You are on page 1of 6

Paghahapag ng Hamon: Panawagan ng mga Manggagawang Agrikultura sa #Halalan2022

Ni Maria Alyssa Bianca Calma

Sa dalawampu’t limang pagsasaka ni Mang Rolando, 48, sa bukid ng Talisay, Batangas, hindi
man lang siya nakalasap ng kahit katiting na pag usad sa kondisyon ng mga tulad niyang
manggagawang bukid.

“Wala pa ring pag ginhawa sa buhay. Wala pa ring nagaganap na kaayusan. Yung mga
karanasan ko sa mga nagdaang administrasyon hanggang kasalukuyan, parehas lang,” ani Mang
Rolando.

Si Mang Rolando ay nasa ikatlong henerasyon na ng magsasaka sa kanilang pamilya. Ang


kaniyang yumaong ama ay kabilang sa mga nasawi sa Mendiola Massacre noong 1987 — isang
dapat sana ay payapang protesta upang ilapit sa administrasyong Aquino ang panawagan sa
disenteheng pasahod at tunay na reporma sa lupa. Ito ay nauwi sa isang madugong engkwentro
sa pagitan ng kapulisan at magsasaka kung saan 13 ang nasawi kabilang na ang ama ni Mang
Rolando.

Si Mang Rolando habang nagbubukid Ang pamilya ni Mang Rolando habang


kasama nagtatanghalian
ang kaniyang dalawang anak
Sa kabila nito, naniniwala pa rin si Mang Rolando sa kapangyarihan ng boto ng mamamayan. Sa
paparating na halalan sa Mayo 2022, bitbit niya ang hangarin na ang mga pangangailangan ng
urban poor, lalong-lalo na ng mga magsasaka, ang uunahing solusyunan ng mga tumatakbo sa
pagkapresidente.

Ayon kay Mang Rolando, bilang isang agrikultural na bansa, malaking tulong sa ekonomiya
gayundin sa pangkalahatang kalagayan ng lipunan kung matutugunan ang mga suliranin ng
magsasaka at manggawang agrikultura. Higit pa, maaaring ito ang maging susi upang maibsan
ang nagpapatuloy na kahirapan.
“Malaking porsyento ng populasyon ng pilipinas ay binubuo ng mga magsasaka. Kung kaya’t
malaking tulong sa buong mamamayan kung pagtutuunan ng pansin ng maihahalal ang sektor ng
agrikultura,” mungkahi ni Mang Rolando.

Plataporma ng mga presidentiables

Limang buwan bago ang halalan sa Mayo 2022, nagpahayag na ang mga kandidato ng kanilang
plataporma para sa sektor ng agrikultura.

Sa isang press conference na idinaos sa Bacolod City, ipinahayag ni Ka Leody De Guzman ng


Partido Lakas ng Masa ang plano sa komprehensibo at tunay na agraryang reporma sa lupa.

Ang mga presidential candidates sa #Halalan2022. Kaliwa hanggang kanan: Leody “Ka Leody”
De Guzman Panfilo “Ping” Lacson, Leni Robredo, Isko Moreno, Bongbong Marcos Manny
Pacquiao.
“Yun ang isa rin sa mayor na programa ng gobyerno ko. Kung sakaling palarin, talagang
totohanin at ipatupad ‘yung isang totoo at komprehensibong land reform. Pero hindi ito para sa
isang indibidwal, kundi gawin nating kooperatiba o large scale farming,” ani De Guzman.

Ayon kay De Guzman, dapat bigyan ng otonomiya ang mga magsasaka sa kanilang lupa at saka.
Ang tungkulin lamang ng gobyerno ay magpabatid ng suporta sa kanilang pangangailangan sa
kagamitan, pataba sa lupa, at iba pa.
Samantala, Sa AGRI 2022 online forum, inihayag naman ni Vice President Leni Robredo ang
kaniyang plano na maglaan ng 116 bilyon para sa agrikultura ng bansa. Doble ito ng
kasalukuyang alokasyon ng administrasyong Duterte kung saan 58 bilyon lamang o 1.7% ng
national budget ang nakalaan para sa nasabing sektor.

Bukod sa dagdag sa pondo, naniniwala si Robredo na hindi dapat sentralisado sa isang sanga ang
distribusyon ng nasabing badyet. Kung dati ay kalakhan ng pondo ay napupunta sa bigas (15.5
bilyon), dapat ay pondohan rin daw ang mga ibang sanga ng agrikultura tulad na lamang ng
pangingisda. Ayon kay Robredo, magandang oportunidad ito kung isasaang-alang ang pagiging
arkipelago ng bansa.

Samantala, inumpisahan na din ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang
pakikipanayam sa mga grupo ng pesante at magsasaka noong Oktubre 2021. Ayon kay
Domagoso, mahalaga na hindi nakasandal ang ating sa pag-aangkat ng mga agrikultural na
produkto mula sa ibang bansa.

Ilan sa kaniyang mga panukala ay (1) pagtatayo ng mga cold-storage facilities sa mga probinsya
upang tugunan ang problema sa nabubulok at hindi napakikinabangang gulay, baboy, manok,
isda, at iba pa; (2) pagbaba sa 50% ng buwis sa langis at kuryente upang bumaba rin ang halaga
ng produksyon sa pagsasaka; (3) paghihigpit sa mga rice imports na pumapasok sa bansa; (4)
pagkakaroon ng hiwalay at na departamento sa pangingisda; at (5) pagtatayo ng mga silos para
sa pagbibilad ng palay.

