You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas
SENIOR HIGH SCHOOL IN CALATAGAN
Soaring High through Sustained Commitment
Poblacion II, Calatagan, Batangas

MGA PALAY NA ITINATANIM NG MGA MAGSASAKA


(PASAHOD PARA SA LINGKOD)

Rey, John Carlo B.


ABM 11 – GOZON
I. PANIMULA
A. MGA PALAY NA ITINATANIM NG MGA MAGSASAKA
B. Labis labis ang mga hinaing ng mga magsasaka matapos ang patuloy na
pagbaba ng presyo ng palay kung saan umabot na ito ng Php.7.00 kada
kilo ayon sa mga magsasaka mula Php.19.00 kada kilo noong isang taon
bumaba ito sa Php.15.00 kada kilo nang simulan ang implementasyon nito
ngayong taon. Noong Agosto bumaba ito muli sa Php.10.00 kada kilo
hanggang sa umabot sa Php.7.00 kada kilo.
C. Hindi naging maganda ang resulta ng pagbaba ng presyo ng palay sa mga
magsasaka kung gayon ang bigas ay galing sa palay ngunit tila kitang kita
na walang patas sa nangyayaring pagpepresyo sa panahon ngayon. Hindi
naging makatarugan sa mga pagod at sakripisyo ng mga magsasaka noong
itinatanim palang nila ito.

II. PAGLALAHAD NG COUNTER ARGUMENT O MGA


ARGUMENTONG TUMUTUTOL O KUMOKONTRA SA IYONG
TESIS
A. Sa pagbaba ng presyo ng palay ay kaalintana din nito ang pagbaba ng
presyo ng bigas kung ganun maraming pamilya na ang makakabili ng kilo-
kilo dahil kaya nan g kanilang badyet ang presyo ng bigas. Marami ng
makakakain ng ayos at matiwasay, kung gayon wala ng magugutom at
aalalahanin pa ang gobyerno para sa mga pamilya o taong nagugutom.
B. Kung mag papatuloy ang presyo ng pagbaba ng palay ay mawawalan na
ng gana ang mga magsasaka na magtanim dahil sa kakarampot na kanilang
kinikita sa kanilang trabaho. Kung mangyayari iyon, marahil mas
gugustuhin na lang nila na bumili na lang ng bigas kesa magtanim at
maghanap na lang ng ibang trabaho na mas malaki ang kita at
makakatulong sa kanilang pamilya at sa pagsusustento ng kanilag
pangangailangan. At dahil dun uunti na lang ang magtatanim ng palay at
uunti na rin ang produksiyon ng bigas.
C. Araw-araw ibat ibang pagsubok ang kinakaharap ng mga magsasakang
Pilipino,mahal na kagamitan sa pagsasaka, mga bagong uri ng pampatay
peste, maliit o halos kawalan ng kita, mahinang supota ng gobyerno at
ibang sektor, at climate change. Isa rin ang magsasakang Pilipino sa
pinaka mahirap na sektor sa bansa kaya naman hindi kataka-takang
kakaunti ang mga kabtaang nagpapakita pa ng interes sa pagsasaka.
D. Labis ang pighati ng mga magsasaka sa patuloy na pagbaba ng presyo ng
palay kung saan umabot na ito sa Php. 7.00 . Kung palugi lagi ang
mararanasan ng mga magsasaka, hindi na nakakapagtaka na tumigil na
lamang sila sa pagtatanim at ibenta na lamang kanilang bukirin.Nagte-
trending din sa social media ang mga reklamo ng mga magsasaka kung
saan bintikos nila na masyadong abala ang mga opisyal ng gobyerno
kaugnay ng transwoman na si Gretchen Diez at ng SOGIE bill,gayong
libu-libong magsasaka ang umaaray sa pagbaba ng presyo ng palay, na
ayon sa kanila ay mas dapat bigyan ng atensyon. Isinisisi ng mga
magsasaka ang labis na pagbaba ng presyo ng palay sa pagpapatupad ng
Rice Tariffication law at pagbaha ng mga imported rice.
III. PAGLALAHAD NG IYONG POSISYON O PANGANGATWIRAN
TUNGKOL SA ISYU
A. Maramig mga magsasaka ang nababahala
 Marami sa ating mga magsasaka ang nakararanas ngayon ng gutom dahil
sa pagbaba ng presyo ng palay. Hindi na sapat ang kanilang kinikita at
ipinambibili ng kanilang pagkain. Kulang na ulang ang kanilang pera dahil
sa mga kagamitang kanilang ginagamit upang mapuksa ang mga peste
sumasalakay sa kanilang pananim. Kung ganon mas naiisip na lang nilang
mag hanap na lang trabaho na pasok sa kanilang kalidad na mas
mapapadali ang kita.
 MAYNILA- Humihingi ng cash assistance sa pamahalaan ang mga
magsasaka sa gitna ng pagsadsad ng presyo ng palay dahil umano sa Rice
Tariffication Law. Sa ilalim ng batas,wala nang limit ang pag-aangkat ng
bigas dahilan para mag bagsak-presyo ang mga imported rice. Bunsod
nito, napipilitang magbaba ng presyo ang mga retailer ng bigas sa bansa.
 Ayon kay Department of Agriculture (DA) spokesperson Noel Reyes,
sisiguruhin nilang mabibigay sa mga magsasaka ang ipinangakong Php. 10
Bilyong pondo na tulong sa kanila. Nakiusap din ang DA sa mga
magsasaka at mga consumer na bigyan ng pagkakaaton ang Rice
Tariffication Law, lalo’t para naman umano ito sa pagpapalaaks ng sector
ng agricultural sa bansa.

