You are on page 1of 4

INTRO:

Canale: Magandang tanghali sa inyong lahat! kami ang pangalawang


pangkat! at kaming lahat ang mag-uulat sa aming grupo.

Macato: Sisimulan namin ang aming presentasyon sa pagpapakilala ng buhay


ni Roger Salvador.

Canale: Si Roger Salvador o Kap Roger ay isang dating banker na


huminto sa trabaho at naisipang magsaka na lamang. Nagpasiya
siyang sakahin ang lupaing minana sa kanya ng kaniyang mga
magulang. Dahil kulang ang kasanayan sa pagtatanim at pag-aalaga
ng baboy at manok, nagsaliksik at kumonsulta siya sa mga teknikong
pang-agrikultura.

Tedlos: Bukod sa mga mais, nagtatanim din si Kap Roger ng mani.


Siya rin ang Punong Barangay ng Arubub, Jones, Isabela. Dahil sa
kaniyang dedikasyon sa trabaho at pagiging bukas sa mga bagong
kaalaman, napili siyang Farmer-Leader Extensionist ng Local
Government Unit ng Jones, Isabela.

Espere: Naging kaagapay ng Opisina ng Municipal Agriculturist


(OMA) si Kap sa paghikayat sa mga kapwa magsasaka na sundin ang
tamang pamamaraan ng pagsasaka ng mais. Tinuruan din niya ang
mga kapwa magsasaka ng iba’t ibang istratehiya at makabagong
teknolohiya sa agrikultura.
Barabona: Dahil dito, umani siya ng maraming pagkilala at parangal.
Kinilala siya bilang Farmer-Scientist ng mani sa Cagayan Valley
Agriculture Resources Research and Development . Isa siya sa mga
pilipinong tumanggap ng Asha Variety ng mani noong taong 2006
mula sa pangulo ng India.

Moreno: Sa taong 2008 naman, hinirang syang “Most Outstanding


Corn Farmer” ng pangalawang rehiyon. Naging Finalist sa National
Level ng Gawad Saka Search, at ginawaran sya bilang “Most
Outstanding Isabelino”. Patuloy siyang nananaliksik ng mga
pamamaraan upang madagdagan ang mga ani at kita.

Macato: Itinalaga siya sa iba’t ibang katungkulan upang pamunuan at


matulungang umunlad ang kapwa magsasaka. Inatasan si Kap Roger
ng Department of Agriculture - Cagayan Valley Integrated Agricultural
Research Center bilang seed grower ng kanilang open-pollinated
variety ng puting mais at mani.

Alegado: Napili din siyang cooperator ng National Pilot Project ng DA-


BAR na “Site Specific Nutrient Management” sa mais. Ang tagumpay
ni Kap Roger ay bunga ng kanyang dedikasyon at ang kanyang
ipinaaabot na serbisyo sa kanyang mga kapwa magsasaka.

Sagdullas: Dahil sa pagtaguyod niya nang mapanagutan sa kaniyang


pamilya, naging matagumpay ang kaniyang mga anak. Malaking
tulong rin sa kanyang tagumpay ang suporta na ibinuhos ng kanyang
pamilya.

Tedlos: Dahil sa kanyang ehemplo, nabuo ang Peanut Growers


Association. Pagkatapos ng mais, natuklasan din ang magandang
pamamaraan niya sa pag-aalaga ng saging. Sa katunayan, ang mga
pananim niyang saging ay “tissue cultured” na Lakatan variety.
Barabona: Dahil dito, inatasan ulit siya ng CVARRD Consortium
bilang magsasakang siyentista ng saging at marami na rin siyang
natulungang magsasaka na may sagingan sa pamamagitan ng
pagbabahagi ng tamang teknolohiya.

Espere: Si Kap Roger ay isang magandang halimbawa ng tagumpay


sa ating mga Pilipino. Naitaas niya ang antas ng kabuhayan ng
kaniyang kapwa magsasaka.

Canale: Dahil naging isa syang mabuting halimbawa, dumami ang


mga taong mas naging desidido na abutin ang kanilang mga
pangarap. Dahil na rin sa kaniyang pagtitiyaga, pagsusumikap, at
pananampalataya sa diyos, nalampasan niya ang kahirapan, tumugon
siya sa tawag ng pagmamahal, at nakamit ang tagumpay sa buhay.

Tanong:

Canale: Ano-anong mga katangian ang ipinakita ni Roger Salvador?

Espere: Ang mga katangian na ipinakita ni Roger Salvador ay ang


pagiging bukas nya sa mga bagong kaalaman, pagiging masikap at
matiyaga sa kanyang mga ginagawa, at may pananalig sya sa diyos.

Canale: Dahil sa kanyang pagpupunyagi, ano-anong parangal at


pagkilala ang kanyang natanggap?

Tedlos: Marami syang parangal at pagkilala na natanggap, ilan na rito


noong hinirang sya bilang “Most Outstanding Corn Farmer” at “Most
Outstanding Isabelino”. Ginawaran rin sya ng pagkilala nang
mabigyan sya ng Asha Variety ng mani mula pa mismo sa pangulo
ng India.

OUTRO:
Canale: Muli, kami ang pangalawang pangkat, maraming salamat sa inyong
pakikinig.

You might also like