You are on page 1of 20

PABALAT NILALAMAN

4 Bakit mababa ang presyo ng


palay?
6 Sa tamang formula, may
mapapala
8 Tulong para sa taas ani at kita
10 P80,000 kita sa isang ektarya,
posible
12 Pag-aabonong swak
14 Sama-sama, huwag mag-isa
16 LGU ang kaagapay sa magaan
na buhay
Mula sa anumang pagsubok
ay titindig at babangon ang
18 Bukid tipid tips
mga magsasakang Pinoy.
Kabalikat ang Kagawaran ng
Agrikultura at mga sangay nito,
inaasahang ang ani at kita nila
ay tataas habang ang gastos ay
pinabababa.
Editor-in-Chief: Diadem G. Esmero
Sa ating mga magsasaka,
Assistant Editor: Hanah Hazel Mavi B. Manalo
magtulungan tayo! Nawa Managing Editor: Christina A. Frediles
subukan niyo ang mga inihahain Writers/Photographers: Michael Aguinaldo • Roslyn Joan B. Benedictos •
naming suhestiyon tungo sa Anna Marie B. Berto • Jayson C. Berto • Christina A. Frediles •
masaganang ani at kita. Eloueza Marie P. dela Cruz • Reuel M. Maramara • Sarah Joy N. Ruiz •
Fredierick M. Saludez • Alfred S. Sarraga • Mervalyn O. Tomas •
Hanggang sa huli, kami ay Aura Shaznay P. Tumulak
nakasuporta sa inyo. Design/Layout: Jayson C. Berto
Illustration: Sarah Joy N. Ruiz
Circulation/Administrative Support: Derwin J. Villena
Consulting Editor: Constante T. Briones
Editorial Advisers: John C. de Leon • Karen Eloisa T. Barroga • Flordeliza H. Bordey

Maaaring kopyahin at ipamahagi ng mga mambabasa ang mga nilalaman ng


magasing ito, kilalanin lamang ang DA-PhilRice. Gayundin, hinihikayat ang sinuman na
magpadala ng artikulo (600-800 na salita kalakip ang 4-5 larawan) at magmungkahi ng
tema o mga istorya ng indibidwal o grupo na may kinalaman sa pagsasaka. Maaaring
ipadala ang mga ito sa prri.mail@philrice.gov.ph o philricenews@gmail.com; o sa
THE EDITOR, DA-PhilRice Magasin, Development Communication Division, PhilRice,
Maligaya, Science City of Muñoz, 3119 Nueva Ecija.

Sagutan ang survey. I-scan ang QR code sa pabalat ng magasin


MAHALAGA ANG gamit ang camera ng iyong cellphone na may internet. Maaaring
IYONG OPINYON! manalo ng libreng e-load.
EDITORYAL

SUPORTADO
NAMIN KAYO
H
indi natin maikakaila ang nito na mas competitive ang ating ang pwersa ng magsasaka kapag
pagbaba ng presyo ng palay mga magsasaka. nagbuklod-buklod. Patunay nila
makalipas ipatupad ang na mas mura ang renta sa makina
rice trade liberalization. Dumami Bunga nito, inaasahang makakaya kapag miyembro ng asosasyon.
ang imported na bigas sa buong rin ng mga magsasakang Pinoy May libreng pag-aaral pa tungkol
bansa na diumano’y mas mura ang makipagsabayan sa ibang sa pagpapalayan at kung paano
ang presyo kumpara sa bigas bansa. Bukod sa RCEF ay may maging matatag na negosyanteng
Pinoy. Magandang balita ito sa mga inilatag pang programa ang magsasaka.
mga mamimili na halos araw-araw DA nang mapalakas pa lalo ang
kung bumili ng isasaing. Bangungot pwersa ng magsasaka sa ilalim ng Kwento naman ng magsasaka
naman sa mga magsasakang National Rice Program. mula sa Pangasinan, kanyang
napipilitang magbenta ng palay sa napatunayan na mas mataas ang
Hindi rin lingid sa aming kaalaman ani kung inbred certified seeds ang
malamyang presyo. na habang nakikipagbuno ang mga gamit kumpara sa binhing hiniram
Bahagi ito ng pagpapatupad ng magsasaka sa presyuhan ng palay lang kay kumpare sa katabing bukid.
ating kasunduan sa World Trade ay bumulusok naman pataas ang
Organization na nagsimula pa presyo ng pataba. Dahil hindi ito Nariyan din ang kwentong alalay
noong 1995. Binigyan tayo ng mapipigilan ng pamahalaan, nais para sa mga magsasaka ng Piddig,
mahigit dalawang dekadang palugit naming iparating ang “Abonong Ilocos Norte kung saan buo ang
bago ito naipatupad sa sektor ng Swak” na inihahain ng DA para sa suporta ng lokal na pamahalaan sa
pagpapalay at pagbibigas. inyo. Nawa ay subukan niyo ang kanila. At kaya na nilang tumindig sa
aming mga rekomendasyon sa sariling mga paa ngayon.
Upang masuportahan ang ating pag-aabono na swak sa inyong
mga magsasaka, ipinasa ang badyet at swak sa kailangan ng Inilatag na rin namin ang
Rice Tariffication Law kung palay. Makakalikasan pa! detalyadong “reseta” ng abonong
saan may kaukulang taripang swak. Nawa ay makapili ka ng
ipinapataw sa mga importer ng May kwento kaming magsasaka kombong pasok sa iyong badyet at
bigas. Ang nalilikom na taripa o mula sa Bulacan na bagamat swak sa palay, nang ani at kita mo
buwis ang siyang pinaghuhugutan mababa ang presyo ng palay ay ay tumaas.
ngayon ng Rice Competitiveness kumita ng P80,000 kada ektarya
dahil sa taas ng kanyang ani at Kaya naman, huwag katamaran ang
Enhancement Fund (RCEF). pagbabasa. Namnamin ang bawat
Layon ng RCEF na pataasin ang mababang gastos sa produksiyon.
pahina. Gawin mong kodigo itong
ani at kita ng mga magsasaka May kwentong kooperatiba Magasin kung kailangan, nang mas
sa pamamagitan ng mababang mula sa Zambales kung saan lumawak pa ang iyong kaalaman at
gastusin sa pagsasaka. Layunin din pinatunayan nilang mas malakas galing sa pagsasaka.◘
■ SARAH JOY N. RUIZ ■

