You are on page 1of 9

5

Pagsasalin ng
Kultura
Musika at
Sayaw
• isinaliw ng mga sinaunang Pilipino ang musika sa
kanilang pagsasayaw at iba pang gawain
- Halimbawa ng mga Instrumento
a. gangsa- isang uri ng tansong gong na
ginagamit ng mga taga-Cordillera
b. Kaleleng- ng mga taga Bontok na pinapatunog
ng ilong
c. Tambuli- ng mga taga Tagalog na yari sa sungay
ng kalabaw
- Halimbawa ng mga Awit at Sayaw
a. dallot- isang mahabang berso na binibigkas ng
paawit – hinaharana ng mga sinaunang Ilocano
ang kanilang iniirog
b. ayeg-klu- ng mga Igorot na katumbas ng dallot

- Nilapatan din nila ng himig ang ilan nilang kwento at


epiko. May mga awitin para sa tagumpay sa digmaan,
pagkakasal, pagluluksa, pagsaba sa mga diyos at mga
larong pambata
- Halimbawa ng mga Katutubong Sayaw
a. Tinikling- hango sa galaw ng ibong tikling
b. Pagdiwata- sayaw ng pasasalamat para sa magandang ani
ng mga Tagbanwa sa Palawan
c. Pagtatanim at Paggapas- sayaw ng mga magsasaka sa
Katagalugan
d. Pamulad Isda- sayaw ng pagpapatuyo ng isda ng mga taga
Negros
e. Salidsid- sayaw ng panliligaw ng mga taga Kalinga
f. Bangibang- sayaw para sa paglilibing ng mga yumaong
nakaranas ng marahas na kamatayan ng mga Ifugao
Panitikan at
Sining
- Dalawang Anyo ng Panitikan
a. pasalita- Halimbawa nito ay ang sabi, sawikain,
nugtong, suliranin at indulanin (uri ng awiting
kalye), talindaw (awit sa bangka), uyayi at hele, at
tigpasin (awit ng pagsasagwan)
b. pasulat- halimbawa nito ay Darangan ng mga
Maranao at Ibalon ng Bicolano
- Ginamit din ng mga sinaunang Pilipino ang panitikan
upang maipaliwanag kung paano nilalang ang daigdig at
ang tao, upang maisalaysay ang kabayanihan ng mga
pambihirang tao o diyos.
Dito nagtatapos ang aralin sa araw na ito!

Maraming Salamat!
Ingat ang lahat!

You might also like