You are on page 1of 26

PAGKONSUMO

Grade 9
AGENDA
Pagpapakita ng halimbawa ng
Pagkonsumo at katangian ng isang
matalinong mamimili.
Narrator 3

PANIMULA
Ang pagkonsumo ay ang tawag sa mga pagbili o pagtustos sa mga
pangangailangan ng tao. Ang pagkonsumo ng tao ay naaayon sa
kanilang kakayanan. Dahil dito hindi pare-pareho ang kaya nating
bilhing produkto o serbisyo. Maraming salik o factors ang
nakakaapekto sa ating pagdedesisyon kung ano o paano tayo bibili ng
isang gamit o serbisyo, madalas ito ay nakadepende sa gusto mo, sa
badyet lalo na kung magkakaroon ng biglang pagtaas ng presyo sa
merkado na nakabatay sa suplay at demand, raw materials o hilaw na
materyales, sa kinikita o income, mga binabayarang mga utang,
panahon at impluwensya ng ibang tao.
Ngayon sabay sabay nating tunghayan ang maikling pagsasadula ng
ilang halimbawa na nagpapakita kung paano ang lahat ng ito ay
nakakaapekto sa araw araw na buhay ng bawat isa.
EKSENA #1
Sa pamilihang bayan ng San Bartolome
Presentation title 5
Eksena 1 6

TAONG 2012
Eksena 1: Sa palengke. Ang mag inang Annie at anak nitong si Mico ay nagpunta sa Pamilihang Bayan ng San Bartolome
upang mamili ng kanilang mga kailangan sa negosyong chili sauce. Nagtingin tingin sa paligid si Annie upang masuri ang
presyo ng iba’t-ibang kakailanganin niya sa kanyang produkto.

Aling Annie: Magandang araw po Aling Marry! Magkano po ang kilo ng siling labuyo?

Aling Marry: Magandang araw din sa iyo Annie! Ah iyang labuyo? 80 per kilo.

Aling Annie: (sinusuring mabuti ang produkto bagamat magaganda naman ang tinda nito, muling maghahanap ng ibang
pwesto upang maikumpara ang presyo at kalidad ng produkto)

Aling Annie: Magandang araw po Aling Emma! Mukang magaganda ang tinda mong siling labuyo. Magkano po ang kilo
niyan?

Aling Emma: Oh, ikaw pala Annie! Magandang araw din sa iyo. Ah oo, bagong deliber lang ang mga iyan, fresh na fresh pa. 75
per kilo lang yan Annie.

Aling Annie: Ang gaganda po at maayos ang pagkaka deliber. Sige po, bibili ako ng dalawang kilo.

Aling Emma: Oh heto (inabot ang plastik o tray), ikaw na ang pumili ng ayon sa gusto mo.
7

“ ANG MAGKAIBANG PRESYO NG DALAWANG TINDERA AY MAAARING


DAHIL SA BINABAYARANG PWESTO, SA BAYAD SA TAUHAN KUNG MERON,
AT ANG BAYAD SA PINAG AANGKATAN NITO NG PRODUKTO. MALAKI DIN
ANG IMPLUWENSYA NG SUPLAY AT DEMAND SA LAHAT NG PRODUKTO.
NGUNIT SA PUNTONG ITO, KAYA KAY ALING EMMA BUMILI SI ANNIE
DAHIL MAS MAGAGANDANG KLASE ANG PRODUKTO AT HAMAK NA MAS
MURA. MARAHIL ANG PANINDA NI ALING MARRY AY MAHAL DAHIL SA


MGA NABANGGIT NA KADAHILANAN AT HINDI LANG DAHIL SA PISIKAL
NITONG ANYO.

Tandaan
EKSENA #2
Sa pamilihang bayan ng San Bartolome part 2
Presentation title 9
Eksena 2 10

TAONG 2015
Eksena 2: Makalipas ang ilang taon patuloy ang pagnenegosyo ni Annie ng chili sauce. Ngunit dahil na din sa paglipas ng taon
nagkaroon ng pagbabago ng presyo ang ilang mga bilihin marahil dahil sa suplay at demand, sa panahon, at iba pang salik. Sa
puntong ito, parehong produkto ang ipapakita, ang siling labuyo. Alam natin kung gaano kalaki ang itinaas ng presyo nito na
halos umabot pa sa halagang higit kumulang ₱1,000.00 na ikinagulat ng lahat na hanggang sa ngayon ay patuloy ang pagtaas.

