You are on page 1of 2

Nag-iiiyak na ang ating mga magsasaka sa negatibong epekto ng Rice Tarrification Law sa

kanilang hanay,

Ilang buwan pa lamang ang nakakaraan nang ito'y ipatupad ng gobyerno.

Ito ang pagbasak ng presyo ng palay sa bansa.

Sumisigaw na sila na luging-lugi, hindi na sila nakakabawi at tila minamasaker na sila dulot sa
pagbagsak ng presyo ng palay,

at hindi naman sila tinutulu​ngan ng gobyerno.

Magiging kawawa talaga ang mga lokal na magsasaka sa nasabing batas,

dahil ang talagang makikinabang dito ay ang tiwaling opisyal ng gobyerno

at mga dayuhang magsasaka kung saan nag-iimport ng bigas.

Talagang kalokohan ang batas na ito.

Kung sino man ang may akda nito ay dapat sigurong

pagtanimin ng palay sa loob ng isang linggo sa ilalim ng matinding sikat ng araw

at biglang umulan nang malakas para maramdaman niya ang hirap ng buhay ng mga
magsasaka.

Kung sabagay,

paano naman maramdaman ng mga mambabatas at agriculture officials ang hirap, hindi naman
talaga sila magsasaka!

Karamihan nga sa kanila'y nagkukunyari lang na pro-farmers para sa kanilang interes sa


politika.

Minsan ang iba, galing din sa nasabing sektor, kabalikat sa mga ipinaglalaban ng mga
magsasaka,

subalit kapag naipwesto sa gobyerno umiiba na ang kanilang pananaw lalo na kung mabigat na
piso ang sangkot na kapalit.

Ngayong umaabot na lamang sa P10 hanggang P7 kada kilo ang palay sa bansa,
paano na nila mababawi ang kanilang ginastos lalo’t patuloy sa pagtaas ang presyo ng
gasolina, pataba, binhi at iba pang mga gastusin?

Sa ilalim ng Rice Tariffication Law, inalis ang limitasyon sa pag-iimporta ng mga pribadong
negosyante basta magbabayad sila ng ipinataw na mataas na taripa.

Gayunpaman, base naman sa ating obserbasyon bilang mamimili, hindi naman gaanong
bumaba ang presyo ng bigas.

Kung dati, ang iti​nuturing na pinakamurang bigas na NFA ay nagkakahalaga ng P27-P32 kada
kilo, ngayon ang pinakamura ay P36.

Bakit sumisigaw ng tulong ang mga magsasaka, gayung bago ipanatupad ang nasabing batas,
lumikha ang gobyerno ng Competitiveness Enhancement Fund na nagkakahalaga ng P10
billion na magbibigay ng safety nets para sa mga lokal na magsasaka.

Ito'y sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga mas maayos na binhi, at iba pa na


magpapaunlad sa kanilang ani.

Saan napunta ang pondo?

Tama ang panawagan ng ilang mambabatas na reb​yuhin ang nasabing batas o higit na
makabubuti kung lusawin na ito dahil hindi talaga ito makatutulong sa mga lokal na magsasaka

You might also like