Ang Mundo NG Mga Online Sellers Feature

You might also like

You are on page 1of 2

ANG MUNDO NG MGA ONLINE SELLERS

“Pa-mine na lang po!”


“PM for the price, mga sis!”
“Murang-mura na, mga mars!”
Bago pa man mambulabog ang salot na COVID-19, sila’y umaarangkada na. Sila ang mga
makabagong entrepreneur ng kasaysayan. Sinong mag-aakalang pwede pala kumita maliit man
o malaking halaga kahit nasa bahay lang. Malakas na internet, load at selpon lang ang tangi
mong kailangan at viola! Pwede ka na kumita! Pero s’yempre ‘yong paninda, wag mong
kalilimutan. Sinong ima-mine? Ikaw?
Halos lahat na ata ng uri ng klase: damit, hygiene kit, school supplies, kitchen utensils, mga
gadgets, alahas, pagkain at kung anu-ano pa. Kulang na lang house and lot ang ibenta. Huwag
ka, mayroon ngang nagbebenta ng sasakyan e. So hindi malabong pati lote ng kapitbahay,
p’wede na rin ipa-mine!
Bata, matanda, may ipin o wala, pwede ka mag-negosyo. Hindi rin kailangang degree holder ka.
Walang discrimination sa online selling, guys. Basta’t may nagliliyab kang sipag at tiyaga,
p’wede ka rito! Isa itong marangal na trabaho. Nang dahil sa online selling, maraming
nakakakain na pamilya, maraming estudyante ang nakapagbabayad ng matrikula, maraming
mahirap ang umangat sa buhay. Maraming dependent ang naging independent. Kaya’t ikaw,
kung gusto mo makatulong sa iyong magulang sa kabila ng murang edad, subukan mo ang
online selling at baka nandito ang iyong kapalaran.
“Sa mundo ng online selling, RESELLER kita, SUPPLIER mo ako. Hindi mo ako boss, hindi rin
kita boss. BUSINESS PARTNERS tayo dito na parehong gusto kumita. Kaya magtulungan tayo
para umunlad ang ating negosyo”
Sa mundo ng online selling, masasaksihan mo ang simpleng bayanihan. Maraming suppliers
ang may magandang loob at bukas-palad na tumulong sa mga resellers na nag-uumpisa pa
lang. Gagabayan ka nila at hindi hahayaang maligaw sa bagong negosyo mong tinatahak.
Minsan pa’y nagbibigay ng malaking discount kapag marami ka ng naibebenta.
Mataas ang pagtingin ko sa mga online sellers. Isipin mo, oorder ka lang kung nasaan ka ‘man,
tapos sila na bahala mag-deliver. Ready to serve sila matindi ‘man ang sikat ng araw o
nagngangalit man ang kaulapan. Ito ang mundo nila, kaya’t pakiusap kapatid, huwag nating
baratin! Minsan pa’y kulang pa pang-gasolina ang kanilang hinihingi. Marahil marami silang
binubuhay sa kanilang pamilya. At sa panahon ngayon, mahirap kumita ng pera. Lubos silang
naapektuhan ng pandemya.
At pakiusap, h’wag naman tayong bogus buyers. H’wag natin silang pagtripan sa t’wing nagla-
live selling sa Facebook. H’wag i-mine kung ‘di naman talaga gusto. Nagtatrabaho sila ng ayos,
h’wag natin ipagkait sa kanila ang salitang respeto. Kung hindi tayo sure sa bibilhin, pag-isipan
muna natin hindi ‘yong naka-pack na ang lahat saka pa tayo magka-cancel. Very wrong yarn,
kapatid. Minus one ka sa langit.
Sa pagtatapos ng artikulong ito, isang pagpupugay sa mga dakilang online sellers na patuloy na
lumalaban sa buhay sa kabila ng bogus buyers, pandemya at iba pang suliranin sa buhay.
Isang mainit na birtwal yakap para sa inyo. Balang araw, yayaman din kayo!

You might also like