4 PHILRICE MAGASIN | Enero - Hunyo 2022


Enero - Hunyo 2022 | PHILRICE MAGASIN 5
T
ulad ng iba, umaray at “Pag nakita naming pantay-pantay Kasabay ng kanilang mga
sumimangot din sa mababang yung tanim ng katabing palayan, pag-aaral, nabahaginan din
presyo ng palay si Emmanuel makikiusap kami para makagapas sila Emman ng certified seeds
“Emman” N. Fineza. Pagkatapos ba doon ng pangbinhi. Sertipid kasi mula sa Rice Competitiveness
naman ng halos apat na buwan na hiningi lang kay kumpare tapos Enhancement Fund (RCEF) Seed
pagpapagod ay babaratin lamang papalitan na lang ‘pag nakaani na. Program.
ang kanyang sariwang palay sa P11- Tipid ‘di ba?” kwento ni Emman.
12 kada kilo? DISKARTENG WAIS
Noong 2020, lumapit ang DA-
Ngunit kahit na ganun, hindi PhilRice sa Seven Barangays of Bunga ng mga pag-aaral, mga
pinanghinaan ng loob ang 34-taong- Mangatarem Irrigators’ Association, natanggap na ayuda, at dala na
gulang na magsasaka mula ang grupong kinabibilangan niya, rin ng mga pangyayari ay nabago
Mangatarem, Pangasinan. Aniya, upang ipakilala ang programang ang pananaw at diskarte ni
sa awa ng Diyos, may iba’t-ibang Rice Business Innovations System Emman.
pagpapala siyang natanggap na (RiceBIS). Layon nitong matulungan
Manu-manong isinabog ni
nakatulong upang makaalpas sa ang mga magsasaka sa kanilang
Emman ang 40 kilong binhi
pagkalugi. pagpapalayan at marketing,
ng NSIC Rc 216 sa kanilang
at mapalakas ang kanilang
KWENTONG ‘SERTIPID’ taniman. Dati ay naglilipat-tanim
organisasyon.
siya ngunit nang umabot na sa
Unti-unting inaral at Doon unang narinig ni Emman ang P400 kada tao ang bayad sa
nagpakadalubhasa si Emman hinggil sa drumseeder at mechanical manananim, ay pinili na lamang
sa pagpapalayan simula noon. rice transplanter. Natuwa siya dahil niyang magsabog-tanim kasama
Naging tagapagturo niya ang mga madaling gamitin ang mga makina ang panganay na anak.
tinitingalang magsasaka. Sa kanila at tipid pa sa binhi. Naturuan din sila
niya natutuhan ang “sertipid” seeds. ng PalayCheck System.

Sa tamang
formula, may
mapapala
■ ANNA MARIE B. BERTO ■
JAYSON C. BERTO

6 PHILRICE MAGASIN | Enero - Hunyo 2022


'Sertipid' Seeds Certified Seeds mula
lipat-tanim
RCEF (NSIC Rc 216)
sabog-tanim o drumseeding

P42,400 P34,400
GASTOS sa binhi,
Naibawas: P2,600 Mga naibawas: P2,600
paghahanda ng lupa,
pagtatanim, pag-aabono,
dahil walang para sana sa binhi
anihan, hakot mula binayaran sa binhi at P8,000 para dapat
palayan hanggang palay sa paglilipat-tanim/
buying station, interes sa bunot ng punla
utang pangpuhunan

80 sako 122 sako


ANI
(58kg/sako) (58kg/sako)

PRESYO NG PALAY P12/kilo P12/kilo

NAPAGBENTAHAN P55,680 P84,912


PHILRICE PHOTO

KITA (NETO) P 13,280 P50,512

Emman N. Fineza, certified


user ng RCEF seeds

Sa pag-aabono, nakabawas ang kanyang utang – zero balance, pinalalakas ang loob at katawan
sa gastusin niya ang roll-over pagmamalaki niya - at nakabili para sa kanyang pamilya.
scheme na ipinatupad ng kanilang rin siya ng kuliglig at makina na
asosasyon. Kung sa merkado ngayo’y pinagkakakitaan niya. “Kapag pagod, magpahinga lang,
ay P1,700-P1,800 ang presyo ng huwag susuko,” paniniwala niya.
complete fertilizer, sa kanilang Noong mga sumunod na taniman,
patuloy siyang gumamit ng Kung susumahin, ang formula ni
grupo ay P1,500 lang. Sa urea, Emman upang tumaas ang ani
P1,800 lang ang bili niya sa grupo certified seeds mula sa RCEF gaya
ng NSIC Rc 358 at Rc 222. May at kita kahit mababa ang presyo
pero sa labas ay P2,200-P2,500 ng palay ay simple lamang:
ito. Mas mainam nga daw ito dahil mga panahon din na nagtanim siya
gamit ang drumseeder na bigay gumamit ng certified seeds at
walang interes na ipinatong ang mga makinarya. Tipid na sa
grupo. ng RiceBIS sa kanilang grupo.
Unti-unti siyang nakapag-ipon at gastusin, tipid pa sa alalahanin.
Noong anihan, laking-gulat ni napakabitan din niya ng sidecar Ngunit sa kanyang karanasan,
Emman na umabot sa 122 sako ang kanyang motorsiklo. Minsan ay hindi ito basta-basta magagawa.
ang inani ng kanyang isang ektarya ipinapasada niya kapag tapos na Kailangan din ng tulong mula sa
– bawat sako ay tumimbang ng ang taniman. iba at sariling sikap. Nakalalamang
58kg. Nasanay na kasi siya sa 70- kung miyembro ng maayos na
80 sakong ani noon. Paglilinaw ni Emman, may mga asosasyon o kooperatiba na
pagkakataon pa rin naman na marunong magnegosyo at may
Mababa man ang presyo ng palay nahihirapan siya sa pagsasaka malasakit sa kapwa magsasaka.
ay mataas naman ang kinita ni dahil sa klima, sa mga peste, Syempre, hindi dapat kalimutan
Emman dahil sa dami ng kanyang at kung anu-ano pang peligro. ang sipag, tiyaga, pananalig sa
ani at kontroladong gastos. Kaya Gayunpaman, lagi niyang Diyos, at kumpiyansa sa sarili. ◘
naman, nagawa niyang mabayaran

Enero - Hunyo 2022 | PHILRICE MAGASIN 7


P
inaigting ang pamamahagi ng
ayuda sa mga magsasaka ang Tulong para sa
taas ani
mga ahensyang pang-agrikultura
sa ilalim ng Rice Competitiveness
Enhancement Fund (RCEF) at National
Rice Program (NRP).

at kita
Ito ay upang makamit ang “Masaganang
Ani at Mataas na Kita” ng mga
magigiting na magsasakang Pilipino.

