You are on page 1of 8

MAHAL ang kilo ng bigas na umaabot sa mahigit P30 ang 1 kilo.

Pero ang nakapagtataka, mura naman ang


palay kapag binibili sa mga magsasaka. Sa kasalukuyan ang 1 kilo ng palay ay binibili lamang sa halagang P12 at may
mas mababa pa rito. Kaya naman ang mga magsasaka ngayon habang inaani ang kanilang inalagaan at
pinagkagastahang palay, napapailing na lang dahil hindi mababawi ang kanilang gastos.

Panahon na ng anihan ngayon sa Mimaropa (Mindoro-Marinduque-Romblon-Palawan) at sa iba pang lugar sa


Luzon. Masagana ang kanilang pag-aani sapagkat maganda ang resulta nang pagtatanim. Naalagaan nila nang husto
sa fertilizer, insecticide at tamang patubig ang palayan. Magaganda at mapi-pintog ang butil ng mga palay. Kaygandang
tingnan ng palay na animo’y ginto sa malawak na linang. Napakasarap langhapin ng mga hinog na palay. Masarap
anihin ang pinagbuhusan ng pawis at hirap. Ang ilang buwan na paghihintay sa inalagaang palay ay magiging pera na
sa wakas.

Pero malaking pagkadismaya sapagkat matapos anihin, giikin at isako, bibilhin lang pala ng mura. Napakababa
ng presyo! Sobrang baba na halos hindi mabawi ang kanilang ginastos. Taliwas ito sa kanilang inaasahan na mataas
ang presyo sa panahon ng pag-aani. Ang kanilang pinagbuhusan ng panahon sa loob ng ilang buwan ay mabebenta
lamang sa murang halaga. Ang kanilang inaasahan, maipagbebenta ang kanilang palay ng P17 bawat kilo pero bigo
sila sa inaasahan.

Nabaon sila sa utang habang inaalagaan ang kanilang mga tanim na palay. Kailangang utangin ang pambili ng
binhi, pataba at insecticide. At pagkatapos, mababa lamang palang bibilhin ang kanilang ani.

Ang sobrang pagdami ng imported na bigas ang itinuturong dahilan kaya mababa ang presyo ng palay. Epekto
ito ng rice import liberalization law. Dumagsa ang imported na bigas na mas murang ibinibenta.

Umaaray ang mga magsasaka sa nangyayaring bagsak-presyo ng palay. Ang iba, sa halip na magtanim ng
palay, nag-aalaga na lamang ng tilapia at ang iba ay manok at baboy. Sigurado raw ito dahil hindi bumabagsak ang
presyo.

Tulungan ang mga magsasaka. Itaas ang presyo ng palay para makabawi ang mga magsasaka. Kung maaari,
bilhin ng National Food Authority (NFA) ang mga palay. Huwag pabayaan ang mga magsasaka.

Pagbaba ng presyo ng palay sa P7 kada kilo dapat aksyunan

LABIS ang pighati ng mga magsasaka sa patuloy na pagbaba ng presyo ng palay kung saan umabot na ito sa
P7 kada kilo.

Kung palugi lagi ang mararanasan ng mga magsasaka, hindi na nakakapagtaka na tumigil na lamang sila
pagtatanim at ibenta na lamang kanilang bukirin.

Nagte-trending din sa social media ang mga reklamo ng mga magsasaka kung saan binatikos nila na
masyadong abala ang mga opisyal ng gobyerno kaugnay ng transwoman na si Gretchen Diez at ng SOGIE bill, gayong
libu-libong magsasaka ang umaaray sa pagbaba ng presyo ng palay, na ayon sa kanila ay mas dapat bigyan ng
atensyon.

Isinisisi ng mga magsasaka ang labis na pagbaba ng presyo ng palay sa pagpapatupad ng Rice Tariffication
law at pagbaha ng mga imported rice.

Ayon sa mga magsasaka, mula P19 kada kilo noong isang taon, bumaba ito sa P15 kada kilo nang simulan
ang implementasyon nito ngayong taon.

Noong Agosto, bumaba ito muli sa P10 kada kilo hanggang umabot sa P7 kada kilo.

