You are on page 1of 4

Ang tesis na “The Philippine Rice Tariffication Law: Implications and Issues” ni

Tobias (2019) ay naglahad ng pangkalahatang ideya tungkol sa industriya ng bigas sa

Pilipinas. Mahalaga ang pangkalahatang ideya tungkol sa komersyo at kalakalan ng

bigas dito sa Pilipinas dahil ang mga ito nakaapekto sa pagbabago ng kalakalan ng

bigas at iba pang mga produkto dito sa ating bansa. Inilahad nya dito na noon, ang

Pilipinas ay natutugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa bigas noong

1970 at mang-aangkat ng bigas sa mga kalapit bansa tulad ng China, Indonesia at

Myanmar ngunit unti-unti itong nagbago dahil sa paglobo ng populasyon sa bansa at sa

pagliit ng lupang kinakailangan upang pagtamnan ng mga palay. Dahil ditto, naging

pangalawa ang Pilipinas sa mga nag-aangkat ng bigas (Simeon, 2019). Ayon din kay

Santiago, 2019 ang mga bigas na ating inaangkat ay nagmumula sa Vietnam (52%) at

sa Thailand (29%).

Ayon naman sa Republic Act 11203 o ang Rice Tarrification Law na nilagdaan ni

Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Pebrero 14, 2019, inaamyendahan nito ang

Agriculture Tarrification Act of 1996 na syang naglalagay ng taripa sa bawat produktong

pang-agrikultura maliban sa bigas. Ang pangunahing layunin ng batas na ito ay ang

tanggalin ang limitasyon sa dami ng pag-angkat ng bigas at palitan na lamang ito ng

paglalagay ng taripa sa bawat bigas na iniaangkat. Ito ay upang pangalagaan ang

pagdami ng iaangkat na bigas mula sa ibang bansa sa pagtatatag ng 35% na taripa sa

mga miyembro ng ng ASEAN (Association of South East Asian Nations) tulad ng

Thailand at Vietnam, habang 40% na taripa naman sa mga hindi miyembro ng ASEAN.

Ang makukuhang taripa mula sa mga iaangkat na bigas ay mapupunta sa pagpundar


ng patubig at irigasyon sa mga sakahan sa bansa, pagsasaayos ng mga imbakan at

bodega ng bigasan at pananaliksik.

Inilahad ni Senador Koko Pimentel, isa sa mga nagsulong ng rice tarrification

law, sa isang press release noong Enero 11, 2019, ang batas na ito ay ipinasa upang

matugunan ang kakulangan ng bigas at upang masiguro ang “food safety” sa ating

bansa. Isa ring masosolusyonan ng batas na ito ang matagal nang problema na

korapsyon sa sistema pangangalakal ng bigas. Ayon pa sa kanya, sa pamamagitan ng

pagtatatag ng 35% na taripa sa mga bigas na iaangkat, magkakaroon ng seguridad

laban sa mga rice traders na magmamanipula ng presyo ng iaangkat nilang mga bigas

sa ating bansa. Kinakailangan na rin nilang siguruhin ang mga import clearances bago

mag angkat ng bigas sa Bureau of Plant Industry ng Department of Agriculture at

bayaran ang kaukulang taripa sa Bureau of Customs.

Ang mga mabebenipisyuhan ng batas na ito ayon sa pag-aaral ni Cantos (2019)

sa kanyang tesis na “Understanding Rice Tariffication”, sa pagbabago ng ilang aspeto

ng kalakalan ng bigas sa bansa, higit na maaapektuhan dito hindi lamang ang mga

magsasaka at konsumer, kundi pati na rin ang mga empleyado ng NFA (National Food

Authority) dahil hindi na sila ang mangangasiwa sa mga iniimport na bigas kung kaya,

magkakaroon ng pagkakaroon ng paglilipat ng mga pwesto na higit na mas

nangangailangan ng pangangasiwa. Sa pagbabagong ito, madaragdagan ang

kapangyarihan ng Pangulo upang magdikta ng magiging presyo ng bigas sa ating

bansa sa mga kinakailangang panahon.