■ ELOUEZA MARIE P. DELA CRUZ ■

RCEF-Seed RCEF-Extension
Program Program
Nagbibigay ng certified inbred seeds upang Sa pamamagitan ng Farmer Field
mapataas ang ani; nagpapakilala ng mga Schools, nagtuturo sa mga magsasaka
modernong barayti at teknolohiya sa ng mga makabagong teknolohiya at
PalaySikatan techno-demo; tumutulong kaalaman sa pagpapalayan.
patatagin ang mga seed growers’
association Nagbibigay ng training scholarships,
nagbubuo ng mga farm schools,
Taong 2021 at nagpapalakas ng mga Farmers'
Cooperatives and Associations
Nakapagpamahagi ng 1.6 milyong sako
ng binhi sa 661,567 magsasaka noong Itinuturo sa mga magsasaka kung paano
panag-araw; 1.7 milyong sako sa 713,052 makatipid sa mga gastusin sa bukid,
magbubukid noong panag-ulan. pati mga gabay sa pagpapataba gaya ng
Minus-One Element Technique at Leaf
Naglatag ng 232 PalaySikatan techno- Color Chart, na ipamimigay nitong 2022
demo farms
Ang mga pagsasanay ay sama-samang
Pitong seed growers’ association sa Region isinasagawa ng Technical Education
5 at 8 ang napalakas upang makapagbenta and Skills Development Authority, DA-
ng certified seeds; kulang ang binhi sa mga PhilRice, Agricultural Training Institute,
rehiyong ito noong wala pang RCEF at Philippine Center for Postharvest
Ayon sa RCEF Seed Baseline Monitoring Development and Mechanization
and Evaluation Survey, tumaas ang ani (PHilMech)
ng mga magsasakang nakinabang sa Bukod sa mga magsasaka, sinasanay
programa—mula 3.65 tonelada kada rin ang mga extension intermediaries,
ektarya noong panag-araw ng 2019, na specialists, at trainers
naging 4.22 tonelada kada ektarya noong
panag-araw ng 2021 Noong Disyembre 31, 2021,
nasa 113,889 indibidwal na ang
3.69 tonelada kada ektarya noong panag- nakapagsanay, 93,830 rito ay mga
ulan ng 2019, pumalo sa 4.03 tonelada magsasaka
kada ektarya noong panag-ulan ng 2021

8 PHILRICE MAGASIN | Enero - Hunyo 2022


RCEF-Credit National Rice
Program Program
(NRP)
Nagpapahiram ng puhunan sa Mula 2019, higit P1.4B
mga magsasaka para sa mga Programa ng DA na
na ang nailabas ng
gastusin sa bukid nagkakaloob ng fertilizer
LANDBANK habang P1.3B
vouchers, at hybrid/inbred
naman ang ipinagkatiwala
Mababang-interes ang mga seeds
ng DBP
pahiram ng LANDBANK at
Development Bank of the Ayudang fertilizer voucher para
Sakop ng LANDBANK
Philippines (DBP) sa mga magsasaka, pang-
ang 59 probinsya,
alalay sa mataas na presyo ng
habang 23 naman ang
Noong Disyembre 31, 2021, abono
pinaglilingkuran ng DBP
nasa 40,000 magsasaka na
ang nakahiram; 18,301 sa Ang mga fertilizer vouchers
kanila ay sa LANDBANK at ay ginagamit upang
21,916 naman sa DBP makadiskwento sa pataba sa
mga tindahang akreditado ng
DA

P2,000 kada ektarya ang halaga


RCEF- RCEF-Rice ng fertilizer voucher para sa
Mechanization Farmer inbred rice; P3,000 kada ektarya
Program Financial sa hybrid
Assistance Sa mga lugar na mabagal ang
Nagpapamigay ng mga (RFFA) internet connection, abono
makinaryang pansaka Program mismo ang ipinamimigay sa
sa mga kwalipikado at
Nagkakaloob ng P5,000 mga benepisyaryo sa halip na
organisadong magsasaka
cash assistance sa bawat fertilizer voucher
sa mga nasasakupang
probinsya magsasakang hindi hihigit sa Noong Disyembre 31, 2021,
2 ektarya ang sinasaka mga 1.9 milyong sako ng
Isinusulong ang de-
Ang mga benepisyaryo ng pataba para sa hybrid at
makinang pagsasaka upang
programa ay binibigyan ng 350,000 sako para sa inbred
mapababa ang gastusin sa
Cash Card, na kanilang pang- ang naipamudmod na sa mga
bukid at mabawasan ang
withdraw ng pera sa payout magsasaka
mga nasasayang na inaning
palay branches sa kanilang lugar Hybrid at inbred seeds.
Ang pera ay para sa anumang Ipinamimigay upang mas
Ayon sa DA-PHilMech, nasa
pangangailangan mapalaganap ang pagtatanim
18,163 na ang naipamigay
ng dekalidad na binhi na
na makinarya sa 6,272 grupo
Higit 800,000 magsasakang nagbubunga ng mataas na ani
ng mga magsasaka sa
rehistrado sa Registry
buong bansa Sa mga lalawigang hindi
System for Basic Sectors
in Agriculture na ang saklaw ng RCEF-Seed Program,
Kabilang sa mga
nakinabang nitong pinansyal hybrid at certified seeds ang
makinaryang tinanggap ng
na tulong iniaabot ng DA-National Rice
mga asosasyon ang mga
Program
four-wheel-drive tractor, rice
Nagsimula ang programa
combine harvester, precision Noong 2021, higit sa 1 milyong
noong 2021 at patuloy ang
rice seeder, riding-type sako ng hybrid seeds at
pamimigay ng DA ng ayuda
mechanical rice transplanter, 250,000 sako ng inbred ang
sa 82 probinsiya
at iba pa naipamahagi sa 655,853
magsasaka sa 38 lalawigan. ◘

Enero - Hunyo 2022 | PHILRICE MAGASIN 9


P80,000 kita
sa isang
ROSLYN JOAN B. BENEDICTOS
ektarya,
posible
Panahon man ng pandemya, umabot
sa 9.6 tonelada kada ektarya ang ani
ni Mang Orlando gamit ang barayting ■ CHRISTINA A. FREDILES ■
NSIC Rc 436.

