You are on page 1of 23

Pangalan: ________________________ Seksyon: __________________

Guro: ________________________________________

Pagsasanay 1

Ang Ahas

Kadalasan, kinatatakutan ng mga tao ang ahas. Dahilan ito sa nakagawian na nating isipin na
nakasasakit, nakalalason at malansa ang lahat ng ahas. Kapag nakakita ng aha sang mga tao, agad
nila itong pinapatay.
Hindi natin alam na kapaki-pakinabang ang maraming ahas bilang tagapuksa ng mga daga at
iba pang peste. Iba’t iba ang laki ng mga ahas mula sa napakaliit na urina ilang pulgada lamang ang
haba hanggang sa mga higanteng may tatlumpung talampakan o higit pa ang haba.
Nababalutan ang katawan ng mga ito ng kaliskis na makinis at tuyo kaya hindi masasabing
madulas ang mga ito. Naghuhunos ng balata ng mga ahas. Karaniwan ay ilang ulit na nangyayari ito
sa isang taon. May palagian at naaaninag na taluka ang mga mata ng ahas at mukhang lagging
nakamulat ang mga ito.

1. Kinakakakutan kadalasan ng mga tao ang ________.


a. Mga hayop c. mga halamang-gubat
b. Mga ahas
2. Nakagawiang isipin ng mga tao na ang ahas ay ________.
a. Nakatutuwa c. nakapagpapaganda
b. Nakalalason
3. Kapag may taong nakakita rito, agad itong __________.
a. Pinapatay c. inuuwi sa bahay
b. Inaalagaan
4. Ayon sa salaysay, kapag nakakita ka ng ahas, dapat ay patayin ito agad.
a. Tama ito. C. Maaaring tama ito.
b. Hindi ito tama.
5. Marami sa mga ahas ay _________.
a. Nakalalason c. kapaki-pakinabang
b. Nakasasama
6. Pinupuksa ng mga aha sang ________.
a. Mga tao c. mga daga at iba pang peste
b. Mga halaman
7. Ang mga ito ay may iba’t ibang ________.
a. Hugis c. taba
b. Laki
8. Ang pinakamaliit na uri ay may __________.
a. Ilang pulgada lamang ang haba. C. isang metro lamang ang haba
b. May tatlumpung pulgada ang haba
9. Ang kaliskis na bumabalot sa katawan nito ay _________.
a. Madulas at maburak c. makinis at tuyo
b. Mabaho at malansa
10. Ang mga mata nito ay laging ________.
a. Nakapikit c. waring nakamulat
b. Nakamulat
Pangalan: ________________________ Seksyon: __________________
Guro: _______________________________________

Pagsasanay 2

Kaugaliang Pagpapabukas

Wikang Español ang salitang “mañana” at nangangahulugan ito ng “bukas”. May kinagawiang
ugali ang Español na dahil sa taglay nilang katamaran, kapag may bagay na pinagagawa sa kanila,
agad na isasagot ang “mañana”. Ibig sabihin nito, ang magagawa nila sa araw na iyon ay
ipagpapabukas pa. Ito ang pinagmulan na tinatawag na kaugaliang “mañana”. Taglay ang kaugaliang
ito ng lahat ng tamad na tao sa buong daigdig. Ipinagpapaliban sa kinabukasan ang mga gawaing
dapat gawin sa araw ring iyon.
Ang sinuman sa atin ay maaring magkaroon ng ganitong gawi. Ipinagpapabukas ba ninyo ang
gawaing dapat gampanan sa araw ring iyon? Ang pinakamabuti ay ugaliing simulan agad ang
anumang gawaing dapat tapusin. May kasabihang “Ang tatanghalian ng taong tamad ay aalmusalin
ng taong masipag”.

1. Ano ang salitang “mañana”?


a. Ingles c. Español
b. Tagalog
2. Ano ang kahulugan nito sa ating wika?
a. Bukas c. kahapon
b. Ngayon
3. Sino ang pinagmulan ng salitan ito?
a. Mga Tsino c. mga Portuges
b. Mga Español
4. Alin sa mga pangungusap na ito ang totoo?
a. Kapuri-puri ang katamaran.
b. Bihira ang nagkakaroon ng tamad na kaugalian.
c. Maaaring magkaroon ng tamad na gawi ng kahit sinuman.
5. Anong pananalita ang kinagawiang bigkasin ng isang taong may kaugaliang “mañana”?
a. Ngayon din c. bukas na
b. Gagawin agad
6. Samakatuwid, inilalaan sa susunod na araw ang dapat nitong gawin sa _________.
a. Kinabukasan c. kinahapunan
b. Araw ring yaon
7. Lahat ng tao ay maaring magkaroon ng ganitong _______.
a. Trabaho c. gawain
b. Gawi
8. Ang pinakamabuti, kung may gagawin ang isang tao ay_________.
a. Huwag gawin ito c. gawin agad ito
b. Ipagpaliban ang paggawa
9. Alin sa mga salitang ito ang angkop na naglalarawan sa taong ipinagpapabukas ang anumang
gawain?
a. Masipag c. masigla
b. Batugan
Pangalan: ________________________ Seksyon: __________________
Guro: _______________________________________

Pagsasanay 3

Bisa ng Klima

Mahalaga ang nagiging bisa ng klima sa mga uri ng tahanan ng mga tao sa iba’t ibang dako
ng daigdig. Gumagawa ang mga Eskimo ng kanilang mga igloo na yari sa malalaking bloke ng yelo.
Mga tolda naman ang tinitirhan ng mga Arabe at Indian upang madaling mailipat ang kanilang
tirahan sa iba’t ibang lugar. Sa Japan ang mga tirahan ay yari sa papel, pinastahang putik at
magagaan na balangkas ng kahoy upang maging angkop sa madalas na paglindol sa bansang ito.
Kadalasan naming yari sa balangkas na kawayan ang tahanan ng mga Pilipinong naninirahan
sa mga nayon at bukid. Nagbibigay ito ng tamang bentilasyon kung panahon ng tag-init at sapat na
proteksyon kung panahon ng tag-ulan. Yari naman sa matitibay at konkretong kagamitan ang mga
tahanan ng mga Amerikano at mga banyagang nainirahan sa mga bansang nag-iiba-iba ang klima
upang may panlaban sa pagpapalit-palit ng panahon.

1. Bakit may iba’t ibang uri ng tahanan sa iba’t ibang lugar?


a. Dahil sa klima ng lugar c. dahil sa mga taong naninirahan doon
b. Dahil sa magagandang tanawin
2. Sino ang gumagawa ng igloo bilang tahanan?
a. Indian c. Eskimo
b. Arabe
3. Aling tirahan ang madaling ilipat ng lugar?
a. tolda c. yari sa semento
b. yari sa kongkreto
4. Walang kinalaman ang klima sa uri ng tirahan ng mag tao?
a. Tama c. hindi tiyak
b. Mali
5. Sino ang naninirahan sa tolda?
a. Eskimo c. Amerikano
b. Arabe at Indian
6. Sa ano yari ang mga bahay ng mga Hapones?
a. Sa kahoy at bakal c. sa papel at pinastang putik
b. Sa bato at semento
7. Bakit ganito ang yari ng tahanan ng mga Hapones?
a. Madalas ang tag-ulan sa kanilang lugar.
b. Madalas ilipat ang mga ito.
c. Madalas ang lindol sa lugar nila.
8. Kalian kailanganan ang mabuting bentilasyon sa tahanan ng mga Pilipino?
a. Tuwing tag-init c. tuwing panahon ng tag-ulan
b. Tuwing taglamig
9. Aling mga tao ang nangangailangan ng matibay at kongkretong tirahan?
a. Mga Asyano
b. Mga Hapones at Tsino
c. Mga Amerikano at banyagang naninirahan sa mga bansang nag-iiba-iba ang klima
Pangalan: ________________________ Seksyon: __________________
Guro: ______________________________________

Pagsasanay 4

Pangangalaga sa mga Nayon

Sa pagkakaroon ng mga barangay, nagkakatulungan ang lahat upang mapanatili ang


kapayapaan at katahimikan. Kung may mga pulis na nagtatanod sa mga bayan, may mga bantay
naman ang mga nayon. Lahat halos ng nayon sa kasalukuyan ay may tinatawag na “barangay
tanod”. May mga tungkuling ginagampanan ang mga ito. Binibigyan sila ng kapangyarihan na
dumakip at umaresto ng mga taong gumagawa ng pagkakasala. Sila rin ang nangangalaga sa
kaayusan ng kanilang barangay.
May mga tanod rin sa mga kalat-kalat na bukirin sa labas ng nayon. Walang mga uniporme
ang mga ito ngunit tumutupad sila ng tungkulin ng isang pulis. Anupa at sa kanilang mga kamay
nakasalalay ang katahimikan at kapayapaan ng mga taga nayon.

