You are on page 1of 4

Ano ang Rice Tariffication na Ipapatupad ng

Rehimeng Duterte
Magbebenepisyo kaya ang taumbayan dyan ha?

Malapit na Isabatas ang Rice Tarrification Bill

Ang Rice Tarrification Bill na nakabinbin sa Kongreso ay aamyenda sa Agricultural Tarrification Act of 1996 para
tanggalin ang paghihigpit sa bilang ng imported rice. Wala ng restrictions sa pag-angkat ng bigas, pero
magkakaroon na ng rice tarrification na sinasabi ng rehimeng Duterte na makakapagpababa ng presyo ng bigas.

Sino-sino ang Makikinabang sa Rice Tarrification?

Mamimili

Bababa ang presyo ng bigas. Ang pagbaba ng presyo nito ay katumbas sa 1% ng inflation rate.

Pamilya

Makakaipon ang isang pamilya ng 2,362 pesos kada taon dahil sa mababang halaga ng bigas.

Magsasaka

Ang kikitain ng gobyerno mula sa rice tarrification ay gagastusin para suportahan ang mga maliliit na magsasaka sa
pamamagitan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Bakit Kailangan ang Rice Tariffication?

Ang kasalukuyang umiiral na sistema ay Quantitative Restrictions. Ibig sabihin nito, mayroong limitasyon sa bilang
ng bigas na pumapasok sa bansa. Ang sistemang ito ang nagbibigay ng proteksyon sa mga magsasaka na
maaapektuhan ng mababang presyo dahil sa mas mura ang imported rice. Ngunit, di naman ito ang nangyayari.

Sa Rice Tariffication, hindi na lilimitahan ng gobyerno ang pag-aangkat ng bigas. Susubaybayan na lamang nito ang
mga private importers. Ang perang makukuha mula sa rice tariffication ay para sa mga magsasaka at sa pagpapabuti
ng industriya ng bigas. Papatawan ng 35% tariff o tax ang bigas. Ito ay mas mababa sa import limitation na
kasalukuyang ginagawa ng pamahalaan. Ang presyo ng bigas mula sa Thailand at Vietnam ay magiging 30.30 pesos
na lamang. Mas mababa ito ng 4.30 pesos kesa sa bigas na ani ng ating mga magsasaka.

IBON: Kulang ang Kikitain sa Rice Tariffication para Suportahan ang mga Magsasaka

Ayon sa IBON, ang posibleng kita sa pagpapataw ng rice tariff ay di sapat para suportahan ang produksyon ng mga
magsasaka.
Di lumalago ang sektor ng agrikultura

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, nasa 0.2% lamang ang paglago ng sektor noong 2nd quarter ng
2018.

Sinusuportahan ng NEDA ang rice tariffication para pagbutihin ang competitiveness ng sektor ng agrikultura at ang
kita ng mga magsasaka.

Inaasahan ng rehimeng Duterte na makakakolekta ito ng 28B pesos mula sa taripa sa bigas sa loob ng 6 taon.

Ayon sa IBON, mas mataas ito sa kasalukuyang kita ng gobyerno mula sa pag-import ng bigas ng private sector.
Mula 2013 hanggang 2017, kumita ang gobyerno ng 2.2B kada taon mula sa rice importation.

Ngunit, kulang ang suporta na ibinibigay sa mga magsasaka. Hindi pa rin nakakatugon ang National Food Authority
sa mandato nitong bumili sa mga magsasaka sa mas mataas na presyo.

Ayon sa Commission on Audit, 28,514 metric tons lamang ang binili ng NFA sa mga magsasaka. Ito ay 18.6%
lamang ng target nila sa 2017.

Ganun din, ipinambayad ng NFA ang 5.1B pesos na budget ng Food Security Program para bayaran ang mga
pagkakautang nito.

Sa datos ng NFA at PSA, 0.8% lamang ng produksyon ng mga magsasaka ang nabili ng NFA kada taon simula
2013-2017.

Sa Rice Tarrification, mababawasan ang regulatory functions ng NFA. Magiging tagasubaybay na lamang ito ng
pag-aangkat ng pribadong sektor ng bigas. Posible ring sila pa ang mag-import ng bigas para sa kanila.

Dahil sa paggamit ng pribadong sektor ng tax exemption na ibinibigay ng NFA, 12B pesos ang nawalang kita ng
gobyerno mula 2009-2012.

Incompetent ang NFA. Kung sa ngayon nga di nito natutugunan ang mandato sa mga magsasaka, anong
kasiguraduhan na matutulungan nga ng rice tariffication ang sektor ng agrikultura?

Sources:
Department of Budget Management. (2018). 2019 People’s Proposed Budget. Manila: DBM.

IBON Foundation. (2018, August 10). Projected rice tariffication revenues may not be enough support for farmers.
Retrieved August 25, 2018, from IBON Official Website: http://ibon.org/2018/08/projected-rice-tariffication-
revenues-may-not-be-enough-support-for-farmers/

MABUTING EPEKTO NG RICE TARIFFICATION


*Bababa ang presyo ng bigas sapagkat mas mura ang presyo ng mga imported na bigas.

*Mas makakaipon ang mga sambayanan.

DI MABUTING EPEKTO NG RICE TARIFFICATION

*Hindi na makokontrol ng pamahalaan ang naaangkat na imported rice.

*Mawawalan ng kabuhayan ang mga magsasaka sapagkat mas tatalingkilin ang mga imported na bigas.

*Bababa ang produksyon ng palay sa ating bansa.

KONKLUSYON

Para sa akin ay hindi nakabubuti ang Rice Tariffication sa ating bansa lalo sa mga magsasaka sapagkat
kung mas ipaprayoridad ng pamahalaan ang mga imported rice, malulugi naman ang mga magsasaka sa
ating bansa. Sinasabing mayroon itong malaking tulong sapagkat mas mura ang mga naaangkat na
imported rice kaya’t masusuportahan ng Department of Agriculture ang mga magsasaka ngunit kitang
kita naman natin na hindi ito nangyayari. Maaaring makatulong ito sa mga mamimili ngunit hindi sa mga
magsasaka. Isipin nalang natin na paano kung ang mga lupain na pinagsasakahan ng mga magsasaka ay
ibenta nila at gawing mga subdivision, hindi ba’t mas lalala ang problema kapag nawalan tayo ng lupang
sakahan na malaking bahagdan ng ating agrikultura? Maaaring taasan din ng mga bansang pinagbibilhan
ng Pilipinas ang presyo ng bigas dahil dadami ang demand nito. Bakit hindi tayo mag isip ng mga paraan
at mga alternatibo upang mas mapababa ang presyo ng bigas mula mismo sa ating mga magsasaka gaya
ng paggamit ng mga machineries, paggamit ng mga murang binhi , at pagbibigay ng capital. Ang
problema saating bansa ay ang mga mayayaman lalong yumayaman, nakaabang palagi sa pagkakakitaan
tulad ng pag angkat ng bigas sa ibang bansa.Marami silang capital kaya’t kaya nila bumili. Ang mga
mahihirap ang apektado.

Ashley Nichole Pornela

10- Admirable

Mrs. Jennifer Evangelista

You might also like