B
agamat higit dalawang dekada Fund (RCEF) Seed Program ng
KASANGGA NG RCEF
nang nagsasaka si Orlando DA. Si Mang Orlando ay isa sa
B. Cruz, 58, mula Guiguinto, mga magsasakang rehistrado sa Isa si Roslyn Joan B. Benedictos sa
Bulacan, wala pa rin siyang sawa sa Registry System for Basic Sectors mga teknisyan ng Guiguinto. Kwento
pagtuklas ng mga bagong kaalaman in Agriculture na benepisyaryo ng niya, tag-araw ng 2020-2021
sa pagbubukid. Para sa kanya, binhi. Bukod sa binhi, nagsilbing unang nakatanggap ng 560 sako
mainam na maging bukas ang technology demonstration site din na binhi ang kanilang bayan mula
kaisipan sa mga inihahaing paraan ang kanyang palayan. sa RCEF. Nasa 222 magsasaka ang
na makatutulong nang tumaas ang nabiyayaan ng libreng binhi.
ani at kita ng mga magsasaka. Tuluy-tuloy rin ang pag-aaral ni
Mang Orlando ukol sa palay. Aniya, May pandemya mang
“Sino ang mag-aakalang aabot sa isa si Jesusa M. Rivera ng DA- kinakaharap, tuluy-tuloy pa rin
9.6 tonelada kada ektarya ang aking PhilRice na nagbibigay kaalaman sa ang pagserbisyo ng DA-PhilRice
ani? Maging ako ay nabigla, wala kanya patungkol sa pagpapalayan. sa pakikipagtulungan ng lokal na
talagang imposible basta’t masipag “Kaming mga operator ng techno- pamahalaan upang masigurong
at bukas sa hamon ng pagsasaka,” demo sites ay matiyagang may physical distancing, bara-
pahayag ni Mang Orlando. Sa nilelektyuran ni Ma’am Jesusa barangay ang pagkuha ng binhi.
kanyang pagtutuos, umabot sa dalawang beses kada buwan,” Ang mga teknisyan na mismo
P84,800 ang kanyang kinita gamit kwento ni Mang Orlando. May ang nag-iikot sa bawat barangay
ang barayting NSIC Rc 436. sinusunod din silang protocol mula para mailapit ang libreng binhi.
sa DA-PhilRice nang masigurong Ginagamit din nila ang Facebook
USAPANG BINHI AT tama ang pamamahala sa palay. at pag-text sa pamamagitan ng
KAALAMAN Barangay Agriculture and Fishery
Bukod sa DA-PhilRice, nakagabay
Council upang maipabatid ang mga
Kwento ni Mang Orlando, nitong din sa mga magsasaka ng Guiguinto
anunsyo.
2021 lang siya nakasubok magtanim ang DA Office ng Bulacan mula pa
ng certified seeds. Mabuti na lang sa pag-aararo, pagsusuyod, Kabahagi rin ang lokal na Agriculture
nga lang daw at may libreng pagpupunla hanggang pag-aani, Office sa pamimigay ng mga libreng
binhing ipinamamahagi ang Rice maging sa pamumudmod ng libreng babasahin mula sa RCEF. Ilan sa
Competitiveness Enhancement binhi ng RCEF. kanilang mga naipamigay sa mga

10 PHILRICE MAGASIN | Enero - Hunyo 2022


magsasaka ay ang Sistemang
PalayCheck, Gabay sa Makabagong
Pagpapalayan, at iba pa.

Nang mas marami pa ang


makasaksi sa mga katangian ng
certified seeds sa Guiguinto, 6 na

ROSLYN JOAN B. BENEDICTOS


techno-demo sites ang itinayo gamit
ang mga barayting NSIC Rc 436, Rc
222, Rc 402, Rc 160, Rc 218, at Rc
480. Isang ektarya ang luwang kada
site.

Ayon kay Ms. Roslyn, mainam na


may techno-demo o PalaySikatan
nang masaksihan mismo at
Sa pamamagitan ng RCEF techno-demo, masasaksihan at mapatutunayan ng mga
mapatunayan ng mga magsasaka magsasaka ang kakayahan ng barayti ng palay maging ang paggamit ng makina.
ang kakayahan ng isang barayti.
Bukod pa diyan, maraming
nagkakaroon ng interes sa paggamit
ng mga makinarya. Nalalaman din puhunan dahil umiwas na siya Aniya, malaking tulong rin na may
nilang sapat na ang 40 kilong binhi sa pestisidyo. “Dati kasi ay naka- mga babasahing pinamimigay
kada ektarya kung lipat-tanim, at iskedyul kung kailan ako mag- nang mabalikan niya ang mga
iba pang tamang pamamahala sa iisprey ng lason. Akala ko kasi ay diskarte sa pagsasakang itinuro
pagpapalayan. maiiwasan ang pagdagsa ng peste sa kanila. “Para sakin, mainam na
kapag inunahan ko nang magbomba tandem ang training at babasahin
TULUY-TULOY NA bago pa man sila sumalakay. Mali dahil hindi mo naman lahat
PAG-AARAL pala. Mas mainam na sabayan ang matatandaan ang mga itinuro.
pagtatanim at palagiang bisitahin Kaya, ok din na may pwede kang
Bagamat P13 kada kilo lang at ikutin ang palayan nang agarang balik-balikan. Kodigo kumbaga,”
naibenta ni Mang Orlando ang masolusyonan ang anumang dagdag pa niya.
kanyang sariwang palay, bawing- problemang kahaharapin ng palay,”
bawi pa rin siya sa dami ng kanyang pahayag ni Mang Orlando. PAYONG-KAIBIGAN
inani at sa mas kakaunting gastos
sa pagsasaka. Kwento niya umabot Kabilang ito sa mga natutuhan Mensahe ni Mang Orlando sa

"
lamang sa P40,000 ang kanyang ni Mang Orlando sa DA-PhilRice. kapwa magsasaka na may mga
bagay na mahirap maintindihan
tulad ng mababang presyo ng
palay at mga sakuna tulad ng
matinding baha o tuyot. Paalala
niya na huwag sumuko at patuloy
pa rin sa pagsasaka. “Nawa,
Mas mainam na sabayan patuloy tayong makilahok sa
ang pagtatanim at palagiang pagsasanay nang madagdagan pa
ang ating kaalaman,” giit niya.
bisitahin at ikutin ang palayan
Para kay G. Cruz, kalakip ng libreng
nang agarang masolusyonan binhi at walang sawang pagyakap
ang anumang problemang sa mga makabagong teknolohiya
ay tiyak na magiging madiskarte
kahaharapin ng palay. ang pagsasaka na siyang
magbibigay ng masaganang ani,
- Orlando B. Cruz menos gastos kaya mataas ang
kita. ◘