1. Paano pinananatili ang kapayapaan sa bayan?


a. May mga pulis doon. C. May mga Boy Scout doon.
b. May mga bantay doon.
2. Ano ang naidudulot ng pagkakaroon ng mga barangay?
a. Pagtutulungan ng lahat c. pagpupulu-pulutong
b. Pagkakanya-kanya
3. Ano ang tawag sa mga bantay ng nayon?
a. Barangay tanod c. pulis ng nayon
b. Bantay ng mamayanan
4. Ano ang tungkuling ginagampanan ng mga ito?
a. Nagbabantay sa nayon c. nagbabakasyon sa nayon
b. Nag-aaliw sa nayon
5. Alin sa mga tungkuling ito ang maaari nilang gawin?
a. Humatol sa mga may kasalanan c. magparusa sa mga may kasalanan
b. Dumakip sa mga may kasalanan
6. Bakit naiiba sila sa mga tunay na pulis sa bayan?
a. Wala silang uniporme. C. Magaganda ang kanilang bihis.
b. Nakauniporme sila.
7. Saan-saan pa umaabot ang kanilang pagtatanod?
a. Sa mga lungsod c. sa mga labas ng nayon
b. Sa mga kagubatan
8. Bakit nawawala ang agam-agam ng mga taga nayon?
a. May mga sundalo c. may dumarating na pulis ng bayan
b. May mga barangay tanod
9. Ano ang nakapagpapatahimik sa mga lugar na ito?
a. Ang pagkakatatag ng mga barangay c. ang pagkakaroon ng kulungan
b. Ang pagkakaroon ng pulis
10. Ano ang tinatalakay sa sanaysay?
a. Ang pangangailangan ng mga bantay
b. Ang mga barangay sa bayan
c. Angpangangalaga sa kaayusan at kapayapaan
Pangalan: ________________________ Seksyon: __________________
Guro: _________________________________________

Pagsasanay 5

Si Jose Rizal at ang mga Kabataang Pilipino

Pinakadakila sa mha katangian ni Jose ang marubdob niyang pagmamahal sa kanyang Inang
Bayan. Minamahal niya ang kanyang mga kababayan at natitiyak din niya na mahal ng mga ito ang
kanilang bayan.
Naniniwala si Jose sa mga kabataan ng kanyang bayan. Naniniwala rin siya na ang mga
kabataan ang pag-asa ng Inang Bayan kaya gumawa siya ng isang makabayang tulang handog sa
kanila. Pinamagatan itong “Mga Kabataang Pilipino”. Sa tualng ito pinarangalan niya ang mga
kabataan ng kanyang bayan. Narito ang isang taludtod mula sa kanyang tula: “Itaas ninyo ang inyong
mga noo, Magiliw kong mga kabataan; ipagmalaki ang inyong kagitingan, Pag-asa ng aking Inang
Bayan.”
Inilaan natin ang ika-19 ng Hunyo na kapanganakan ni Jose Rizal, sa pagdiriwang sa “Araw ng
Kabataan”.

1. Alin ang pinakadakilang katangian ni Jose Rizal?


a. Pag-ibig sa kanyang kapatid c. pag-ibig sa kanyang sarili
b. Pag-ibig sa kanyang tinubuan
2. Ang tula sa itaas ay _________.
a. Makulay c. makasaysayan
b. Makabayan
3. Sino ang natitiyak niyang nagmamahal din sa kanyang bayang tinubuan?
a. Ang mga taga bundok c. ang kanyang mga kababayan
b. Ang mga taga ibang bansa
4. Kanino siya naniniwala?
a. Sa mga kabataan c. sa kanyang mga kamag-anak
b. Sa kanyang mga kapatid
5. Paano niya ipinakita ang paniniwalang ito?
a. Sa pagkatha ng isang awit c. sa pagkatha ng isang kwento
b. Sa pagkatha ng isang tula
6. Ano ang paniniwala niya ayon sa kanyang tula?
a. Nasa kabataan ang pag-asa ng bayan.
b. Nasa matatanda ang pag-asa ng bayan.
c. Nasa kanyang mga kamag-anak ang pag-asa ng bayan.
7. Ano ang pamagat ng kanyang tula?
a. Sa mga Pilipino c. Sa mga Kabataang Pilipino
b. Sa mga Banyaga
8. Ano ang hamon niya sa mga ito?
a. Pagpapakita ng pagmamalasakit sa bayan
b. Pagpapakita ng pagmamalaki sa bayan
c. Pagpapakita ng katapangan
9. Ano ang itinakdang Araw ng Kabataan?
a. Ika-30 ng Disyembre c. ika-19 ng Hunyo
b. Ika-12 ng Hulyo
Pangalan: ________________________ Seksyon: __________________

Pagsasanay 6

Pangingisda sa Gabi

Sa Visayas, ang pangingisda ay hindi nangangailangan ng pagpunta sa malayong lugar ng


karagatan ang mga sapa maging ang mga tubig-putikan at mga bakawan ay punong-puno ng mga
isda. Sa gabi ang pinakamahusay na oras upang mangisda dahil ang kawan ng mga isda ay
makikitang waring nakatingala at pinanonood ang liwanag ng buwan. Sa gabi rin sila naaakit sa
liwanag ng buwan, at liwanag na nagmula sa ilaw ng mga sulo o anumang liwanag tulad ng lampara
kung kaya sila nabibingwit.
Dahil ang pangingisda sa gabi ay napatunayang mabisa, kaya halos lahat ng mangingisda sa
buong kapuluan ay ginagawa ang pangingisda sa gabi.

1. Saan maaakit ang mga isda?


a. Sa mga halaman c. sa madilim na lugar
b. Sa sikat ng araw d. sa liwanag ng buwan o anumang liwanag tulad ng lampara
2. Kalian pinakamahusay mangisda?
a. sa gabi c. sa umaga
b. sa hapon d. sa tanghali
3. Saan lugar sa Pilipinas hindi na dumarayo ang mga tao sa malayong lugar ng karagatan
upang mangisda?
a. Sa Luzon c. sa Palawan
b. Sa Visayas d. sa Mindanao
4. Bakit sa gabi mangingisda ang mga taga-Visayas?
a. Dahil mababaw ang tubig sa gabi.
b. Dahil maraming isda ang lumalabas sa gabi.
c. Dahil ayaw nilang mainitan sa sikat ng araw.
d. Dahil malamig ang simoy ng hangin sa gabi.
5. Ano ang iyong gagawin kapag nakakita ng mga mangingisdang gumagamit ng dinamita sa
kanilang pangingisda?
a. Isusumbong ko po sila sa mga pulis.
b. Sasama po ako sa kanila sa pangingisda.
c. Ipapaalam ko po sa Kagawaran ng Pangisdaan at Latian.
d. Kakausapin ko sila na mas mainam kung hindi na lang sila gagamit ng dinamita.
Pangalan: ________________________ Seksyon: __________________