B. Maraming galit kay Cynthia Villar
 Talamak ang galit kay Cynthia Villar dahil sa mga batas at sa mga
ipinapagawa niya.Gaya na lang sa ginawa niya sa Cavite maraming mga
taniman ang nasira at nasayang na trabaho dahil na kang sa kanilang
ipagagawang Camella Home. Nag kalat ang galit sa kaniya miski sa Social
Media gaya na lang sa Facebook at Twitter. Batid sa ating kaalaman kahit
sinong tao at karaniwang tao lang ay magagalit dahil alam nila ang hirap
na nararanasan at nararamdaman ng mga magsasaka.
 Trending sa social media ang pangalang Cynthia Villar dahil sa nagdurusa
umano ngayong mga magsasaka. Inirereklamo ng mga netizen ang Rice
Tariffication Law na nagpapahirap sa mga magsasaka dahil bumagsak ang
presyo ng kanilang ga palay sa pagbaha ng mga imported rice sa
merkado.Sinisi nila at pinagmumura si Senadora Villar dahil siya
umanong may-akda ng Rice Tariffication Law. Ayon kay Sui Cydel
(@LianeCydel) na nagsasabi ng “ People in Government are fucking up
the Nation and you still blame yung mga mahihirap saying they’re tamad
for not getting any richer? HI Cynthia Villar, na mapagsamantala sa mga
farmers.” At JC Mac (@kein_Jurist) ” I wonder if Cynthia Villar also
sound stingy in board meetings, like what she does in Senate inquries
about the rice tariffication law”
C. Problema ng magsasaka
 Malaking problema ngaun sa mga magsasaka ang mga batas dahil hindi na
nila nagagawang magpa sarap buhay dahil hindi na nila makukuhang
umalwan dahil sa baba ng presyo ng kanilang palay. Iniisip na nila
ngayong kung papaano na yung para bukas dahil hindi na nila alam kung
paano ito kukunin, alam naman natin na buwan bago masaka ang mga
palay.
 MAPANDAN,Pangasinan- Problema ngayon ng mga magsasaka sa
Pangasinan ang kakulangan ng patubig para sa kanilang mga
sakahan.Ayon sa Pangasinan Irrigation Management Officer na si Engr.
Gaudencio De Vera, ramdam na ang shortage o kakulangan ng patubig,
dahil mababa na ang antas ng patubig,dahil mababa na ang antas ng tubig
sa mga ilog at irrigation system . Epekto umano ito ng nararanasang dry
spell na nagsimula noong Disyembre ng nakaraang taon. Kaya karamihan
sa mga magsasaka na nasa tail-end areas, o mga lugar na hindi abot ng
irigasyon,umaasa sa water pump. Pero dahil sa dry spll, aminado ang
Pangasinan Irrigation Management Office at National Irrigation
Administration na mahirap ang patubig kaya ipinatutupad ngayon ang
rotation,o scheduling ng patubig,lalo na sa mga bayan na sakop ng Agno
River Irrigation System.

