You are on page 1of 2

Cris "Kesz" Valdez

Noong 13 taong gulang pa lamang si Cris "Kesz" Valdez, ay naitatatag niya ang isang organisasyong
“"Championing Community Children” na kung saan nakalikom siya ng pondo upang nakapagbigay ng
mga tsinelas, laruan, gamit at iba pang gamit sa mga batang nangangailangan. Nakatulong siya sa halos
10,000 na kabataan na biktima ng kaharasan at pang-aabuso. Kaya itinanghal siya bilang “International
Children's Peace Price Awardee” ng taong 2012. Siya rin ay ang Filipino Awardee sa 2012 International
Children's Peace Prize sa The Hague Netherlands at nakatanggap ng 100,000 euro ($130,000) prize.Siya
ang unang Southeast Asian na nakatanggap nitong International Children's Peace Prize at ang
pinakabatang finalist na nominado.

Roger Salvador o Kap Roger


Si Roger Salvador o Kap Roger ay isang dating banker pero naisip niyang huminto sa trabaho at magsaka
na lamang. Bukod sa mga mais, nagtatanim din si Kap Roger ng mani. Siya rin ang Punong Barangay ng
Arubub, Jones, Isabela. Si Kap Roger ay napiling Farmer-leader Extensionist ng Local Government Unit ng
Jones, Isabela. Naging kaagapay ng Opisina ng Municipal Agriculturist (OMA) si Kap sa paghikayat sa
mga kapwa magsasaka na sundin ang tamang pamamaraan ng pagsasaka ng mais. Patuloy siyang
nananaliksik ng mga pamamaraan upang madagdagan ang ani at kita. Inatasan si Kap Roger ng
Department of Agriculture - Cagayan Valley Integrated Agricultural Research Center bilang seed grower
ng kanilang open-pollinated variety ng puting mais at mani. Napili din siyang cooperator ng National
Pilot Project ng DA-BAR na “Site Specific Nutrient Management” sa mais. Sa taong 2008, ginawaran siya
bilang “Most Outstanding Corn Farmer” ng rehiyon 02 at naging finalist sa National Level ng Gawad Saka
Search. Sa taon ding yon, ginawaran siya bilang “Most Outstanding Isabelino” dahil sa kanyang mahusay
na serbisyo publiko. Kap Roger ay ginawarang farmer-scientist sa mani ng Cagayan Valley Agriculture
Resources Research and Development (CVARRD). Ang tagumpay ni Kap Roger ay bunga ng kanyang
dedikasyon at ang kanyang ipinaaabot na serbisyo sa kanyang kapwa magsasaka. Malaking tulong rin sa
kanyang tagumpay ang suporta na ibinuhos ng kanyang pamilya. Dahil sa kanyang ehemplo, nabuo ang
Peanut Growers Association. Pagkatapos ng mais, natuklasan din ang magandang pamamaraan niya sa
pag-aalaga ng saging. Katunayan, ang mga pananim niyang saging ay “tissue cultured” na Lakatan
variety. Dahil dito, inatasan ulit siya ng CVARRD Consortium bilang magsasaka siyentista ng saging at
marami na rin siyang natulungang magsasaka na may sagingan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng
tamang teknolohiya. Si Kap Roger ay isang magandang halimbawa ng tagumpay sa ating mga Pilipino.
Dahil sa kanyang halimbawa ng pagtitiyaga, marami ang mas naging desidido na abutin ang kanilang
mga pangarap.

Jose R. Velasco (4 Pebrero 1916 — 24 Enero 2007)


Si Jose R. Velasco (4 Pebrero 1916 — 24 Enero 2007) ay isang Pilipinongsiyentipiko sa pisyolohistang
panghalaman at kimiko sa agrikulturang kilala sa kaniyang pananaliksik hinggil sa lupa, nutrisyon ng mga
halaman, at mga karamdaman ng buko. Nadiskubre niya ang panlaban sa kadang-kadang, isang peste ng
mga niyog. Kinilala siya sa kanyang pag-aaral ukol sa kabuuan ng halaman (plant physiologist) at
nutrisyon ng lupa. Kabilang sa kanyang pag-aaral ay ang iba't ibang uri ng produkto na galing sa niyog.
Noong 1998, pinarangalan siya bilang Pambansang Syentipiko ng Pilipinas.
Inang Teresa, Madre Teresa, o Teresa ng Kolkata (26 Agosto 1910 – 5 Setyembre 1997)
Ipinanganak siya bilang Agnesë Gonxhe Bojaxhiu (binabaybay ding Agnes Gonxha Bojaxhiu) sa Skopje,
Albanya (kasalukuyang nasa Masedonya ang Skopje). Nag-aral siya sa Irlanda. Nagturo siya sa Kolkata,
Indiya. Isang gabi, habang nakasakay sa isang tren, narinig niya ang isang tinig na nagsasabing iwanan
niya ang kanyang kinaroroonang kumbento upang tulungan ang mga maralita. Habang nasa Kolkata,
nakasuot siya ng sari at nakatapak sa pinakamahihirap na pook . Noong 1948, pinahintulutan siya ng
Simbahang Katoliko na magtatag ng isang bagong samahan ng mga madre, ang Mga Misyonera ng
Kawanggawa (Missionaries of Charity). Sa loob ng 30 mga taon, kasama ng kanyang mga madre,
nakapagsagip si Nanay Teresa o Inay Teresa ng mga sanggol mula sa mga basurahan, nag-alaga ng mga
ketongin, at nag-alaga ng mga may karamdaman at mga malapit nang mamatay. Pagsapit ng 1979,
nagkaroon ang kanyang samahan ng 200 mga sangay sa buong mundo. Biniyayaan siya ng Gantimpalang
Nobel para sa Kapayapaan.

You might also like