You are on page 1of 4

ANG BATA SA CASA COMUNIDAD

ni Elyssa Marielle P. Busque

Sa isang bayan ng
Tayabas, matatagpuan ang isang
napakalumang gusali na tinatawag
na Casa Comunidad de Tayabas.
Kung saan isa ito sa mga
pinakakilalang atraksyon ngayon
sa bayan ng Tayabas. Ang
gusaling ito ay ang pangalawa sa
pinakamalaking bahay na bato sa kapuluan. Ito rin ay maituturing na isa sa mga sinaunang
gusali na itinayo sa bayan, mula pa ito sa panahon ng mga kastila. Sa Casa Comunidad
makikita ang iba't ibang impormasyon sa bayan at mga koleksyon mula pa sa sinaunang
panahon. At dahil sa taglay nitong kalumaan, itinuturing na itong tourist spot ng mga
dayuhan, dito rin nagsimula ang mga kwentong kababalaghan mula rito.

Napakaraming turista na ang pumunta sa Tayabas dahil sa maraming mga alaalang


iniwan ang mga ninuno sa bayang ito. Katulad na lamang ng simbahan ng Tayabas Basilica
at Malagonlong Bridge. Tuwing may dadayo ay hindi maiiwasang hindi puntahan ang mga
lugar na ito kabilang na rin ang Casa Comunidad dahil isa itong museyo. Nakapaloob dito
ang mga libro at iba pang mga sinaunang bagay.

Hanggang sa isang araw, nagkaroon ng isang paglalakbay ang mag-anak na


bumisita sa sinasabing gusali. Ninais nilang mamasyal sa lugar upang madagdagan ang
kanilang karanasan sa ibang lugar. May kalayuan man ang bayan mula sa bahay nila, hindi
naman ito humadlang upang itigil nila ang pamamasyal. Gumamit sila ng bus at jeep upang
makarating dito. Nang dumating sila, agad namang pumasok ang mga pamilya sa loob
dahil sa kasiyahang mamasyal sa loob. Bahagyang nabigla ang pamilya nang makapasok
sila sa loob dahil may kadiliman ito. May ilaw man ngunit hindi sapat upang magkaroon
ng sapat na liwanag sa buong paligid. Tinanong nila sa mga nagbabantay kung bakit
ganoon lang ang mga ilaw sa loob at ang sinabi naman ay para magkaroon ito ng kakaibang
liwanang na pang museyo at makadagdag ng kakaibang experience sa mga taong
pumupunta rito. Hindi na ulit sila nagtanong dahil ang mga bata ay nais nang maglibot at
mamasyal.

Habang namamangha ang mag-anak sa lugar, mula sa kagandahan ng mga


kagamitan at mga disenyo ng lugar, hindi napansin ng pamilya na naglilibot na ang mga
bata sa ibang parte ng gusali. Ang mga batang ito ay mapaglaro kaya naisipan nilang
maglaro ng habulan. Takbuhan dito, takbuhan doon, umabot sila sa ikalawang palapag ng
gusali at doon nagpatuloy ng larong habulan. Hanggang sa natalapid ang isang batang
babae sa isang lamesa at tumama ang ulo sa dulo ng kabinet. Agad namang tinawag ng
ibang mga bata ang kanilang mga magulang upang ipaalam ang nangyari. Nang madatnan
ng pamilya ang batang nakahandusay sa sahig ng ikalawang palapag, naabutan nila itong
walang buhay at punong puno ng dugo. Nagreklamo ang mag-anak sa nangyari sa bata
ngunit wala namang ginawa ang mga tao sa Casa Comunidad dahil hindi raw nila ito
kasalanan, ninais namang ipa-ospital ang bata ngunit tumanggi ang pamilya ng bata dahil
wala naman daw magagawa ang mga doctor dahil wala na itong buhay.