Enero - Hunyo 2022 | PHILRICE MAGASIN 11


T
alaga nga namang mapapa- tamang sundin ang Right E-A-T:
ORGANIKO AT
aray ang magsasaka sa mahal Right Element o uri, Amount
INORGANIKONG PATABA,
ng presyo ng abono. Mantakin o dami, at Timing o tiyempo
PAGTAMBALIN
mong yung dating P1,000 kada ng pagpapataba. Paalala ni
sakong pataba ay pumalo na sa Ayon sa mga eksperto ng DA- Capistrano na tiyaking nasa
mga P3,000 kada sako? PhilRice, patok na timplada tamang panahon ang paglalagay
ang pinagsamang organiko at ng pataba nang masigurong
Bagamat bugbog-sarado na sa
kemikal na pataba. Pinalalakas ng mapapakinabangan ng palay ang
gastusin sa pagsasaka si Mang
organiko ang kakayahan ng lupa na mga sustansiyang kailangan sa
Isagani Baltazar, 42, mula Guimba,
humawak ng tubig. Pinalulusog din kanyang paglaki.
Nueva Ecija ay buo pa rin ang
nito ang ugat ng halaman upang
kanyang loob na ipagpatuloy
masipsip nang mabuti ang mga BUNGA NG
ito. Mabuti na nga lang daw
sustansiyang taglay ng lupa. Ikalat PAGSUSUMIKAP
at natutuhan niyang bukod sa
ang dayami sa palayan pagkaani Sa swak at madiskarteng pag-
paglalagay ng inorganikong pataba
upang mabulok. Dito hihigop ng aabono kalakip ang tamang
ay sinasamahan din niya ng
nitroheno at potasyo ang palay na pamamahala sa kanyang
organikong pataba tulad ng dumi
makatutulong sa paglaki nito. Ang palayan, galak na galak umani si
ng baka at pagkalat ng dayami sa
dumi naman ng hayop ay siyang Mang Isagani ng 9 tonelada kada
bukid.
nagpapalaganap ng mga maliliit na ektarya kumpara sa dati niyang
“Dagdag man ito sa aking mga organismo sa lupa na nagpapabilis ani na 5 tonelada kada ektarya,
gawain, malaki naman ang aking ng pagkabulok ng mga dayami at gamit ang hybrid na SL-8H.
natitipid at napatunayan ko ring tira-tirang halaman o damo. Ang
mabisa ito sa palay,” pagmamalaki kemikal o inorganikong pataba Pahabol ni Mang Isagani sa mga
ni Mang Isagani. Isa siya sa mga naman ang siyang nagbibigay ng kabarong magsasaka na maging
mapalad na nakapagsanay sa Rice mga agad na pagkain ng palay. dalubhasa sa pag-aabono.
Competitiveness Enhancement
Alinsunod kay Ailon Oliver V. Tiyaking swak sa badyet at swak
Fund - Farmer Field School
Capistrano ng DA-PhilRice, sa pangangailangan ng palay! ◘
(RCEF-FFS).

■ AURA SHAZNAY P. TUMULAK ■ JAYSON C. BERTO

12 PHILRICE MAGASIN | Enero - Hunyo 2022


1 GUMAMIT NG ORGANIKO AT
INORGANIKONG PATABA. HUWAG
INORGANIKONG PATABA LANG.
Maaaring makatipid ng P2,000 hanggang P4,000
bawat ektarya sa paggamit ng pinaghalong
organiko at inorganikong pataba.

Swak sa badyet, Swak sa palay


2 PILIIN ANG “COMBO”
NA SWAK SA INYO.
Mamili ng tamang dami ng organiko at inorganikong
pataba depende sa target na dami ng ani at badyet.

3
REKOMENDASYON SA PAG-AABONO*
COMBO 1 ANI: COMBO 2 ANI: COMBO 3 ANI: SUBUKAN DIN ANG
TIYEMPO
3,000-4,000kg/ha 5,000-6,000kg/ha 7,000-8,000kg/ha
LCC, MOET, RCMAS,
O STK BILANG
3,000-4,000kg 5,000-6,000kg 7,000-8,000kg GABAY SA
dayami: dayami: dayami: PAG-AABONO
30 araw bago maglipat-tanim
Ikalat sa palayan o Ikalat sa palayan o Ikalat sa palayan o Alamin ang tamang dami, uri,
pabulukin pabulukin pabulukin at tiyempo ng pagpapataba
sa pamamagitan ng mga
Ikalat sa palayan ang 10 sako ng dumi ng manok na pinatuyo
14 araw bago maglipat-tanim decision-tools na maaaring
sa hangin, komersyal na organikong pataba o vermicompost
i-download sa cellphone:
Punlaan 7-10 DAS - Ihalo sa punlaan: 1-2 kilo zinc sulfate
LEAF COLOR CHART
Punlaan 10-14 DAS 2-4 kilo 14-14-14
(LCC)/ LEAF COLOR
PARA SA BARAYTING 100-110 ARAW ANG PAGGULANG COMPUTING LCC APP.
Inihahambing ang dahon sa mga
Unang pagpapataba habang
2 sako kulay sa LCC ruler upang malaman
lumalaki: (0-14 DAT o 10-14 1 sako 14-14-14 4 sako 14-14-14 kung kailangan nang maglagay ng
14-14-14 o 16-20-0
DAS) nitroheno sa palay.
Ika-2 pagpapataba: Pagsusuwi
- 1 sako urea 2 sako urea Sa LCC App, natutuos ang
(18-22 DAT o 24-28 DAS)
kailangang nitroheno gamit ang
Ika-3 pagpapataba: Paglilihi 1 sako urea at 1 sako urea at 2 sako urea at mga litrato ng dahon ng palay;
(28-32 DAT o 38-42 DAS) 0.5 sako 0-0-60 0.5 sako 0-0-60 1 sako 0-0-60
MINUS-ONE ELEMENT
PARA SA BARAYTING 111-120 ARAW ANG PAGGULANG
TECHNIQUE (MOET) KIT
Unang pagpapataba habang AT MOET APP.
2 sako
lumalaki (0-14 DAT o 10-14 1 sako 14-14-14 4 sako 14-14-14 Natutukoy ang kulang na sustansiya
14-14-14 o 16-20-0 gamit ang eksperimento sa lupang
DAS)
nasa paso. MOET App naman ang
Ika-2 pagpapataba: Pagsusuwi magtutuos ng uri, dami, at tiyempo
- 1 sako urea 2 sako urea
(22-26 DAT o 32-36 DAS) ng paglalagay ng pataba;
Ika-3 pagpapataba: Paglilihi 1 sako urea at 1 sako urea at 2 sako urea at
RICE CROP MANAGER
(32-36 DAT o 48-53 DAS) 0.5 sako 0-0-60 0.5 sako 0-0-60 1 sako 0-0-60
ADVISORY SERVICE
PARA SA BARAYTING 121-130 ARAW ANG PAGGULANG (RCMAS).
Sa pagsagot sa mga katanungan
Unang pagpapataba habang
2 sako sa pagpapalayan gamit ang
lumalaki: (0-14 DAT o 10-14 1 sako 14-14-14 4 sako 14-14-14 cellphone o computer, ito ay
14-14-14 o 16-20-0
DAS) nakapagrerekomenda ng tamang
Ika-2 pagpapataba: Pagsusuwi dami, uri, at tiyempo ng paglalagay
- 1 sako urea 2 sako urea ng pataba.
(26-31 DAT o 36-40 DAS)
Ika-3 pagpapataba: Paglilihi 1 sako urea at 1 sako urea at 2 sako urea at SOIL TEST KIT (STK).
(36-40 DAT o 58-62 DAS) 0.5 sako 0-0-60 0.5 sako 0-0-60 1 sako 0-0-60 Mabilis na paraan sa pagtukoy ng
soil health at pagtugon sa kaukulang
DAS- Days after sowing o araw pagkasabog-tanim o pagkapunla sustansiyang kinakailangan ng lupa
DAT- Days after transplanting o araw pagkalipat-tanim ayon sa pananim.
*
Rekomendasyon kung walang analysis ng kulang na sustansiya sa lupa