Pagsasanay 7

Ang Puso ni Dino

Ang fossils ay tumutukoy sa katawan ng hayop at halaman na namatay na ngunit nanatiling buo at
hindi nabubulok. Tumutulong ito sa mga siyentipiko upang tuklasin ang iba’t ibang uri ng hayop at
halaman ang nabuhay libong taon na ang nakalipas.
Taong 1993, sa Northwest, South Dakota, isang nakamamanghang pangyayari ang naganap.
Nahukay ni Michael Hammer ang mga buto ng isang dinosaur na kumakain ng halaman. Tinatayang
nabuhay ito sa daigdig 66 libong taon na ang nakalipas. Ang herbivore na ito ay pinangalanang Willo.
Ito ay mga taas na 13 talampakan at bigat na 330 kilo. Wala itong buntot at mga paa. May tuka ito
tulad ng parrot at mapulang kumpol ng laman sa bahaging dibdib na tinaguriang puso ng dinosaur.
Malambot ang tissue ng psuo kaya’t nakatataka kung bakit hindi ito nabulok. Lalo siyang namangha
dahil may apat na chamber ang puso nito na taliwas sa ibang hayop na may tatlong chamber lamang.
Ang puso ng mammal o ibon na may apat na chamber ay may kakayahang bumuga ng malamig na
dugo at oxygen sa baga kasama ang mainit na dugo sa ibang bahagi ng katawan. Bihira ang
ganitong uri ng puso sa mga hayop. Kaya’t patuloy itong pinag-aaralan ng mga siyentipiko hanggang
sa ngayon.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi tumutukoy kay Willo?


a. Kumakain ng halaman c. nabuhay ng 66 na libong taon
b. May tuka tulad ng parrot d. may tatlong chamber ang puso
2. Ano ang tawag sa katawan ng hayop o halaman na nakabaon sa lupa libong taon na ang
nakakaraan?
a. Tissue c. chamber
b. Fossils d. herbivore
3. Ano ang kakaiba kay Willo na nagpamangha sa mga siyentipiko?
a. Ang kanyang tuka na tulad ng parrot
b. Ang taas nitong 13 talampakan
c. Ang bigat bito sa umaabot ng 330 kilo
d. ang puso nitong may apat nah amber na hindi nabubulok
4. Matagal ng patay si Willo, bakit nagtitiyaga ang mga siyentipiko nap ag-aralan ang mga labi
nito?
a. Dahil naiiba ang mga hayop noon kaysa sa mga hayop ngayon
b. Upang malaman kung bakit nauubos at nawala ang mga lahi nila
c. Upang malaman ang mga uri ng hayop na nabuhay sa daigdig libong taon na ang
nakalipas
d. Upang makapagsulat ng mga artikulo tungkol sa mga hayop na nabuhay noong unang
panahon
5. Sa mga kwento at pelikula tungkol sa dinosaur, ano ang pagkakaiba ni Willo sa kanila?
a. Halaman na kinakain ni Willo at hind laman ng ibang hayop.
b. Masigla at malakas na dinosaur si Willo.
c. Si Willo ang dinosaur na mahilig matulog.
d. Tamad na hayop si Willo.
6. Ano sa palagay moa ng dahilan at naubos ang lahi ng mga dinosaur?
a. Pinatay ang mga dinosaurs. C. Nalunod sila sa malaking baha.
b. Nagbago ang klima sa daigdig. D. nagkasakit at namatay silang lahat.
7. Malapit nang maubos ang lahi ng agila, usa at unggoy, paano ka makatutulong upang hindi
sila maubos tulad ng mga dinosaurs?
a. Kunin at alagaan ang kanilang mga anak.
b. Pabayaan na lang sila sa kanilang tirahan.
c. Hulihin sila at ikulong sa hawla.
d. Igawa sila ng kanilang tirahan.

Pangalan: ________________________ Seksyon: __________________

Pagsasanay 8

Si Jose Rizal sa Dapitan

Si Jose Rizal ay ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 17, 1892. Ipinasya niyang gamitin ang
kanyang oras sa mga makabuluhang gawain. Ginamot niya ang mga maysakit. Nagsaka siya at
nagplano ng patubigan. Nagturo rin siya at nagtatag ng samahang sibiko. Gumuwa siya ng ilang
eskultura at drowing. Sumulat din siya ng mga tula. Hinangaan at iginalang siya ng mga taga-
Dapitan, pati na ng kanilang gobernadorsilyo.
Isang araw, nagulat si Rizal ng biglang dumating sa Dapitan si Pio Valenzuela. Ibinalita nito
ang pagkakatatag ng Katipunan at ang balak na paghihimagsik sa pamahalaan. Binanggit din niya
ang alok na ibibigay ni Bonifacio kay Rizal, ang liderato ng Katipunan kung sakaling aanib ang doctor
sa kilusan.
Biglang tumayo si Rizal at sinabi na hindi pa panahon upang maghimagsik. “Ang binabalak
ninyo ay isang kabaliwan. Kung ako ang tatanungin, dapat itigil ang inyong balak habang maaga.
Sabihin mo kay Bonifacio na dinaramdam kong hindi tanggapin ang kanyang inaalok.”
Nagpasalamat siya at sinabing, Mayroon pang ibang mapayapang paraan upang makamit ang
minimithi nating pagbabago.”
Malungkot na umalis sa bahay ni Rizal si Valenzuela. Kinabukasan, naglakbay siyang pabalik
sa Maynila.

1. Kalian ipinatapon si Rizal sa Dapitan?


a. Hulyo 18, 1792 c. Hulyo 18, 1892
b. Hulyo 17, 1892 d. Hulyo 17, 1792
2. Paano ginugol ni Rizal ang kanyang panahon sa Dapitan?
a. Pag-aaral c. pag-eeksperimento
b. Pamamasyal d. pagsasagawa ng makabuluhang gawain
3. Alin ang ibig ipakahulugan ni Rizal sa sinabi niyang, “Mayroon pang ibang mapayapang
paraan upang makamit ang minimithing pagbabago”?
a. Paggamit ng dahas c. pagsasawalang bahala
b. Paggamit ng panulat d. pagsasagawa ng pulong o pakikipag-usap
4. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ngayon ng salitang gobernadorsilyo?
a. Gobernador c. kapitan
b. Kura-paroko d. mayor
5. Ano kaya ang naging reaksyon ni Bonifacio sa ipinasasabi ni Rizal sa kanya?
a. Nalungkot c. natuwa
b. Napangiti d. natakot
6. Alin sa mga sumusunod ang maaring ipalit sa pamagat ng seleksyon?
a. Si Rizal bilang Isang Manggagamot c. Si Jose Rizal bilang Isang Magsasaka
b. Si Jose Rizal bilang Isang Manunulat d. Si Jose Rizal at ang Mapayapang Pagbabago
7. “Ang binabalak ninyo ay isang kabaliwan,” pahayag ni Rizal. Ano kaya ang ibig sabihin nito?
a. Mga baliw sina Bonifacio at Valenzuela
b. Walang silbi ang paghihimagsik sa mga katipunero
c. Ang mga binabalak nina Valenzuela at Bonifacio ay hindi magtatagumpay
d. Ang mga binabalak nina Valezuela at Bonifacio ay hindi matutuloy.
8. Kung ikaw si Rizal, alin sa mga sitwasyong ito ang sasang-ayunan mo?
a. Pagsasagawa g dayalogo o pag-uusap tungo sa pagbabago.
b. Pagsusunog ng larawan ng tiwaling kawani.
c. Pagsali sa mga protesta laban sa kasamaan.
d. Pagsasawalang-kibo sa katiwalian sa bayan.
Pangalan: ________________________ Seksyon: __________________