Nag-alok naman ang Department of Agriculture (DA) ng P15,000 loan kada magsasaka, bagamat umalma lalo
ang mga apektadong mga magsasaka.

Paano nga naman mababaon lamang sa utang ang mga magsasaka at ang kailangan nilang tugon mula sa
gobyerno ay tumaas ang presyo ng palay.

Binabarat kasi ng mga traders ang pagbili nila ng palay sa mga magsasaka kayat kailangan na ang intervention
ng gobyerno.

Nitong nakaraang araw inatasan ni Pangulong Duterte ang National Food Authority (NFA) na bilhin ang aning
palay ng mga magsasaka para makaagapay sa epekto ng rice tariffication law.

Idinagdag ni Duterte na dapat ay magkaroon ng kasunduan sa presyo ng palay.


“But you cannot demand a price. You arrive at a compromise of how much you are willing to lose a little bit. Just
to break even, as long as they won’t be shortchanged for their efforts. They are compensated but do not demand a price
that is unreasonable,” sabi ni Duterte.

Ipinagtanggol naman ni Duterte ang bagong batas sa pagsasabing ipinasa ito para mapagsilbihan ang mas
mayorya ng populasyon.

“So the solution there is for us to buy it. Even if we lose money. That’s why we collect taxes,” dagdag ng pangulo.

Isinisi naman ni Agriculture Secretary William Dar sa mga sangkot sa hoarding sa pagbaba ng presyo ng palay.

“Even before the [enactment] of the Rice Tariffication Law wasn’t there already a drop in palay prices? So
somebody is taking advantage and we see to it that we will apply the full force of the law [on those caught] hoarding,”
giit ni Dar.

Kung hoarding ang totoong problema, dapat umaksyon na ang DA at iba pang kaukulang ahensiya.

Ang importante, mapataas ang presyo ng palay dahil kung patuloy itong mangyayari, wala nang magsasaka
ang gugustuhin pang magtanim ng palay.

EDITORYAL - Pinapatay ang mga magsasaka


(Pilipino Star Ngayon) - September 4, 2019 - 12:00am

ANIHAN ng palay ngayon sa maraming bahagi ng bansa, gaya sa Mimaropa (Mindoro-Marinduque-


Romblon-Palawan). Sagana sila sa aanihing palay sapagkat maganda ang resulta ng pagta-tanim.
Naalagaan nila nang husto sa fertilizer, insecticide at tamang patubig ang palayan. Kaya magaganda ang
uhay ng mga palay. Kaygandang tingnan ng aanihing palay na nagmistulang ginto ang malawak na linang.
Napakasarap langhapin ng mga hinog na palay. Masarap anihin ang pi-nag-buhusan ng pawis at hirap. Ang
ilang buwan na paghihintay sa itinanim at inalagaang palay ay magiging pera na sa wakas.
Pero malaking pagkadismaya ang nakamtan ng mga magsasaka makaraang maani at ibenta ang
kanilang palay. Mababa ang presyo ng palay! Sobrang baba na halos hindi mabawi ang kanilang ginastos.
Taliwas ito sa kanilang inaasahan na mataas ang presyo sa panahon ng pag-aani. Ang kanilang
pinagbuhusan ng panahon sa loob ng ilang buwan ay mabebenta lamang ng P12 bawat kilo o mababa pa
rito. Ang kanilang inaasahan, maipagbebenta ang kanilang palay ng P17 bawat kilo.
Nabaon sila sa utang habang inaalagaan ang kanilang mga tanim na palay. Kailangang utangin ang
pambili ng binhi, pataba at insecticide. At pagkatapos, mababa lamang palang bibilhin ang kanilang ani.
Ang sobrang pagdami ng imported na bigas ang itinuturong dahilan kaya mababa ang presyo ng
palay. Epekto ito ng rice import liberalization law. Dumagsa ang imported na bigas na mas murang ibinibenta.
Dahil dito, mas tinatangkilik ng consumers ang murang imported na bigas. Siyem-pre, ang mura ang kanilang
pipiliin.
Umaaray ang mga magsasaka sa nangyayaring bagsak-presyo ng palay. Ang iba, sa halip na
magtanim ng palay, nag-aalaga na lamang ng manok at baboy. Sigurado raw ito dahil hindi bumabagsak
ang presyo.
Nararapat tulungan ang mga magsasaka. Huwag silang patayin! Itaas ang presyo ng palay para
naman mabawi ng magsasaka ang kanilang nagastos. Huwag silang pahirapan.
EDITORYAL - Hindi kinatatakutan ang Anti-Hazing Law
(Pilipino Star Ngayon) - September 24, 2019 - 12:00am

