You are on page 1of 9

Para sa Tanging Gamit ng Sangay Lungsod Zamboanga

0
HINDI IPINAGBIBILI

4
FILIPINO Kuwarter 1
Linggo 8 (MELC 18)

Capsulized Self-Learning
Empowerment Toolkit

Ini

SHEENA JEAN A. FERNANDEZ


Tagasilay Elementary School
1

ASIGNATURA
FILIPINO KUWARTER 1 LINGGO 8 ARAW
1 ___________________________
AT BAITANG Petsa

CODE
KASANAYANG Nakasusulat ng liham na nagbabahagi ng karanasan / pangyayari sa
PAMPAGKATUTO nabasang kuwento
TANDAAN: Huwag sulatan ang kagamitang ito. Isulat ang inyong sagot sa inilaang
SAGUTANG PAPEL para sa mga Pagsasanay at Pagtatasa.

ARALIN NATIN
Layunin: Nakasusulat ng liham na nagbabahagi ng karanasan / pangyayari sa nabasang
kuwento
Paksa: Pagsulat ng liham na nagbabahagi ng karanasan/ pangyayari sa nabasang kuwento
(Lunsaran)
Nakabasa ka na ba ng liham? Alam mo na ba kung paano sumulat ng isang liham?
Halina’t basahin mo ang isang halimbawa ng liham.

Brgy, San Ignacio


Pamuhatan Lungsod ng San Pablo
Ika-18 ng Enero, 2020
Mahal kong Lester, Bating panimula

Kumusta na kayo riyan sa Canada? Alam mo, nais kong ibalita sa iyo na
buhay na buhay pa rito sa ating bansa ang kulturang Pilipino tulad ng pagdiriwang
ng kapistahan.Si Mayor ay naglunsad ng paligsahan sa Mardi Gras bilang parangal
sa Patrong San Pablo. Nais kong ibalita sa inyo na ang aming paaralan ang
nagkamit ng unang gantimpala sa paligsahan ng Mardi gras. Ang mga kategorya ng
paligsahan ay ang sumusunod: pinakamahusay sumayaw, pinakaorihinal ang
katutubong kasuotan at pinakasimboliko. Nakamit naming lahat ang mga
kategoryang nabanggit. Alam mo kung paano namin nakamit?
Talagang mahusay ang nagturo sa amin ng sayaw. At siyempre,talagang
mahusay kaming sumayaw. Ang isa naming ipinanalo ay ang napakasimboliko
naming kasuotan na yari sa tistis ng niyog. Itinahi sa telang katsa ang tistis ng niyog
na siyang isinuot ng kababaihan. Ginawa namin itong pang-itaas at paldang maikli.
Ang mga lalaki naman ay ang mga dahon ng niyog ang ginawang palda. Nagmukha
kaming ‘warriors” noong unang panahon. Para bang mga kasuotan nina Lapulapu.
Padadalhan kita ng aming litrato sa susunod kong pagsulat sa inyo.
Balitaan mo rin ako ng tungkol sa inyong buhay sa Canada.

Katawan ng liham

Bating pangwakas Ang nagmamahal mong pinsan,


Lagda Gloria

SHEENA JEAN A. FERNANDEZ


Tagasilay Elementary School
2

Pagtatasa ng Pagkatuto1: Naranasan mo na bang sumulat ng isang liham ? Tungkol saan ang
liham na inyong sinulat?
Pagtatasa ng Pagkatuto2: Sa panahon ngayon, ano sa tingin mo ang kahalagahan ng isang
liham?

Sanayin Natin! (Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)

Gawain 1:
Panuto: Batay sa nabasang liham, sagutin ang mga sumusunod na tanong at itiman ang
bilog ng wastong sagot. Gawin ito sa sagutang papel.