Pagsasanay 9

Alamin ang Iyong Karapatan

Ang pagiging mamamayang Pilipino ay pagiging kasapi sa estado. Nangangahulugan ito ng


pakikibahagi sa tagumpay at kasawian ng bansa. Kapag nakatamo ang bansa ng tagumpay,
nakadarama ng pagmamalaki ang mga mamamayan. Gayundin, kapag ang bansa ay napipintasan,
nakadarama ang Pilipino ng kalungkutan. Ang pagiging Pilipino ay nagpapahiwatig ng pananagutang
maging matapat sa bayan. Katumbas nito, may karapatan ang bawat mamamayan na mabigyan ng
proteksyon. Ang pangangalaga sa mga kalayaan at karapatang tinatamasa ng mga mamamayan ay
isa sa mga pangunahing katangian ng lipunang demokratiko.
Kaugnay ng pagiging mamamayang Pilipino, may mga karapatan ang bawat bata tulad ng
karapatang maisilang at magkaroon ng pangalan. Karapatan ng bata na maprotektahan laban sa
pananakit, magkaroon ng isang pamilya, at magkaroon ng isang malusog at masiglang katawan.
Kasama rin ditto ang karapatang magkaroon ng pagkakataong makapaglaro at maglibang. Mahalaga
rin sa bata ang karapatan sa maayos at may kwalidad na edukasyon. May karapatan ang mga
magulang na pumili ng paaralan papasukan ng bata.
Kalakip ng mga karapatan ay ang tungkulin at pananagutan ng mamamayan. Tungkulin ng
mga batang sumunod sa batas ng bansa at sa mga tuntunin sa pinapasukang paaralan. Tungkulin ng
mga batang tumupad sa mga utos ng mga magulang. Tungkulin rin nilang makibahagi sa kanilang
lipunan ayon sa kanilang kakayahan.

1. Ano ang nadarama ng mamamayan kapag nakatamo ang bansa ng tagumpay?


a. Kagalakan c. kapayapaan
b. Kasiyahan d. pagmamahal
2. Alin ang nadarama ng mamamayan kapag ang bansa ay napipintasan?
a. Katahimikan c. kakulangan
b. Kalungkutan d. kagalakan
3. Anong uri ng edukasyon ang nararapat sa bata?
a. Maayos c. may maraming kurikulum
b. May sapat na kurikulum d. maayos at kalidad na edukasyon
4. Bakit kinakailangang makaroon ng malusog at masiglang katawan?
a. Sapagkat bata ka pa
b. Sapagkat ito ay karapatan ng tao
c. Upang makadalo sa salu-salo
d. upang lumaki nang maayos at makapag-aral ng maigi
5. Alin sa pinakamahalagang naidudulot ng paglalaro at paglilibang?
a. Kalusugan c. kasayahan
b. Kayamanan d. kapayapaan
6. Alin ang pinakamahalagang dahilan sa pagpili ng paaralang papasukan ng mga bata?
a. Layo ng paaralan c. kakayahan ng pamilya
b. Kalidad ng edukasyon d. kagustuhan ng mag-aaral
7. Ano ang gagawin mo kapag pinilit kang huminto sa pag-aaral dahil sa walang panustos?
a. Awayin ang mga magulang c. isusumbong ang mga magulang sa pulis
b. Aalis ka sa tahanan ninyo d. maghahanap ng taong tutulong sa iyo
8. Bilang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang nais mong gawin?
a. Makialam sa botohan
b. Aalis ka sa tahanan ninyo
c. Tumulong sa paglilinis ng pamayanan
d. Sumulat ng liham sa Punong Barangay upang isumbong ang mga nagkasala
Pangalan: ________________________ Seksyon: __________________

Pagsasanay 10

Bayanihan: Ating Ipagmalaki

Ang mga Pilipino ay tanyag sa pagiging matulungin at mabuting tumanggap ng mga tao o
bisita. Ipinakikita natin ang mga katangiang ito sa iba’t ibang sitwasyon. Isa na rito ang pagtutulungan
ng mga magsasaka o mambubukid. Mula sa paghahanda ng bukid hanggang sap ag-aani’y sila’y
nagtutulungan, babae man o lalaki. Walang bayad ang mga taong sumasali sa bayanihan. Sa halip,
binibigyan sila ng ani kapalit ang pagtulong nila. Sasaksihan pa rin ang kaugaliang ito sa ibang lugar
at kahit sa iba pang gawain.
Ang pinakamadalas na halimbawa ng bayanihan sa buong bansa ay pagdadamayan sa
namatayan. Sa ilang lugar, lalong-lalo na sa mga lalawigan, ang mga tao ay nagbibigay ng bigas,
halamang-ugat, palay, manok, kape, asukal at iba pang magagamit sa panahon ng pagdadalamhati.
Sa mga liblib na lugar na walang teknolohiya, nagtutulungan ang mga tao sa trabaho.
Sa mga paaralan, maging sa lalawigan o sa mga lungsod, nakikita ang diwa ng bayanihan sa
mga gawaing pinagtutulungan ng mga kasapi ng Parents-Teachers’ Community Association (PTCA).
Nabibilang dito ang paggawa ng proyektong makabuluhan. Nagtutulungan ang mga kasapi ng PTCA
sa paggawa ng mga palikuran at pinagkukunan ng inuming tubig. Binabayaran naman ni PTCA ang
panustos sa kuryente at tubig sa ilang paaralan.
Noon hanggang ngayon, ang bayanihan ay bahagi na ng kultura ng pamayanan.

1. Aling kaugalian ang nagpatanyag sa mga Pilipino?


a. Pagkamaalalahanin c. pagkamatulungin
b. Pagkamasayahin d. pagkamasipag
2. Sa ikalawang talata, alin sa mga sumusunod ang kasingkahulugan ng salitang
pagdadalamhati?
a. Pagkamaramdamin c. pagkakaisa
b. Paghihinagpis d. pagkatuwa
3. Alin ang paksang diwang inilalahad ng seleksyon?
a. Karnibal c. piyesta
b. Sunduan d. bayanihan
4. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapatunay na may bayanihan pa ngayon?
a. Pagdadamayan sa orass ng kagipitan
b. Pagpapabayad sa pagtulong sa pagsasaka
c. Pag-aarkila ng sasakyan sa paglilipat ng bahay
d. Pagkukumpuni sa palaisdaan nang may bayad
5. Sa iyong palagay, alin ang pinakamahalagang bunga ng bayanihan?
a. Pagmamahalan sa pamayanan c. paggalang sa isa’t isa
b. Pagkakaisa sa pamayanan d. pagtitiwala sa kapwa
6. Alin sa mga sumusunod ang hind nagpapakita ng bayanihan?
a. Pagsama sa alay-lakad c. paglahok sa paglilinis ng kapaligiran
b. Paglilinis ng sariling kapaligiran d. pakikiisa sa pagtatanim sa pamayanan
7. Bumaha sa inyong barangay. Marami ang nasira ang bahay at nawalan ng kagamitan. Paano
ka makakatulong bilang isang bata?
a. Mag-alay ng dalanganin c. magbigay ng tulong nap era
b. Tumulong sa pagbubuhat ng mga gamit d. makipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay
8. Bukod sa mga gawaing binanggit sa seleksyon, ano pa ang maari mong gawin upang
pahalagahan ang bayanihan?
a. Pagtulong sa mahihirap
b. Pagbibigay ng tulong sa namatayan
c. Pagbebenta ng aning gukay sa kapitbahay
d. pagdamay sa nasunugan at nasalanta ng bagyo
Pangalan: ________________________ Seksyon: __________________

Pagsasanay 11

Ang Batas ng Inertia at Motion

Tulad ng mga linggwistika na hindi magkasundo sa kanilang pananaw sa pagtuturo ng wika,


may ilang siyentipiko na hindi rin magkasundo sa kanilang mga ideya tungkol sa paghinto o paggalaw
ng isang bagay. Ito ay may kaugnayan sa tinatawag na inertia o motion sa Englsih.
Ayon kay Isaac Newton, isang dalubhasang siyentipiko, ang anumang bagay na nakahinto ay
hindi gagalaw ng walang lakas na nagpapagalaw dito. At ang anumang bagay na gumagalaw ay
hindi hihinto kung walang lakas na nagpapahinto dito.
Maaari nating gawing halimbawa ang bisikleta. Gugulong lamang ito o gagalaw nang pauna o
pahuli kung sasakyan ng isang tao at paandarin ito. Hindi rin ito hihinto kung hindi pahihintuin ng
nakasakay ditto. Kung magkagayon, hindi pala sapat ang pagkakaroon nito ng mga gulong na
gumugulong.
Ang ideyang ito ay tinutulan ng Galileo, isa ring mahusay na siyentipiko noong 17 th century.
Sinabi niya na hihinto ang isang bagay na gumalaw dhil sa pwersang tinatawag na friction. At kapag
walng friction, tuloy-tuloy ang paggalaw ng isang bagay.
Dahil sa patuloy nap ag-eksperimento, sumang-ayon din si Newton na humihinto ang isang
bagay na gumagalaw dahil sa puwersa mula sa friction at hindi ang paglalapat ng puwersa mula sa
labas. Ang friction ay ang puwersa na namumuo sa pagitan ng bagay na gumagalaw at ang
dinadaanan nito.

