You are on page 1of 2

Pagtaas Presyo ng Bigas

Batay sa mga survey, mas pinipili pa rin nating mga Pilipino


ang kumain ng kanin kaysa sa mga panghalili nito tulad na
lamang ng kamote, mais, kamoteng kahoy o di kaya tinapay.
Ang bigas ang pinakaimportanteng pagkain sa ating buhay dahil
hindi mabubuo ang hapagkainan kung wala ito sa kadahilanang
nakasanayan na nating mga Pilipino na may kanin sa tuwing
tayo’y kakain sa hapagkainan. Subalit sa paglipas nang araw,
buwan at taon, isang kagimbal-gimbal na balita ang bumalabog
sa bawat tahanan ang biglaang “pagtaas ng presyo ng mga
bilihin lalo na ang presyo ng bigas”. Hindi mo aakalain na ang
presyo ng bigas ngayon ay umaabot sa P40-P50 bawat kilo. At
ang tanong ng karamihan, “Bakit nga ba nangyari ang biglaang pagtaas ng presyo ng bigas?.”

Ayon sa Department of Agriculture, ang pangunahing dahilan kung bakit nangyari ang biglaang pagtaas ng presyo ng
bigas ay sa kadahilanang hindi sapat o kulang ang supply ng palay na dulot ng mga pinsala ng mga bagyong dumating
sa bansa. Maraming palayan ang nasira, ang mga punla ay naanod ng baha at ang mga palayan na aanihin na lamang ay
napunta sa wala. Dagdag pa rito ang marami sa ating palayan ang pinapatayuan ng mga estruktura gaya ng mga mall at
iba pang mga gusali kaya nagkakaroon ng kakulangan sa lupa kung saan magtatanim ang mga magsasaka ng mga palay.
Sa kabilang dako, napag-alaman din ang tahimik at illegal na pagpuslit at pagbebenta ng NFA rice sa Metro Manila at sa
ilang karatig lugar. Binibenta umano nang hindi bababa sa kwarenta pesos (P40) ang NFA rice na inaakala ng karamihan
ay commercial rice. Ang ikalawang dahilan ng pagtaas ng presyo ng bigas ayon sa Senate Committee on Agriculture ay
ang “Price Manipulation” o ang paghawak o pagkontrol sa presyo nito. Batay sa ginawang imbestigasyon ng nasabing
komite, inilahad ni Senador Cynthia Villar ang modus operandi ng mga traders kung saan binibili nila ang mga
importation rights na siyang eksklusibong binibigay sa kooperatibo para makatulong sa mga magsasaka.Ang pangatlong
dahilan ay ang panukalang rice tarrificaion, ayon sa isang agribusiness group. Nakatalaga sa rice tarrification bill,
maaring magtaas umano ang presyo ng bigas kapag nagpa-import pa ng mas maraming bigas sa bansa. Inilahad ni So na
sa oras na lahat magpapasok, yung volume ay hindi na natin alam kung ilan ang papasok. Ang mangyayari yung mga
nagbebenta sa ibang bansa, may demand ang Pilipinas at itataas din nila ang presyo ng bigas.

Masasabing napakalaking epekto ang pagtaas ng presyo ng bigas. Ang pagtaas ng presyo ng bigas ang sanhi kung
bakit marami sa mga Pilipino ang unti-unting nagugutom. May ilan na dalawang beses o isang bese sa isang araw na
lamang kumakain para makatipid. Ang mas naaapektuhan dito ay ang mga mahihirap na mga Pilipino dahil nagtaas na
nga ang presyo ng gulay at pamasahe ay dumagdag pa rito ang pagtaas ng presyo sa bigas. Kaya ang ilan sa mga
mamimili ay naghahanap na lamang ng alternatibo na pweding pamalit sa bigas katulad na lamang ng mais, kamote at
tinapay. Ngunit karamihan ay hindi aprobado sa kanila ang mga panghalili na pagkain dahil hindi nila ito nakasanayan.
Kaya kahit mahal ang presyo ng bigas ay may ilan pa ring bumibili nito. Base sa datos ng Phippine Statistics Athourity,
mula 5 porsiyento noong Hulyo, nasa 7.1 porsiyento na ang inflation rate ng bigas nitong Agosto. Hindi natin
maitatanggi na dulot ng pagtaas ng presyo ng bigay ay ang paglaganap ng pagkagutom na batay sa DOH mas lalong
tumaas ang bilang ng mga batang hindi normal ang bigat, at higit sa lahat ang pagkakabaon sa utang ng karamihan sa
atin sa kadahilang ang kanilang kita ay hindi sapat para matugunan ang kanilang pangagailangan tulad ng pagkain lalo
na ang bigas na kung saan karamihan sa atin ay nagagawang magnakaw na lamang dahil sa kagutuman.

Isa sa pamilyang Pilipino ang labis na naapektuhan ay ang pamilya nina Aling Jelai at Mang Jon. Sila ay kumikita
lamang ng P500 sa isang araw at pinagkakasya sa pagkain ng kanilang 8 anak. Dahil nga sa pagtaas ng presyo ng bigas
mas pinipili na lamang nila na bumili ng NFA rice at kung minsan silang mag-anak ay nagtiis na lamang sa kamote o mais
upang maibsan ang gutom sa kadahilanang wala silang pambili ng bigas na kanilang kakaiinin. At ang pinakamsaklap sa
lahat, naranasan nila na isang beses lamang kung kumain sa isang o kung minsa pa’y natutulog sila na walang laman ang
kanilang tiyan.

Bilang pagtugon, nararapat lamang na bigyang pansin, hanapan ng solusyon, gumawa ng aksyon at tuldukan ang
suliraning ito sa mas lalong madaling panahon. Bilang suhestiyon naming mga kabataan, dapat na dagdagan ng
pamahalan ang pondo ng agrikulturaupang maiwasan natin ang pag-import ng bigas sa ibang bansa. Bigyan nating
halaga ang mga magsasaka na buong araw tinitiis ang init at nakababad sa tubig para makapagsaka at matugunan ang
pangangailangan natin. Bigyan natin ng otoridad ang kanilang gawain. Batid natin ang nangyari sa Banaue Rice Terraces,
ang dating kay gandang taninam, dating napabilang sa “7 Wonders of the World”, ay tila ngayon ay naglalaho na sa
kadahilanang wala ng magsasaka ang napapangalaga dito. Huwag natin hintayin pa na mangyari ulit ang kung ano ang
nangyari na.
Pangkat Adorno (Baitang XI-Asset)

Valde, Hannah Paula


Padpad, Yu Jane
Arcillas,Jerry Mae
Salmorin, Christi Paula
Ballarta, Mary Jane
Castillo, Anne Jelline
Gatila,Diana
Blancia, Rhamelyn
Alorro, Sheila Mae

You might also like