You are on page 1of 2

A.

Isulat ang KANAN kung ito ay nagpapakita ng demand up samantalang isulat ang KALIWA kung
nagpapakita ng demand down.

1. Pagtaas ng presyo ng sili.

2. Inaasahan ng mga mamimili ang pagbaba ng presyo.

3. Pagtaas ng kita ni Von.

4. Pagtaas ng presyo ng keso de bola sa Araw ng Pasko

5. Pagbaba ng presyo ng karne baboy sa bansang India

Maramihang pagpipili.

1-2. Sa halagang Php10 ay nakabili ka ng 10 bareta ng nakaugaliang brand ng sabon. Nang tumaas ang
presyo nito sa Php15, nakabili ka ng 8 bareta ng sabon.

1. Ano ang price elasticity ng sabon?

a. 0.3 c. 1.4

b. 0. 4 d. 0.5

2. Anong uri ng elastisidad ang nakuha mula sa nakompute na price elasticity ng sabon?

a. Elastic c. Ganap na Inelastiko

b. Ganap na Elastiko d. Inelastic

3. Si Carol Anne ay isang napakagaling na negosyante. Noong itinaas niya ang presyo ng kanyang
ipinagmamalaking produkto ay halos wala ng bumibili nito. Ano ang kalagayan sa pamilihan ang
pagkakaroon ng sobrang produkto at halos walang bumibili nito dahil sa taas ng presyo?

a.Shortage c.. Surplas

b. Ekwilibriyo d.. Scarcity

4. Si Wit Ty ay isang minimum wage earner ng isang pabrika. Ang kaya niyang bilhin sa kanyang kinikita
ay mga produktong may mura o may maliit na halaga. Ano ang tawag sa mga produktong binibili ng isang
tao na may maliit lamang na kinikita?

a. Superior Goods c. Inferior Goods

b. Interior Goods d. Relief Goods


5. Kung ang demand ay may magkabaliktaran na ugnayan ng presyo at demand o inverse relationship,
ano naman ang ugnayan ng presyo at ng supplay?

a. Direct Relationship c. Negative Relationship

b. Indirect Relationship d. Equal Relationship

Basahin ang balita at sagutin ang sumusunod na pamprosesong tanong.

Sa presyo ng bigas, bawang just-tiis - MalacañangRudy Andal at Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) |
June 17, 2014MANILA, Philippines - Umapela ang Malacañang sa taumbayan na magtiis-tiis muna sa
mataas na presyo ng bigas, bawang, at luya dahil wala silang magagawa para kontrolin ito bunsod nang
idinidikta ng “market forces” ang halaga ng mga ito.Ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr, tinututukan
naman ng National Food Authority (NFA) ang presyo ng bigas na ang pagtaas ay dulot ng mababang
supply at inaasahang magiging matatag ang supply kapag dumating ang inangkat sa ibang bansa sa
susunod na dalawang buwan. Sinabi pa ni Sec. Coloma, ang tumataas na halaga ng luya at bawang ay
maaaring sa sitwasyon ng law of supply and demand o maaaring kulang ang mga produkto sa pamilihan
sa pangangailangan ng mga mamamayan. Walang binanggit si Coloma na ipatutupad na hakbang ang
pamahalaan hinggil sa isyu at hinihintay pa aniya ng Malacañang ang ulat ng Department of Agriculture
(DA) at Department of Trade and Industry (DTI) kaugnay sa biglang pagtaas ng presyo ng mga nasabing
pangunahing bilihin.Samantala, pinagpapaliwanag ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares si Presidential
Assistant on Food Security and Agricultural Modernization Francis “Kiko” Pangilinan sa mataas na presyo
ng bigas sa bansa. Ayon kay Colmenares, hindi katanggap-tanggap ang paliwanag ng National Food
Authority (NFA) na normal ang pagtaas ng dalawang piso kada kilo ng bigas dahil lean months na ngayon.
Idinagdag pa ng kongresista na wala rin dahilan para sa price increase dahil sinabi ng NFA na
napaghandaan nila ang lean months sa pamamagitan ng importasyon.Bilang katunayan, nag-angkat
umano ang NFA ng 800,000 hanggang isang milyong metriko tonelada ng bigas para lamang maging
buffer stock ng bansa para sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre. Layunin umano nito na pigilan ang
anumang pagtaas ng presyo subalit nakakapagtakang bigla pa rin itong tumaas na tulad din ng nangyari
sa presyo ng bawang at sibuyas na tambak din ang supply subalit tumaas din ang presyo sa
merkado.Paniwala ni Colmenares, na mayroong nangyayaring ‘hokus pokus’ dito kaya ang publiko na
naman ang nadadale.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang itinuturong dahilan ng pamahalaan sa pagtaas ng presyo ng bigas, bawang, at luya?

2. Paano maiuugnay ang tumataas na halaga ng luya at bawang sa batas

ng supply at demand? Paano naman maiuugnay ang kakulangan ng mga produkto sa pamilihan sa
pangangailangan ng mga mamamayan?

You might also like