Maraming tao sa Pamilihang Bayan ng San Bartolome, siksikan at kaliwa’t kanan ang mga salitang “wala na ho bang bawas
yan?” daing ng mga mamimiling nakikipagtawaran sa mga nagtitinda ng isda, karne, gulay, at iba pa. Dahil sa taas presyo
halos hindi na din kumikita ang ilang negosyante.

Mico: Nay! Doon nalang po tayo Aling Emma bumili. Siguradong mura lang sa kanya.

Aling Annie Tingnan natin Anak.

Aling Annie: Aling Emma, kamusta po? Magkano po ang kilo nito? (Sabay turo sa siling labuyo)

Aling Emma: Nako Annie ikaw pala. Nasa 800 na ang per kilo niyan. (Malungkot na pagtugon nito)

Mico: Ano po? Grabe naman po kayo, pati kayo Aling Emma nagtaas na din ng presyo? Halika ka na nay, kay Aling Marry na
nga lang tayo bumili. (Inis na sabi nito sa kanyang ina)
Eksena 2 11

TAONG 2015
Aling Emma: Iho, hindi ko din naman ito kagustuhan. Grabe ang itinaas ng presyo nito ngayon tila
pahirapan na din kasi ang pag angkat. Kahit san ka pumunta sa bayan na ito ganyan na ang presyuhan.
Aling Annie: Oo nga anak, napanood mo ba sa balita na nagtataas na halos lahat ng presyo ng bilihin.
Mico: Ganon po ba? Pasensya na po kayo Aling Emma.
Aling Annie: Nagtingin na din po ako sa iba parehas lang po ng presyo. Dahil nandito na din po ako dito na
po ako bibili. Isang kilo lang po Aling Emma.
Aling Emma: Oh heto, salamat sa inyo.
Aling Annie: Anak, alam mo ang pagpapalit ng presyo ay hindi kagustuhan ng negosyante. Hindi sila
maaaring basta basta magtaas ng presyo dahil bawal din ang overpricing sa batas. Maraming kadahilan
kung bakit ganon ang sitwasyon. Dahil don, kailangan din nating mag isip ng paraan paano natin
mapagkakasya ang ating badyet para matugunan lahat ng ating pangangailangan. Sa puntong ito marapat
na tayo ay maging isang matalinong mamimili.
Eksena 2 12

TAONG 2015
Mico: Sa paanong paraan po nay? Anong matalinong mamimili?

(Pumunta sa pinakamalapit na mini grocery store ang mag-ina at habang namimili ay ipinapaliwanag ni Aling Annie kay Mico ang
katangian ng isang matalinong mamimili)

Aling Annie: Bibigyan kita anak ng isang simpleng halimbawa. Napansin mo ba na maraming magkakaparehong produkto? Sa brand
lamang sila nagkakaiba at presyo?

Mico: Hmm. Opo, gaya po ng toyo. Ang daming brand nay minsan nga po kapag inuutusan mo ko kahit anong klaseng toyo pa yan pwede
na.

Aling Annie: Tama maraming brand ang toyo. Pero hindi mo ba napansin na hindi sila pareho ng presyo at kung minsan ay ng lasa?
Merong napakaalat, at merong manamis namis? Kung minsan akala natin na dahil sila ay magkakulay ay pareho na sila.

Mico: Ay! Hindi ko po napansin inay! (Sabay kamot ng ulo at tawa)

Aling Annie: (patuloy sa pagtingin ng mga bibilihin sa grocery)

Mico: Nay! Eh napanood ko din po pala na magkakaroon ng taas presyo ang gatas. Marapat sigurong bumili na tayo ng marami at iimbak
ng sa gayon ay makatipid tayo at higit sa lahat eh baka magkaubusan pa! (Sabay kuha ng napakaraming karton ng gatas).
Eksena 2 13

TAONG 2015
Aling Annie: (Umiiling at napangiti sa anak at pinigilan ito sa pagkuha ng gatas) Anak, hindi natin kailangan mag panic
buying. Bilang isang matalinong mamimili hindi ka dapat mabahala dito, mas mabahala tayo kung maraming tao ang
mag panic buying at mag hoarding.

Mico: Ha? Panic Buying? Ano po iyon?

