You are on page 1of 3

Mula sa bulwagang pambalitaan ng Tandang Sora Intergrated

School… Ito ang “Ryan Special Report” (Balita bukas, ngayon


ang broadcast!!!)

P20 pesos per kilong bigas! May pag-


asa pa rin?

Muling iginiit ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na


kayang-kaya pa ring matikman ng mga Pilipino ang kanyang
campaign promise noong 2022 elections — na bente pesos kada
kilo ng bigas.

Sinabi ito ni PBBM, noong Martes, matapos mamahagi ng 1,500


sako ng primera klaseng bigas sa mga benepisyaryo ng Pantawid
Pamilyang Pilipino Program or 4Ps sa pagbisita niya sa National
Food Authority (NFA) -Region 9 warehouse sa Zamboanga City.

"May chance lagi ‘yan,"!!!

Yan ang naging sagot ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr. ng


matanong ang media kung may tiyansa pa ba itong
maisakatuparan.

"Ayon sa pangulo, kung magiging maaayos ang produksyon at


hindi na tayo masyadong bagyuhin, at ang mga tulong na
ibinibigay sa mga magsasaka ay magamit na nila." May paga-asa
itong matupad…

Sinabi ito ng Pangulong “Bongbong” Marcos Jr., kahit na nauna


ng sinabi ni Agriculture Undersecretary for Policy, Planning, and
Regulations, Mercidita Sombilla na "mahirap mangyari sa
susunod na taon ang P20 peso per kilong bigas." Ito'y kahit na si
Pangulong “Bongbong” Marcos Jr. ang kalihim ng Department of
Agriculture.

Paliwanag ng pangulo, maraming salik ang naglalaro sa labas ng


Pilipinas na siyang direktang nakaaapekto sa presyo ng mga
bilihin sa bansa, dahilan para kailanganing mag-adjust ang
gobyerno at merkado.

Dagdag pa ng pangulo, madali naman daw magsagawa ng mga


karagdagang aksyon oras na "magnormalisa ang lahat."

Kapag daw talagang nagawang mapababa ang cost of


production,,, bababa narin daw ang presyo ng bigas…. Bababa
rin lahat, basta’t mas mataas ang ani, kahit na pwede nang
ipagpantay ang presyo,

At kapag naging mas normal na ang sitwasyon, malaking daw


talaga ang pag-asa na mapababa ang presyo ng bigas." dagdag
pa ng pangulo.

Lunes lang nang aprubahan ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr.


ang bagong price range sa bentahan ng palay: P16 - P19 pesos
para sa "wet o basang palay" habang P19 - P23 pesos naman
para sa "dry o tuyong palay."

Kamakailan lang, nang magpatupad din siya ng P41 pesos per


kilong price ceiling para sa regular milled rice at P45 pesos per
kilo para sa well-milled rice.

Nangyari ito matapos biglaang sumirit ang presyo ng bigas nitong


Agosto, panahon kung kailan lumobo sa 5.3% ang inflation rate
sanhi ng mabilis na pagmamahal ng presyo ng pagkain.
At isa na namang nagbabagang balita ang aking naihatid… Ako
po si Ryan Philippe C. Hilario ang inyong taga-pagbalita…….
Mula sa bulwagang pambalitaan ng Tandang Sora Intergrated
School… Ito ang “Ryan Special Report” (Balita bukas, ngayon
ang broadcast!!!)

You might also like