Ang pinakamamahal nating bansa, ay tanyag bilang “Rice Capital of Asia”
at minsan din na tinaguriang “Rice Capital of the World”. Sa likod ng ating moniker na iyan, ay ang pangunahing dahilan bakit tayo nakilala sa produktong bigas o palay, walang iba kung hindi ang ating magigiting na magsasaka. Sila ang mga bayani ng bukid. Maghapong nagaararo at nagtatanim kahit na tirik ang araw para lang meron tayong mabiling bigas at may maihaing kanin sa hapag-kainan. Ngunit sila ngayon ay apektado ng bagong batas. Ang Rice Tariffication Law, ano ang batas na ito?
Ayon sa ating senador at nagmungkahi ng nasabing batas na si Cynthia
Villar, ay kailangan ng ipatupad ang nasabing batas sa kadahilang kailangan nating tumupad sa “International Trade Agreement Obligation” para tayo ay maaprubahan sa pang-ekonomiyang pakikipagkalakalan sa ibang bansa. Naging dahilan din ang RTL kaya madaling nakalusot ang Pilipinas sa nasabing kasunduan. Nasa kasunduan din na ito na kailangan natin magangkat ng bigas sa ibang bansa.
Walong piso isang kilo ng bigas. Pamasahe ko lang sa jeep bilang
estudyante. Isang biscuit. Isang stick ng sigarilyo. Ganyan lang ang mga katumbas na presyo ng walong piso. Mabuti pa sa karinderya, sampung piso isang takal ng kanin. At sa mga fastfood, 25 piso isang takal.
Napagiwanan na tayo ng Thailand at Vietnam sa produksyon ng palay.
Dahil ito sa napakagandang lugar ng kanilang bukid. Wala kasi tayong maayos na irigasyon na katulad ng Mekong River, na isa sa pinakamahabang ilog sa buong mundo, na dumadaloy sa mga bansang Tsina, Myanmar, Thailand, Laos, Cambodia at Vietnam. Isa rin sa mga dahilan ay ang patuloy na paglago ng ating populasyon, ibig sabihin ay mas marami tayong bibig na papakainin. At ang isa pang dahilan ang korapsyon sa ahensyang pangagrikultura.
Paano ang ating mga magsasaka na mayroong malaking puhunan, tapos ay
bibilhin lang ng walong piso kada kilo ng ating gobyerno. Maraming magsasaka ang hindi makakaintindi ng RTL, dahil ang gusto lang naman nila ay mabawi ang puhunan at mayroong maitustos sa kanilang araw araw na pangangailangan. Masakit isipin para sa kanila na ang kanilang pinagpaguran sa loob ng lima hanggang pitong buwan ay bibilhin lang ng walong piso ng gobyerno.