Aling Annie: Ang panic buying ay gaya ng ginagawa mo ngayon. Gusto mong bumili ng higit pa sa kaya mong ikonsumo
dahil natatakot ka na baka maubusan ka at higit sa lahat ay magkaroon na naman ng taas presyo.

Mico: Ganon po ba? Hmm (napaisip ito sa sinabi ng ina)

Aling Annie: Anak, kapag ikaw ay bumili ng sobra sobra o higit pa sa iyong pagkonsumo mas mapapalala lamang ang
sitwasyon dahil mas magiging mahirap ang pag angkat o pagbili ng produkto. Mas mapapadali ang pagkaubos nito at
maaaring tumaas pa ang presyo dahil tataas ang demand.

Mico: Hindi po pala maganda ang panic buying. Dapat tayo ay mamili lamang ng naaayon sa ating kakayahang at
pagkonsumo.

Aling Annie: Tama! Marami ka pang malalaman Mico.


EKSENA #3
Sa Department Store
Presentation title 15
Eksena 3 16

DEPARTMENT STORE
Eksena 3: Sa kabilang dako, ang dalawang magkaibigan na sina Tina at Elaine ay parehong bagong sahod.
Sila ay namasyal sa isang Mall upang mag “window shopping”. Ang isa sa kanila ay kumikita ng halos
₱40,000.00 sa isang buwan at ang isa naman ay nasa ₱25,000.00 kada buwan. Malaki ang diperensya ng
kanilang kinikita dahil sa magkaiba ang kanila trabaho at kompanya. Dahil sa pagsapit ng araw ng kanilang
sahod, napagpasyahan nilang magkita.
Tina: (Tumawag sa Cellphone) Elaine! Kamusta? Oh, yung lakad natin mamaya ah wag mo kalimutan.
Elaine: Oo naman Tina! See you later!
Eksena 3 17

DEPARTMENT STORE
Pagdating sa Mall, agad silang pumunta sa Department Store at ilang boutiques. At ng meron na silang napusuang
produkto sila ay huminto at sinuri pa ang ibang paninda. Agad na kinuha ni Tina ang isang handbag na nagkakahalang
₱4,000.00 siya ay sobrang nagandahan sa kulay, sa itsura, at tingin niyang bagay na bagay ito sa kanya.

Tina: Elaine!!! Tingnan mo ang ganda nitong handbag. Favorite color ko pa at ang ganda din ng style. Ito yung gamit ng
idol natin. OMG!!! Bilhin natin, terno tayo. Sige na! Sabayan na din natin nitong scarf!

Elaine: Oo nga ang ganda! Sige bilhin natin. Akin itong isang kulay.

Masayang namili ang magkaibigan. Ang isa ay cash na binayaran ang handbag at ang isa naman ay credit card. Sa
puntong ito ang paggastos ng isa ay pasok sa isang salik ng pagkonsumo na pag utang. Ang credit card ay isang paraan
ng paghiram ng pera sa bangko na iyong babayaran buwanan o depende sa napagkasunduan niyo ng bangkong iyong
pinag aplayan. Natural na itong may interest rate lalo na kapag ikaw ay nahuli sa pagbayad.

Matapos mamili ng kailangan at gusto nilang mga produkto. Sila naman ay nagtungo sa isang restaurant. Masayang
kumain at nagkwentuhan ang dalawa. Matapos ang ito agad na silang umuwi.
DEPARTMENT STORE
Eksena 3 18

Makalipas ang isang buwan. Nagpadala na ng bill ang bangko ni Elaine para sa Bill ng kanyang Credit Card. Matapos makita ang
babayaran niya ay naging matipid na ito sa kanyang gastusin hanggang sa makabayad. Agad siyang napaisip na hindi akma ang kanyang
kinikita sa kanyang paggastos. At simula nito ay unti unti na itong nagtitipid at binibili lamang ang kailangan, minsan nabibili pa din
naman nito ang mga gusto nito. Ang kaibahan nga lang ay mas mapanuri at nagkukumpara na din ito bago niya bilhin ang isang produkto
o serbisyo.
Muli silang nagkita ni Tina at katulad ng dati sila ay namasyal sa isang mall. Patuloy sa pag ikot at pagtingin ng mga produkto ang dalawa
hanggang sa…
Tina: Elaine! Bilhin natin tong sapatos sakto kailangan mo din ito sa isang event niyo di ba? Magandang brand at higit sa lahat paborito
ito ng idol mo oh.
Elaine: Nako, eh sa susunod nalang ako bibili niyan. Tsaka nakita ko ang dami ko pa palang sapatos sa bahay na hindi nagagamit. At eto,
tingnan mo parehong pareho sila ng kulay, ng itsura, ng kalidad at mas mababa ng kaunti ang presyo kung kailangan ko talaga ay ito
nalang. Ikaw ayaw mob a magtingin pa sa iba?
Tina: Ha? Sigurado ka ba jan? Eh hindi naman yan yung sa commercial ng idol mo. And besides hindi ganon ka kilala ang brand niyan.
Elaine: Oo Tina, sigurado ako. Pareho naman sila, bagamat may ilang maliliit na detalyeng magkakaiba, di naman ganoon ka pansin.
Tina: Hmm.. Ikaw ang bahala. Bibilhin ko na ito at ternohan pa natin ng dress na yon!
Elaine: (Napangiti lamang at patuloy din sa pagtingin sa iba pang produkto)
Eksena 3 19