1. Sino ang sinulatan?


A. Lester B. Gloria C. Brgy. San Ignacio D. Canada
2. Sino ang sumulat?
A. Lester B. Gloria C. Brgy. San Ignacio C. Canada
3. Ano ang paksa ng liham?
A. Pangungumusta kay Lester C. Pagkapanalo nila sa paligsahan ng Mardi Gras
B. Pagdiriwang ng kapistahan D. Paglungsad ni Mayor ng paligsahan
4. Kung ikaw ang nakatangap ng liham, ano ang iyong magiging reaksiyon pagkabasa mo
rito?
A. Matutuwa at magagalak sapagkat ako’y naalalang sulatan ng aking kaibigan.
B. Sisigaw sa galak at tuwa dahil ako’y nakatanggap ng sulat.
C. Iiyak sapagkat hindi ako nakasali sa paligsahan.
D. Malulungkot dahil naalala ko ang aking kaibigan.
5. Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng isang liham?
A. kasi bahagi na ito n gating buhay
B. dahil ito ay isang uri ng komonikasyon na nagpapahayag n gating mga saloobin
C. dahil ito ay isang pagpapakita ng pagpapahalaga sa isang tao
D. dahil ito ay mabisang paraan pakikipagtalastasan

Gawain 2:

Panuto: Isaayos at isulat muli ang bahagi ng liham na naayon sa kanyang tamang
kinalalagyan.

1. Mahal kong Weng,

2. Kumusta ka na? Matagal ding hindi tayo nagkasulatan. Naging abala kasi ako sa pag-
aaral. Malapit na pala ang pasko kaya inaanyayahan kitang dito na magbakasyon. Masaya
rito lalo na sa Enero ang buwan ng Ati-atihan.
Sabihin mo kung matutuloy ka at nang masalubong kita. Isama mo ang iyong mga kapatid.

3.12 A. Bonifacio St,


Kalibo, Aklan
Nobyembre 15, 2020

4. Alma

5. Nagmamahal ang iyong pinsan,

SHEENA JEAN A. FERNANDEZ


Tagasilay Elementary School
3

TANDAAN
Mahahalagang
\\ Konsepto

Ang liham ay nakasulat na komunikasyon para sa isang tiyak na taong patutunguhan nito.

Mga Bahagi ng Liham


 Pamuhatan-dito nakasaaad ang lugar ng sumulat at petsa kung kailan ito isinulat
 Bating Panimula-dito nakalagay ang pangalan ng sinusulatan. Nagtatapos ito sa
bantas na kuwit.
 Katawan ng Liham- nakapaloob dito ang nilalaman o mensaheng nais ipahatid ng
sumulat.
 Bating Pangwakas- ito ang pinakahuling bati ng sumulat. Nagtatapos ito sa bantas
na kuwit
 Lagda- dito nakapaloob ang pangalan ng sumulat.

SUBUKIN NATIN
Sukatin ang iyong natutuhan !
Panuto: Mag-isip ng isang di malilimutang karanasan, ibahagi ito sa isang taong malapit sa
iyong puso sa pamamagitan ng isang liham.
(Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)
________________________
________________________
________________________

_______________________,

_________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

______________________,

______________________

Pamantayan sa Paggawa ng Liham


Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
1. Ang liham na isinulat ay tungkol sa sariling karanasan.
2. Nasusunod ng maayos ang mga bahagi ng liham.

Huling Paalala: Pagkatapos mo sa gawaing ito, ibigay sa iyong guro ang sagutang papel
para sa mga pagsasanay at pagtatasa at kumuha ng panibagong CapSLET.

SHEENA JEAN A. FERNANDEZ


Tagasilay Elementary School
4

Lydia P. Lalunio,Ph.D.at Francisca G. Ril, Hiyas sa Wika 4, Quezon City


Sanggunian
LG&M Corporation 2010, 127-130

DISCLAIMER
This learning resource contains copyright materials. The use of which has not been
specifically authorized by the owner. We are making this learning resources in our efforts to
provide printed and e-copy learning resources available for the learners in reference to the
learning continuity plan of this division in this time of pandemic.

This LR is produced and distributed locally without profit and will be used for educational
purposes only.

No malicious infringement is intended by the writer.


Credits and respect to the original creator/owner of the materials found in this learning
resource.

