You are on page 1of 20

5

Pinagmulan ng
Kapuluan ng
Pilipinas
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang mga mag-
aaral ay inaasahan na:
•Naipapaliwanag ang pinagmulan
ng Pilipinas batay sa:
a. Teorya
b. Mito
c. Relihiyon
Pansinin ang mapa
ng Pilipinas:

Ano ang inyong


masasabi?
Ang Pilipinas ay isang ARKIPELAGO.
Ang ARKIPELAGO ay lupon ng mga kapuluan.
Ang Pilipinas ay binubuo ng 7107 maliliit at malalaking
pulo. Mayroong tatlong pangunahing kapuluan sa
Pilipinas ang Luzon, Visayas at Mindanao.
Hinati ang Pilipinas sa mas maliliit pang pangkat na kung
tawagin ay REHIYON.
Sa kasalukuyan mayroon 17 rehiyon sa Pilipinas.
Pinagmulan ng Kapuluan ng Pilipinas

May tatlong paraan ng pagpapaliwanag ng pinagmulan ng bansa:

a.Relihiyon
b.Mitolohiya
c.Teorya
Manood tayo ng isang video:

https://youtu.be/e2CuMLqWawA

Ano ang iyong reaksyon sa iyong napanood?


Panrelihiyon (Teorya ng Paglalang)
Isang kaisipan o paliwanag ng
pinagmulan ng isang bagay batay sa
banal na kasulatan ng isang relihiyosong
samahan o paniniwala
Manood tayo ng isang video:

Ano ang iyong reaksyon sa iyong napanood?


Mitolohiya o Alamat
Isang uri ng kwentong bayan at panitikan
na nagsasalaysay ng pinagmulan ng mga
bagay- bagay sa daigdig

May alam ba kayong mito o alamat na nagpapaliwanag


ng pinagmulan ng daigdig? Ibahagi mo ito!
Teorya
Isang kaisipan o paliwanag sa isang mahalagang
konsepto gamit ang siyentipikong pamamaraan ng
pananaliksik

Teorya sa Pinagmulan ng Kapuluan ng Bansa


a. Continental Drift
b. Bulkanismo
c. Tulay na Lupa
Teorya ng Continental
Drift
Ang kapuluan ng Pilipinas ay
mula sa malalaking tipak ng
lupain (Pangaea) sa daigdig
na naghiwa-hiwalay ilang
daang milyon na ang
nakalilipas.
Teorya ng Bulkanismo

Ang kapuluan ng Pilipinas ay


bunsod ng mga pagtambak ng
volcanic material mula sa
pagsabog ng bulkan sa ilalim
ng karagatan
Teorya ng Tulay na Lupa
Ang kapuluan ng Pilipinas ay
nagmula sa pagtaas ng lebel ng tubig
sa karagatan at natabunan ang mga
tulay na lupang nag-uugnay sa mga
kalupaan at sa ilang bahagi ng
Timog- silangang Asya
Sa iyong palagay, alin
sa mga paliwanag ng
pinagmulan ng
kapuluan ang Pilipinas
ang kapani-paniwala?
Bakit?
APagsasanay bilang 1.2
Gumawa ng isang vlog (3 hanggang
5 minuto) na nagpapaliwanag ng
pinagmulan ng kapuluan ng
Pilipinas. Maaari kang gumawa ng
sarili mong mito o teorya o gamitin
ang mga paliwanag na ating
tinalakay ngayong araw.
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa
iyong papel ang salitang inilalarawan nito.
1. Paliwanag ng pinagmulan ng kapuluan ng Pilipinas
ayon sa mga kwentong nagpasalinlahi
2. Paliwanag na nagmula sa mga banal na kasulatan
3. Ang kapuluan ng Pilipinas ay mula sa malaking tipak
ng lupain sa daigdig na naghiwa-hiwalay
4. Ang Pilipinas ay bunga ng pagtaas ng tubig sa
karagatan at natabunan ang mga tulay na lupa.
5. Ang Pilipinas ay bunsod ng mga pagkatambak ng mga
volcanic materials.
Wastong Sagot:
1.Mito o Alamat
2. Panrelihiyon
3.Continental Drift
4.Tulay na Lupa
5.Bulkanismo
APagsasanay bilang 2.1

Bumuo ng isang awitin na


tumatalakay sa mahahalagang
pangyayari sa pagsasakatuparan
ng kolonyalismong Espanyol sa
ating bansa. I-record ito o i-
video
Dito nagtatapos ang aralin sa araw na ito!

Maraming Salamat!
Ingat ang lahat!

You might also like