DEPARTMENT STORE
Tina: Siya nga pala, nabanggit mo na bibili ka ng second hand na laptop?
Elaine: Ah, eh oo kasi kailangan ko na din talaga sa trabaho at may gusto akong gawing Negosyo.
Tina: Check mong maigi ang laptop at magtanong ka din muna bago mo bilhin. Kumpara mo sa presyo ng
brand new. Mamaya kasi niyan kapag nasayo na may sira pala na hindi mo lang pansin at higit na mas
mahal ang pagpapaayos parang bumili ka na din ng brand-new.
Elaine: Nako! Salamat sa paalala mo Tina! Napaisip tuloy ako. Pag iisipan at susuriin ko muna, mahirap
kapag walang warranty ang isang produkto.
EKSENA #4
Sa Kabilang dako ng Department Store
Presentation title 21
Eksena 4 22

DEPARTMENT STORE
Eksena 4: Sa kabilang banda ng Department Store mayroong isang mamimili na pumunta sa Customer
Service Center upang magbalik ng produkto.
Customer: Magandang araw po!
CRS: Magandang araw Sir! Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?
Customer: Mayroon kasi akong nabiling damit kanina lang, ngunit sa aking pagmamadali ay hindi ko na
napansin na ito ay may tastas at agad kong binayaran. Pagdating ko sa aking sasakyan tiningnan ko ito at
Nakita maaari pa bai tong mapalitan?
CRS: Maaari po ko po bang makita ang damit at ang resibo?
Customer: Heto.
CRS: Salamat po. (Sinuri ang damit at nakitang totoo naman ang sinasabi ng kostumer) Pasensya na Sir sa
abala. Tama po kayo may damage nga po. Kaya lang po ito po ay last piece na, wala na po kaming stock.
Customer: Ganon ba? Sayang naman gusto ko pa man ang din ang style niyan.
CRS: Wag po kayong mag alala. Marami po kayong makikitang pamalit nito at pareho din pong presyo.
Customer: Sige hahanap ako.
CRS: Kapag nakahanap po kayo balik lamang po kayo dito. Salamat po.
Mga Tauhan 23

MGA TAUHAN

ALING ANNIE MICO TINA ELAINE


Eksena #1 at #2 Eksena #1 at #2 Eksena #3 Eksena #3
Mga Tauhan 24

MGA TAUHAN

CUSTOMER CUSTOMER SERVICE


RESPRESENTATIVE
Eksena #4 Eksena #4
Pagtatapos 25

PAGTATAPOS
Sa puntong ito, hindi naging mapanuri ang mamimili at sa bandang huli siya ay bumalik upang
ibalik ang produkto. Bagamat naayon naman sa batas ang kanyang pagbalik ng produkto dapat ay
mas naging mapagmatyag siya sa pamimili.
Bilang isang mamimili tayo ay protektado ng Consumers Act o RA 7394, na kung saan layunin
nitong protektahan ang lahat ng konsyumer laban sa mga negosyanteng mapanlinlang o hindi
patas sa pagbebenta ng mga produkto o serbisyo.
Laging tatandaan na bilang isang mamimili ay responsibilidad din nating maging maingat at
maging mapanuri, humanap ng alternatibong produkto, huwag basta basta papadala sa mga
anunsyo o higit na panggagaya o imitation, maging makatwiran sa pagbili, at mainam kung tayo
ay maglaan ng badyet sa ating mga gastusin.
SALAMAT!

You might also like