You are on page 1of 2

BALITA

Sa kanyang pag-upo bilang ikalabimpitong pangulo ng bansa ay inilatag ng pangulo ang kanyang
prioridad ng kanyang administrasyon, patatagin ang ekonomiya at tuluyang bumangon mula sa
pandemya. Plano rin niya na ituloy ang mga proyekto na sinimulan ni Pangulong Duterte ang Build…
Build…Build Infrastrature Program ngunit sa ibang pamamaraan niya ito gagawin.

Sa unang 100 araw ng panunungkulan ni Pangulong Marcos, malawak na siyang nagsalita tungkol sa
tema ng bansa. Mahalaga sa kanya ang temang ito, at nais niyang matiyak na alam ito ng lahat ng tao sa
Pilipinas. Ayon sa Pangulo, sa nakalipas na 100 araw, iba't ibang programa at proyekto ang inilunsad
upang palakasin ang tatlong pundasyon ng pagbangon para sa bansa: kalusugan, kabuhayan, at
kapayapaan.

Umaasa ang Pangulo na sa pamamagitan ng patnubay ng Panginoon at pakikiisa ng sambayanang


Pilipino, maipagpapatuloy at mapagbubuti niya ang nasimulan niyang gawain, at mapaglingkuran ang
bayan. Naniniwala ang Pangulo na sa pamamagitan ng pagtutulungan ay malalampasan natin ang
anumang balakid.

EDITORYAL

Ang isang daang araw ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa ating bansa.

Masasabi ba na epektibo siya bilang pinuno ng ating bansa? May mga pagbabago na bang naganap sa
ating bansa?

Mga katanungang nababakas sa mga isipin ng sambayanang Pilipino sa panunungkulan ng Pangulong


Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang 100 araw. Aniya “Unti-unti na bumabalik ang dating kalagayan
makalipas ang nagdaang dalawang taon ng pandemya sa ating bansa” Masasabi niya na isa itong
matagumpay na bahagi ng kanyang mga plano sa kanyang administrasyon. Bukod pa riyan ang
pagkakaroon muli ng mga trabaho ng mga tao lalo na ang mga nagtitiyagang magnegosyo para sa
kanilang pang-araw-araw na gastos.

Masasabi ko na may pagbabago na ring nagaganap sa ating bansa simula noong ihalal ang bagong
pangulo ng bansa. Ngunit may ilang mamamayang Pilipino pa rin ang nababahala sa pamamahala ng
pangulo na kanyang ipinangako noong siya’y tumatakbo pa lamang. Maraming plataporma ang inihayag
na ikinintal ng mga Pilipino na ito’y maipatupad sa ating bansa. Isa na rito ang hangad niyang pababain
ang presyo ng mga bilihin lalo na ang presyo ng bigas na sa ngayon ay ginagawa ng katatawanan ng ilang
Pilipino na tila ba’y pinaasa lamang ng pangulo nang siya’y nakaluklok na sa pwesto. Nang malaman ang
ganitong hinaing ng mga Pilipino ay sinagot niya iyon. Ang sabi niya “Hindi madali na gawin agad-agad
ang ganoon na magkaroon ng P20 per kilo ng bigas bagkus bigyan ninyo ako ng oras o panahon dahil
nagsisimula pa lamang tayo.” Kaya bilang isang mamamayang Pilipino hintayin natin ang mga ipatutupad
na plano na makabubuti sa ating lahat. Bigyan natin ng pagkakataon naisagawa ito bago matapos ang
kanyang termino. Hindi pa huli ang lahat…
LATHALAIN

100 araw ng Pangulong Marcos

Isang daang araw nang nakaupo sa pwesto si Pangulong Bongbong Marcos sa panunungkulan sa ating
bansa. Sa ilalim ng kanyang termino, mas maraming eskwelahan ang nakabalik sa face-to-face classes.
Inapbrobahan din niya ang boluntaryong pagsusuot ng facemasks sa outdoor spaces basta may sapat na
bentilasyon. Pinuri rin ng ilang opisyal at eksperto ang binuong Economic Team ng pangulo pero sunod-
sunod namang nagbitiw sa pwesto ang iba pa niyang appointee kamakailan. Bukod pa riyan, ay wala pa
rin Health Secretary at pangulo pa rin ang nagsisilbing Agriculture secretary. Iba pang problema ng
kasalukuyang administrasyon ang labing dalawang beses na pagsadsad sa record loan ng halaga ng piso
kontra dolyar. Ang pinakamababa riyan ang 59.00 pesos kada dolyar nitong Oktobre 3. Problema pa rin
ang kakulangan sa suplay at pagtaas ng presyo ng gulay, isda at karne kahit sinabi ng pangulo na
prioridad niya ang food security. At dahil sunod-sunod ang mga problema ng bansa, aniya mabilisang
mga solusyon muna raw ang inuuna ng pangulo. Sa ngayon ay marami pa rin ang hinaing ng mga
mamamayang Pilipino na di pa rin nabibigyan ng sulosyon ng pangulo.

You might also like