You are on page 1of 1

Tulong o Mapanganib na Adiksyon?

JNT Delivery! Ala sais palang ng umaga ay ito ang mensaheng natatanggap ng mga estyudante.
Kaya naman pagdating ng alas-dose madalas nating marginig ang mga salitang “ yung parcel ko nandyan
na” o di kaya naman ay “pakuha nga ng parcel ko”.

Sa panahon ngayon ay sumisikat at umu-uso na ang online shopping lalong lalo na sa ating mga
kabataan. Kabilang na dito ang Shoppe, Lazada at Tiktok na madalas nating marinig kung online
shopping ang pag-uusapan.Ang tanong ito ba ay nagdudulot ng kaginhawaan at kasapatan sa
pamamagitan ng pagiging accessible at madaling gamitin ito o ito ay nagiging isang adiksyon lang na
nakakasama sa atin?

Hindi natin maikakaila na ang online shopping ay nagbibigay ng maraming kaginhawaan at


benepisyo sa ating mga kabataan. Ito ay nagbibigay ng mas malawak na pagpipilian ng mga produkto at
serbisyo na hindi gaanong magagawa ng tradisyunal na pamimili.

Gayunpaman, hindi natin maiiwasan ang mga negatibong epekto nito. Ang pagkaadik sa online
shopping ay nagdudulot ng sobrang paggasta ng pera ng mga estyudante. Sa halip na magtipid at maging
praktikal sa pamimili ito ay nagiging sanhi ng hirap sa pagkontol ng mga gastusin at pagkakautang. Oo,
tama ang iyong nabasa kaibigan, ang ilang mga estyudante ngayon ay nagkakautang dahil sa pagka-
addict sa online shopping na minsan pa nga ay sa guro na umuutang ang ilan para lang may pambayad.
Bukod pa rito, dahil rin sa pagka-addict ay nakakalimutan ng ilan ang paggawa sa kanilang mga takdang-
aralin at proyekto.

Kaya para sayo kaibigan na mahilig sa online shopping, masaya ka ba kapag nakakabili ka ng
mga gamit na galing sa utang? Masaya ka bang nakakasabay ka nga sa uso pero sandamakmak naman
ang utang mo? Payo ko lang sayo kaibigan, magisip-isip ka na habang maaga pa, habang hindi pa
dumadami ang pinagkakautangan mo itigil mo na yan kaibigan.Hindi na iyan tama.

Sa kabuuan, nakakatulong ang onine shopping pero kapag hindi na ito naaayon sa tama at
balanse, ito ay nagdudulot ng masama sa atin. Mahalagang bigyan natin ng pansin ang isyung ito upang
makatulong sa kapwa nating estyudante na magkaroon ng disiplina. Lagi nating iisipin ang ating mga
magulang na naghihirap at nagsasakripisyo para lang mabigay sa atin ang ating mga pangangailangan,
matuto sana tayong magtipid at makuntento kung ano man ang meron tayo. Huwag sana tayong bumili
online para lang makasabay sa uso kundi, bilhin lang sana natin ang ating mga pangapangilangan. Huwag
basta-basta nag-aadd to cart at umoorder online kung wala naman tayong pambili.

Kaya para sayo kaibigan, nakakatulong ba o isang adiksyon lang ang online shopping?

You might also like