1. Sa anong bagay hindi magkasundo ang mga siyentipiko?


a. Pag-embento ng mga bagay c. pag-eeksperimento sa mga bagay
b. Tungkol sa pagtuturo ng wika d. ideya tungkol sa paggalaw at paghinto ng bagay
2. Sang-ayon kay Galileo, ano ang nagpapahinto sa mga bagay na gumagalaw?
a. Inertia c. motion
b. Friction d. magnet
3. Sa batas ng inertia at motion ni Isaac, alin sa mga pangungusap sa ibaba ang
nagpapaliwanang tungkol ditto?
a. Ang bagay ay kusang gagalaw at hihinto.
b. Ang bagay ay hihinto kung may puwersa na nagpapahinto ditto.
c. Ang bagay ay gagalaw kung may puwersa na nagpapagalaw ditto.
d. Ang bagay na nakahinto ay gagalaw kung may lakas na nagpapagalaw ditto at hihinto
kung may lakas na nagpapahinto ditto.
4. Bakit hindi kaagad nagkasundo sina Isaac Newton at Galileo tungkol sa paggalaw at paghinto
ng isang bagay?
a. Dahil pareho silang mayroong katwiran
b. Sapagkat ayaw nilang magpatalo sa isa’t isa
c. Dahil pareho silang nagbabasa ng mga aklat tungkol ditto
d. Dahil kailangan muna ng masusing pagsisiyasat at pag-eksperimento upang mapatunayan
ang isang ideya
5. Ang sabi ni Galileo, “Huminto ang gumalaw na bagay dahil sa puwersa na mula sa friction,”
paano mo ito ipapaliwanag?
a. Madumi ang lugar na dinadaan ng bagay na gumagalaw.
b. Hindi pantay ang dinadaanan ng bagay na gumagalaw.
c. Ang friction ay nalilikha mula sa pagitan ng bagay na gumagalaw at ang lugar na
ginagalawan.
d. Kung walang friction sa pagitan ng bagay na gumagalaw at sa dinadaanan nito, walang
katapusan ang paggalaw ng isang bagay.
6. Bakit mahirap pagalawin ang tricycle na nawalan ng hangin ang gulong?
a. Dumudikit ang gulong sa kalsada.
b. Hindi umiikot ang gulong ng walang hangin.
c. Nawalan ang friction sa pagitan ng gulong at kalsada.
d. Namuo ang maraming friction sa pagitan ng gulong at kalsada.

Pangalan: ________________________ Seksyon: __________________

Pagsasanay 12

Bayan ng Kapayapaan

Nagkasalubong ang magkaibigang sina G. Kalusugan at Bb. Kapayapaan. Sila’y nag-usap


tungkol sa kaunlarang nagaganap sa kanilang pamayanan.
G. Kalusugan: Magandang umaga, Bb. Kapayapaan. Ang ganda-ganda mo naman. Mukhang
maligayang maligaya ka pa.
Bb. Kapayapaan: Magandang umaga rin naman. Talaga! Ako nga’y tuwang-tuwa dahil napakabuti
ng nanalong punong barangay naming. Ilang buwan pa lamang siyang umuupo mula noong natapos
ang halalan pero marami na siyang nagawa para sa aming barangay. Magkasama sila ng kanyang
mabait na asawa sa pagtatatag ng Samahang Sibiko. Ito ang samahang naghahanapbuhay upang
mapabuti ang kalusugan ng mga ahensya na maaaring tumulong gaya ng tanggapan ng pulisya mula
sa munisipyo, DepEd, DOH, DSWD at simbahan. Lahat ng mga batang huminto sap ag-aaral ay
nagsibalik na sa paaralan. Sinisikap ng mga guro, magulang, at mga opisyal na matugunan ang mga
pangangailangan sa paaralan ng mga mag-aaral.
G. Kalusugan: Gumawa kayo ng project proposal at ibigay sa Kagawaran ng Kalusugan. Isulat
ditto ang mga pangangailangang may kaugnayan sa kalusugan. Isama rito ang mga panustos na
kakailanganin. Ipadala agad ito sa ahensya upang mabilis na mabigyan ng aksyon.
Bb. Kapayapaan: Maraming salamat po. Ako na po ang magdadala nito. Hanggang sa muli po
nating pagkikita.

1. Sino ang tuwang-tuwa ng araw na iyon/


a. G. Kalusugan c. Bb. Kalusugan
b. Bb. Kapayapaan d. G. Kapayapaan
2. Paano inilarawan ni Bb. Kapayapaan ang punong barangay?
a. Napakatahimik c. napakabuti
b. Napakasaya d. napakabait
3. Alin ang itinatatag ng punong barangay at ng kanyang asawa?
a. Pangkapayapaan c. pambarangay
b. Pangkalusugan d. sibiko
4. Sa salitang nakasalungguhit, sa dayalogo nina G. Kalusugan, alin sa mga sumusunod ang
tamang mensahe nito sa kausap?
a. Mahal na panustos sa palikuran
b. Huwag kang manustos sa kakulangan
c. Huwag kang magbigay ng panustos sa utang
d. Dapat sapat ang panustos sa proyektong isasagawa
5. Ano kaya ang mangyayari sa bayan ng Kapayapaan matapos maibigay ang project proposal
sa Kagawaran ng Kalusugan?
Ang bayan ng Kapayapaan ay ___________________.
a. Magiging malinis c. magiging masaya
b. Magiging maunlad d. magiging mapayapa
6. Bakit kaya nagsibalik sa paaralan ang mga batang huminto sa pag-aaral?
Dahil ______________________.
a. Sa marami ng kalat c. may sapat ng kagamitan sa paaralan
b. Kabaitan ng guro d. nagtulungan ang paaralan at barangay
7. Paano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin sa kalusugan sa inyong pamayanan?
a. Sumunod sa mga patakaran ng barangay.
b. Magbigay ng pera sa mga may kapansanan.
c. Maghahanda ng mga masusustansyang pagkain.
d. Makikipagtulungan sa paglilinis ng lansangan.
Pangalan: ________________________ Seksyon: __________________

Pagsasanay 12

Electromagnets

Noong sinaunang panahon, natuklasan ng mga tao na mag mga uri ng baton a humihila ng
bakal sa paraang tila mahika. Ito ay ang mga magnetikong baton a tinatawag na lodestones.
Maraming elementong bakal ang mga lodestones. Ang nickel, cobalt at iba pang halo ng mrtal ay
maaring gawing magneto. Ang magneto ay may nagtatagpo. Nirerepel ng hilagang polo ang kapwa
hilagang polo. Ganun ang timog polo.
Ang electromagnet at isang magneto na nabubuo sa pamamagitan ng kuryente. Ang electro
field ang dahilan kng bakit dumadaloy ang kuryente sa alambre. Ito ay nawawala kapag huminto ang
kuryente. Nagsisimula ang electromagnet kapag may baterya o iba pang pinanggagalingan ng lakas
ang isang alambre. Ang baterya ay nagpapalabas ng electrons at daloy ng kuryente habang ang
alambre ay nagsisilbing daluyan ng kuryente na bumubuo ng magnetic field. Ang maliit na field ay
nabubuo sa alambre. Ito ang batayan ng electromagnet sa isang flashlight. Ang electromagnet ay
ginagamit sa iba’t ibang paraan, gaya ng pagbuhat sa mabibigat nga bakal o sa lugar na
pinagtatapunan ng basura.

