You are on page 1of 7

Written Report AP

Group 3

Ang Sektor ng Agrikultura


Ang Pilipinas ay kilala bilang isa sa mga bansang agrikultural. Marahil marami ang
nagtatanong kung bakit tayo tinatawag na bansang agrikultural. Ang salitang agrikultura ay
nagmula sa salitang Latin na agricultura; ager na nangangahulugang “field at cultura” na ang
ibig sabihin ay “cultivation o growing”.

Ang mga bumubuo sa sektor ng agrikultura;


1. Pagsasaka - Tumutukoy ito sa produksiyon ng aning pagkain (food crops) o aning
pambenta (commercial crops).

2. Paghahayupan - Ang sangay na ito ay nakatuon sa pag-aalaga ng mga hayop para sa mga
pangkabuhayang kapakinabangan nito.

3. Pangingisda - Nakatuon ang sangay na ito sa pagpapaunlad ng mga palaisdaan sa


pamamagitan ng aquaculture, recreational fisheries, at commercial fishing.

4. Paggugubat - Tumutukoy sa mga pang-ekonomiyang gawaing kaugnay sa kagubatan.


Kabilang ditto ang pagkatas ng mga haliw na sangkap mula sa kagubatan at mga paglilingkod
kaugnay sa kagubatan.

Kahalagahan ng Agrikultura

Ang pag-unlad ay nakabatay sa laki at taas ng kita ng mga sektor ng ekonomiya. Mahalagang
mapagtuunan ng pansin ng mga pamahalaan ang lahat ng sektor, particular ang agrikultura
sapagkat ditto nagmumula ang mga pagkain na tumutugon sa pangangailangan ng
mamamayan.

Apat na kahalagahan ng Agrikultura

1. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain.


2. Pinagkukunan ng material para makabuo ng pagong produkto.
3. Pinagkukunan ng kitang panlabas.
4. Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.
5. Pinagkukunan ng Sobrang Manggagawa mula sa Sektor Agrikultural patungo sa Sektor ng
Industriya at Paglilingkod.

Suliranin sa Sektor ng Agrikultura


Malaki ang kontribusyon ng agrikultura sa ating pambansang ekonomiya. Para sa taong 2018,
ang 9.28% ng kabuuang kita ng ekonomiya ay nagmula sa sektor na ito.

A. Pagsasaka
1. Pagliit ng lupang pansakahan - Ang patuloy na paglaki ng populasyon, paglawak ng
panirahan, komersiyo, at industriya ay nag dudulot ng pagliit ng mga takdang lupain para sa
pagsasaka.

2. Paggamit ng teknolohiya - Ang kakayahang mapataas ang produksiyon ng lupa ay higit na


makakamit sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya. Ang makabagong kaalaman sa
paggamit ng mga pataba, pamuska ng peste, at makabagong teknolohiya sa pagtatanim ay
magiging kapaki-pakinabang lalo na sa hamon ng lumalaking populasyon.

3.Kakulangan sa mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran - isa rin sa mga dapat na


mabigyan ng atensiyon ay ang kakulangan sa mga imprastrukturang magagamit n gating mga
magsasaka. Isa ito sa mga nakita nina Dy (2005) batay sa isunulat nina Habito at Briones na
kinakailangang matugunan. Ang Batas Republika 8435 (Agriculture and Fisheries
Modernization Act of 1997) ay naghahangad ng modernisasyon sa maraming aspekto ng
sektor upang masiguro ang pagpapaunlad nito.

4.Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sektor - Ang pagtutulungan sa loob at labas ng
sektor ay magtutulang upang higit na maging matatag ang agrikultura. Ayos sa Batas
Republika 8435, ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ay binigyang-diin
bilang suporta sa implementasyon ng modernisasyon sa agrikultura.

5. Pagbibigay-prayoridad sa sektor ng industriya - Isa sa mga nagpahina sa kalagayan ng


agrikultura ayon kina Habito at Briones ay nagging prayoridad ng pamahalaan sa pagbibigay
ng proteksiyon sa mga favored import sa pandaigdigang pamilihan.

6. Pagdagsa ng ga dayuhang kalakal - Isang malaking kompetisyon ang kasalukuyang


hinaharap ng bansa dulot ng pagdagsa ng mga dayuhang kalakal. Maraming magsasaka ang
nahihirapang makipaglaban sa presyo ng mga murang produkto mula sa ibang bansa. Bunga
ito ng pagpasok ng pamahalaan sa World Trade Organization (WTO) kung saan madaling
makapasok ang mga produktong mula sa mga miyembro nito.

