You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
MALINDONG ELEMENTARY SCHOOL
MERRERA ST., MALINDONG BINMALEY, PANGASINAN

Demonstration Lesson Plan in Araling Panlipunan 2


Quarter 4 – Week 1 & 2

I. Layunin:
1. Natutukoy ang mga hanapbuhay na nagbibigay serbisyo sa komunidad.
2. Maipakita ang pagkakaiba ng bawat hanapbuhay na nagbibigay serbisyo.
3. Mabigyang halaga ang mga hanapbuhay na nagbibigay serbisyo

II. Paksang Aralin:


 Ang Kahalagahan ng Paglilingkod/Serbisyo ng Komunidad
Sanggunian: K to 12 Grade 2 Curriculum
LM Aral. Pan. Grade 2 pah. 262 - 265
TG Aral.Pan. Grade 2 pah. 62 - 65
Kagamitan: Mga larawan ng iba’t – ibang Hanapbuhay
Pagpapahalaga: Mabigyang halaga ang bawat pangarap ng isa

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik Aral:
Anong serbisyo ang naibibigay ng bawat larawan sa ating
komunidad?

Address: Merrera St., Malindong Binmaley,Pangasinan Document Code: P1BIN1-FR-017


Telephone No.: 09088644549 Revision No.: 00
Email: malindonges101318@gmail.com Page No.: Page 1 of 6
Website: https://www.malindonges.com/ Effectivity Date: 01-23-2020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
MALINDONG ELEMENTARY SCHOOL
MERRERA ST., MALINDONG BINMALEY, PANGASINAN

2. Pagganyak:
Ano ang gusto ninyong maging sa inyong paglaki?
Bakit iyan ang inyong napili?

3. Paglalahad:
Sa araling ito, inaasahang matutukoy mo ang iba pang tao na naglilingkod at
ang kanilang kahalagahan sa komunidad. Gayundin, matutuhan mo ang
kahalagahan ng mga paglilingkod o serbisyo ng komunidad upang matugunanang
pangagailangan ng mga kasapi sa komunidad.
Mahalaga ang paglilingkod na ibinibigay ng mga bumubuo ng komunidad.
Dito nakasalalay ang kaunlaran at kaayusan ng pamumuhay ng mga taong
naninirahan dito.

Address: Merrera St., Malindong Binmaley,Pangasinan Document Code: P1BIN1-FR-017


Telephone No.: 09088644549 Revision No.: 00
Email: malindonges101318@gmail.com Page No.: Page 2 of 6
Website: https://www.malindonges.com/ Effectivity Date: 01-23-2020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
MALINDONG ELEMENTARY SCHOOL
MERRERA ST., MALINDONG BINMALEY, PANGASINAN

Ano ang nakikita mo sa larawan?

Nakikita mo ba sila sa iyong komunidad?


Ano – anong mga serbisyo ang ibinibigay nila para matugunan ang mga
pangangailangan ng mga kasapi sa komunidad? Yan ang ating aalamin ngayon .
4. Pagtatalakay:
May mga taong nagbibigay ng paglilingkod sa ating komunidad na
nakatutugon sa pangunahing pangangailangan ng mga kasapi ng komunidad.
Kilalanin natin sila.

 Magsasaka - Nagtatanim ng halaman upang


pagkunan ng pagkain.

Address: Merrera St., Malindong Binmaley,Pangasinan Document Code: P1BIN1-FR-017


Telephone No.: 09088644549 Revision No.: 00
Email: malindonges101318@gmail.com Page No.: Page 3 of 6
Website: https://www.malindonges.com/ Effectivity Date: 01-23-2020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
MALINDONG ELEMENTARY SCHOOL
MERRERA ST., MALINDONG BINMALEY, PANGASINAN

 Guro - Nagtuturo sa mga mag-aaral upang matuto sa iba’t ibang asignatura at

kagandahang-asal .