1. Anong mayroon sa magnets?


2. Paano nabubuo ang electromagnets?
3. Ano ang dahilan kung bakit dumadaloy ang kuryente sa alambre?
4. Anong element ang mayroon sa nickel at cobalt kaya ang mga ito ay maaaring gawing
magneto?
5. Bakit nawawala ang magneto kapag hininto ang kuryente?
6. Saan mo pwedeng gamitin ang electromagnet bilang isang bata?
7. Ano ang gagawin mo kung nais mong mapabilis ang pagtaas ng isang tangke ng tubig sa
bubong mula sa bakuran?
Pangalan: ________________________ Seksyon: __________________

Pagsasanay 14

Pagpapala sa Pangingisda

Ang ating bansa ay napapaligiran ng malawak na karagatan. Sagana ito sa iba’t ibang uri ng
isda. Kaya marami sa mga Pilipino na pangingisda ang ikinabubuhay.
Sa pakikipagtulungan sa mga pribadong fishing companies, ang ating pamahalaan ay nag-
eeksport sa Hongkong at Taiwan. Iba’t ibang uri ng isda ang dinadala natin sa mga bansang ito tulad
ng yellowfin, tuna at lapu-lapu. Subalit ang kasaganaang ito ay malimit na inaabuso. May mga
mangingisdang gumagamit ng mga pampasabog at lasong kemikal para makahuli ng maraming isda.
Namamatay ang maliliit na isda na dapat sana ay lumaki at dumami pa. ang iba naman ay sinisira
ang mga coral reefs na tirahan ng mga isda.
Ang Kagawaran ng Agrikultura sa pangunguna ng Bureau of Fisheries and aquatic Resources
(BFAR) ay patuloy na gumagawa ng mga hakbang para masugpo ang paglatag sa batas na paraan
sa pangingisda. Ang BFAR ay magsasagawa ng mga proyekto na magpapaunlad sa produksyon ng
mga isda. Kasama rito ang pagbabawal ng pangingisda na nakasisira sa coral reef na tirahan ng mga
isda, at ang pagbuo ng mga artificial reefs at pagmo-monitor ng red tide sa iba’t ibang karagatan sa
buong bansa.
Malaking bahagi ng ekonomiya ang nagbubuhat sa sector ng mga mangingisda. Maraming tao
rin ang nakikinabang sa pagtatrabaho sa industriya ng pangingisda tulad ng fish marketing, fish
processing, net making, boat building at fish trading.

1. Ano-anong isda ang pinadadala sa ibang bansa?


2. Anong paraan ang ginagamit ng mga lumalabag sa batas ng pangingisda?
3. Anong tanggapan ang nangunguna sa pagsugpo sa labag sa batas na paraan ng
pangingisda?
4. Bakit kaya maraming Pilipino na pangingisda ang ikinabubuhay?
5. Paano kaya nakapagdudulot ng kabutihan sa lipunan ang mga mangingisda?
6. Ano ang maaaring mangyari kung patuloy ang pagsasagawa ng labag sa batas na uri ng
pangingisda?
7. Kung ikaw ay isa sa mga kawani ng BFAR, anong proyekto ang iyong isasagawa upang higit
pang mapaunlad ang produksyon ng isda?
8. Kung ikaw ay isang mangingisda, anong paraan ng pangingisda ang iyong gagamitin?
Pangalan: ________________________ Seksyon: __________________

Pagsasanay 14

Pakikipagtulungan sa Lokal na Pamahalaan

Ang pag-unlad ng pamahalaan ay nakasalalay sa mga taong naninirahan ditto at kung paano
sila makikipagtulungan sa pamahalaan.
Ang Barangay Santa Rosa ay isang karaniwang barangay na larawan ng paghihikahos at
pagdarahop sa buhay ng mga naninirahan dito. Maraming mga bata ang hindi nakapag-aral. Sa
katunayan, karamihan sa mga magulang ng mga batang ito ay hindi man lamang nakatuntong ng
paaralan. Lubhang napakalayo ng barangay na ito sa kabayanan kung saan naroon ang paaralan.
Kailangan nilang tumawid ng dalawang tulay na yari sa kawayan at mayroon pang sapa na may
kalaliman. Mapanganib ang pagtawid sa sapang ito lalo na kung malakas ang agos ng tubig. Madulas
at bulubundukin ang lugar. Kaya nagpasya ang mga magulang na huwag ng papag-aralin ang
kanilang mga anak dahil sa mga kadahilanang ito.
Nagkaroon ng pagpupulong ang mga kabarangay sa pamumuno ng mga local na opisyal.
Kailangan nila ng isang paaralan upang hindi na dumami pa ang mga nakapag-aral sa kanilang
barangay. Ayaw nilang matulad sa kanila ang kanilang mga anak.
Nagpunta ang local na opisyales sa Tanggapan ng Pansangay na Tagapaminahala upang
pag-usapan ang pagtatayo ng isang paaralan sa kanilang lugar.
Matapos ang ialng pag-uusap hinggil ditto, makikitang nakatayo ang isang paaralan na yari sa
kahoy at pawid. Ito ay nababakuran ng kawayan at napapalibutan ng iba’t ibang halamang
namumulaklak at mga punongkahoy na namumunga. Sa bungad ng pergola ay nakasulat ang ganito:
“Maligayang Pagdating sa PAARALANG PRIMARYA NG SANTA ROSA.”

1. Bakit pumunta ang lokal na opisyal ng Santa Rosa sa Tanggapan ng Pansanay ng


Tagapamanihala?
2. Anong klaseng barangay ang Santa Rosa?
3. Bakit nagpasya ang mga magulang na huwag ng papag-aralin ang kanilang mga anak?
4. Paano naitayo ang paaralan ng Santa Rosa?
5. Kung ikaw ay isang mag-aaral ng Santa Rosa, paano mo maipapakita ang pasasalamat sa
mga taong tumulong sa paaralan?
6. Ano kaya ang maaaring mangyari sa Barangay ng Santa Rosa pagkaraan ng limang taon
ngayong mayroon na itong paaralan?
7. Anong magandang katangian ang naipamalas ng lokal na opisyales at mga mamayan ng
Santa Rosa?
Pangalan: ________________________ Seksyon: __________________

Pagsasanay 16

Shabu, Nakamamatay

Ang pagbebenta at paggamit ng ipinagbabawal na gamut tulad ng marijuana, cocaine, shabu


at heroine ay isang suliranin ng pamahalaan na nakababahala. Maraming tao, maging kabataan ang
nasasangkot sa suliraning ito.
Sinasabing pinakamalakas na bentahan ang shabu kung ihahambing sa bentahan ng
marijuana, cocaine at heroine. Ang shabu ay galling sa kemikal na kung tawagin ay
methamphetamine. Ito ay kulay puti ng pulburang parang kristal, walang amoy at may mapait na lasa.
Ginagamit ito sa pamamagitan ng paglanghap o pagsinghot.
Naagpapasigla at nagpapataas ng enerhiya ng katawan ang shabu. Kapag nasa ilalim ka ng
epekto nito, ikaw ay mababalisa, madaling mag-init ang ulo, aat mahilig makipagtalo. Maari ka ring
mawalan ng ganang kumain at mahihirapan sa pagtulog.
Ayon sa mga eksperto, kapag gumamit ka ng kemikal na ito ay tataas ang presyon ng iyong
dugo at bibilis ang tibok ng iyong puso. Kadalasan, ito ay nagiging sanhi ng sandaling pagtigil ng
paghinga. Masama rin ang epekto nito sa iyong bituka.
May epekto rin ito sa utak. Maaaring di mo makilala ang iyong totoong pagkatao o mawawala
ka sa iyong sarili. Bunga ito ng kawalan ng tulog, konsentrasyon, at control sa sarili.
Tunay ngang walang mabuting idudulot sa buhay natin ang shabu. Huwag mong subikin, baka
malugmok ka.

