You are on page 1of 1

Ang pamilya ay ang pundasyon ng lipunan kaya mahalaga na ito ay patatagin.

Ang matatag na pamilya ay susi sa isang matatag na lipunan. Sa matatag na lipunan


tayo ay magkakaroon ng matatag na bansa.

Ang pamilyang Pilipino any karaniwang binubuo ng ama, ina at mga anak. Ang
ama ay haligi ng tahanan. Sa tradisyunal na konsepto, ang tatay ang karaniwang
naghahanapbuhay para sa pangunahing pangangailangan ng pamilya. Siya rin ang
nagsisilbing ehemplo sa mga anak. Ang ina ang ilaw ng tahanan. Sa tradisyunal na
konsepto, tungkulin nyang alagaan at pagsilbihan ang kanyang asawa at mg anak.
Ngayon, dahil sa pantay na karapatan at oportuninad para sa mga babae at dala na rin
ng kahirapan sa buhay, ang nanay ay nagtratrabaho at tumutulong sa tatay sa
pagtaguyod ng pamilya. Ang mga ama ngayon ay kalimitang tumutulong na rin sa mga
gawaing bahay. Ang mga anak ang tumutulong sa mga magulang sa gawaing bahay.
Sila rin ang inspirasyon ng mga magulang kung bakit sila ay nagsisikap. Ngayon,
maroon na ring pamilyang Pilipino and iisa lang ang magulang o solo parent. Mayrroon
ding pamilya na kasama ang mga lolo at lola.

Nag-iiba man din konsepto ng pamilya, ang pinakamahalaga ay dito natin


mararamdaman ang pagmamahalan, respeto at pagkakaisa. Dito rin natin unang
natutunan ang magandang asal at pagmamahal sa Diyos. Kung lahat ng pamilya ay
masaya at puno ng pagmamahalan samakatuwid, ang ating lipunan ay magiging
tahimik at matatag.

You might also like