IV.
A. Hindi ako sang-ayon sa batas na pinirmahan ni Pangulong Duterte
sapagkat alam naman nating may maganda ding maidudulot ito ngunit
makikipagkumpetensya naman tayo sa ibang bansa dahil hahayaan nilang
magpasok ng bigas at palay ang mga taga ibang bansa. Kung ganon sa
pagbaba ng presyo ng bigas ay katumbas naman ay gutom ng mga
magsasaka na umaasa lamang sa hanap buhay na ito. Sa maliit na kanilang
kinikita ay tinitipid nila ito para sa susunod na bibilhing palay at pampatay
peste. Hindi sapat ang perang inilaan ng gobyerno para sa mga magsasaka
dahil sa sobrang daming pangangailangan ng mga ito.
B.
 TRABAHO – paglikha ng mga trabaho hindi lamang para sa mga
magsasaka kundi para na rin sa mga Pilipinong walang trabaho. Sa
paraang ito maiiwasan natin ang delubyo o problema ng bawat isang
Pilipino. Kailangan ng pakikilahok ng masa para mas mapalawak pa ang
kakayahan at maiwasan ang kawalan ng pagasa pag dumating sa puntong
hirap na ang bansa.
 ATENSYON - Kailangan ng mga magsasaka ng atensyon ng gobyerno
para matuunan sila ng pansin sa oras na sila’ may kailangan. Dahil batid sa
ating kaalaman maraming mga magsasaka ang nagtitiis ng gutom
maibenta lang ang kanilang itinanim. Kung mabibigyan sila ng atensyon
mababawasan ang problema ng magsasaka dahil maaaksyunan agad ang
problema ng mga ito .
 PAGBIBIGAY NG PATAS NA KITA – Problema ng mga magsasaka ay
ang kanilang kita ito ay dahil hindi naman sila nabibigyan ng sapat sa
sweldo sa kanilang pinaghihirapan at pinagtatrabahuhan nagiging kulang
sanhi ng pagtaas ng presyo ng renta ng lupa, patubig, at kung ano ano pa.
Kung may sapat silang kita maaaring di na nila pproblemahin pa ang para
bukas dahil sapat ang kanilang kinikita.
 NATIONALIZATION OF AGRICULTURAL LANDS – Ito ay para
magkaroon ng lupang sasakahin ang mga magsasakang wala o kulang ang
lupang sinasaka. Ito ay isang magandang batas para sa mga walang
sariling sakahan o nangungupahan laang. Kaya’t ito’y isang malaking
tulong na magbibigay ginhawa para sa mga ito.
 FREE TAX – Malaki ang maitutulong nito sa pagbawas ng alalahanin ng
mga magsasaka, alam nating sa kakarampot na kita ng magsasaka ay
ibinabayad pa nila ng tax para sa kanilang sinaka. Kung maitutupad ito,
maraming matutuwa sapagkat kanila na mismo ang buong kita na kanilang
napagbentahan.

You might also like