1. Ano ang suliranin ng pamahalaan na nakababahala?


2. Sa mga bawal na gamut na nabanggit, alin ang sinasabing pinakamalakas na bentahan?
3. Ano ang nagagawa ng shabu sa katawan?
4. Ano sa palagay moa ng maaring mangyari sa isang taong tumigil ang tibok ng puso dahil sa
shabu?
5. Bakit kaya nalulong sa shabu ang marami?
6. Bakit kaya nababahala ang pamahalaan sa paglaganap ng ipinagbabawal na gamot?
7. Paano mo maiiwasan ang paggamit ng shabu?
8. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagsugpo ng paggamit ng shabu?
Pangalan: ________________________ Seksyon: __________________

Pagsasanay 17

Kahalagahan ng Enerhiyang Electrical

Ang matter ay may enerhiya. Ayon sa mga siyentipiko, may iba’t ibang porma ang enerhiya. Ito
ay ang chemical, mechanical, sound, heat, radiant, nuclear at electrical. Lahat ng mga ito ay may
naidudulot na kabutihan at pinsala kung minsan. Ang enerhiyang kemikal ay natatagpuan sa lahat ng
substance at ito ay inilalabas (released) kung may chemical reaction. Kung enerhiyang nagpapatulak
o nagpapahila ng bagay at gumagawa ng tinatawag ng enerhiyang mechanical. Ang enerhiyang
pantunog (sound) ay nabubuo sa pag-ugoy ng bagay (matter). Ang enerhiyang nabubuo mula sa
nuclear reactor ay tinatawag na enerhiyang nuclear. Ang enerhiyang radiant ay enerhiyang
dumadaloy (travel) sa lahat ng direksyon sa pormang electromagnetic waves gaya ng ultraviolet
rays , xray. Ang enerhiyang electrical ay nabubuo sa pagdaloy ng electrons sa pamamagitan ng
conductor gaya ng alambreng tanso. Ang uri ng enerhiyang ito ay maaring mabuo mula sa
enerhiyang chemical. Ang enerhiyang electrical ay ginagamit sa mga ilaw, inti sa mga tahanan,
pagpapagalaw ng mga sasakyan, pagpapagana ng radio at telebisyon. Ito rin ay nagagamit sa
pagluluto ng pagkain. Pagpapalamig at pagpapainit ng tahanan. Marami pang sitwasyon ang
pinaggagamitan ng enerhiyang electrical.

1. Anong uri ng enerhiya ang matatagpuan sa lahat ng substance?


2. Paano nabubuo ang enerhiyang pantunog (sound)?
3. Sa anong porma dumadaloy ang enerhiyang radiant?
4. Alin sa mga porma ang enerhiya ang magagamit sa pagluluto ng pagkain?
5. Saang porma ng enerhiya maaaring mabuo ang enerhiyang electrical?
6. Sa iyong palagay, bilang mag-aaral alin sa mga pormang enerhiya ang pinakamahalaga
kaugnay sa inyong pagbabasa sa gabi? Bakit?
7. Bakit mo nararamdaman ang init ng katawan pagkatapos ng ilang saglit na pagtayo sa ilalim
ng araw?
Pangalan: ________________________ Seksyon: __________________

Pagsasanay 18

Ang Mababang Kapulungan

Ayon sa Konstitusyon ng 1987, ang Mababang Kapulungan ay binubuo ng hindi lalampas sa


dalawang daan at limapung (250) miyembro, maliban kung mabago ang nakasaad sa batas. Sila ay
dapat ihalal sa distritong lehislatura na kinabibilangan ng mga probinsya, lungsod at ng mga
munsipyo alinsunod sa dami ng naninirahan. Sa 250 na kinatawan, 200 lamang ang ihahalal ng mga
botante sa kanilang distrito. Ang 50 na kinatawan ay mula sa iba’t ibang sector at manunugkulan sa
loob ng tatlong magkakasunod na itinakdang panahon sa panunungkulan. Kabilang din sa mga dapat
na maihalal, ayon sa batas ay ang kinatawan ng party-list system na nakarehistro sa nasyonal,
rehiyonal at sectoral na partido o organisasyon. Ang mga kinatawan ng party-list ay binubuo ng
dalawampung bahagdan (20%) ng kabuuang bilang ng mga kinatawan kasama ang mga kabilang sa
party-list.
Ang mga nais maging miyembro ng Mababang Kapulungan ay kailangang ipananganak sa
Pilipinas. Kailangan din na may edad sa dalawampu’t limang (25) taong gulang pataas sa araw ng
eleksiyon at may mataas na pinag-aralan. Maliban sa party-list representatives, kailangang
rehistradong botante at residente sa kanilang distrito ang ihahalal ng hindi bababa sa isang taon
bago ang araw ng eleksiyon.

1. Ayon sa Konstitusyon ng 1987, ilang miyembro ang bumubuo sa Mababang Kapulungan?


2. Saan magmumula ang 50 na kinatawan ng Mababang Kapulungan?
3. Ilang taong gulang ang kailangan upang maging miyembro ng Mababang Kapulungan?
4. Bakit kailangang may mataas na pinag-aralan ang nais mahalal para sa Mababang
Kapulungan?
5. Anong maaaring mangyari kung ang mahahalal na mambabatas sa inyong distrito ay walang
karanasan sa paggawa ng batas?
6. Kung ikaw ay mananalong miyembro ng Mababang Kapulungan ng tatlong sunod-sunod na
termino, ilang taon ka manunungkulan sa iyong distrito?
7. Anong katangian ng miyembro ng Mababang Kapulungan ang nais mo sa iyong distrito?
Pangalan: ________________________ Seksyon: __________________

Pagsasanay 19

Pangarap na Kalikasan

Hindi ko mapigil na humanga sa mga tanawing aking namasdan lalo na sa Bulkang Mayon.
Kayganda pa rin ng hugis nito.
Lalo kong pinanabikan na muling makita ang aming nayon. Sa paanan ng mataas, matarik at
metatag na bundok sa gilid na malawak na bukirin nakatayo ang aming munting tahanan.
Pagkaraan ng limang taon, muling yayapak ang aking mga paa sa nayong aking sinilangan.
Isang marahan tapik sa balikat mula kay Ina yang nagpabalik ng aking kamalayan.
Napakurap ako. Kinusot ko ang aking mga mata. Naligaw yata kami ni Inay. Nagpalinga-linga
ako. Naghahanap ang aking mga mata. “Nasaan ang bundok, ang malaking bundok na nagsisilbing
kanlungan at tirahan ng mga hayop at ibon? Ang aming munting tahanan, bakit nawala na rin? Ang
malawak na palayan sa likuran ng aming tahanan?”
Pumasok kami sa may malaking kalakihang bahay na yari sa semento. Ito pala ang bago
naming bahay. Marami akong gusting itanong.
“Pinasabog ang bundok! Ginawa itong subdibisyon,” paliwanag ni Inay.
Muli kong naalala ang mga pangarap ng aking mga magulang, “Pahalagahan ang kalikasan.
Kaloob ito ng Maykapal at katuwang Niya tayo sa pangangalaga nito.”
Napabuntunghinga ako. Nangilid ang luha sa aking mga mata. May kabundukan pa kayang
makikita ang aking magiging mga anak? Ang susunod pang henerasyon? Walang tiyak na
kasagutan.

