You are on page 1of 3

Konsepto ng Bahay-kubo at Sari-sari Store

Bahay Kubo: Tradisyonal na pamumuhay ng Filipino sa Bukid

Ang Bahay Kubo ay isang simbolo ng pamumuhay ng buhay sa bukid sa Pilipinas. Ito ang
tahanan ng kahapon na nagbago at nanatili hanggang ngayon. Ang Nipa Huts o Bahay Kubo ay isang
simbolo ng pamumuhay sa rural ng Pilipinas. Ang mga ito ay naiiba sa iba’t ibang lugar, ayon sa mga
kondisyon at kalagayan ng lugar. Ang Bahay Kubo ay isang simbolo ng pamumuhay ng mga Pilipino.

Bagaman nagbago ang mga modernong kubo ng Nipa, nanatiling pareho ang disenyo nito. Ang
mga pader ay kadalasang itinatayo ng mga kawayan o mga banig na kawayan upang mabigyan ang
bahay ng malamig na hangin sa mainit na tag-init at mainit-init sa tag-ulan. Itinayo pa rin ang mga ito
sa isang parisukat na hugis at iniiwang bukas para sa liwanag at lamig. Ang mga bintana ay malaki
upang makatulong na magbigay liwanag at madalas ay bukas sa isang mahabang kawayan, upang
pahintulutanang pag daloy ng hangin.

Anuman ang mga materyales na ginagamit, ang benepisyo sa estilo na ito ay proteksyon mula sa
mga baha at pinapanatili din nito ang mga maliliit na hayop sa labas ng lugar, tulad ng mga daga.
Sa itaas ng mga tungtungan ay ang living area o ang tagalong. Ginawa ito nang bukas at maayos
ang bentilasyon upang makatulong na mapanatili na malamig ang tahanan at upang makapasok ang
natural na liwanag na tumagos sa tahanan. Ang Pilipinas ay napakainit at mahalumigmig, kaya ang
tradisyunal na bahay kubo ay nagbibigay-daan para sa paglamig.

Ang bubong ay karaniwan ng mataas at matarik na tila, lumilikha ng espasyo sa itaas ng sala
para ang mainit na hangin ay dumaloy. Ang mga ito ay binubuo na may thatch, isang materyal na
madaling magagamit. Nagbibigay ito ng malamig na pakiramdam sa kubo sa mahabang mainit na
mainit na tag-init. Ito ang modernong bahay kubo-isang simbolo na nakaligtas at inangkop sa paglipas
ng panahon.
Koseptong Sari-Sari Store

Kahit saan ka tumingin at pumunta ay hindi nawawala ang mga sari-sari store. Madalas ay
magkakatabi pa sila o hindi kaya’y magkakahilera. Tumawid ka lang sa kabilang kalye ay may
tindahan uli. Iisipin mo tuloy kung may kinikita pa kaya ang mga ito sa tindi ng kumpetisyon?
Mayroron pa naman dahil kung wala ay magsisipagsara na lang ang mga ito. Nasa mamimili na kung
saan niya gustong bumili. Pero siyempre kung saan ang mas may murang paninda ay ‘yun ang
maraming suki.

    Hindi na nakapagtataka kung bakit maraming tindahan kahit saan. Ito kasi ang pinakamadaling
paraan ng pagnenegosyo. Basta’t may puwesto ka lang sa harapan ng bahay niyo ay puwede ka ng
magtayo ng tindahan. Kailangan mo lang ay kaunting puhunan at pambayad sa mga permit na
kakailanganin. Basta’t masipag ka lang magpupunta sa palengke para mamili ng mga ititinda.
Siguraduhin mo lang na matao sa lugar ninyo para hindi langawin ang mga paninda. Importante ring
maging maayos ang pakikitungo sa kostumer para ikaw ang lagi niyang bilhan.

    Ang konsepto na rin ng tingi-tingi o ang pagbili ng paisa-isa ang dahilan kung bakit ito tinatangkilik
ng mga tao. Paano’y walang pambili ng bultuhan o maramihan ang mga tao. Kaya’t ang maging ang
malalaking kumpanya na dati-rati ay hindi nagtitingi ay nakisabay na rin sa uso. Hindi ba’t ultimo
deodorant ay nakalagay na sa sachet? Mayroon na ring pisong toyo at suka na nasa sachet din mula sa
sikat na brand. Dati-rati kasi mga homemade lamang ang meron. Isama pa natin sa dahilan na sa sari-
sari store mabibili ang marami nating pangangailangan. Ano pa nga ba ang hahanapin mo sa sari-sari
store? Ika nga, para itong one stop shop. Mula sa mga sahog sa ulam, bigas, gatas, sardinas at
napakarami pang iba ay narito ng lahat. Basta’t lahat ng puedeng ibenta ay ibinebenta. Kaya nga
tinawag na sari-sari store, eh. 

Ayon sa mga may-ari ng tindahan hindi naman kalakihan ang kinikita sa pagkakaroon ng tindahan
dahil nakadepende lang ito kung maraming bumili sa iyo sa loob ng isang araw. Pero makatutulong ito
ng malaki sa mga gastusin sa bahay at ang maganda nga rito ay nakabase ka lang sa bahay. Nakabawas
pa sila sa bilang ng mga walang trabaho dahil sila ang lumikha ng sarili nilang trabaho.Ang kalaban
mo lang rito ay pagkainip kapag walang gaanong bumibili. Kaya ang iba ay nagpapautang para
mabilis na maubos ang kanilang paninda. 
Konsepto ng Bahay-kubo at Sari-sari Store
Konklusyon:
“Bahay Kubo kahit munti, ang halaman doon ay sari-sari.”, wala sa panlabas na anyo ang
kahalagahan ng isang bagay, kundi ito ay dapat nasasalamin sa kaniyang kayang ibigay, bahay kubo
na hindi man gawa sa bato o simento, ay siya pa ring nagbigay ng tirahan sa ating mga ninuno. Sari-
sari Store na hindi man kalakihan, ay nagbigay naman ng kakanin sa mamamayan. Ngayon at nalaman
natin ang mga sikreto sa mga katutubong konseptong ito, ay mas nalaman natin kung gaano nito
sinisimbolo ang mga Pilipino, sa larangan ng arkitektura , kultura, at personalidad na hanggang sa
ngayon ay buhay na buhay at siyang nananatili.

Sanggunian:
Bahay kubo: TRADISYONAL na Pamumuhay ng Filipino SA Bukid. EXPLORETRAVELER. (2021, September
3). Retrieved September 23, 2021, from https://exploretraveler.com/bahay-kubo-tradisyonal-na-
pamumuhay-ng-filipino-sa-bukid/.
Unknown. (1970, January 1). Koseptong Sari-Sari Store. Retrieved September 23, 2021, from
https://williamrodriguez11.blogspot.com/2014/11/koseptong-sari-sari-store.html.

You might also like