You are on page 1of 3

Herman Lulu

Si Herman Lulu ay tubong San Luis, Pampanga. Maraming pagsubok at balakid ang kanyang hinarap at sinuong bago nito matikman ang tamis ng tagumpay. Sa murang edad ay nasubukan ni Herman ang magtrabaho bilang construction worker. Dahil sa hindi sapat ang kinikita, naisipan niyang magnegosyo ng palay. Ngunit hindi rin naging maganda ang resulta nito. Taong 1990, nagpasya siyang simulan ang fishpond business. Nagpatuloy si Herman. Hindi inalintana ang mga napagdaanang pagsubok. Nag-uumapaw sa kanya ang pag-asa at pangarap. Bagamat walang sapat na kaalaman sa pag-aalaga ng isda, tinuloy pa rin niya. Inayos niya ang dating palayan na may laking apat na ektarya at ginawang palaisdaan. Nag-umpisa siya sa P80,000 na kapital at ito ay kumita lamang ng P19,000. Halos hindi rin siya kumikita kapag buwan ng Agosto hanggang Nobyembre dahil sa pag-ulan at pagbaha. Sa loob ng tatlong taon break even lamang siya. Likas kay Herman ang sipag at tiyaga at ang kagustuhang matuto. At ang lalong nagpapatatag sa kanya ay ang Panginoon na lagi niyang nilalapitan. Hindi niya nakakaligtaan ang manalangin . Sa Panginoon siya kumukuha ng kalakasan kung kayat patuloy ang pagtamasa niya ng biyayat pagpapala. Taong 1994 noong nakilala ni Herman ang Feedmix. Binago niya ang dati niyang pakain na D1 at chicken manure. Binigyan niya ang mga isda ng Feedmix fish feeds. Tinuruan din siya ng Feedmix ng tama at makabagong paraan ng pangangalaga ng palaisdaan. Sa P100,000.00 na puhunan sa feeds, nakapag-ani siya ng 7 MT at kumita ng 160,000.00. Nakabili siya ng motorsiklo sa unang taon niyang paggamit ng Feedmix fish feeds. Sa pagdaan ng taon, nakabili siya ng elf at pick-up at napaayos din niya ang kanyang bahay. Ang fispond ang siya ngayong pangunahing negosyo ng kanilang pamilya. Ang mga kapitbahay ay nagsisunod na rin sa magandang halimbawa ni Herman. Sa ngayon, ang kanyang pamilya ay may 44 hectares na palaisdaan; 15 hectares ang kanya ng pagmamay-ari. Dahil sa Feedmix, napalawak ko ang aking negosyo. Tinulungan ako sa aplikasyon ng bagong teknolohiya at makabagong sistema sa pag-aalaga ng kabuhayan. Ang Feedmix ang nagiging gabay ko sa pag-unlad ng aking negosyo. Sa panahon ng taghirap at ginhawa, palaging kasama ko ang Feedmix. Dahil pa rin sa Feedmix, nakilala ang aming lugar. Dahil sa pasimula ko ay naggayahan ang mga tagarito

Dennis Canasa
back to top

Isa sa mga may natatanging kuwento ng tagumpay ay si Dennis Canasa na nagmula sa Candaba, Pampanga. Pagkatapos ni Dennis sa kolehiyo, tinulungan niya ang kanyang mga magulang sa pagpapatakbo ng kanilang rice mill business. Ngunit hindi pa katagalan ay naisip niyang magkaroon ng sariling negosyo. Pumasok siya sa pag-aalaga ng tilapia. Si Dennis ay isa ring fish dealer. Malaki ang tulong ng Feedmix sa desisyon ni Dennis na mag-umpisa sa negosyong ito. Pinaliwanag ng Feedmix na madaling kumita sa pag-aalaga ng tilapia. Siguradong malaki ang kita basta magandang klase ang semilya, tamang feeds at siyempre kailangang samahan ng sipag at tiyaga. Noong kalagitnaan ng 1994, nag-umpisa siya sa 3 hectares ng fishpond. Tinanggap niya ang dealership offer ng Feedmix. Dito niya nakita ang kalidad ng produkto ng Feedmix at dito rin niya naramdaman ang suporta at tulong ng kompanya. Nag-uumapaw at hindi kailanman naghihintay ng kabayaran.