Narito naman ang mga nagbibigay ng paglilingkod para sa kalusugan ng


komunidad.

 Doktor - Nagbibigay ng serbisyo ng panggagamot sa


mga taong maysakit.



 Nars - Sa tingin ninyo ano ang kahulugan ng
hanapbuhay?

May mga tao ring naglilingkod para sa kaligtasan at kaayusan ng


komunidad. Kilalanin sila.

 Bumbero - Tumutulong sa pagsugpo ng apoy sa mga


nasusunog na bahayan, gusali at iba pa

Address: Merrera St., Malindong Binmaley,Pangasinan Document Code: P1BIN1-FR-017


Telephone No.: 09088644549 Revision No.: 00
Email: malindonges101318@gmail.com Page No.: Page 4 of 6
Website: https://www.malindonges.com/ Effectivity Date: 01-23-2020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
MALINDONG ELEMENTARY SCHOOL
MERRERA ST., MALINDONG BINMALEY, PANGASINAN

 Pulis - Nagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng


komunidad. Sila rin ang humuhuli sa mga
nagkakasala sa batas.

5. Pagsasagawa ng Gawain:
Isulat sa talahanayan sa ibaba ang mga naglilingkod sa komunidad.

Naglilingkod sa Komunidad Paglilingkod na ibinibigay


1. Nagtatanim ng halaman upang pagkunan ng
pagkain.
2. Gumagawa at nagkukumpuni ng mga bahay,
gusali at iba pang tirahan ng mga tao.
3. Nagtuturo sa mga mag-aaral
4. Nanggagamot ng taong maysakit
5. Tumutulong sa doctor sa pangangalaga ng
maysakit

6. Paglalahat
Anu – ano ang mga hanapbuhay na nagbibigay serbisyo?
Anong serbisyo ang ibinibigay nila?
7. Paglalapat
Sa isang papel, iguhit mo ang mga taong naglilingkod para sa iyong
komunidad ngayong panahon ng pandemya. Sumulat ng dalawang pangungusap na
nagbibigay halaga sa kanilang paglilingkod.

Address: Merrera St., Malindong Binmaley,Pangasinan Document Code: P1BIN1-FR-017


Telephone No.: 09088644549 Revision No.: 00
Email: malindonges101318@gmail.com Page No.: Page 5 of 6
Website: https://www.malindonges.com/ Effectivity Date: 01-23-2020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
MALINDONG ELEMENTARY SCHOOL
MERRERA ST., MALINDONG BINMALEY, PANGASINAN

IV. PAGTATAYA:
Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap. Kung
MALI, palitan ang salitang may salungguhit. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
___________1. Hinuhuli ng bumbero ang lumalabag sa batas.
___________2. Mabilis ang pulis sa pagpatay ng sunog.
___________3. Sinisiguro ng kaminero na malinis ang kapaligiran ng komunidad.
___________4. Tinutulungan ng nars ang doktor sa pangangalaga sa mga maysakit.
___________5. Tumutulong ang tubero sa kapitan ng barangay sa pagpapanatili ng
kaayusan ng kapayapaan sa komunidad.

V. TAKDANG ARALIN:
Gumawa ng isang liham pasasalamat sa isang taong nagbibigay ng paglilingkod sa
iyong komunidad bilang pagpapahalaga sa kaniyang ginawa. Isulat ito sa papel. Gamiting
halimbawa ang nasa ibaba.

Inihanda ni: Sinang-ayunan ni:

MIRASOL D. MANAOAT CONCHITA D. RESULTAY


Teacher III Punong-guro I

Address: Merrera St., Malindong Binmaley,Pangasinan Document Code: P1BIN1-FR-017


Telephone No.: 09088644549 Revision No.: 00
Email: malindonges101318@gmail.com Page No.: Page 6 of 6
Website: https://www.malindonges.com/ Effectivity Date: 01-23-2020

You might also like