You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION X-NORTHERN MINDANAO
DIVISION OF LANAO DEL NORTE
DISTRICT OF TANGCAL
TANGCAL PROPER ELEMENTARY SCHOOL
TANGCAL PROPER, TANGCAL, LANAO DEL NORTE

THIRD QUARTER-FILIPINO
WEEK 2 EXERCISE
GRADE6
Name: __________________________________________
A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tekstong nasa ibaba. Sagutin ang mga sumusunod na
tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

May SAWA sa Agusan del Sur

1. Ang SAWA sa Agusan del Sur ay hindi sawa na iyong iniisip na isang malaking ahas na may
kakayahang lingkisin ang isang tao. Sa katunayan, ang SAWA ay nagkaloob ng magandang
hanapbuhay sa mga ina ng tahanan sa nasabing probinsiya.
2. Ang ibig sabihin ng SAWA ay Sigabit Abaca Weavers Association. Ito ay organisasyon ng kababaihan
sa Barangay Sinai na ngayon ay kinikilala sa pagtatanim at pagpoproseso ng abaka. Pinagbuti ng
kababaihan ang kanilang pagsasanay sa pagpoproseso ng abaka hanggang sa matutunan nila ang
paglikha ng tinagak at paghahabi.
3. Ngayon ay maituturing na silang mga eksperto sa gawaing ito. Kinilala na ang kanilang mga likhang-
produkto na gawa sa abaka na kanilang naipagbibili hanggang sa mga probinsya sa Rehiyon 5 at 8. A
ng kahusayan sa pamamalakad at paglikha ng mga de-kalidad na produkto ang nagging dahilan kung
bakit nagging huwaran ang SAWA sa kanilang mga proyekto.
4. Paano ba nagsimula ang magandang hanapbuhay na ito ng kababaihan sa Barangay Sinai? Ang
kahulugan ng pagkakakitaan o hanapbuhay ang nagtulak sa mga ina ng tahanan na magtanim ng
abaka sa kanilang mga bakanteng lote. Sa tuwing aanihin aanihin ang mga pananim nilang abaka,
pinoproseso lamang ito gamit ang kanilang mga kamay. Ipinagbibili nila ito nang kada kilo sa lungsod.
Ganito ang kasanayan ni Aling Rona na gawin sa kaniyang aning abaka.
5. Ngunit isang araw, habang si Aling Rona ay nagtitindang abala sa lungsod, isang mamimili ang na
eksperto sa abaka ang nakapansin sa kaniyang tinda. Bumisita ang naturang eksperto sa kanilang
barangay upang personal na makita kung papaano ang kanilang pagtatanimat pagpoproseso ng
abaka. Dito na nagsimula ang pagiging masigasig ng mga tao sa kanilang barangay na magtanim ng
abaka.
6. Kumalat sa buong probinsya ang malawakang pagtatanim at ang malaking pagbebenta ng abaka ng
mga magsasaka ng taga-Barangay Sinai. Nakarating ang magandang industriyang ito sa kaalaman ng
pamahalaang local ng Sibagat at binigyan sila ng mga tulong sa kanilang kabuhayan tulad ng
pagsasanay sa paghahabi ng abaka.
7. Sa pakikipag-ugnayan ng SAWA sa iba’t-ibang ahensiya, ang oragnisasyon ay nakaipon ng PHP 5.5
milyon. Ito ang nagsisilbing puhunan nila sa pagpapaunlad ng kanilang mga proyekton kaugnay ng
abaka tulad ng pagsasanay ng paggawa ng bag at iba pa.
8. Malaki ang naitulong ng idustriya ng abaka sa bayan ng Sigabat. Nakatulong ang industriya upang
maipaayos ang mga daan na naging dahilan upang higit na mapadali ang pagluluwas ng kanilang mga
produktong agrikultural sa mga pamilihang-bayan.
9. Ang magandang halimbawa na sinimulan ng SAWA ay sinundan ng maraming mamamayan sa bayan
ng Sigabit.

1. Ano ang SAWA o Sigabit Abaca Weavers Association?

a. Isang grupo ng mga kabataan sa Barangay Sinai.

b. Isang malaking sawa na kayang lingkisin ang isang tao.

c. Isang grupo ng mga kalalakihan na nanghuhuli ng mga sawa.

d. Isang grupo ng mga kababaihan na kilala sa pagtatanim at pagpoproseso ng abaka.

2. Bakit maituturing na magandang halimbawa ang organisasyong ito?

a. Dahil ito ay sinimulan ng mayayamang kababaihan.

b. Dahil magaganda ang kababaihan sa oraganisayon.

c. Dahil sa kasikatan ng mga prodekto nito maging sa ibang rehiyon.

d. Dahil sa kahusayan ng organisasyon sa pamamalakad at paglikha ng mga de-kalidad na produkto.

3. Paaano nakatulong ang industriya ng abaka sa Barangay Sinai?

a. Naging pasyalan ang nasabing barangay.

b. Naging kilala ang Barangay sa paggawa ng mga sapatos.

c. Naging sikat sila sa buong bayan.

d. Naging madali ang pagluluwas ng kanilang mga produktong agricultural sa mga pamilihang-bayan nang
maiaayos ng organisasyon ang mga daanan

4. Ano ang buod o lagom?

a. Tumutukoy sa isang awit

b. Tumutukoy sa isang kwentong binasa

c. Tumutukoy sa paksang napakinggan

d. Tumutukoy sa isang mas maikling bersyon ng isang mahabang teksto o sulatin.