Hindi sa dealership offer nagtatapos ang serbisyo ng Feedmix. Walang patid at hanggang sa kasulukuyan ay patuloy pa rin. Kaya naman madaling napaunlad ni Dennis ang kanyang fishpond operation. Umaabot na ito sa 52 hectares. Kasabay ng pag-unlad ng kanyang negosyo ay ang pag-unlad din ng kanyang personal na buhay. Marami na siyang naipundar kabilang na dito ang sasakyan para sa kanyang pamilya at pati na rin panggamit sa negosyo. Bukod dito ay hindi na rin mabilang ang mga taong natulungan at nabahaginan niya ng kanyang tagumpay. Damang-dama ni Dennis ang tulong at suporta ng Feedmix sa kanya at malaki ang pasasalamat nito sa kompanya. Maraming, maraming salamat Feedmix. Kasama ko ang Feedmix noon, ngayon at malaki ang tiwala ko na sasamahan pa rin ako magpakailanman. Sa kanila ako nagsimula. Sila ang gumawa ng pangalan ko. Hindi ko mararating ang narating ko ngayon kung pinabayaan nila akong mag-isa pagkatapos kong tanggapin ang dealership offer nila Cornelio Manansala Isang Bulakenyo si Cornelio Manansala. Mula sa bayan ng Hagonoy at mas kilala sa pangalang Ka Che. Isang dating katiwala si Ka Che sa fishpond ng kanyang tiyo. Noong minsan siyang sumama sa isang kaibigan na bagoong trader, nakakita siya ng magandang pagkakataon para magnegosyo na lamang. Sinubukan niya ang bagoong trading at ang prawn production business. Ngunit noong makita niya na pabagsak ang prawn production business ay hindi na siya nag-atubiling ibahin ang kanyang negosyo. Nagsimula siyang mag-alaga ng bangus at hanggang ngayon ito na ang pinag-uukulan niya ng panahon. Umunlad ang negosyo. Ang pangarap niyang masaganang buhay para sa kanyang pamilya ay natupad din. Noong siya ay nasa edad 34, nakabili siya ng sariling palaisdaan. Hindi rin maikakaila ang kanyang kasiyahan sa pamamahala ng negosyong ito. Si Ka Che ay likas na mapagmasid at may kagustuhang matuto. Siya ay palakaibigan lalo na sa mga nakakatanda sa kanya at sa mga nauna sa kanya sa pagbabangus. Naniniwala siya na marami siyang matututunan sa mga naging karanasan ng mga ito na maaari niyang tularan. Umasa siya sa tulong ng Feedmix at sa iba pang mga eksperto. Naging bukas siya sa lahat ng mga payo at mga kaalaman ng iba. At sa pagdedepende sa mga ito, nadagdagan ang kaalaman niya sa buhay at negosyo. Hindi ako kailanman pinagdamutan ng Feedmix. Lagi nitong binabahagi sa akin kung anong meron sila. Mga kaalaman na binibigay ng Feedmix sa negosyo ng pagbabangus, pagsuporta sa aking mga plano sa negosyo at higit sa lahat sa pagtitiwala ng Feedmix sa aking kakayanan at potensyal. Sa Feedmix, para akong nakasandal sa pader. Ganito na lamang ang pagpapahalaga ni Ka Che sa kanyang negosyo. Higit sa kita nito ay ang katotohanang pinaunlad ito ng suporta, tulong at importansya mula sa Feedmix. Hindi niya maubos maisip na pag-uukulan siya ng ganitong klase ng pag-aalaga at pagmamahal ng kompanya. Kaya habilin niya lagi sa pamilya na mahalin ang negosyong ito. Hindi lamang pera ang pinuhunan dito, kung hindi tiwala at sinseridad nito sa Feedmix at ng Feedmix sa kanya. Give and take ay mahalaga kay Ka Che. Ibinabahagi niya ang kanyang kaalaman at natututo rin siya sa iba. Ka Che, ito ang inaasahan ng Feedmix mula sa iyo. Taos sa puso ang aming pasasalamat at pagkilala sa iyong halimbawa. MAXIMO ABESAMIS

