You are on page 1of 2

1.

Unang Kalagayan ng Manggagawa


Maraming Pilipino ang pinipili tumungo sa ibang bansa upang makahanap ng trabaho para
suportahan ang kanilang pamilya sa Pilipinas. Higit 56% ng mga Overseas Filipino Workers
(OFW) ay mga babae, at 75.05% nito ay biktima ng abuso at nakakaranas ng hindi patas at
mapanganib na kondisyon sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Isa sa mga biktima nito ay si
Novelita Palisoc, isang OFW sa Qatar na naninilbihan bilang isang caretaker. Upang
matulungan ang magulang niya na magsasaka, kinuha agad ni Palisoc ang pagkakataon na
makapagtrabaho sa ibang bansa, na inaasahan kumita ng mas malaking sahod. Sa kabila ng
pagiging caretaker at pagsabay pa ng iba’t ibang trabaho, nakakaranas ng hindi patas at abuso
si Palisoc. Maliban pa sa sekswal na pang-aabuso na ginagawa ng employer niya sa kanya,
ang natatanggap lamang niya ay mas mababa sa kalahati na sahod sa dapat niyang
matanggap na nakasaad sa kanyang kontrata. Pumirma siya ng kontrata na may $300 na
sahod (Php 15222.24), ngunit $157.66 (Php 8000) lang natanggap niya. Ayon kay Maricel
Aguilar, isang United Nations Women officer, ay mga babaeng manggagawa na katulad ni
Palisoc ay mas madaling mabiktama sa pang-aabuso at diskriminasyon.

Bilang Unang Reporma, ay pagbutihin ang mga programa sa trabaho. Kailangan suriin ng
mabuti ng gobyerno ang mga Labor Marketing Programs sa bansa upang matulungan ang lahat
ng pagkakataon makahanap ng maayos na trabaho na kayang bumuo ng pangmatagalan na
kabuhayan sa mga manggagawang Pilipino. Kahit may kamalayan sa mga posibleng panganib
ng pagtatrabaho sa ibang bansa bilang mga OFW o domestic helpers, pinipili pa rin ito dahil sa
hirap makakuha ng pangmatagalang trabaho sa Pilipinas. Sa ganitong paraan na reporma,
maari pa rin itong makatulong na maiwasan ang hindi patas at pang-aabuso sa mga
namamasukan na OFW.

Bilang Ikalawang Reporma, ay itaguyod ang mga programa na makakatulong na matiyak ang
kaligtasan ng mga kababaihang OFW at mga migranteng manggagawa. Kasama rin dito ang
pagpapalawak ng mga aktibong programa na pagbabahagi ng parehong layunin upang higit na
kumalat pa ang kamalayan ng mga tao sa mga isyung na ito. Tulad ng aktibong programa na
Safe and Fair: Realizing women migrant workers’ rights in the ASEAN region, ang layunin nito
ay ipaalam sa lahat na importante matanggal ang karahasan laban sa kababaihan at mga
batang babae kung saan titiyakin nito ang mga OFW at migranteng manggagawa ay ligtas at
makakatanggap ng patas na pamahalaan para sa lahat ng kababaihan sa rehiyon ng ASEAN.

2. Ikalawang Kalagayan ng Manggagawa


Sa kabila ng pagkilala bilang isang agrikultura na bansa ang Pilipinas, hindi ito tinutugunan ng
pansin ng gobyerno at tilang kinalimutan na lamang ng mga pinuno sa gobyerno ang mga
Pilipinong manggagawang mag sasakawa. Noong 2012, ang mga Pilipinong magsasaka ang
kasabihang ang pinaka hindi gaanong mekanisado o maunlad na magsasaka at agrikultura sa
buong Timog-Silangang Asya. Sa halip na natupad na ng mabisa at pangmatagalan na
patakaran, ang Department of Agriculture ay nagbibigay lamang ng pangsandalian na solusyon
sa mga pangmatagalang problem kung saan lalong hindi sapat ang kapital para sa mga
tumataas na kapasidad sa pagsasaka. Ang kabuuan nito ay pumunta lang sa paghihirap ng
mga manggagawang magsasaka lalo na ito lamang ang kanilang mapagkukunan ng kita sa
kanilang kabuhayan.

Bilang Unang Reporma, ay dapat tuunan na ng pansin ng gobyerno ang pangangailangan ng


mga manggagawang magsasaka. Tulad na dapat itaboy ang Rice Traffication Law, kung saan
na lubhang naapektuhan nito ang mga Pilipinong magsasaka mula sa pagpapatupad nito.
Binabanta nitong na pabagsakin ang mga magsasaka ng bigas, kung saan ito ay ang
pangunahing produkto sa agrikultura ng bansa.

Bilang Ikalawang Reporma, ay dapat Himukin ang mga yunit ng pamahalaang lokal na bumili
mula sa mga lokal na magsasaka upang matulungan ang mga Pilipinong manggagawa
magsasaka.

References:
Baclig, C. (2021). Women bear brunt of heightened risks for OFWs. Retrieved from
https://newsinfo.inquirer.net/1466363/women-bear-brunt-of-heightened-risks-for-ofws#ixzz789S
QsStT
Montemayor. M. (2016). Safe and Fair PH: Realizing women OFWs' rights. Retrieved from
https://www.pna.gov.ph/articles/1067390
Pansensoy, M. (2020). [Opinion] Palaging pagod at palaging hirap: The story of the Philippine
farmer. Retrieved from
https://www.rappler.com/voices/ispeak/opinion-always-tired-poor-filipino-farmer
Republic of the Philippines, Philippines Statistics Authority. (2020). Total Number of OFWs
Estimated at 2.2 Million. Retrieved from
https://psa.gov.ph/statistics/survey/labor-and-employment/survey-overseas-filipinos#:~:text=The
%20proportion%20of%20female%20OFWs,younger%20compared%20to%20male%20OFWs.
Safe and Fair: Realizing women migrant workers’ rights and opportunities in the ASEAN region.
(n.d.). Retrieved from
https://www.ilo.org/wcmsp5/groups/public/---asia/---ro-bangkok/---ilo-manila/documents/publicati
on/wcms_647979.pdf
Velasco, B. (2019). What you can do to help Filipino Rice Farmers. Retrieved from
https://www.rappler.com/moveph/advocacies/what-you-can-do-to-help-filipino-rice-farmers

You might also like