Professional Documents
Culture Documents
2 Gold Ginto
3 Silver Pilak
4 Blue Asul
5 Green Berde
6 Orange Kahel
7 Pink Rosas
8 Purple Lila
9 Red Pula
10 Yellow Dilaw
11 Rainbow Bahaghari
12 Brown Kayumanggi
13 Black Itim
14 White Puti
15 Gray Abo
chalk – tisa
silya – salumpuwit
eroplano = salipawpaw
charger = pantablay
headset = pang-ulong hatinig
microphone = mikting
website = pook-sapot
Sawikain
1. Bukas ang Palad = Matulungin
Talagang bukas ang palad ni Rodrigo pagdating sa mga kasama niyang mangingisda.
2. Amoy Pinipig = Mabango
Palaging amoy pinipig ang guro nila sa Filipino.
3. Kabiyak ng Dibdib = Asawa
Sa bayan nagtratrabaho ang kabiyak ng dibdib ni Aling Myrna.
4. Butas ang bulsa = Walang pera
Maraming bayarin sa bahay nila kaya butas ang bulsa ni Kiko ngayon.
. Lantang Gulay = Sobrang pagod
Parang lantang gulay ang inay noong dumating siya sa bahay galing sa pag-lalabada.
6. Nagsusunog ng Kilay = Masipag mag-aral
Araw-araw ay nagsusunog ng kilay ang batang si Jaime.
7. Pag-iisang Dibdib = Kasal
Malapit na ang pag-iisang dibdib nina Carlos at Gina kaya abala na sila sa paghahanda ngayon.
8. Makapal ang Palad = Masipag
Paborito ni Tiyo Berting si Richmond sa pagiging makapal palad nito.
9. Kilos Pagong = Mabagal
Binantaan na ni Cora si Theo na bawal ang kilos pagong sa grupo nila.
10. Mapurol ang Utak = Hindi matalino
Kahit mapuro ang utak ni Christopher, mabuti naman ang kanyang kalooban.
Bugtong
Tumingin ka sa akin, ang makikita mo’y ikaw din.
Sagot: Salamin o “Mirror”
11. Ikinalat ng iyong kapatid ang koleksyon mong mga laruan. Ano ang angkop na pangungusap ang
dapat mong sabihin sa iyong kapatid?
A. Pulutin mo ang mga laruan ko.
B. Ibalik mo sa lalagyan ang mga laruan ko.
C. Pakibalik ng aking mga laruan sa tamang lagayan.
D. Hindi ka na makakahiram ng mga laruan ko.
12. Saang bahagi ng pahayagan mo ito makikita? Nais mong malaman ang pinakatampok na
balita ukol sa mga nangyayari sa gobyerno o sa mga insidenteng nangyayari sa iba’t ibang lugar.
A. Lathalain
B. Opinyon
C. Isports
D. Ulo ng Balita
13. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit sa pangungusap? Butas ang bulsa ni Susan kaya
hindi niya maibili ng computer ang kanyang anak.
A. Mayaman
B. Walang pera
C. Madamot
D. Mapagbigay
14. Ano ang nagsasaad ng kilos sa pangungusap? Nagdudulot ng masamang epekto ang bawal na gamot.
A. Masama
B. Gamot
C. Nagdudulot
D. Bawal
15. Ano ang sagot sa bugtong na ito? Anong nilalang ng Diyos na laylay ang ulo kung matulog?
A. Ibon
B. Paniki
C. Isda
D. Ahas