You are on page 1of 2

LUNA - B

HUMSS

PANGAKO NI BONGBONG MARCOS NA BENTE PESOS NA


BIGAS SA ISANG KILO.

Bigas ang pangunahing produkto na binibili ng mamamayang Pilipino, kaya


naman ay ito ang binigyang pansin ng mga namamahala o ang gobyerno ngayon na
pinapamunuan ni Presidente Bobong Marcos, naipangako ni Presidente Bongbong
Marcos na bababa ang presyo ng bigas sa halagang bente pesos. “palapit na tayo doon sa
aking pangarap na magbente pesos, pero dahan dahan lang” ang mensahing inihatid niya
sa buong bansa noong Mayo pagkatapos niyang Manalo, ngunit nahati ang mga opinion
ng mga tao dahil imposible kung titignan mo ito, bakit nga ba? magsimula muna tayo sa
umpisa.
Para sa isang Pilipino, bigas ang isa sa mga importanteng pagkain na
maihahain sa hapag kainan nating mga Pilipino, kadalasan sa trabaho ng mga
mamamayang Pilipino ay mabibigat at isa na roon ang contruction, kanin ang kanilang
pangunahing pinagkukunan ng lakas, dahail ito ay mayaman sa “carbohydrates” na
siyang nagbibigay ng lakas.
Nais ng gobyerno na pabababain ito dahil sa isa ring dahilan na hindi lahat ng
tao ay kayang panatiliin ng ilang araw ang kakarampot na nabigas na may mataas na
presyo kada kilo. At kung titingin tayo sa isang banda, hindi lamang iilan ang myembro
ng isang pamilya ang kakain at sa isang araw ay tatlo or dalawang beses tayo kumain,
isipin niyo nalang kung gano ito kagastos at kulang.
Banda noong 2018 naglagay ang gobyerno ng 10 billion na halaga ng pautang
para sa mga magsasaka at noong 2021 ay muli silang naglagay ng pondo roon, ngunit
ayon sa kanilang pagsaliksik ito ay kulang pa para sa mga magsasaka kung iisipin lahat
lahat na kanilang gagastusin para magpalago ng isang palay. Karamihan sa ating mga
Pilipino ay hindi masyadong pabor sa local rice dahil hindi sila sanay sa lasa nito at sa
kadahilanan din na low quality ito at nakahiligan din nila ang siyang umiikot na bigas
ngayon na mga imported.
Ang mga imported na bigas ay isa sa mga naging solusiyon ng gobyerno na
pababain ang presyo ng bigas sa kadahilanang mura nga ito, ngunit dahil sa mga
imported na bigas, ang magsasaka naman ang naapektuhan dahil hindi masyadong
napapansin ang ating sariling bigas.
Ang planong pagpapanatili nilang mura ay hindi nagawa at lalo lamang itong
tumataas. Ipinangako ni Pangulo Bongbong Marcos na bababa ito sa bente pesos ngunit
maraming magsasaka ang hindi sangayon dito na siyang nagpapasok ng posibilidad ng
pagprotesta ng mga tayo, maganda man ito sa paningin ng mga mamimili ngunit hindi ito
pumapabor sa mga magsasaka, ang pangakong ito ay parang nagsilbi lamang para
makuha ang positibong opinion ng mga tao dahil kung pabababain nila ito, ano nalamang
ang kikitain ng mga magsasaka na siyang nagsisipag magtanim at maghintay ng ilag
buwan para bumunga ang isang palay.
Ayon din sa Chief in finance na si Diokno ay impossible na magawang bente
ang bigas ayon sa pangako ng Pangulo lalo na at madaming kinahaharapan na problema
ang buong bansa, gano man ito ka imposible ay may posibilidad parin namang ito’y
magkatotoo, dahil nung una ay nakagawa sila ng paraan para itoy mapababa ngunit
kapalit nito ay sarili nating magsasaka, ang kanilang kabuhayan.

Sa kahulihan, siguradong mahihirapan ang Gobyerno na tuparin ang mga


pangakong ito na siyang maaaring matupad pa sa matagal na panahon o kaya naman ay
baka hindi nan ga matupad dahil kahit ngayon ay wala paring pahiwatig na nadadama ang
mga mamimili sa pagbaba ng bigas sa halip tumataas pa ito.
Mukhang may posibilidad ngunit mas lalo lamang nagmumukang imposible dahil
kailangan ng gobyerno ng isang matibay na paraan kung saan mapapababa ang presyo
ng hindi naaapektuhan ang mga magsasaka na umaasa lamang sa kanilang pananim na
siyang kanilang pinagkukunan ng kabuhayan. Kaya naman dahil dito, sa mga paningin ng
mga tao na siyang may katutuhanan muka ngang ang pangako ay siyang napako.

You might also like