TATLONG beses nang may nangyayaring hazing sa Philippine Military Academy (PMA). Una ay
noong taon 2000 nang mamatay si Cadet Ace Bernabe Ekid. Ikalawa ay noong Marso 2001 nang mamatay
naman si Cadet Edward Domingo. Ang ikatlo ay nangyari noong nakaraang linggo nang mamatay si Cadet
Darwin Dormitorio. Sino pa ang susunod?
Noong nakaraang taon, namatay din sa hazing ang UST law student na si Horatio Castillo III.
Namatay si Castillo dahil sa rami ng mga palo sa katawan na ibinigay sa kanya ng mga brod niya sa Aegis
Juris Fraternity. Ang pagkamatay ni Castillo ang naging daan para magkaroon ng Anti-Hazing Law (Republic
Act 11053). Ilan sa mga ka-brod ni Castillo ang nakakulong na.
Maraming nag-akala na sa pagkakabatas ng Anti-Hazing, matitigil na ang pagkamatay dahil sa hazing
pero hindi pala dahil may nangyari na naman sa PMA. Wala rin palang epekto ang batas at lalo pang kinakati
ang kamay para may pumatay. Kung sa PMA ay may nangyayaring hazing, paano pa sa ibang eskuwelahan
o institution.
Marami nang nangyaring hazing sa nakaraan at magandang balikan para malaman ang masamang
dulot nito. Isang 18-anyos na babaing estudyante ng Lyceum of the Philippines-Manila na grabeng
pinahirapan ng may 20 miyembro ng Tau Gamma Sigma sorority noong 2017. Ayon sa biktimang si Larissa
Coleen Alilio, na anak ng isang mayor sa Batangas, pinalo siya ng stick nang may 50 beses at pinatakan ng
kandila ang kanyang likod. Sinabunutan din umano siya at sinampal ng mga suspect. Ayon pa kay Alilio,
binantaan siyang papatayin kapag umayaw o nag-backout sa sorority.
Hindi rin naman malilimutan ang pagkamatay ng isang estudyante ng De La Salle-College of St.
Benilde noong 2014 dahil sa hazing na isinagawa ng mga mi-yembro ng Tau Gamma Phi fraternity. Ang
biktima ay nakilalang si Guillo Ceasar Servando. Isinagawa ang hazing sa isang apartment sa Palanan,
Makati City. Ang masaklap, hindi na malaman kung nakamit ng mga kaanak ng biktima ang katarungan sa
pagkamatay.
Walang natatakot sa Anti-Hazing Law. Kulang ang ngipin ng batas kaya marami ang sumusuway sa
batas na ito. Dapat dagdagan ang parusa sa mga gumagawa ng hazing.
Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2019/09/24/1954373/editoryal-
hindi-kinatatakutan-ang-anti-hazing-law#MC8h2ZoH5RcPw1Pc.99
EDITORYAL - I-monitor ang mga binibiyaheng baboy
(Pilipino Star Ngayon) - October 4, 2019 - 12:00am

PATULOY ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) at itinuturong dahilan ay ang mga nakakapuslit na
ibinibiyaheng baboy. Napigil na ang pagkalat ng ASF sa Rizal province pero sa kasalukuyan, sa Quezon City naman
may narereport na pagkamatay ng mga baboy. Noong Lunes, may mga baboy na namatay sa Tatalon at Roxas District
sa Quezon City. Magkalapit lamang ang dalawang lugar kaya hinihinalang may naipuslit na mga baboy na may ASF
doon. Pawang mga baboy na inaalagaan sa likod ng bahay ang mga namatay.