Magmula noon, ang dating Casa Comunidad na


payapa ay punong puno na ng iba't ibang kwento ng
kababalaghan. Tuwing may bibisita sa gusali, palaging ang
bukambibig nila ay may gumugulo sa kanila na isang bata.
May iba ring nagsabi na may nakikita silang natakbong bata
at nais makipaglaro sa mga dumadayo roon. Kakaiba ang
itsura ng batang iyon sapagkat sinabi nilang may disenyo ang
kaniyang katawan at mukha. Hindi lamang basta dugo, ang
sinasabi ng karamihan ay kung ano ang disenyo ng cabinet na
pinagtamaan ng kaniyang ulo ay iyon ang nasa mukha niya. Ang kabinet na ito ay
matatagpuan sa ikalawang palapag ng gusali, sa isang kwarto na nakatago at hindi
madaling makita, sinasabing dito nakatira ang batang babae. Tuwing may bibisita sa Casa
Comunidad, pinagbabawalan nang maglaro sa loob at sinasabihang palaging mag-ingat.
May pagkakataon rin na pinagbabawalang hawakan ang mga kagamitan doon.
Mga katanungan:

1. Anong gusali ang pangalawa sa pinakamalaking bahay na bato sa kapuluan ng


Luzon?
a) Fort Santiago
b) Casa Comunidad de Tayabas
c) Vigan Century Old Houses
d) Tahanan ni Emilio Aguinaldo
2. Saang bayan matatagpuan ang gusali mula sa unang katanungan?
a) Lucena
b) Lucban
c) Tayabas
d) Pagbilao
3. Ano ang ginamit ng mag-anak upang makapunta sa Tayabas?
a) Eroplano
b) Bus at jeep
c) Barko
d) Bangka
4. Sino ang natalapid sa isang lamesa?
a) Batang babae
b) Batang lalaki
c) Nanay
d) Tatay
5. Kung ikaw ay bibisita sa Tayabas, nais mo rin bang pumunta sa Casa Comunidad?
a) Hindi, dahil nakakatakot dito at baka makita ko ang batang babae.
b) Hindi, dahil wala naman akong gagawin doon.
c) Oo, dahil gusto kong makalaro ang batang babae.
d) Oo, dahil gusto kong makita ang kagandahan ng gusali.
6. Sa iyong palagay, bakit patuloy na nagpapakita ang bata?
a) Gusto niyang makipaglaro
b) Gusto niyang maghiganti
c) Hinahanap niya ang pamilya niya
d) Gusto niyang takutin ang mga tao
7. Dapat bang sisihin ng mag-anak ang mga tao dahil sa pagkapatay ng bata?
a) Hindi, dahil dapat binabantayan nila ang mga kasama nila
b) Hindi, dahil hindi naman sila ang pumatay
c) Oo, dahil dapat maliwanag ang buong gusali
d) Oo, dahil sa mga kagamitang nakakasakit
8. Paano mo isasabuhay ang natutunan mo mula sa mito?
a) Huwag nang pupuntang Casa Comunidad
b) Huwag nang bibisita sa Tayabas
c) Makipaglaro upang magsaya
d) Mag-ingat at palaging bantayan ang mga batang kasama
9. Bakit dapat bantayan ang mga batang kasama?
a) Wala silang alam
b) Maaaring maglikot at madisgrasya
c) Maaaring makipag-away sa mga tao
d) Maaaring umiyak nang umiyak
10. May napulot ka bang aral mula sa iyong binasa?
a) Mayroon, at nais ko itong ibahagi sa mga tao.
b) Wala, hindi ko naintindihan ang kwento.
c) Mayroon, at para sa akin lamang ito.
d) Wala, hindi ko binasa.

Mga larawang ginamit:

https://www.google.com/search?q=casa+comunidad&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ve
d=0ahUKEwjQjImAhP_iAhXT62EKHZXJBocQ_AUIECgB&biw=1280&bih=587&dpr
=1.5#imgrc=j4uUrHyGT0Up5M:
https://pin.it/3vb7jufjyyzbw7

You might also like