Isinaad din ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol sa isang artikulo na “What's

inside the IRR of the Rice Tariffication Law?” ng online news site na Rappler na
ikinonsidera ng mga mambabatas ang pagkakaroon ng “Rice Competitiveness and

Enhancement Fund” nag maglalayong gamitin ang taripang nalikom mula sa mga

iniangkat na bigas para bigyan sila ng sistema ng pagpapautang at paglalaan ng mga

pasilidad, kagamitan at libreng pagsasanay sa pagsasaka at epektibong pagtatanim. !0

bilyon ng malilikom na taripa ang gagamitin para sa mga magsasaka sa kada taon.

Dagdag pa ni Pinol sa isang artikulo ni Santiagudo (2019), ang P5 bilyon ay

ispesipikong ilalaan sa mechanization program o ang pagkakaroon ng makinarya,, P3

bilyon para sa pag-papaunlad ng variety ng mga pananim na palay, P1 bilyon para sa

pagpapautang at P1 bilyon naman sa pagsasanay at mga seminar sa mga magsasaka.

Sa isang pagpupulong na pinangunahan ng Philippine Rice Reasearch Institute

(PhilRice) na “Proceedings of the Policy Seminar on Philippine Rice Trade Policies and

Rice Security: Future Directions”, tinalakay ang kaibahan ng pagtatakda ng taripa o ang

Rice Tarrification sa mga nagdaang rice trading policies sa ating bansa. Ayon sa isang

tesis sa pagpupulong na ito ni Padozo, Ph.D (2012), ang lumang polisiya na hindi pag-

saklaw sa bigas sa taripang ipinatutupad ng bansa sa mga agricultural goods na

iniaangkat ay nagreresulta sa pag-abuso ng mga rice traders sa pagtatakda ng presyo

ng kanilang iniaangkat na bigas sa ating bansa, kung kaya mas tumataas ang presyo

nito, at nakadaragdag sa implasyon ng mga bilihin sa merkado. Nagiging sanhi ito ng

pagkakaroon ng pagdami ng kompetisyon ng mga magsasakang Pilipino, na nauuwi sa

pagkalugi at pagmahal ng presyo ng bigas. Ang pagtatakda ng buwis ayon kay Padozo,

(2012) ang solusyon upang magkaroon ng mas maraming suplay ng bigas sa bansa, na

magiging dahilan ng pagbaba ng presyo nito. Kasabay nito, pauunlarin ng ponding

malilikom mula sa taripa ang ating mga magsasaka.


Maihahambing din ang Rice Tarrification Law sa mga inilahad na polisiya ng

dyornal na “Status of the World Rice Market in 2002” ni Calpe (2002). Ang mga polisiya

na sinusunod ng mga bansang nakabatay alinsunod sa pakikisapi sa WTO (World

Trade Organization) ay nagtatakda ng minimum access volume o limit ng maaaring

iangkat na produkto. Sa ganitong paraan, napapangasiwaan ng WTO ang daloy ng

palitan ng produkto ng mga bansa, at naisasaayos ang ekonomiya ng bawat bansa

kasabay ng pagsuplay sa demand ng mga mamamayan.

Kaugnay sa tesis ni Tobias (2019) na “The Philippine Rice

Tarrification:Implications and Issues” na lubos na mabebenepisyuhan ang mga

magsasaka dahil sa RCEF at ang mga konsyumer dahil sa pagiging abot-kaya ng mga

bigas sa pagtatakda ng Rice Tarrification Law, ang artikulo ni Yap (2019) sa

pahayagang Inquirer.Net ay nagsasabing taliwas ito sa kung ano ang totoong

nararanasan at nangyayari sa mga magsasaka ngayon Isinisisi ng mga magsasaka ang

pagpasa ng Rice Tarrification sa pagbagsak ng presyo ng palay dahil sa pagpasok ng

mga inangkat na bigas mula sa ibang bansa. Dahil dito, bumaba ang kanilang kita at

patuloy nilang mararanasan ito kung wala ang ipinangakong RCEF ng gobyerno na

tutulong at sasalba sa mga nalugi nilang pananim. Isa pang lubhang naapektuhan

You might also like