You are on page 1of 2

“Tigang na tigang na ang mga lupa.


Ito ang ibinahagi ni Genalyn Dela Cruz, miyembro ng Amihan sa rehiyong Bicol noong ika-3 National
People’s Rice Congress nitong Abril. Inilalarawan nila ang kalagayan ng mga sakahan ngayon, lalo na
matapos maisabatas ang Rice Liberalization Act (RA 11203)

“Ang mga magsasaka doon, galing sa utang ang ginagamit sa inputs,” aniya. Tanong niya sa mga kasama,
higit sa gobyerno, paano nila sisimulang iangat ang sarili sa pagkakabaon sa utang kung walang tubig
para sa pagsasaka.sa tindi ng penomenong ael niño tulad ni Genalyn, baon utang dahil sa kawalan ng
ani.

Desperado ang mga magsasaka, kaya natutulak sa pangungutang. Hindi na nila mahintay o magawang
umasa pa na matutupad ang pangako ng gobyerno na P10-Bilyong Rice Competitive Fund.

Pangakong di matutupad

Ang 35 porsiyentong taripa na inaasahang gagamitin para sa magsasaka, kakailanganin pang dumaan sa
budget allocation sa 2020.

Ayon naman sa isang pananaliksik ng Global Agricultural Information Network, dalawang taon pa ang
hihintayin bago maramdaman ang gandang idudulot ng RA 11203, at iyon pa ay kung walang magiging
hadlang.

“Wala na pong inaani,” giit ni Dela Cruz, Kasabay pa nito ang hindi mapigilang pagbaba ng farmgate price
ng palay, tulad ng sa Central Luzon na bumaba na nang aabot sa higit limang piso kada kilo, ayon sa
Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. Aabot sa P95-B ang mawawala sa mga magsasaka,
ayon sa grupo, higit na malaki sa ipinangakong P10-B mula sa Rice Competitive Fund.

Nitong Hunyo, ibinalita ng Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC) ang pag-abot ng tulong sa 12,000
magsasaka sa Western Visayas. Ayon kay PCIC Regional Director Eva Laud, tanging ang mga nag-aplay
lang sa crop insurance ang matutulungang bumangon mula sa hagupit ng El Niño. Maaaring
makatanggap ng P8,000 hanggang P9,000 kada ektarya ang mga benepisyaryo. Maliit na porsiyento lang
ito, na kung itatabi sa tinatayang 240,000 magsasaka sa Bohol pa lang ay hindi na lalagpas ng limang
porsiyento, o isa sa kada-20 magsasaka.

Malinaw na sa pangakong proteksiyon pa lang sa mga magsasaka, bigo na ang gobyerno matapos
malagdaan ang Rice Tariffication Law. At ito lang ang panimulang epekto ng naturang batas. kawalang
kakayahan nitong makipagkumpetensiya sa pagdagsa ng dayuhang mga bigas, tulad ng mula sa Vietnam
at Thailand.

Sa dalawang nabanggit na bansa, may malakas na suporta ang kanilang mga gobyerno sa mga
magsasaka.

Rice tariffication sa NFA at iba pa

Maliban sa mga magsasaka, labis din ang epekto sa mga kawani ng gobyerno, lalo na sa mga kawani ng
National Food Authority (NFA) at Department of Agriculture (DA).
Ayon kay Santi Dasmariñas ng NFA Employees Association, siguradong hindi lang empleyado ng NFA ang
maapektuhan ng liberalisasyon kundi pati mga empleyado ng DA at iba pang kagawaran.

“Pebrero 14 pinirmahan ang Rice Liberalization. Sa halip na maging Hearts Day ito, naging Hurts Day,”
galit na sinabi ni Dasmariñas. Higit 800 empleyado ng NFA ang nakaambang mawalan ng trabaho.

Dagdag niya noong ika-3 National People’s Rice Congress, nasampahan na ng gawa-gawang kaso ang
tatlo sa kanilang organisador.

Matinding pagkabahala naman ang dala ng Rice Liberalization Act sa mga miyembro ng Bureau of Plant
Industry (BPI), ayon kay Dr. Mario Andrada, assistant chief ng Technical Research and Services
Department ng NFA. BPI ang bagong naatasang sangay ng gobyerno na maniniguradong ligtas ang bigas
na papasok sa bansa.

“Ang NFA sa kanyang kontrata, mayroon kaming nire-require: ang magbigay ng certification na ligtas
sa heavy metal contaminants at hindi GMO ang bigas,” paliwanag ni Dr. Andrada, noong Rice Congress.
NFA rin ang nangunguna sa pagsiguradong walang halong pesticide at bakas ng heavy metal ang bigas at
mais.

Ngayon, mapupunta ang tungkulin na ito sa BPI, na kasalukuyang “namomorblema na sa gulay at


prutas” ayon kay Andrada. Papaano, noon ngang prutas at gulay pa lamang ang iniintindi, hindi
nagagawa ng BPI magsagawa ng test sa prutas at gulay bago ito makarating sa mga merkado. Mauuna
maibenta ang prutas at gulay bago masiguradong ligtas nga ito.

“Kung sino ang may hawak ng bigas, siya ang magdidikta ng presyo, hindi ang mamimili,” babala ni
Dasmariñas.

Sa World Food Summit noon pang 1996, tinalakay ang halaga ng seguridad sa pagkain bilang karapatang
pantao ng mga mamamayan. Isinagawa ang naturang summit matapos pormal na kinilala ng United
Nations (UN),kung saan bahagi ang Pilipinas, na lahat ng tao ay may “Right to Adequate Food,” o
karapatan sa sapat na pagkain.

Ayon kay Rosario Bella Guzman,executive editor at research head ng Ibon Foundation, malinaw na
nilalabag ng RA 11203 ang karapatang ito ng mga mamamayang Pilipino. Obligasyon umano ng
gobyernong Duterte na siguruhing abot-kaya sa mga Pilipino ang pagkain.

“Ang tinatalikuran ng Rice Tariffication Law ay karapatan ng mga mamamayan sa kaunlaran – karapatang
maging bahagi ng, mag-ambag sa, at tamasain ang mga prosesong pangkaunlaran, sa hindi pagtugon sa
batayang karapatan nila sa sapat na pagkain,” pagtatapos ni Guzman.

You might also like