You are on page 1of 4

Bahay Kubo

Bahay-kubo, kahit munti


Ang halaman doon ay sari-sari
Singkamas at talong
Sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani
Kundol, patola, upo't kalabasa
At tsaka mayro'n pang
Labanos, mustasa
Sibuyas, kamatis, bawang at luya
Sa paligid-ay puno ng linga

Bahay-kubo kahit munti


Ay matibay at tunay nating yaman
Bahay-kubo kahit munti
Matatawag nating tahanan

Haah...
La la la la la la la la
Haah...
Ohhh...

Bahay-kubo, kahit munti


Ang halaman doon ay sari-sari
Pag-ibig at galak
Kagandahan ng loob
At pagpapa-hinuhog
Kapayapaan, pang-unawang matapat
At tsaka mayro'n pang
Kabutihang yakap
Kahit ...
Matindi sa tuwina
Sa paligid-ligid may pagkakaisa...

Bahay-kubo kahit munti


Ay matibay at tunay nating yaman
Bahay-kubo kahit munti
Matatawag nating tahanan

La la la...
Magtanim ay Di Biro
Magtanim ay di biro,
Maghapong nakayuko.
Di man lang makaupo,
Di man lang makatayo.

Braso ko'y namamanhid,


Baywang ko'y nangangawit.
Binti ko'y namimitig,
Sa pagkababad sa tubig.

Sa umagang paggising,
Ang lahat iisipin.
Kung saan may patanim
May masarap na pagkain.

Braso ko'y namamanhid,


Baywang ko'y nangangawit.
Binti ko'y namimitig,
Sa pagkababad sa tubig.

Halina, halina, mga kaliyag.


Tayo'y magsipag unat-unat.
Magpanibago tayo ng lakas,
Para sa araw ng bukas.
Para sa araw ng bukas!
Sitsiritsit Alibangbang
Sitsiritsit, alibangbang
Salaginto, salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri'y parang tandang

Santo Niño sa Pandacan


Puto seko sa tindahan.
Kung ayaw mong magpautang?
Uubusin ka ng langgam.

Mama, mama, namamangka


Pasakayin yaring bata
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng manika

Ale, ale namamayong,


Pasukubin yaring sanggol
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong.
Tiririt ng Maya
Tiririt ng Maya,
Tiririt ng Ibon,
Ang huni ng t'yan ko'y
Tinumis na baboy;

Tiririt ng Ibon,
Tiririt ng Maya,
Ang huni ng t'yan ko'y
Tinumis nabaka.

You might also like