You are on page 1of 1

RICE TARIFFICATION LAW

Ang batas na ito ay may kinalaman sa importasyon ng bigas sa Pilipinas. Noon ay limitado ang
dami ng bigas na nakakapasok sa bansa dahil sa quantitative restriction.Ang batas na ito ay nagsasaad na
hindi lilimitahin ng pamahalaan ang pagpasok ng bigas. Ang batas na ito ay nagaalis ng limitasyon sa
import ng bigas galling sa ibang bansa. Sa ilalim ng batas na ito ay papayagan na ang pagpasok ng bigas na
may tariff na papatawan ng 35% kada tonelada ng bigas galing sa mga bansang kasapi ng Assoiciation of
Southesat Asian (ASEAN) at 50% mula sa mga bansang hindi kasapi sa Assoiciation of Southesat Asian
(ASEAN). Ang perang makukuha mula sa Rice Tariffication Law ay para sa mga magsasaka. Ang batas na
ito ay para maprotektahan ang mga magsasaka laban sa mga pag- agos ng mga imported na bigas.

Nakasaad sa Rice Tariffication Law na ang tariff o buwis na makukuha ay paghahatian at ibibigay
sa mga magsasaka. Ang batas na ito ay makakatulong sa mga magsasaka dahil mapapadoble ang
produksiyon, abono, pati na rin ang pagsubsidized ng farm machinery at mga kagamitan. Kung ito ay
mangyayari, ang mga magsasaka ay mapapabuti ang kanilang pagiging produktibo, pagtaas ng production
at mas murang halaga ng produksiyon.

Ang Rice Ratiffication Law ay makakasama dahil walang limitasiyon ang pagdating ng bigas mula
sa mga ibang bansa. Mas pipiliin ng mga mamimili ang mga bigas na export kumpara sa mga bigas na mula
sa Pilipinas at ang presyo nito ay bababa. Mahihirapan ang mga magsasakang ibenta ang kanilang mga
bigas dahil ang mga pribadong sector ay wala nang quota sap ag import at ito ay papatungan lamang ng
tariff o buwis.Dahil dito baka mawalan ng hanap buhay ang mga magsasaka dahil hindi nila maibenta ang
kanilang mga naani. Dahil dito ay pwedeng mapatay ang industriya ng bigas kung hindi ito masosolusiyon
agad.

Dahil sa batas na ito ay tataas ang supply ng bigas. Dahil sa batas na ito ay wala ng limitasiyon sa
pagpasok ng bigas dito sa Pilipinas. Wala ng Quantitative Restrictions kaya malayang makakapasok ang
bigas mula sa mga ibang bansa at mapapatawan lamang ng tariff o buwis. Dahil dito ay dumadami ang
supply ng bigas.

Para sa akin ay makakabuti ang batas na ito lalong lalo na sa mga magsasaka dahil sila ay
natutulungan ng pamahalaan sa kanilang hanapbuhay. Kailangan lamang itong bantayan upang lahat ay
napapakinabangan sa batas na ito at walang mawawalan ng hanap buhay dahil dito sa batas na ito.

You might also like