You are on page 1of 1

Ipinasa nina: Anuada, Kim, Arellano, Aaron, Santos, Imogen STEM 18

SURING PAPEL

1. Ang ipinahihiwatig ng larawan na hindi na bumaba ang presyo ng bilihin at patuloy lamang ito
tumataas, ito ay tinatawag na inflation. Makikita mo sa larawan na ang arrow ay may oras na
ito'y baba at may oras na ito'y tataas ngunit ang ilang beses nitong paiba iba ay biglang hindi na
ito nagbago, pataas nang pataas lamang ang mga presyo ng bilihin.

2. Ang mga taong may tiyak na kita lamang. Sila ang mas naaapektuhan nito sapagkat ang
kanilang mga kinikita ay sakto lamang sa badyet ng kanilang mga kinakailangan sa araw-araw,
kaya’t kapag nagkakaroon ng implasyon, ang kanilang mga nabibili ay kaunti lamang at hindi na
sapat para sa kanila.

3. Ang pagtaas ng mga bilihin o implasyon ay dahil sa pagkakaroon ng mataas na


pangangailangan ng mamimili. Dahil dito nahihirapan ang mga bahay-kalakal na magtustos ng
produkto ayon sa pangangailangan ng mamimili. Sa ganitong sitwasyon, upang makontrol ang
pagtutustos ng produkto, tataasan ng mga tindero/tindera ang presyo ng produkto ng sa gayon
makakaapekto ang pangangailangan ng tao.

4. Dahil hindi tugma ang pagtaas ng bilihin sa taas ng sweldo o kita ng isang mamamayan, at
tumataas rin ang supply demand ng isang produkto dahil sa implasyon, daragsa ang mas murang
imported na produkto. Mas tatangkilikin ng mga mamayanan nahihirapan dahil sa implasyon ang
mas murang imported goods at bababa na rin ang kita ng mga lokal na negosyante.

5. Upang maiwasan o maibsan ang implasyon, bilang estudyante marapat lamang na tangkilikin
natin ang mga produkto ng ating sariling bayan at maging matipid sa mga bagay na ating
kinukunsumo sa araw-araw. Bata pa lamang dapat tinuturuan na nating ang sarili paano
magbadyet ng tama.

You might also like