You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 5 REVIEWER

ASYA- pinakamalaking kontinente sa daigdig


Globo- modelo o representasyon ng daigdig
Meridian- patayong imahinasyong guhit sa globo. Ito ay nakaguhit mula hilaga patimog
ng globo.
Prime Meridian- ang naghahati sa globo sa dalawang bahagi- ang silangang hating
globo at kanlurang hating globo. Tinatawag din Greenwich Meridian sapangkat
bumabagtas ito sa Greenwich, England.
International Date Line (IDL)- ito ay imahinasyong guhit na naghahati sa mundo sa
magkaibang araw. Matatagpuan ang IDL katapat ng Prime Meridian sa kabilang
panig ng daigdig.
Parallel- pahigang imahinasyong guhit sag lobo.
Ekwador o equator- ito ay imahinasyong guhit na humahati sa daigdig sa hilagang
hating-globo at timog-hating globo.
Grid- gamit ito sa pagtukoy sa tiyak na lokasyon ng anumang lugar sa ibabaw ng
mundo. Ito ay ang mala-parihabang espasyo sa ibabaw ng globo.
Longhitud (longitude)- ang anggukar na distansya pasilangan o pakanluran mula sa
prime meridian
Latitud (latitude)- ang anggular na distansya pahilaga o patimog mula ekwador.
Insular at vicinal- dalawang paraan sa pagtukoy ng relatibong lokasyon ng Pilipinas
Insular- ang paraan sa pagtukoy ng mga katubigang nakapalibot sa Pilipinas.
Vicinal (bisinal)- paraan sa pagtukoy sa lokasyon ng Pilipinas batay sa kalupaang
nakapalibot dito.
Hilaga (north), Silangan (east), Kanluran (west), Timog (south)- mga pangunahing
direksyon.

Klima- tumutukoy sa kainaman o average na kondisyon ng atmospera sa loob ng


mahabang panahon.
Panahon o weather -tumutukoy sa kalagayan ng atmospera sa loob ng isang araw.
Hanging silangan o trade winds- umiihip ang hanging Silangan mula sa hilagang
Silangan o Silangan pagkatapos ng bagtasin ang pacific Ocean.
Hanging Amihan o Northeast monsoon- umiihip ang hangin mula sa hilagang-
silangan. Nagsisimula ito sa China at Siberia kaya malamig at tuyo ito.
Hanging habagat o southeast monsoon- umiihip ang hangin mula timog-kanluran
bahagi ng Pilipinas at umiihip sa buong Asya. Ito ang nagdadala ng malakas na
pag-ulan sa bansa.
Temperatura- tumutukoy sa lamig at init ng atmospera sa isang lugar.
Axis- imahinasyong guhit na tumatagos mula North Pole patungog South pole.
Rotasyon- nagdudulot nga araw at gabi. Umiikot ang daigdig sa sarili nitong axis.
Rebolusyon- Nagtatakda ng mga panahon o season. Tumatagal ng 365 at ¼ na araw
ang kompletong rebulosyon ng daigdig sa araw.
Mga Teorya ng Pagkakabuo ng Kapuluan ng Pilipinas
Teorya ng Continental Drift- isang teorya nagsasaad na nag kaupaan sa daigdig kung
saan bahagi ang Pilipinas ay dating binubuo ng iisang malaking masa ng lupa na
tinatawag na Pangaea. Ang malaking masa ng lupain ay unti-unting nahahati at
naghiwa-hiwalay hanggang makarating ang kasalukuyang anyo ng mga lupain sa
daigdig katulad ng kapuluan ng Pilipinas.
Teoryang Bulkanismo- teoryang nagsasaad na nag Pilipinas ay nabuo bunsod ng
pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan.
Teorya ng Tulay na Lupa- teoryang nagsasaad nabuo kapuluan ng Pilipinas nang
matunaw ang mga yelong bumabalot sa malaking bahagi ng North America, Europe
at Asya. Batay sa teoryang ito, ang mga isla sa Pilipinas ay magkakarugtong.
Pinagdurugtong rin nga mga tulay na lupa ang Pilipinas at ang ilang karatig bansa
sa timog Silangang Asya.
Mga Teorya Tungkol sa Pinagmulan ng mga Unang Tao sa Pilipinas
Teorya ng Austronesian Migration- ayon kay Peter Bellwood, ang mga Austronesian
ang ninuno ng lahat ng mga tao sa Timg-Silangang Asya.
Teorya ng Core Population- ayon kay F. Landa Jocano, ang unang mga Filipino ay
mula sa malaking pangkat ng mga sinaunang tao sa Timog-silangan Asya dahil sa
pagkakatulad ng mga labi ng Tabon Man, isang Homo sapiens sapiens.

You might also like