7. Climate Change - Ang patuloy na epekto ng Climate Change ay lubhang nakaaapekto sa


bansa tulad ng pagdating ng bagyong Yolanda na may pambihirang lakas noong 2013.
Milyon-milyong piso ang halaga sa mga nasirang kabuhayan at personal na mga gamit.

B. Pangisdaan

1. Mapanirang operasyon ng malalaking komersiyal na mangingisda - Mula sa aklat nina


Balitao et al, ang malalaki at komersiyal na barko na ginagamit sa paghuli ng mga isda ay
nakaapekto at nakasisira sa mga korales.
2. Epekto ng populasyon sa pangisdaan - Binanggit rin sa aklat nina Balitao et al ang patuloy
na pagkasira ng Laguna de Bay at Manila Bay dahil sa mga polusyon na nagmumula sa mga
tahanan, agrikultura, at industriya.
Kahi
3.Lumalaking populasyon sa bansa - Ang patuloy na pagtaas sa bilang ng mga mamamayang
Pilipino ay nagdudulot ng mataas na pressure sa mga yamang tubig ng bansa at sa lahat ng
yamang-likas, sa kabuuan .

4.Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda at mga magsasaka – Ang mga magsasaka at


mangingisda ay isa sa may pinakamababang sahod na natatanggap. Dahil ditto, sila ay
nabibilang sa mga pangkat na hikahos sa buhay.

C.Paggugubat

1. Mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman lalo na ng kagubatan. Malawakan ang


paggamit sa ating likas na yaman. Mabilis na nauubo sa ito dahil sa mga pangangailangan sa
mga hilaw na sangkap sa produksiyon tulad ng mga troso at mineral.

Mga Patakaran at Programang Pangkaunlaran sa Sektor ng


Agrikultura

A. Pagsasaka/Pagtatanim
Batay sa CARP 2003, patuloy na isinasagawa ang sumusunod upang maisakatuparan ang nais
ng pamahalaan na maiangat ang kalagayang pangkabuhayang mga magsasaka

B. Pangingisda
1. Pagpapatayo ng daungan
Upang Higit na mapadali ang pagpapadala sa mga huling isda sa pamilihan o tahanan
nagsisilbing sentro o bagsakan ng mga ito ang mga daungan.
2. Philippine Fisheries Code of 1988
Ito ang itinadhana ng pamahalaan na naglilimita at naglalayon ng wastong paggamit sa
yamang pangisdaan ng Pilipinas.
3.Fishery Research
Ang Pananaliksik at pagtingin sa potensiyal ng teknolohiya tulad ng aquaculture marine
resources development, at post harvest technology patuloy na ginagawa upang masiguro ang
pagpaparami at pagpapayaman sa mga yamang tubig.

C. Pagtotroso
1.Community Livelihood Assistance Program
Paglilipat teknolohiya o pagtuturo sa mga mamamayan ng wastong paglinang sa mga likas na
yaman ng bansa.
2. National integrated Protected Areas System
Ito ay programa na ang pangunahing layunin ay maingatan at protektahan ang kagubatan.
3. Sustainable Forest Management Strategy
Ito ay pamaraan upang matakdaan ang permanente at sukat ng kagubatan.

Mga Gampanin ng Sektor ng Industriya at mga Patakarang


PangEkonomiyang Nakatutulong dito

Sektor ng Industriya
Ito ay kalagayan ng isang ekonomiya na nagpapakita ng kapasidad at kakayahan ng isang
banse na makalikha ng maraming produkto mula sa mga hilaw na materyales na tutugon sa
mga pangangailangan ng local at pandaigdigang pamilihan.

Mga Sekondaryang Sektor ng Industriya

1. Pagmimina - Pagkuha at pagproseso ng mga yamang mineral upang gawing tapos na


produkto o kabahagi ng isang yaring kalakal.

2. Pagmamanupaktura - Ito ay tumutukoy sa pagagawa ng mga produkto sa pamamagitan ng


manual labor o ng mga makina. Nagkakaroon ng pisikal o kemikal na transpormasyon ang
mga material o bahagi nito sa pagbuo ng mga bagong produkto.

3. Konstrukyon - Kabilang ditto ang mga gawaing tulad ng pagtatayo ng mga gusali,
estruktura at iba pang land improvements.

4. Utilities - Ito ay binubuo ng mga kompanyang pangunahing layunin ay matugunan ang


pangangailangan ng mga mamayan tulad ng tubig, kuryente at gas.

Uri ng mga Industriya Ayon sa Laki

Cottage Industry

Napapaloob dito ang mga produktong gawang kamay. Hindi hihigit sa 100 manggagawa ang
kabilang sa industriya at maliit na lugar lamang ang sakop ng operasyon nito.

Small and Medium-scale Industry

Binubuo ng 100-200 na mga manggagawa at ginagamitan ng payak na makinarya sa


pagproseso ng mga produkto.