Unang na-report na may mga baboy na namatay sa Payatas at Bagong Silangan sa Quezon City din na
hinihinalang may ASF. Maraming baboy sa lugar ang sama-samang pinatay at ibinaon para hindi na kumalat ang sakit.
Ang mga apektadong hog raisers ay inayudahan naman ng Quezon City government. Halos mawalan ng malay ang
mga nag-aalaga ng baboy sapagkat malaki ang nawala sa kanila. Hindi raw nila alam kung paano makakabayad sa
mga utang nila dahil sa pag-aalaga ng baboy.

Inamin naman ng Department of Agriculture na wala silang pondo para matulungan lahat ng mga apektadong
hog raisers. Ayon pa rin sa DA, ang maipagkakaloob lamang nila sa mga naapektuhan ay ang pautang na pera para
makapagsimula uli at hindi para sa mga pinatay nilang baboy na may ASF.

Bago umalis si President Duterte patungong Russia, mahigpit niyang pinag-utos sa DA na i-con-tain ang
pagkalat ng ASF. Nararapat mapigilan ang pagkalat upang hindi na lumubha ang pinsala sa kabuhayan. Dahil sa ASF,
malaki ang inilugi ng mga magkakarne sapagkat natatakot ang mga tao na bumili ng karneng baboy. Sabi naman ng
DA, hindi direktang nakakaapekto ang ASF sa tao. Ganunman, sinabi ng Department of Health (DOH) na lutuing mabuti
ang karneng baboy bago kainin.

Para ganap na mapigilan ang ASF, i-monitor ng DA ang mga ibinibiyaheng baboy. Siguruhing may papeles ang
mga ito. Ipagbawal naman ang pagpapakain sa mga baboy ng mga tira-tirang pagkain na nagmula sa mga malalaking
hotel. Hinala na isa ito sa dahilan ng pagkalat ng ASF.

EDITORYAL - - Huwag matakot sa polio vaccine


(Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2019 - 12:00am

NAKAKAHINDIK malaman na ang poliovirus (VDPV) ay makikita sa mga imburnal, poso negro o sewage.
Nadiskubre ito makaraang magsagawa ng testing sa Manila sewage ang Department of Health (DOH) noong nakaraang
buwan at nagpositibo sa virus. Sabi ni DOH Secretary Fran­cisco Duque III, bagama’t wala pang naitatalang kaso ng
transmissions, dapat maprotektahan na ang mga bata sa virus. Ayon pa kay Duque, nasa kapaligiran na ang poliovirus
kaya dapat pabakunahan ng mga magulang ang kanilang anak laban sa polio.

Kapag nabakunahan ang mga bata, 95 percent na silang ligtas sa polio. Wala umanong gamot sa polio kundi
ang kumpletong bakuna. Nanana-wagan ang DOH na dalhin ng mga magulang ang kanilang anak sa barangay health
center o mga pampublikong ospital para mabakunahan nang libre. Nagsimula na ang pagbabakuna sa Maynila noong
nakaraang buwan.

Idineklara na ang Pilipinas na polio free mula pa noong 2000 subalit bumabalik ang virus dahil sa maruming
kapaligiran. Marami pa rin ang walang sariling kubeta at kung saan-saan lamang dumudumi. Kaya ang panawagan ng
DOH sa mamamayan, maging malinis para hindi mabuhay ang virus. Kailangang mapanatili ang proper sani-tation.

Marami naman ang nagkaroon ng takot sa bakuna mula nang maging kontrobersiya ang Deng-vaxia vaccine
laban sa dengue. May mga batang binakunahan ng Dengvaxia ang umano’y namatay dahil sa kumplikasyon. Karamihan
sa mga bina-ku-nahan ay hindi pa nagkaka-dengue. Ayon sa Sa-nofi, maker ng Dengvaxia, dapat mga nagka-dengue
lamang ang dapat mabakunahan.

Ang pangyayaring iyon ay naghatid ng takot sa mga magulang kaya hindi na pinababakunahan ang mga anak.
Kahit bakuna sa tigdas, kinatakutan din. Ngayong nakita ang poliovirus, huwag isapa-laran ang kalusugan ng mga anak.
Pabakunahan
EDITORYAL - ‘Ninja cops’, dagdag dungis sa PNP
(Pilipino Star Ngayon) - October 6, 2019 - 12:00am

MARAMI nang dungis ang Philippine National Police (PNP) at lalo pang nadungisan dahil sa “ninja cops”. Mai-
imagine kung gaano kasama ang ginagawa ng “ninja cops” na ang drogang nakukumpiska ay ibabalik sa kalye para
pagkaperahang muli. Drug recycling talaga ang ginagawa ng mga pulis.

