You are on page 1of 2

Cabasa, Mark Soler R.

October 25, 2022


BSHM2E GNED 14

Assignment

1. Ano ang inyong magagawa upang makatulong sa mga batang nakakaranas ng


kahirapan? – Bilang isang mag-aaral makakatulong ako sa mga batang nakakaranas ng
kahirapan sa pamamagitan ng pagabot ng kaunting tulong upang makaibsan ng kanilang gutom,
makapagbigay ng mga damit na kanilang masosoot. Maari korin silang ilapit sa mga charity na
makakatulong sa kanila at makakapag bigay sa kanila ng edukasyon.

2. Anu-ano ang mga ilan sa sanhi ng kahirapan sa pilipinas?


- Isa sa sanhi ng kahirapan ay ang pagkakaroon ng mababang antas ng edukasyon. Marami ang
nag sasabi na ang edukasyon ang ating puhunan para sa ating kinabukasan ngunit marami rin ang
hindi nakakapag aral dahil nagkakaroon ng kakulangan sa pera na ipangbabayad sa paaralan na
papasukan pati na rin pangbili ng kagamitan na kakailanganin ng isang mag-aaral. Ang ibang
mag-aaral naman ay nagtratrabaho habang nag aaral. Ito na rin ang magsisilbing tulong nila sa
kanilang mga magulang at matustusan ang kanilang sariling pag-aaral ngunit ang iba ay mas
pinipili ang magtrabaho na lamang dahil ang kanilang kinikita ay sapat lamang sa kanilang
pangangailangan araw-araw at kulang pa para sila ay makapasok sa paaralan. Isa pa ay ang
kawalan ng malinaw na pagplaplano at malabis na paggatos ay isa rin sa dahilan ng kahirapan
dahil ang ibang tao ay padalos-dalos kung mag desisyon.

3. Bilang isang pilipino, ano ang mai ambag mo sa lipunan upang malabanan ang
kahirapan sa bansa? Bilang isang Pilipino ang maiaambag ko ay magaaral ako ng mabuti at
pahahalagahan ang edukasyon at ng sa gayon magkaroon ako nang sapat na kaalaman at kung
maari ay sapat na pera upang makatulong sa mga nasa laylayan. Lalaban din ako sa mga
nangyayaring injustice sa bansa nang sa gayon may boboses sa mga mahihirap.

4. Bigyan ng maikling repleksyon ang akdang binigay bilang halimbawa.


- Base sa nakikita natin. Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na
walang isang halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi. Ang absolutong kahirapan ang
kalagayan o katayuan ng hindi pagkakaroon ng paraan o pamamaraan upang makayanan o
makapagdulot magkaroon ng payak o basikong mga pangangailangang pantao, katulad ng
malinis na tubig o naiinom na tubig, nutrisyon, pangangalagang pangkalusugan, kasuotan, at
tirahan. Upang malabanan ito ay dapat nating gampanan ang tungkulin natin, unang una sa
pamilya, sa mga kamag-aral, kaibigan at sa mga ibang tao. Dapat natin maging aware sa paligid
upang malabanan at maipaglaban natin ang karapatan ng mga mahihirap laban sa mga
nangaalipusta.

You might also like