Ganito rin ang mungkahi ng dating boksingero at ngayon ay presidential aspirant na si Manny
Pacquiao. Sa kaniyang kampanya sa Davao region, nangako ang kandidato na iwawasto nito ang
Rice Tariffication Law. Ang nasabing batas ang nagtanggal sa restriksyon sa quota ng rice
imports na pumapasok sa bansa, dahilan upang mapilitan ang mga magsasakang Pilipino na
makipagkumpitensya sa mga dayuhan at magbagsak presyo ng kanilang mga palay.

"Halos hingin na ang kanilang mga ani dahil sa baba ng bentahan. Paano naman mabubuhay ang
ating mga magsasaka?" mungkahi ni Pacquiao bago ito magikot sa bayan ng Mati sa Davao
noong Disyembre.

Samantala, mga kagamitan sa pagsasaka at irigasyon sa sakahan naman ang pagtutuunan ng


pansin ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ng Partido Reporma.

Sa isang online forum na ginanap noong Oktubre, iminungkahi rin niya ang pagpapakilala ng
mga agrikultural na kurso sa kolehiyo nang sagayon ay mabago ang pananaw ng mga kabataan
sa pagsasaka.
“Lagi na lang mga liberal arts ‘yung focus ng ating kabataan. Why not introduce a new concept
wherein SUCs, especially those in agricultural areas, na mag-focus na lang sa courses pertaining
to agriculture and other technical courses,” ani Lacson.

Sa anim na tatakbo sa pagkapresidente, tanging si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. lamang ang
hindi pa nakakapaglatag ng kaniyang plataporma para sa sektor ng agrikultura.

Pakikilahok sa #Halalan2022

Mula sa Bangonbayani.com

Hiling ni Mang Rolando na unahin ng mga tumatakbo sa pagkapresidente ang pagbaba ng presyo
ng bilihin.

Bilang isang manggagawa sa agrikultura, labis na naapektuhan ng pagputok ng bulkang Taal ang
ang kanilang lupang sakahan, dahilan upang mabawasan ang kalidad ng kanilang mga inaani.

“Noong pumutok yung bulkang taal, pumalo ng halos 5,000 lang ang kinita ko sa isang anihan,
paano naman namin pagkakasyahin ‘yon eh apat ang anak ko?” salaysay ni Mang Rolando.
Iminungkahi rin ni Mang Rolando ang pagsisiguro sa kabuhayan at tirahan ng mga mamamayan
sa Talisay. Simula kasi noong pumutok ito nong 2019, hindi pa rin nakakabalik ang mga lumikas
na pamilya sa kanilang bayan.

“Yung mga lumikas sa Taal Vocano mula sa bayan ng Lemery, Talisay, at Laurel, hindi na sila
makakabalik. Nahihirapan sila dahil tent lang ang tirahan at ang mga hanap buhay ay walang
katiyakan. Sana may solusyon ang lokal pamahalaan na may katuwang ang ihahalal na
presidente, ” giit ni Mang Rolando.

Naniniwala din si Mang Rolando na kailangang magkaroon ng kinatawan ang magsasaka sa


konseho nang sagayon ay mabigyang pansin ang kanilang mga kagyat na panawagan.

Bagamat hindi maitatawang walang pag-usad sa mga kalagayan ng mga magsasaka sa mga
nagdaang administrasyon, umaasa pa rin si Mang Rolando na tutugunan ng susunod na
presidente ang mga kahilingan na matagal na na nilang pinaglalaban.

“Nagbabakasakali tayo na sana tamang tao ang maihalal ngayon, Yung magtataguyod sa aming
kagalingan, higit lalo sa interes ng mga magsasaka.” ani Mang Rolando.

Bukod dito, lumalalahok si Mang Rolando sa eleksyon dahil naniniwala siyang tungkulin ito ng
isang mamamayang botante.

Mungkahi niya, “napakahalaga ng boto ng bawat mamamayan dahil dun nakasalalay ang
magiging kabukasan ng lahat eh.”

—-

MGA SANGGUNIAN
ABS-CBN News (2021, Disyemre 14). Pacquiao vows to amend Rice Tariffication Law, help
distressed farmers. ABS CBN News, https://news.abs-cbn.com/news/12/14/21/pacquiao-vows-
to-amend-rice-tarrification-law

Antonio, J. (2021, Nobyembre 24). Leody De Guzman says to implement ‘true, comprehensive’
land reform if elected president. ABS CBN News,
https://news.abs-cbn.com/news/11/24/21/leody-vows-true-comprehensive-land-reform

Cepeda, M. (2021, Nobyembre 9). Robredo to give at least P116 billion for agriculture if she
wins in 2022. Rappler, https://www.rappler.com/nation/elections/robredo-to-give-billions-
agriculture-if-she-wins-2022-polls/

Ranada, P. (2021, Oktubre 21). From cold storage to rice imports: Isko Moreno lays out
agriculture platform. Rappler, https://www.rappler.com/nation/isko-moreno-lays-out-agriculture-
platform-2022-polls/

Rey, A. (2021, Oktubre 31). SUCs in agricultural areas should focus on farming courses, Lacson
proposes. Rappler, https://www.rappler.com/nation/elections/lacson-proposal-suc-agriculture-
areas-focus-farming-courses/

Serafica, R. (2017, Enero 21). 4 things to know about the Mendiola Massacre. Rappler,
https://www.rappler.com/nation/elections/robredo-to-give-billions-agriculture-if-she-wins-2022-
polls/

You might also like