuing pagsusuri ang
pamahalaan sa sistema ng edukasyon upang makasigurado na may kalidad ang makukuhang edukasyon
ng mga mamamayan.

Bukod sa pagkakaroon ng sapat na edukasyon, kailangan din ng yamang tao na maging malusog upang
magampanan ang mga tungkulin nito.

Kapag ang yamang tao ng bansa ay may mataas na antas ng edukasyon, nahuhubog sa kapakipakinabang
na gawain, at may magandang kalusugan, makatutulong sila na malinang ang mga likas na yaman ng
bansa. Sa yamang tao nakasalalay ang wastong paggamit ng mga likas na yaman.
Kinakailangan ang yamang tao ay mapagsaliksik, may sariling sistema ng pagkatuto, at mapanuri nang
sa gayon ay mahuhubog ang kanyang kakayahan sa kapakinabangan ng lipunan. Bawat mamamayan ay
dapat magkaroon ng pagnanais na makamit ang pambansang kaunlaran, kasaganaan at kapayapaan.

Pagsasanay:

1.
Sa inyong palagay, bakit mahalaga ang yamang tao sa pambansang kaunlaran?

2.
Paano maging yaman ang tao sa isang bansa?

3.
Bilang isang mamamayan, ano ang gagawin mo upang kapakipakinabang ka?

You might also like