Nahalukay ang aktibidad ng “ninja cops” dahil sa pag-iimbestiga ng Blue Ribbon Committee ng Senado.
Nabunyag ang mga ito sa pagdinig ng Senado sa Good Conduct Time Allowance (GCTA). Mas natutukan pa ang “ninja
cops” kaysa sa totoong isyu na pagpapalaya sa mga bilanggong may karumal-dumal na kaso. Labintatlong pulis ang
sangkot dito. Sila ang nagsagawa ng raid sa bahay ng Chinese drug lord sa Mexico, Pampanga noong 2013. Nadakip
ang drug lord. Umano’y 200 kilos ng shabu ang nakumpiska sa Chinese pero 38 kilos lamang ang pinrisintang
ebidensiya ng 13 pulis o “ninja cops”. Pinatakas nila ang Chinese pagkaraang hingian ng umano’y P50-million.
Makaraan ang raid, biglang nagkaroon umano ng bagumbagong SUV ang mga pulis.

Ang pagbubulgar ay ginawa ni dating CIDG chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong. Si
Magalong din ang nagsabi na isang 4-star police general ang sangkot sa kontrobersiyal na kaso. Sinabi niya ito
makaraang humingi ng session sa mga senador noong nakaraang linggo.

Nagkaroon ng imbestigasyon sa 13 ninja cops pero sa halip na masibak ang mga ito sa puwesto, na-promote
pa. Kinumpirma naman ni PDEA director Aaron Aquino na tinawagan siya ng noon ay Pampanga police director at
ngayon ay PNP chief Oscar Albayalde at pinakiusapang huwag munang ipatupad ang order sa 13 pulis sapagkat tauhan
niya ang mga ito. Hindi naparusahan ang 13 pulis bagkus na-promote pa ang mga ito.

Nararapat magsagawa ng bago at malalimang imbestigasyon sa kaso ng 13 pulis o “ninja cops”. Halukayin pa
ito para malaman ang katotohanan. Hindi maisasakatuparan ang totoong kampanya sa droga kung ang mga pulis
mismo ay sangkot sa “recycling”. Sayang ang sinimulan ng Duterte administration.

EDITORYAL - Hubaran ang ‘ninja cops’ at police officials na korap


(Pilipino Star Ngayon) - September 29, 2019 - 12:00am

SABI ni Sen. Richard Gordon, chairman ng Blue Ribbon committee na nag-iimbestiga sa recycling ng droga,
dapat nang matapos ang masamang gawaing ito ng mga pulis. Sa isang radio interview kahapon, mariing sinabi ni
Gordon na tatapusin nila ang pag-iimbestiga sa drug recycling hanggang sa mahubaran hindi lamang ang ninja cops
kundi pati mga police officials na sangkot. Sa pagdinig noong nakaraang linggo, lumilitaw na may mataas na police
official na sangkot sa droga. Ayaw pangalanan ni Gordon ang sangkot na police official. Bahala na raw si President
Duterte na magbulgar sa mga ito. Naisumite na umano nila ang pangalan ng “ninja cops” at tiwaling police officials.

Nararapat nang pangalanan ang mga pulis at kapag napatunayan, kasuhan at sibakin sa puwesto. Huwag
suspendihin lang dahil makakabalik pa sila sa puwesto. Anim na buwan lang ang suspension at pagnatapos, balik uli
sila sa serbisyo at magre-recycle uli ng shabu.

Dahil sa mga tiwaling pulis kaya hindi maubus-ubos ang shabu. Ang mga nakumpiska nilang shabu ay ibabalik
uli sa kalye. At nangyayari ito dahil may basbas ng kanilang superior. Kaya araw-araw man na may makumpiskang
shabu, hindi mauubos dahil ibebenta uli ng mga corrupt na pulis.