Large-scale Industry

Binubuo ng higit sa 200 na mga manggawa, ginagamitan ng malalaki at komplekadong


makinarya sa pagproseso ng mga produkto at kailangan ng malaking lugar para sa
produksyon tulad ng planta o pabrika.
Kahalagahan ng Industriya

1. Gumagawa ng mga produktong may bagong anyo, hugis at halaga.


2. Nagbibigay ng trabaho.
3. Pamilihan ng mga tapos na produkto.
4. Nagpapasok ng dolyar sa bansa.

Kahinaan ng Sektor ng Industriya

Policy inconsistency

Ang kahinaan ng pamahalaan na magkaroon ng mga polisiyang susuporta sa pagpapalakas ng


industriya ang isa sa mga dahilan sa pagkawala at pag-iwas ng mga mamumuhunan sa bansa.

Inadequate Investment

Ang pamumuhunan ay mahalaga upang malinang ang teknolohiya at mapalakas ang


kasalukuyang industriya. Kung may sapat na kakayahang pinansyal, mas madali sa isang
bansa magbago ng negosyo at magpokus sa mga produktong may mataas na demand.

Macroeconomic Volatility and Political Instability

Ang Kahinaan ng mga element ng makroekonomiks at ang kaguluhang political sa bansa sa


iba’t ibang panahon ay nagtulak sa mga lokal at dayuhang mamumuhunan na huwag
magnegosyo sa bansa.

Sangay ng Pamahalaan na tumutulong sa Sektor ng Industriya

Department of Trand and Industry (DTI) - Gumagabay sa mg amangangalakal sa pagtatag ng


negosyo.

Board of Investments (BOI) – Tinutulungan niyo ang mga nagsisimulang industriya at


humihikayat sa mga dayuhang mamumuhunan na magnegosyo sa bansa.

Philippine Economic Zone Authority (PEZA) – Tumutulong ito sa mga mamumuhunan na


maghanap ng lugar upang pagtayuan ng negosyo.

Securities and Exchange Commission (SEC) – Nagtatala at nag rerehistro sa mga kompanya
sa bansa.

Mga Polisiya sa Pagpapatatag ng Industriya

Executive Order (EO) - Upang mapalakas ang pagtataguyod sa pamumuhunan at paglinang


ng mga bagong industriya ng Board of Investment.

Pagpapatibay ng anti trust/competition law – Upang malabanan ang mga gawaing hindi patas
pagdating sa kalakalan.

Pagsusog sa tariff and customs Pilipinas – Ito ay bilang suporta sa patas na


pakikipagkalakalan at mapigilan ang patuloy na paglaganap ng smuggling sa bansa.

Pagsusog sa Locat Government Code – Upang masiguro na ang kapaligiran sa bansa ay


magiging kaaya-aya sa pagnenegosyo.

Reporma sa buwis – Ito ay bilang s ainsentibo sa pribadong sektor kaugnay sa RA 8424.

Pagsysog sa Intellectual Property Code – Ito ay bilang proteksyon sa mga negosyante na ang
produkto ay mga sariling likha tulad ng muwebles at iba pang gawang kamay.

Pagsusog sa Barangay Micro Business Enterprises – Ito ay bilang suporta sa pagpapalawig at


pagpapalakas sa maliliit na negosyo na katuwang ng pamahalaan sa pagbibigay ng trabaho.

Mga Imprastraktura at mga regulasyon para sa sosyo-ekonomikong


kapaligiran

1. Mapaghusay ang promosyon sa pamumuhunan at estratehiya sa paglinang ng industriya.

2. Masiguro na ang mga magsisitapos sa mga paaralan ay kinakailangan ng industriya.

3. Maitaguyod ang paglinang sa mga manggagawa.

4. Mapanatili ng pamahalaan ang pamimigay ng insentibo.

5. Mapabuti ang persepsiyon ng pamumuhunan sa bansa.

6. Mapalawak ang kaunlaran sa iba pang mga lungsod.

Mga Suliranin ng Sektor ng Industriya


Suliranin

1. Kawalan ng malaking capital upang tustusan ang pangangailangan sa produksyon.

2. Mga white elephants projects ng pamahalaan.

3.Kakulangan sa hilaw na materyales.

4. Malayang pagpasok ng murang produkto mula sa ibang bansa dahil sa import liberalization
Epekto

1. Kakulangan ng produkto at pagtaan ng presyo nito

2. Pinsala sa mga mamamayan at kapaligiran.

3.Pagbabawas sa produksyon at pagtaas sa presyo ng produkto

4. Pagsasara sa mga lokal na industriya at pagkawala ng hanapbuhay ng maraming


mamamayan.

This Written Report is made by Group 3 

You might also like