You are on page 1of 1

4 na proyekto ng PTA, sinimulan na

ni Faith Angela Torrecampo

Madaling matapos ang anumang gawain kapag nasimulan ng maayos at sama-sama.


Iyan ang pinatunayan ng mga miyembro ng Parent- Teachers Association (PTA) nang
maisakatuparan nila ang kanilang apat na proyekto para sa taunang-aralan 2017-2018.
Nagsanib- puwersa ang administrasyon ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Tubli (PMPT)
at ang bagong halal na mga opisyal ng General PTA sa pagsasaayos ng pathway mula sa main gate ng
paaralan hanggang sa Junior High School ICT Room.
Isinagawa ang naturang proyekto katapusan ng Hulyo 2017 mula sa pondo ng SDF upang
matuldukan na rin ang perwisyong dulot ng lubak-lubak na pathway na pahirap sa mga estudyante
lalo na kung panahon ng tag-ulan.
Bukod sa pagsasaayos ng pathway, naisakatuparan rin ng mga opisyal ng PTA ang
pagkakaroon ng opisina para sa kanilang organisasyon.
Ayon kay Reo Torrecampo, kasalukuyang presidente ng PTA,landmark ng PMPT ang isusunod nitong
proyekto ngayong taong 2017-2018.
Yong pondong gagamitin para sa susunod naming proyekto ay manggagaling sa mga taxable
parent, pahayag ni Torrecampo.
Ayon naman kay Bb. Cesmenda B. Llesol, principal ng PMPT, aktibo ang kasalukuyang opisyal
ng PTA.

You might also like