Ganito rin ang isiniwalat ni dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief at ngayon ay Baguio
City mayor Benjamin Magalong nang tumestigo sa Senado. Ayon kay Magalong, isang dating mataas na retiradong
opisyal ng PNP at dalawang nasa aktibong posisyon ang sangkot sa tinatawag na “agaw bato”. Humingi ng executive
session si Magalong at binulgar niya sa mga senador ang pangalan ng PNP officials na sangkot sa “agaw bato” o
recycling ng droga.

Sobrang talamak na ang droga sa bansa at kaya hindi ito malutas ay dahil sa corrupt police officials. Habang
ang ibang mabubuti at tapat na pulis ay nagpapakamatay para makasamsam ng shabu, ang mga “anay” naman sa
PNP ay nire-recycle ito para magkamal ng pera.

Nararapat nang isiwalat ng Presidente ang mga pulis na sangkot sa recycling ng droga. Dapat malaman ng
mamamayan ang mga corrupt na sumisira sa imahe ng PNP at nagpapalala sa problema ng droga.
EDITORYAL – Bigo ang drug campaign dahil sa ‘recycling’
(Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2019 - 12:00am

BIGO ang Duterte administration sa kampanya laban sa illegal na droga. Kahit araw-araw ay may nahuhuling
drug pushers at nakukumpiskang kilu-kilo ng shabu, hindi pa rin malutas ang problema sa droga. Pabalik-balik lang.
Patuloy ang bentahan ng droga at maski sa Bilibid ay pinagkakaperahan ito. Laganap din ang droga kahit sa mga liblib
na lugar sa bansa. Mas nauuna pang dumating ang shabu sa mga barangay kaysa magkaroon ng kuryente o malinis
na tubig. Ganito katindi ang problema sa droga.

Inamin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na patuloy ang “recycling” ng droga at ito ang dahilan
kaya hindi malutas ang problema. Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, mga corrupt na pulis at PDEA agents
ang nagre-recycle ng droga. Ang mga nakukumpiskang shabu ay muling ibinabalik sa kalye at pinagkakaperahan ng
mga tiwaling pulis. Ayon kay Aquino, masyadong talamak ang “recycling” ng droga. Ayon pa sa PDEA chief, mayroon
silang sinusubaybayang “drug queen” na bumibili ng shabu sa police officers.

Bigo ang kampanya sa droga at maski si President Duterte ay batid ito. Katunayan, sa kanyang SONA noong
Hulyo, sinabi niyang hindi nananalo ang gobyerno laban sa illegal drugs. Ibig sabihin, bigo ang drug campaign.
Nagsimula ang kampanya noong 2016 at maraming napatay ang mga pulis sa drug operations o “tokhang”. Bagama’t
hindi nana-nalo, nagbanta naman ang President na ang hu-ling tatlong taon niya sa termino ay mas magiging maigting
pa. Ibig niyang sabihin, mas pag-iibayuhin pa ang drug campaign.

Ngayong inamin ng PDEA na rampant ang “recycling” ng droga na ang gumagawa ay mga corrupt na pulis, sila
pala ang may malaking problema. Kung wala ang mga corrupt na pulis o PDEA agents, maaaring magtagumpay ang
kampanya. Mas makabubuti kung unahing “basagin” ang mga corrupt na pulis at baka ito ang susi sa pagtatagumpay
ng drug campaign. Alisin sa landas ang mga tiwali.

EDITORYAL - Huwag palubhain ang ASF


(Pilipino Star Ngayon) - September 13, 2019 - 12:00am

KINUMPIRMA ng Department of Agriculture na nakarating na nga sa bansa ang African swine flu (ASF) at ito
ang dahilan nang pagkamatay ng mga baboy sa Rodriguez, Rizal at Guiguinto, Bulacan, dalawang linggo na ang
nakaraan. Nagpositibo ang ASF makaraang ipasuri ang mga blood sample ng mga baboy mula sa dalawang lugar.
Sinuri ang blood sample sa United Kingdom. Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, 20 blood samples ang kanilang
ipinadala sa UK at 14 sa mga ito ang nag-positibo sa ASF. Gayunman, sa kabila na may presensiya ng ASF sa ilang
lugar, ligtas ang mga karneng baboy para sa human consumption. Para pawiin ang pa-ngamba, kumain pa sina Dar at
Health Sec. Francisco Duque ng mga nilutong karneng baboy.

