You are on page 1of 2

October 13, 2020

KonFil. Modyul 2. Gawain 2


 Delante, Hana-lyn
 Dizon, Gmhyl Gea
 Franco, Kim
 Longaquit, Friday Nil
BSED-MATH IB
 Montecalvo, Fany Mae
 Prael, Rashie May

Panuto: Pag-aralan ang itinakdang "batis" ng kaalaman ukol sa paksa ng itinakdang ulat
pananaliksik. Unawain mabuti ang nilalaman nito at tukuyin kung ang pinagkuhanan ng
kaalaman ay eksperto sa larangang kinabibilangan ng paksa. Gawan ito ng malinaw at
detalyadong buod ng inyong na ipapasa ninyo sa ating classwork sa google classroom sa
panahon ng ating klase.

SRP ng mga komersyal na bigas, inilatag na sa Bulacan at Ano ang kaibahan ng mga
bigas na ibinabatay sa presyo?

Ipagbabawal na ng Department of Agriculture ang paglalagay ng mga pangalan sa bigas na


nagdudulot ng kalituhan sa mga mamimili. Ayon sa ulat ni GMA newscaster na si Ivan Mayrina,
simula nobyembre apat na lang na klase ng bigas ang pag pipilian at iyon ay; regular milled at
well milled, whole grain at special. Sa kasalukuyan, nakakalito umano ang dami ng klases
nagkakalayo ang mga presyo mula P1 hanggang mahigit P20. Batay kay DA Secretary Manny
Pi nol “It actually boils down to deception and mislabelling. While it is not really dinorado, why
label it dinorado, so that you can sell it for a higher price". Nagdagdag pa ng paliwanag si
Roland Gomez na chief quality assurance division ng NFA na "Visually mas maputi ang well
milled. Kapag kinompara natin ang dalawa, mas marami ang nagtatanggal na bran diyan kaya
mas maputi siya". Ang milling degree o ang dami ng tinanggal na darak sa bawat butil ng bigas
ang isa sa mga bantayan sa pagkakaiba ng presyo ng bigas, saad ng National food authority.
Ayon naman sa artikulo ni Shane F. Velasco, nakapaloob dito ang mga itinakdang SRP o
Suggested Ratail Price ng mga bigas na naaayon sa klasipikasyon nito. Tinakdaan na ng
National Food Authority o NFA at Department of Trade and Industry o DTI ang Suggested Retail
Price o SRP ng mga itinitindang komersyal na Bigas sa mga palengke sa Bulacan. Ang SRP NG
Premium Rice ay nasa halagang P47 lamang. Dapat  P39 piso naman ang SRP para sa Regular
Milled Rice. Samantala, P44 piso ang SRP ng Well-Milled Rice. Walang itinakdang SRP sa mga
tinukoy na Special Rice dahil ito ang Bigas na may natatanging kalidad at katangian gaya ng
Malagkit, may kulay na kilalang Balatinao, mga maliliit at bilugang butil na Bigas galing sa Japan
at ang tradisyunal na Bigas mula sa mga kabundukan ng bansa. Sa kabuuan, sa huling linggo ng
Oktubre sisimulan nang magpatupad ng suggested retail price sa mga bigas maliban sa mga
special rice, na susuriin kung ano-ano at magkano ang magiging presyo base sa desisyon ng
mga eksperto.

You might also like