1. Saan higit na humanga ang tauhan sa mga tanawing kanyang namasdan?


2. Ano ang mga katangina ng bundok sa seleksyon?
3. Saan patungo ang tauhan sa kwento/
4. Paano mo ilalarawan ang tauhan sa seleksyon/
5. Ano ang naging reaksyon ng tauhan sa seleksyon?
6. Bakit kaya nangilid ang luha sa mga mata ng tauhan sa kwento?
7. Kung ikaw ang tauhan sa seleksyon, ano kaya ang magiging damdamin mo sa iyong
pagbabalik?
8. Kung ikaw ang may-ari ng isang malawak na palayan, ipagbibili mo ba ito kapalit ng
modernong pamumuhay?
Pangalan: ________________________ Seksyon: __________________

Pagsasanay 20

Halinang Maglinis

Buong sigalang nag-unahan sa pagkuha ng kani-kanilang gamit sa paglilinis ang mga taga-
Barangay Masikap. Araw ng Sabdo at ito ang araw na itinakda nila sa paglilinis sa bunong barangay.
Nilinis ng mga kalalakihan ang mga kanal. Inalis ang mga duming humaharang sa daluyan ng
tubig. Sanhi kasi ito ng pagbaha sa kanilang lugar tuwing malakas ang ulan. Ang ilan sa mga
nagkuskos ng mga sari-saring sulat sa pader at nagpintura sa loob at labas ng Bulwagang
Pambarangay. Inayos ng iba pa ang mga sirang bakod.
Ang mga kababaihan naman ay nagwalis sa palibot. May mga nagtanim ng ibang halamang
namumulaklak sa harapan ng Bulwagan. May nagdilig naman ng mga halaman at buong sipag na
nagsilbi ng minidal sa mga gumagawa.
Walang kapaguran ang lahat sa maghapong paglilinis. Halos hindi nila namalayan ang
paglubog ng araw. Hindi mailarawan ang kasiyahan sa kanilang mga mukha ng Makita nila ang
kanilang barangay. Kayganda at kaylinis ng buong paligid. Gamit pala kung ang mga mamamayan ay
nagkakaisa at nagtutulungan. Natitiyak nila na higit na magiging masigla ang lahat sa susunod pang
mga araw.
Isang malaking karatula ang inilagay sa bungad ng barangay:
“BARANGAY KO, LINIS KO”
Nakatanggap ng parangal ang Barangay Masikap bilang pinakamalinis na barangay sa
kanilang bayan at buong pagmamalaki nilang inilagay ang plake sa Tanggapan ng Punong Barangay.

1. Anong araw itinakadang paglilinis sa buong barangay?


2. Sino ang nagsilbi sa minindal sa mga naglilinis sa barangay?
3. Bakit binigyan ng plake ng karangalan ang Barangay Masikap?
4. Ano ang paksang tinutukoy sa akda?
5. Anong katangian ang ipinakita ng pamayanan ng Barangay Masikap?
6. Bakit halos di namalayan ng mga naglilinis ang paglubog ng araw?
7. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa inyong paaralan?
8. Ano-anong mga alituntunin para saa kalinisan at kaayusan ang ipinatutupad sa inyong
baranagay?
Pangalan: ________________________ Seksyon: __________________

Pagsasanay 21

Basura: Isang Malaking Problema

Inihahanda na ni Kune ang mga basura tulad ng plastic, bote, garapa at mga lumang magasin
at dyaryo galling sa kanilang bahay na ipinagbibili niya kay Mang Pedring na magbobote. Napatigil
siya ng matawag ang kanyang pansin ng isang Editoryal tungkol sa basura ng Pilipino Star Ngayon,
na ipinalabas noong Nobyembre 19, 2000. Ito ang ilan sa kanyang nabasa:
Problema ang basura sa Metro Manila ngayon at lalo pang magiging ga-bundok sa hinaharap
kung hindi kikilos ang pamahalaan. Nagbabala ang Greenpeace, isang international campaign group,
na lulubha ang problema sa basura sa Metro Manila kung hindi gagawa ng estratehiya ang
pamahalaan tungkol ditto. Isinusulong ng grupo ang paraan ng recycling at composting kaysa sa
tradisyunal na “dump, bury, burn”.
Sa mga nakaraan naming editorial, madalas naming sabihin na ang composting ay isang
magandang paraan para malutas ang problema sa basura. Ang dapat lamang gawin ay katulungin
ang Department of Agriculture upang maisulong ito at tiyak na makikinabang ang mga magsasaka.
Matapos mabasa ang artiko, napaisip si Kune at tiningnan muli ang mga bagay sa ipagbibili
sana niya. May ilan sa mga yun na maari pa nilang magamit sa ibang bagay. Dali-dali niyang
ibinukod ang mga iyon at ibinalik sa loob ng kanilang bahay.

1. Ano ang pamagat ng tekstong iyong binasa?


2. Sino ang nagbabala tungkol sa lumalalang problema sa basura?
3. Saang pahayagan nabasa ni Kune ang Editoryal/
4. Bakit kaya magiging problema ang basura sa Metro Manila kung di ito masusulusyunan?
5. Bakit kaya mas maganda ang composting at recycling kaysa sa dump, bury, burn bilang isang
solusyon sa pagtatapon ng basura?
6. Sa paanong paraan mo kaya magagamit ang mga gulong ng sasakyan?
7. Magbigay ng mga bagay sa inyong bahay o dito sa ating paaralan na patapon na, pagkatapos
ay umisip ng paraan kung paano mo ito maaaring pakinabangan upang hindi matapon?
8. Nakita mong magsisiga ang iyong kaibigan sa kanilang bakuran, kabilang sa kanyang
susunugin ay mga plastic na bote. Ano ang gagawin mo?
Pangalan: ________________________ Seksyon: __________________

Pagsasanay 21

Tayo ay Magdiwang

Sa klase ni Gng. Ortiz sa Sibika, tinatalakay nila ang tungkol sa mga pagdiriwang sa Pilipinas.
“Ang mga pagdiriwang sa buong bansa na mahalaga sa ating kasaysayan at lipunan ay
Pambansang Pagdiriwang. Pagdiriwang ito na nakadeklarang pista opisyal kaya walang pasok ang
mga opisina at paaralan sa buong Pilipinas. Ilan sa pagdiriwang na ito ay ang:
 Araw ng Edsa Rebolusyon. Tuwing ika-25 ng Pebrero ginugunita natin ang kalayaan ng
mga Pilipino sa rehimeng dikatador.
 araw ng Kagitingan. Pagsapit ng ika-9 ng Abril, binibigyang pugay natin ang mga
sundalong nakipagdigma sa mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
 Araw ng Kalayaan. Tuwing Hunyo 12, ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang kalayaan
mula sa Espanya. Pinararangalan din sa araw na ito an gating pambansang bayaning si
Gat. Jose Rizal sa Luneta.
Ipinamamalas natin ang mga katangian at kaugalian ng mga Pilipino sa Pansibikong
Pagdiriwang. Halimbawa ng mga pagdiriwang na ito ay ang:
 Araw ng Ina at Ama. Sa araw na ito ginugunita natin ang pagmamahal at pag-aaruga sa
atin ng ating mga magulang. Tuwing ikalawang Linggo ng Mayo ipinagdiriwang ang
Araw ng mga Ina samantalang tuwing ikatlong Linggo ng Hunyo ang araw ng mga Ama.
 Lingo ng Wika. Ipinamamalas natin sa buong Linggo na ito an gating pagmamahal sa
sariling wika. Si dating Pangulong Manuel L. Quezon ang Ama ng Wikang Pambansa.
 Araw ng Nagkakaisang Bansa. Ginugunita natin ang araw na ito ang pakikipagbuklod at
pakikipagkaibigan natin sa ibang bansa.

1. Ano ang dalawang uri ng pagdiriwang na nabanggit sa iyon binasa?


2. Anong pagdiriwang ang isinasagawa tuwing ika-25 ng Pebrero?
3. Sino ang Ama ng Wikang Pambansa?
4. Bakit kaya natin ginugunita ang mga pansibikong pagdiriwang?
5. Bakit kaya tinalakay ni Gng. Ortiz ang mga pagdiriwang na ating ginugunita sa Pilipinas?
6. Ano ang gagawin mo kung niyaya ka ng iyong kaibigan na manood ng palabras sa plasa
tungkol sa kadakilaan ng mga bayani?
7. Paano mo maipakikita ang paggunita sa Araw ng Ina at Ama sa iyong mga magulang?
8. Sa paanong paraan mi maipakikita ang pakikiisa sa mga pagdiriwang na ito?

You might also like