Mula nang unang mapansin ang pagkakasakit ng mga baboy sa Rizal, maagap na nagkaroon ng checkpoint
ang DA at Bureau of Animal Industry para hindi mailabas ang mga baboy. Kailangang may certification mula sa
beterinaryo ang mga baboy. Dahil sa maagap na pag-iinspeksiyon, hindi na lumaganap ang ASF sa iba pang lugar.
Patuloy naman ang pagmonitor sa mga baboy na inaalagaan sa mga likod bahay.

Ayon sa report, nakarating ang ASF sa bansa dahil sa mga pagkain (gaya ng pork) na dala ng mga fo-reigners
na naka-check in sa mga malalaking hotel. Ayon sa isang pinuno ng DA, ang mga tirang pagkain sa hotel ay kinokolekta
ng mga may-ari ng babuyan at ito ang pinakakain sa mga baboy. Nang makain ng mga alagang baboy ang pagkain
mula sa hotel, nagsimula na ang ASF. Ito umano ang pinaka-numero unong dahilan kaya nakapasok sa bansa ang
ASF.

Kamakalawa, limang patay na baboy ang nakita sa isang creek sa Bagong Silangan, Quezon City at
hinihinalang may ASF. Maaaring itinapon doon ang mga baboy. Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung sino ang
nagtapon ng mga baboy.

Paigtingin ng DA ang pagmonitor sa mga nag-aalaga ng baboy sa likod bahay. Maaaring hindi na inirereport
ng mga ito kung may sakit ang kanilang mga alagang baboy at kapag namatay ay itatapon na lamang. Hindi tama ang
kanilang ginagawa sapagkat lalong kakalat ang sakit. Mas malaking problema ang kahaharapin ng bansa.
Makipagtulungan ang lahat para hindi kumalat ang ASF. Huwag palubhain ang problemang ito.
Mabuti ang rice tarrification

BINABATIKOS ngayon ang bagong batas na Rice Tarrification Law dahil wawasakin daw nito ang industriyang
agrikultural. Kawawa raw ang mga nagtatanim ng palay. Maganda ang layunin ng batas na maging sapat ang supply
ng bigas na abot-kayang bilhin ng masang Pilipino, at paunlarin din at gawing moderno ang agrikultura.

Ang mga kritiko ng batas ay mistulang propeta ng lagim na humuhulang mapapahamak ang mga magsasaka ng palay
dahil sa batas na ito. Kesyo wala raw suportang ibinibigay ang pamahalaan sa mga magtatanim ng palay sa bansa
habang hinihikayat ang maramihang pag-aangkat ng bigas mula sa ibang bansa. Lihis sa katotohanan iyan.

May paunang P5-bilyong halagang ipinalabas ang Department of Budget and Management sa Department of
Agriculture bilang ayuda sa mga rice farmers. Ito ay ipambibili ng mga modernong kagamitan at makinaryang pangsaka
sa pangunguna ng Philippine Center for Post-harvest Development and Mechanization.

Iyan ang ahensiyang itinalaga upang paunlarin ang larangan ng agrikuktura na ang makikinabang ay mga magsasaka
sa tinatayang 947 rice producing municipalities sa bansa. At ‘yan ay matutupad umano bago matapos ang taong ito.
Kung hindi tayo kikilos ngayon, kailan pa makaaagapay ang Pilipinas sa mga kalapit nating bansa na maunlad na ang
larangan ng agrikultura? Lahat naman ng programa ay may period of adjustment. May kahirapan sa una pero sa huli’y
naroroon ang ginhawa.

Kamakailan lang, inihayag ni Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan sa pagdinig ng House of Representatives na
ang Land Bank of the Philippines ay nagpalabas ng P109-milyong pautang sa mga magsasaka bilang bahagi ng
programa. Sa ilalim din ng Rice Tarrification Law, maglalaan ng halaga ng P3-bilyon sa Philippine Rice Research
Institute na mananaliksik sa produksyon ng mga makabagong binhi na mag-aangat sa ani ng ating mga local farmers
ng higit sa 50 porsyento.

