You are on page 1of 1

Pangalan: Stephanie C. David.

11-29-22
Kurso at seksyon: BSIS 1-B

Sagutin ito ng isahan, at ipasa mamaya hanggang 5pm.

1. Sa iyong opinyon , bilang isang mamamayan ,, paano mo maagawan ng paraan na malulutas


ang matinding kahirapan ?

 Para sa akin, bilang isang mamamayan ang magagawa ko na paraan upang malutas ang
matinding kahirapan dito sa Pilipinas ay ang mag-aral ng mabuti upang hindi na makadagdag pa
sa problema na kinakaharap na matinding kahirapan dito sa Pilipinas. Ang pag-aaral ay isang
solusyon sa kahirapan ng isang pamilya. Kung ako ay mag-aaral ng mabuti, balang araw ay
matutulungan ko ang aking pamilya dahil magkakaroon ako ng disenteng trabaho. At bilang
isang mamamayan, bubuo ako ng organisasyon para sa mga nangangailang ng tulong upang
kahit papano bilang isa mamayan dito sa Pilipinas, ako ay makakatulong sa aking kapwa Pilipino.
Upang ma ibsan din ang matinding kahirapan dito, iboboto ko ang karapdapat na mamumuno sa
ating bansa upang walang korapsyon na magaganap at tataas ang employment rate dito sa
Pilipinas. Kailangan din nating maging masipag at maging matiyaga upang makamit ang mithiin
sa buhay. At aking pahalagahan ang agrikultura sapagkat ito’y nagbibigay sa atin ng pagkain sa
pang araw-araw.

2. Paano naging pambansa ang isang problemang lokal?

 Naging pambansang suliranin ang isang problemang lokal, dahil ika nga nila, ang sakit ng isang
parte sa ating katawan ay sakit ng lahat na parte ng ating katawan. Kasalanan ng isa, kasalan ng
lahat. Kaya ang bawat ginagawa ng isa sa atin ay nakakaapekto sa ating bansa dahil mag kasama
at ugnay-ugnay ang bawat isa. Kaya naging pambansa ang isang problemang lokal.

You might also like