Inihanda ni:

SHEENA JEAN A. FERNANDEZ


Tagasilay Elementary School

SHEENA JEAN A. FERNANDEZ


Tagasilay Elementary School
5

PANGALAN NG
BAITANG
MAG-AARAL
UNANG
ASIGNATURA FILIPINO KUWARTER
LINGGO 8 ARAW ____________________________________
Petsa

PAKSA Pagsulat ng Liham na Nagbabahagi ng Karanasan/ Pangyayari sa


Nabasang Kuwento
KASANAYANG Nakasusulat ng liham na nagbabahagi ng karanasan / pangyayari sa
PAMPAGKATUTO
nabasang kuwento

ARALIN NATIN
Paksa: LIHAM

Pagtatasa ng Pagkatuto 1:
Naranasan
1.What mo na bang sumulat ng isang liham ? Tungkol saan ang liham na inyong
is Digestion?
sinulat?
_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

Pagtatasa ng Pagkatuto 2:

2. Sa panahon ngayon, ano sa tingin mo ang kahalagahan ng isang liham?


___________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

Sanayin Natin!

Gawain 1:Panuto: Itiman ang bilog ng iyong napiling sagot.


1.

2.

3.

4.

5.

SHEENA JEAN A. FERNANDEZ


Tagasilay Elementary School
6

Gawain 2: Panuto: Isaayos at isulat muli ang bahagi ng liham na naayon sa kanyang
tamang kinalalagyan at isulat ito sa sagutang papel.
________________________
________________________
________________________

_______________________,

_________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

______________________,

______________________

SUBUKIN NATIN
Sukatin ang iyong natutuhan!
Panuto: Pumili ng isang taong malapit sa inyong puso na gusto niyong padalhan ng isang
liham at sumulat kayo ng liham tungkol sa nais ninyong iparating sa kanila.

________________________
________________________
________________________

_______________________,

_________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

______________________,
______________________

SHEENA JEAN A. FERNANDEZ


Tagasilay Elementary School
7

Susi sa Pagwawasto

Maaaring magkaroon ng ibang sagot ang mga mag-aaral dahil ang lahat ng sagot ay batay
sa kanilang sariling reaksyon o opinyon.)

PAGTATASA 1: Naranasan mo na bang sumulat ng isang liham? Tungkol saan ang


liham na inyong sinulat?
Sagot:*Naranasan ko na pong sumulat ng isang liham at tungkol ito sa aking karanasan
noong nagdaang bakasyon.

PAGTATASA 2: Sa panahon ngayon, ano sa tingin mo ang kahalagahan ng isang


liham?

Sagot: *Sa panahon ngayon mahalaga pa ring matutuhan natin ang pagsulat ng isang
liham sapagkat magagamit natin ito bilang isang uri ng komunikasyon sa pagpapahayag ng
ating mga saloobin.

SANAYIN NATIN!
GAWAIN 1.
1.A
2. B
3. C
4. A
GAWAIN 2
12 A. Bonifacio St,
Kalibo, Aklan
Nobyembre 15, 2020

Mahal kong Weng,

Kumusta ka na? Matagal ding hindi tayo nagkasulatan. Naging abala kasi ako sa
pag-aaral. Malapit na pala ang pasko kaya inaanyayahan kitang dito na magbakasyon.
Masaya rito lalo na sa Enero ang buwan ng Ati-atihan.
Sabihin mo kung matutuloy ka at nang masalubong kita. Isama mo ang iyong
mga kapatid.

Nagmamahal ang iyong pinsan,

Alma

SHEENA JEAN A. FERNANDEZ


Tagasilay Elementary School
8

SUBUKIN NATIN!

Paalala: Ang sagot ay mangagaling sa kanilang sariling gawang liham.

Pamantayan sa Paggawa ng Liham


Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
1. Ang liham na isinulat ay tungkol sa sariling karanasan.
2. Nasusunod ng maayos ang mga bahagi ng liham.

SHEENA JEAN A. FERNANDEZ


Tagasilay Elementary School

You might also like