5. Alin sa mga sumusunod ang tamang buod ng talata 8?

a. Naipaayos ang mga daan sa barangay Sinai.

d. Nakatulong ang industriya upang maipaayos ang mga daan na naging dahilan upang higit na mapadali

b. Malaki ang naitulong ng industriya sa barangay Sinai.

c. Naisaayos ang mga daan at napadali ang pagluluwas ng mga produktong agricultural sa pamilihang-bayan.
ang pagluluwas ng kanilang mga produktong agrikultural sa mga pamilihang-bayan.
B. Panuto: Lagyan ng bilang 1-5 ang bawat talatang nakabuod batay sa pagkasunod- sunod ng
pangyayaring nabanggit sa tekstong binasa o napakinggan.
_________ Naging daan ng magandang hanapbuhay ang SAWA sa mga ina ng tahanan sa
Agusan del Sur.
_________ Napadali ang pagluluwas ng mga agricultural na product sa pamilihangbayan.
_________ Naging tanyag sa mga karatig rehiyon ang de-kalidad na likhang-produkto na gawa sa
abaka.
_________ Organisasyon ng mga kababaihang maiging nagsanay hanggang sa natutong lumikha
ng tinagak at paghahabi.
_________ Ngayon ang SAWA ay isang magandang halimbawa sa bayan ng Sigabit.

C. Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ang tawag sa siksik at pinaikling bersiyon ng isang teksto.


a. buod b. talata c. kwento d. talambuhay

2. Ano ang kinakailangang isaalang-alang sa pagbubuod ng isang teksto?


a. pamagat ng teksto b. mga pangunahing ideya o impormasyon
c. mga tauhan sa teksto d. pook o lugar ng pinangyarihan ng teksto

3. Ano-ano ang mga pangunahing ideya o impormasyon ang napapaloob sa isang sulatin?
a. tauhan at tagpuan b. problema at kalutasan
c. banghay ng sulatin d. Lahat ng nabanggit

4. Bakit mahalagang matutunan ang pagbibigay lagom o buod sa isang sulatin?


a. Dahil ito ay kinakailangan upang mabuo ang isang sulatin
b. Dahil ito ay magsisilbing batayan sa pagbuo ng isang kapupulutang aral
c. Dahil ito ay nakakatulong upang lubos na maunawaan ang diwa o tema ng isang teksto.
d. Wala sa nabanggit

5. Piliin sa mga sumusunod ang pinaikling bersyon ng talatang nakapaloob sa kahon.

Isang palaisipan sa mga siyentipiko kung paano nakakauwi ang mga langgan mula sa pagkuha ng
mga pagkain. Ngayon ay ipinahihiwatig ng mananaliksik na German at Swiss na ang aspeto ng
gawaing ito ay gawa raw ng matalas at malikhaing pagkilos. Nalaman nila na ang mga langgam
kapag pinawalan sa patag na kalupaan ay nagsisimulang maghanap ng distansiya mula sa kanilang
lungga.

a. Kung paano sila nakakauwi mula sa pagkuha ng mga pagkain ay palaisipan pa rin sa mga
siyentipiko.
b. Nalaman nila na ang mga langgam kapag pinakawalan sa patag na kalupaan ay nagsisimulang
maghanap ng distansya mula sa kanilang lungga.
c. Ang kanilang pag-uwi sa lungga ay gawa raw ng matalas at malikhaing pagkilos.
d. Ngayon ay ipanahihiwatig ng mananaliksik na German at Swiss na ang aspeto ng gawaing ito
ay gawa raw ng matalas at malikhaing pagkilos.
D. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.

1) Kailan nanalasa ang Super Typhoon Ondoy sa Pilipinas?

A. Disyembre 2018

B. Disyembre 2011

C. Septyembre 2009

D. Nobyembre 2015

2) Sino ang dating climatologist ng PAGASA at resident meteriologist ng GMA?

A. Kim Atienza B. Jessica Soho

C. Mike Enriquez D. Nathaniel Cruz

3) Anong bagyo ang nanalasa sa Pilipinas nitong Nobyembere 11, 2020 na halos nalubog sa baha ang
buong Marikina?

A. Bagyong Rolly B. Bagyong Ondoy

C. Bagyog Ulysses D. Bagyong Quinta

4) Bakit umabaot ng mas mataas ang level ng tubig ng Marikina River nitong kay Bagyong Ulyses kaysa
noong kay Bagyong Ondoy?

A. Dahil ang Marikina River ay maraming nakabara na basura.

B. Dahil sa ang bagyong Ondoy ay mas mahina kaysa bagyong Ulysses.

C. Dahil ang Bagyong Ulysses ang pinakamalakas sa lahat ng bagyo ngayong taon.

D. Dahil sa sunod-sunod na bagyo ang dumating bago pa man ang bagyong Ulysses.

5) Paano mo paghahandaan ang ganito uri ng kalamidad?

A. Matulog dahil malamig ang panahon.

B. Manatili sa loob ng bahay kahit pinapalikas na.

C. Maghanda ng emergency kit at makibalita sa mga pangyayari.

D. Makinig ng balita sa radyo o telebisyon ng mga babala at signal

You might also like