Ang Bolinao, Pangasinan ay may ipinagmamalaki rin. Isang taong may pagpapahalaga sa mga isda ng ating bansa. Siya ay ang nag-iisang si Maximo Abesamis. Nagtapos si Ginoong Abesamis sa kursong BS Agriculture sa UP Los Banos. Sadyang ito ang kanyang tinapos dahil bukod sa nahihilig siya sa larangang ito ay nais rin niyang maipagpatuloy ang negosyo ng kanyang angkan. Ang pamilya ni Ginoong Abesamis ay nasa pagbabangus kasama ang processed bangus. Sila ay may fish nursery at rural bank din. Tinuturing niyang family legacy ang mga negosyong ito kung kayat pagkatapos niyang mag-aral ay nagtrabaho siya agad dito. Si Ginoong Abesamis ay isang huwaran pagdating sa pakikitungo sa kapwa lalo na sa mga nagtratrabaho para sa kanya. Nais din niyang maging tagumpay sa lahat ng bagay; tagumpay na hindi nasusukat at matatapatan ng pera. Nakilala niya ang Feedmix sa isang napakagandang paraan. Sa pamamagitan ng produkto nito na kakaiba kaysa sa mga ibang kompanya. Malaki ang paniniwala ni G. Abesamis na ang bangus dito sa bansa ay hindi nalalayo sa Salmon ng Norway. Dahil dito ay tumungo siya sa Norway upang magsaliksik sa mga paraan ng pag-aalaga ng Salmon na maaari ring gamitin sa pag-aalaga ng bangus. Nahanap niya sa Bolinao ang katangian ng lugar na dapat gamitin sa pag-aalaga ng bangus. Nahanap naman niya sa Feedmix ang feeds na kailangang ipakain sa mga ito. At noong tumungo siya ng Norway ay nagpaya siyang bumili ng mga fish cages na kanya nang ginagamit ngayon. Sa aking pagpunta sa Norway, napag-alaman ko na ang mga Salmon ay pinapakain ng extruded feeds. Medyo nahirapan ako sa paghahanap dahil ang extruded fish feeds ay hindi available sa Pilipinas. Lahat ng feeds ay in pellet form. Hanggang makilala ko ang Feedmix sa isang exhibit. Sabi ko sa sarili ko, this product is what I needed. Tuwang-tuwa ako dahil mauumpisahan ko na ang pag-aalaga ng bangus na may parehong kalidad ng Salmon mula sa Norway at mauumpisahan ko na rin ang partnership ko with Feedmix. Malaki ang naging bahagi ng Feedmix sa katuparan ng mga pangarap ni Ginoong Abesamis. Kung wala ang Feedmix fish feeds, marahil hanggang ngayon ay hindi pa rin naumpisahan ni G. Abesamis ang kanyang pag-aaral at pananaliksik. Ang Feedmix ay lagi ring nakasuporta kay G. Abesamiss kaya kahit ano mang problema na nararanasan nito ay ay napagtagumpayan dahil kasama niya ang Feedmix sa kanyang paglalakbay. At ang pinakamahalaga pa dito ay ang kakayahan ni G. Abesamis na tumulong sa mga bagong pumapasok sa pagbabangus. Sa layo ng kanyang narating at sa tayog na kanyang naabot ay hindi napapagod si G. Abesamis na tumigil upang tumugon at tumulong sa iba. Alam niya sa sarili niya na ang tagumpay ay hindi lamang sa kanya dumarating kung hindi sa mga natutulungan niya.

You might also like