Ayon pa kay Cayanan, ang regular na programa ng DA sa hybrid rice ay bukod pa sa Rice Competitiveness
Enhancement Fund (RCEF) ng PhilRice. Ibig sabihin, mahigit pa sa doble ngayon ang pondong nakalaan sa ating mga
magsasaka ng palay. Kaya ang payo ng Agriculture official sa mga kritiko, huwag maging kalawang na naninira sa isang
magandang proyekto.

No homework policy para sa kindergarten hanggang high school students ipinanukala sa Kamara
August 26, 2019 Abner S. Bañares

Dalawang “No homework Policy” ipinanukala sa House of Representatives

Ang House Bill No. 3611 ay tuluyang magbabawal sa mga homeworks araw-araw

Ang House bill No. 3883 ay tuwing weekends lang ipatutupad ang no homework policy

Dalawang magkahiwalay na panukalang batas na nagsusulong ng “no homework” policy para sa mga estudyante mula kindergarten
hanggang high school ang inihain sa Kamara.

Layon ng dalawang House bills na ipagbawal ang pagbibigay ng homeworks upang magkaroon ng sapat na panahon na makapag-bonding
ang buong pamilya tuwing pagkatapos umuwi ng mga estudyante galing sa kanilang paaralan.

Sa pamamagitan ng House Bill No. 3611, ipinanukala ni Sorsogon Representative at Deputy House Speaker na si Evelina Escudero na
dapat magpatupad ang Department of Education ng “no homework policy” para sa mga mag-aaral ng K to 12.

“Homework assignments can deprive students and parents precious quality time for rest, relaxation and interaction after school hours and
even on weekends,” paliwanag ni Rep. Escudero.

Kasama rin sa kanyang panukala na huwag ipauwi sa mga estudyante ang kanilang mga aklat araw-araw dahil may epekto ito sa kanilang
kalusugan.

“No textbooks shall be brought home to prevent the adverse effects of carrying bag to-and-from school,” ayon pa rin sa House Bill No. 3611.

Kaugnay nito, sinabi sa panukala na dapat siguruhin ng lahat ng basic education schools na bigyan ng sariling locker ang bawat estudyante
kung saan nila maaaring iwanan ang kanilang mga textbooks.

Si Quezon City Representative Alfred Vargas ay may kaparehong panukala – ang House Bill No. 3883, pero ang isinusulong niyang no
homework policy ay tuwing weekend lang.

Binanggit pa ni Rep. Vargas ang isang ginawang pag-aaral sa South Africa noong 2018 na ang homework daw ay may negatibong epekto
sa family life.

Sa ilalim ng panukala niya, papatawan ng multang P50,000 o kul0ng ng hanggang dalawang taon sa mga guro na lalabag sa no homework
policy.
No homework bill inihain sa Kamara
By: Leifbilly Begas - 08/26/2019

INIHAIN sa Kamara de Representantes ang dalawang panukalang batas na nagbabawal sa pagbibigay ng assignment
sa mga estudyante.

Sa ilalim ng House bill 3611 na akda ni House Deputy Speaker Evelina Escudero magkakaroon ng no-homework policy
ang Department of Education mula kinder hanggang high school.

“Homework assignments can deprive students and parents precious quality time for rest, relaxation and interaction after
school hours and even on weekends,” ani Escudero sa kanyang panukala.

Nakasaad din sa panukala na ipagbabawal ng iuwi ng estudyante ang kanyang mga libro sa bahay kaya magiging
magaan na ang dala nitong school bag.

“This bill… will not only lighten the physical burden of schoolchildren and promote quality family interaction but will also
compel schools and teachers to come up with a more holistic and effective pedagogy.”

Sa House bill 3883 naman ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ipagbabawal lamang ang pagbibigay ng homework kapag
weekend.

“The bill aims to promote and protect the physical, moral, spiritual, intellectual and social well-being of the youth to the
end that the youth realize their potential for improving the quality of life must always be observed,” ani Vargas.

Sa panukala ni Vargas papatawan ng P50,000 multa at isa hanggang dalawang taong kulong ang mga guro na
magbibigay ng assignment kapag weekend.

“The bill also seeks to enjoy their free time from the precision of school during weekends and to be able to have a quality
time with their family and friends.”

You might also like