Enero -- Hunyo
Enero Hunyo 2022 PHILRICE MAGASIN
2022 || PHILRICE MAGASIN 13
13
Sama-sama,
huwag mag-isa
■ REUEL M. MARAMARA ■

M
apait isipin para kay sa mga magsasaka ang isa-isang

ALFRED S. SARRAGA
Lenaida C. Saldevar, nagbebenta ng palay, na minsan
55, taga Castillejos, ay binabarat kaya katiting lang ang
Zambales, ang mga hamon kita.
ngayon sa pagpapalayan gaya
na lamang ng mataas na presyo “Hindi ito madaling gawin nang
ng pataba at murang bilihan ng mag-isa. Kaya iniingganyo natin
palay. Sa kabila nito, kumikita ang mga magsasaka na magpa-
pa rin siya bunga ng diskarte at miyembro sa mga asosasyon/
mga benepisyong nakukuha sa kooperatiba na kanilang
pagiging miyembro ng asosasyon masasandigan. Mas mapapadali
ng mga magsasaka —ang rin ang pagtulong ng iba’t ibang
Balaybay Small Water Impounding ahensya sa mga organisadong
Association (BSWIA). Bahagi magsasaka,” ani Corales. BUHOS NG BIYAYA
ito ng Farmers Federation of “Malaking bentahe ang pagiging Pebrero 2020 nang ipinakilala
Castillejos (FFC), ang bukluran miyembro ng asosasyon. Bukod sa Castillejos ang RiceBIS, isang
ng mga grupo ng magsasaka sa sa murang renta sa mga makinang programa na naglalayong pataasin
naturang bayan. pansaka, may mga libreng training ang ani, pababain ang gastos sa
BENEPISYO NG din na napapakinabangan namin produksyon, at iugnay ang mga
SAMA-SAMA sa mas mahusay na pagpapasya magsasaka sa merkado o mga
ng mga kailangan sa palayan. Halos suki sa pamamagitan ng pagsali
Bago pa man sumali sa BSWIA, P5,000 din ang natipid kong gastos sa kanila sa group marketing.
madiskarte na kung maituturing sa aking 1.5 ektaryang palayan,” Simula noon ay nakapag-sanay
si Lenaida. Kung mababa kasi pag-amin ni Lenaida. na ang RiceBIS ng mahigit 360
ang presyo ng palay, ibinibilad magsasaka sa iba’t ibang paksa sa
at pinagigiling niya ito at Pero kahit ang mga asosasyon sa
pagpapalayan.
binebentang bigas para mas Castillejos ay kanya-kanyang kayod
malaki ang tubo. Aniya, kahit din noon hanggang sa ipinanganak Ayon kay Rowena A. Pineda,
maraming problema at pabigat ang FFC noong 2016.  project team leader ng RiceBIS sa
may kita pa rin sa pagpapalayan.  Zambales, hangad ng programa na
Ayon kay municipal agriculturist
walang maiwan at makapagbigay
Ayon kay Dr. Aurora M. Corales, Janice S. Sardo, nabuo ang
ng pagsasanay sa lahat ng
program leader ng Rice Business FFC upang mas pagtibayin ang
magsasakang miyembro ng FFC.
Innovations System (RiceBIS) ng samahan ng mga magsasaka at
Kasabay nito ang techno-demo ng
DA-PhilRice, bagaman hindi sanay masagip nang husto ang mga
mga makabagong teknolohiya sa
ang ilang magsasaka sa pag- ayuda mula sa pamahalaan. 
pagpapalayan, tulad ng paggamit
proseso at pagbebenta ng palay, Sa ngayon, higit 700 magsasaka ng dekalidad na binhi, tamang dami
mahalaga itong matutuhan nang mula sa 21 na samahan sa ng binhi, tamang pamamahala ng
masagad nila ang lahat ng kita sa Castillejos ang kasapi sa FFC. Lahat peste at paglalagay ng sapat na
bawat yugto nito. Ngunit marami sila ay hindi na nag-iisa. sustansiya.

14 PHILRICE MAGASIN | Enero - Hunyo 2022


Bukod sa pagpapataas ng ani, pinasok na rin ng FFC ang bultuhang pagbebenta ng brown rice.

