You are on page 1of 14

BERTELSMANN

FOUNDATION

 - Isang institusyong nakabase sa Germany.
 - Ang kontrol ng iilang pamilyang elite sa politika at
ekonomiya ng bansa amg pangunahing hadlang sa
paglutas sa kahirapan.
 - Kontrolado ng mga pamilyang ito, na tinatawag
ding mga dinastiyang politikal, ang mga lokal at
pambansang mga posisyon sa sangay ng ehekutibo
at lehislatibo.
COMPREHENSIVE AGRARIAN
REFORM PROGRAM (CARP)

 - Rep. Bonifacio Gillego (House Bill 400)
 - Hinadlangan ng maraming mambabatas sa
panahon ng administrasyon ni dating pangulong
Corazon Aquino.
 - Naisabatas lamang ito sa pamamagitan ng isang
kompromisong bersiyon na higit na “malabnaw”
kaysa orihinal.
 - CARP Extension with Reforms (CARPER)
ANAKPAWIS AT KILUSANG
MAGBUBUKID NG PILIPINAS

 - Nagsasabing hindi pa rin natutugunan ng CARPER
ang kanilang pangangailangan.
 - Marami parin itong eksempsiyon at butas na
maaaring gamitin ng mga asendero upang
makatakas sa mga reporma sa lupa at pagkaitan ng
lupa ang mga magsasaka.
UNEMPLOYMENT AT
UNDEREMPLOYMENT

 - Direktang sanhi ng kahirapan dahil hinahadlangan
ng mga ito ang pagkakaroon ng mga mamamayan
ng sapat na kita upang sila’y mabuhay at lagpas pa
rito ay magtamasa ng mga oportunidad sa pag-
unlad.
 - 2009-2012 WORL BANK DATABASE
Unemployment Rate
7.5% (2009), 7.3% (2010), 7.0% (2011), 7.0%(2012)
ACCESS SA EDUKASYON

 - Ayon sa datos ng PSA (2017) halos apat na milyon
ang out of school children and youth (OSCY). Sakop
nito ang mga nasa edad 6.24 na hindi nag-aaral.
Higit na kakaunting mamamayan ang nag-aaral at
nakakatapos ng kolehiyo, bagamat mula 2018 ay
libre na ang matrikula maging sa mga publikong
unibersidad nangangamba parin ang ilang grupo ng
mga kabataan na marami parin ang hindi
makakapag-aral dahil sa kakulangan ng pang-gastos.
 - Ayon sa World Bank East Asia and Pacific Regional
Report (2012) “Putting Higher Education to Work ;

Skills and Research for Growth in East Asia”
binigyang diin sa ulat na ito na walang bansang
nagkamit ng papataas na antas ng kita na hindi
muna nagtala ng pagtaas mg bilang ng mga college
enrollee at graduate. Dapat bigyang diin na nag
mauunlad na bansa ay karaniwang may matataas na
bilang ng mga mamamayang nakatapos ng kolehiyo
kaya napapanatili nila ang paglago ng kanilang
ekonomiya.
KALAKARAN SA LIPUNAN

 - Nagkakaroon ng malawakang protesta ang iba’t-
ibang non-government organization (NGO) laban dito
sapagkat ang mga ito ang sinisisi nila sa pag-iral ng
kahirapan sa bansa.
 - Kriminalidad – kahirapan ang nagtutulak sa mga
ordinaryong mamamayan upang gumawa ng mga
bagay na labag sa batas.
 -Prostitusyon – dulot din ng kahirapan kyat libo-
libong Pilipino ang napipilitang magbenta ng sarili.
REBELYON

 - Bunsod ng kahirapan lumaki ang pagkakataon ng
mga rebeldeng grupo na mahikayat ang ilang
desperadong mamamayan na sumapi sa kanila.
Dahil naghahangad din ng pagbabagong panlipunan
ang mga rebelde, sa panahon ng paglala ng
kahirapan ay tila lalong nagiging kaakit-akit sa
mamamayan ang kanilang pagsusuri ng problema.
 - Dahil sa matinding Unemployment sa Pilipinas
marami ang napipilitang mangibang bansa.
 - Kapansin-pansin na sa mga nakalipas na taon, higit

na lumalaki ang share ng mga trabaho sa sektor ng
serbisyo kung saan mayorya ng mga trabaho ay
kontrakwal o di-pangmatagalan kaysa sektor ng
agrikultura at industriya.
 - Dalawang pangunahing reporma ang maaaring
maging gulugod o backbone ng paglutas sa
unemployment at sa pag-unlad ng bansa; ang tunay
na reporma sa lupa at modernisasyon ng
agrikultura, at makabansa at pambansang
industriyalisasyon.
REPORMA SA LUPA

 - Tinatayang 60% ng mga lupang agrikultura sa
bansa ay kontrolado ng mayayamang pamilya na
bumubuo sa 13% lamang na populasyon ng bansa, at
pito sa sampung maksasaka ang walang lupa.
 - Ayon sa World Factbook ng Central Inteligence
Agency (CIA), 26.9% ng labor force ng bansa ay nas
agrikultura, 17.5% ang nasa industriya at 55.6%
naman ang nasa serbisyo (call centers, fastfood
chains, banks, malls at iba pa).
MODERNISASYON NG
AGRIKULTURA SA BANSA

 - Ang modernisasyon ng agrikultura sa bansa ang
magtitiyak sa food self-sufficiency ng bansa.
 - Ang kasapatan sa pagkain ai isa ring porma ng
pagtitipid sapagkat ang importasyon ng pagkain ay
ginugugulan ng dolyar.
MAKABANSANG
INDUSTRIYALISASYON

 - Lilikha ng mga trabaho para sa mga Pilipino at
magsusuplay ng mga pangangailangan ng bansa.
 - Makakabuti ang pagbibigay ng prayoridad sa
industriya ng pagkain, petrolyo, enerhiya, kemikal,
gamot, bakal at mineral, tubig, kuryente,
komunikasyon, transportasyon at iba pang mga
industriyang malaki ang papel sa pagpapaunlad ng
bansa at pagsusuplay ng mga pangunahing
pangangailangan at serbisyo sa mga mamamayan.

You might also like