Bukod sa mga pagsasanay napapagaan nito ang problema sa kung saan ibinida nila ang kanilang
at techno-demo, unti-unti na presyo ng palay at pataba,” pahayag produkto. Ayon sa datos ng RiceBIS,
ring pinapasok ng FFC ang ni Pineda.   kumabig ang FFC ng P126,475 mula
pagnenegosyo. Sa bisa ng suporta sa naibentang 10,764 kilo ng brown
mula sa lokal na pamahalaan at Para mas matutukan ang rice noong Nobyembre-Disyembre
DA-PhilRice, nagpapautang ang pagnenegosyo ng brown rice, bumuo 2021. 
samahan ng abono nang walang ang FFC ng grupo kasama ang
interes at binabayaran ng mga ilang kawani ng Castillejos LGU na Bagaman malayo pa ang kailangang
miyembro ng palay na siya namang siyang tagapamahala nito. Sa tulong tahakin, laking pasasalamat na ni
ginagawa at binebenta nila bilang ng RiceBIS, sila ang naatasang Lenaida na naging miyembro siya
pinawa o brown rice. maghanap ng mga potensyal na ng kanilang samahan. “Maganda
buyer ng brown rice. Nakilahok na yung miyembro ka ng asosasyon.
“Mas mataas (P20/kilo) din kumpara rin sila sa Yuletide Trade Fair sa Kahit may mga pagsubok minsan,
sa merkado ang bili ng samahan Waltermart, Subic, Zambales sa alam mong may karamay ka—
sa tuyong palay na binabayad ng pakikipagtulungan sa Department kayang-kaya, basta’t sama-sama,”
mga miyembro. Kaya kahit kaunti ay of Trade and Industry-Zambales mistulang itinaga niya sa bato. ◘

BIYAYA KAY ALING LENAIDA BILANG


MAGSASAKA AT MIYEMBRO NG
ASOSASYON

Murang renta ng makina

Libreng training (nakatipid ng P1,500 sa


1.5 ektaryang palayan); mahigit 400 magsasaka
ang naturuan ng RiceBIS.

Natuto sa techno-demo. (dekalidad na


binhi, tamang dami ng binhi, pamamahala ng
peste at paglalagay ng sapat na sustansiya)

Nakautang ng abono nang walang


interes. Ang bayad ay palay na ginawang brown
rice. Kumita ang FFC ng P126,475 mula sa
naibentang 10,764 kilo ng brown rice noong
Nobyembre-Disyembre 2021.

Enero - Hunyo 2022 | PHILRICE MAGASIN 15


LGU ang
kaagapay sa
MICHAEL AGUINALDO

magaan na buhay
■ MERVALYN O. TOMAS ■

K
ahit sa kasagsagan ng Mula sa P361M noong wala pa ang Dahil dito ay nabuo ang isang
pandemya at pagsadsad proyekto ay naging P622.3M na ito malaking grupo ng mga
ng presyo ng palay, naging ngayon. magsasaka at tinawag itong Piddig
maayos pa rin at hindi tumamlay Basic Multipurpose Cooperative
ang sitwasyon ng mga magsasaka Pero bago makamtan ng Piddig (PBMPC). Sa pamamagitan nito ay
sa Piddig, Ilocos Norte. Salamat sa ang ganitong kalagayan, mahabang mas maaliwalas naipatupad ang
mga programang pang-agrikultura proseso ang kinailangan nilang Consolidated Rice Farming Project.
na ipinatutupad ng lokal na pagdaanan sa pangunguna ni
pamahalaan (LGU) dito ilang taon Mayor Eddie (Guillen). Sa consolidated farming, mas
na bago pa man kinatakutan ang organisado ang pagpaplano sa
PAGSASAAYOS pagtatanim ng mga magsasaka.
COVID-19.
Bago maupo bilang punongbayan Maliban kasi sa palay ay may gulay
Nakapagbebenta sa mas mataas ng Piddig noong 2010, may mga at tabako rin sila.
na presyo ang mga magsasaka sa alagang ideya na si Mayor Eddie
Piddig. Wala silang sama ng loob Nabibigyan ang mga miyembro ng
kung paano ayusin ang kalagayan PBMPC ng libreng pataba at binhi
sa pamahalaan, ni hindi nila sinisisi ng mga magsasaka. Bata pa lang
ang mga pribadong negosyante. mula sa DA. Nakagagamit din sila
kasi siya ay nasaksihan na niya ito ng mga makinaryang pambukid
Napag-alaman ng DA-PhilRice dahil magsasaka rin ang kanyang para sa mas madali at mabilis na
Magasin na may mga pasilidad mga magulang. pagsasaka. Binibili ng Coop ang
na rin sila para sa pagpoproseso Maraming bagay ang kailangan ani ng mga miyembro sa mas
ng palay kaya naibebenta nila munang ituwid pagkaupo ni Mayor mataas na halaga kumpara sa
ito bilang bigas na sukdulang Eddie sa pwesto. Batid niyang hirap karaniwang bilihan ng palay sa
mas mataas ang presyo. umangat ang mga magsasaka kung lugar.
Nakapagpoproseso na rin sila ng hindi sila organisado. Mas madali
brown rice, na sadyang angat din “Sa pamamagitan nito, mapo-
kasi para sa LGU na ibaba ang mga protektahan ang mga magsasaka
ang presyo. programa sa kanila kung mayroon sa sobrang babang presyuhan ng
Mula sa 19,000 toneladang palay silang grupo. Mas madali ring palay,” sabi ni Mayor Eddie.
noong wala pa ang Consolidated mapasakanila ang mga makinarya
Rice Farming Project, ang na makapagpapabilis sa kanilang Malaking tulong sa mga
kabuuang inaani ngayon ng pagsasaka at sa pagpoproseso ng magsasaka ang pagkabuo ng
proyekto ay halos 29,000 tonelada kanilang ani kung hindi sila kanya- kooperatiba, ayon kay Juanito T.
na. Halos dumoble rin ang kita nila. kanyang kayod. Fabian, pangulo ng PBMPC.

16 PHILRICE MAGASIN | Enero - Hunyo 2022


Naging mahirap man para sa Ang zanjera ay nagmula sa
kanya, hindi siya sumuko na salitang Espanyol na “zanja” na
ilatag ang kanyang mga plano nangangahulugang “kanal.” Nabuo
sa iba’t ibang opisyal ng mga ang mga grupong zanjera panahon
ahensiya. pa ng pagsakop ng mga Kastila
sa bansa para matugunan ang
Nagbigay ng rice processing pangangailangan sa irigasyon.
center at mga makinarya at Dahil sa daang-taong teknolohiya
gamit-pambukid ang DA. at mga naitatag na samahan at
Nakapagpagawa rin ang LGU ng pagtutulungan, nakagawa sila ng
Gamit ang combine harvester, imprastraktura tulad ng kalsada sistema upang makakuha ng tubig
wala pang 3 oras ay naani na para mas madaling hakutin ng mula sa Laoag River Basin.
ang 1 ektaryang palayan.
mga magsasaka ang kanilang ani Nagpatulong din ang LGU sa mga
mula bukid papuntang palengke. propesyunal na retirado upang
May kasama pang flood control turuan at sanayin ang mga lider
dam. Nakapagbigay sila ng mga sa kooperatiba. Kasali dito ang
makinaryang pambukid tulad ng pagbalangkas ng sistema para
traktora at mga pasilidad para maging mas epektibo, mahusay, at
sa pagpoproseso ng palay; mga malinaw ang mga proseso.
“Malaki talaga ang pasasalamat serbisyong pang-agrikultura
namin kay Mayor dahil siya ang tulad ng soil suitability tests; HIGIT PA SA MATAAS NA
bumuo sa Coop at kumilos para pamimigay ng libreng pataba, ANI AT KITA
maghanap ng pondo at mga tulong pinansiyal, crop insurance,
mga pasilidad sa pangangalakal, at Para kay Mayor Eddie, higit pa sa
makinarya. Dahil sa paggabay niya pagkamit ng masaganang ani at
sa aming pamunuan, masasabi pagpapatitulo ng mga lupa.
kita ang pwedeng tamasahin ng
kong kaya na naming panatilihin at “Naging mas mabilis ang mga organisadong magsasaka
lalong patatagin ang PBMPC kahit pagbibigay ng serbisyo ng LGU sa Piddig habang patuloy na
hindi niya na kami alalayan,” saad sa pamamagitan ng National tinutulungan sila ng gobyerno.
ni Fabian. Convergence for Sustainable Rural
Development kung saan lahat ng “Kapag malaki kasi ang kinikita ng
PAGTUTULUNGAN mga magsasaka, nakabibili sila
ahensiya ng gobyerno ay maaaring
Pagkatapos magplano at makibahagi sa mga proyekto,” ng mga kailangan at anumang
kumunsulta sa kanyang mga pahayag ni Mayor Eddie. gusto nila mula sa iba’t ibang
kababayan, humingi ng tulong mga negosyo sa lugar. Kapag
si Mayor Eddie sa iba’t ibang KOMUNIDAD AT KULTURA makapal ang pitaka ng mga
pambansang ahensiya ng magsasaka, buong komunidad ang

"
gobyerno. Kailangan ito dahil
limitado ang badyet ng munisipyo.
Naging kasangga rin ng LGU at
PBMPC ang mga “zanjera” upang
maipatupad ang mga proyekto.
nakikinabang,” paliwanag ni Mayor
Eddie.

Sa lahat ng ito, hindi maikakaila


na malaking bagay ang tiyaga
at sigasig ng isang lider upang
maibigay ang angkop na tulong sa
Sa consolidated farming, mas kanyang mga pinamumunuan.

organisado ang pagpaplano sa Habang patuloy na inaabot ng


LGU ang mga magsasaka sa
pagtatanim ng mga magsasaka. lugar, umaasa si Mayor Eddie na
Maliban kasi sa palay ay may maranasan ng bawat mamamayan
ang kasaganaang hatid ng
gulay at tabako rin sila. progresibong pagsasaka. ◘

Enero - Hunyo 2022 | PHILRICE MAGASIN 17


■ FREDIERICK M. SALUDEZ ■

Ilan sa mga kaibigang organismo


na ang pagkain ay mga peste sa palayan ay
ang ground beetle, mga gagamba tulad ng
orb spider, wolf spider, lynx spider, long-
jawed spider, kuliglig, pagung-pagongan, at
mga tutubi.

Ang pagtatanim sa mga


pilapil ng mga halamang
mabulaklak tulad ng biden at
butter daisy ay mainam na pang-akit
sa mga likas na kaaway ng peste
na mamalagi sa palayan. Hindi
magastos ang pagtatanim ng
mga halamang ito dahil hindi na
kailangan ang pataba at patubig.
Praktikal ding magtanim ng gulay
tulad ng okra, kalabasa, talong,
at sesame o linga. Ang mga ito
ay gustong pamahayan ng mga
kaibigang kulisap. Dadagsa na
ang mga kaibigang kulisap,
may pang-ulam at dagdag
kita pa ang mga magsasaka.

18 PHILRICE MAGASIN | Enero - Hunyo 2022


Paglalagay ng
azolla bilang mulch o
alip-ip ang diskarte ni Rogelio
Balisacan, 59, ng Batac City, Ilocos
Norte. Aniya, epektibo ang azolla
laban sa pagtubo ng damo. Kada
500 metro kwadradong palayan, 2
kilong azolla ang binubudbod niya.
Makalipas ang isang buwan pagkalipat-
tanim, ligtas na ang palay
sa banta ng damo dahil
nakukuluban na ang lupa
kaya hindi na makasisingit ang damo. Kaya
naman, inaalis na ni Mang Rogelio ang
azolla sa palayan at pinapakain ito sa baboy.

Nagbobomba rin si Mang Rogelio ng katas


ng dahon ng neem tree nang mabulabog at
maitaboy man lamang ang mga peste. Sa
paggawa ng extract, pinagsasama-sama niya
ang katas ng 3 kilong dinikdik na dahon ng
neem tree, 1 litrong tubig, at isang kutsarang
effective microorganism at binuburo nang 5 araw.
Pangbomba niya ang neem tree extract isang
beses kada yugto ng pagsusuwi, pagbubuntis, at
pagmamalagatas ng mga butil. Babala lang niya
na maghinay-hinay sa pag-iisprey dahil maaaring
makasama rin sa mga kakamping organismo ang
extract.

Nang hindi maagrabyado ng mga peste sa


palayan, maresistensiya sa peste
at sakit na barayti ang gamit ni
Ignacio Lauzon, 55, ng Bayugan City, Agusan del Sur.

Sa pagpili ng barayting itatanim, siguraduhing ito


ay angkop sa kalagayan ng bukid o panahon ng
pagtatanim; matibay sa sakit at peste sa inyong lugar;
at mabili o mahal sa merkado.

Enero - Hunyo 2022 | PHILRICE MAGASIN 19


20 PHILRICE MAGASIN | Enero - Hunyo 2022

You might also like