You are on page 1of 80

Pagmamalasakit sa

Paaralan at Pamayanan

Edukasyon sa Pagpapakatao 2
Ikalawang Markahan, Ikawalong Linggo
Layunin:
Nakapagpapakita ng pagmamalasakit sa mga kasapi ng
paaralan at pamayanan sa iba’t ibang paraan
(EsP2P-IIh-i-13)
Unang Araw
Napag-aralan mo sa nakaraang aralín ang
kakayahan mong maibahagi ang iyong gamit,
talento o kakayahan o anomang bagay sa iyong
kapwa.
Inaasahang matutukoy mo ang mga kilos at
gawaing nagpapakita ng pagmamalasakit sa
mga kasapi ng iyong paaralan at pamayanan.
Pag-aralan ang mga larawan. Ang mga ito ba
ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa
paaralan at pamayanan?
Marami nang pangyayari ang dumaan at
sumubok sa buhay natin bílang kasapi ng
lipunan o pamayanan. Mga pagsubok na
sumukat sa kakayanan ng bawat isa na tumulong
at makiramay.
Sa panahon ng problema, sakuna o maging sa
kinahaharap na pandemya, ay napatunayan
natin na sa puso ng isang mabuting tao ay
sumisibol ang salitáng “MALASAKIT sa
KAPWA”.
Ang malasakit sa kapwa ay hindi
masusukat kung gaano kamahal o karami
ang iyong naibigay o nagawa. Ito ay kung
sa paano mo maipadama sa iyong kapwa.
Ang maluwag sa loob at kusang pagtulong ay mas kaaya-
aya sa mata ng Diyos at tao.

Sino-sino ang maaari nating pagmalasakitan?

Maaari mong pagmalasakitan ang ilan sa mga kasapi sa


inyong paaralan tulad ng mga kaklase, guro, tagapaglinis
ng paaralan, mga nagsisilbi sa kantina at mga guwardiya.
Gayundin, kung sa pamayanan naman ay
maipapakita mo ang iyong malasakit sa mga
tindero/tindera, kapitbahay, mga karpintero,
mangingisda at magsasaka, kalaro, at iba pang
madalas mong nakakasalamuha sa araw–araw.
Tukuyin kung ang bawat kilos na nasa
larawan ay nagpapakita ng malasakit sa
kapwa. Lagyan ng tsek(✓) ang larawan
na nagpapakita nito.
Nahihirapang tumawid ang isang lolo sa
kalsada kaya ____________.
Ang pagmamalasakit ay ginagawa sa kapwa

sa panahong higit nilang kailangan ng

tulong, pag-aalaga at pagkalinga.


• Ano ang ipinakikita sa mga larawan?
• Alin sa mga ito ang nagpapakita ng
pagmamalasakit sa mga kasapi ng paaralan?
Ikalawang Araw
Ano ang una mong naiisip kapag naririnig o
nababasa ang salitang
“PAGMAMALASAKIT”?
Sa araling ito, ikaw ay inaaasahan na
makapagpapakita ng pagmamalasakit sa mga
kasapi ng iyong paaralan at pamayanan sa iba’t
ibang paraan.
Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba. Sila ba ay nagpapakita ng
pagmamalasakit sa paaralan at pamayanan?
Ang pagmamalasakit sa kapwa ay
naipapakita sa iba’t ibang paraan.
Halimbawa nito ay ang pagtulong sa kapwa sa

oras ng pangangailangan, pagbibigayan at

pakikilahok sa iba’t ibang proyekto.


Naalala mo ba nang pumutok ang Bulkang Taal?
Maraming pagpapakita ng malasakit
ang naipakita noong nangyari ito.
Naipakita ng mga Pilipino ang kanilang pagmamalasakit
sa mga naapektuhan ng pagputok ng bulkan sa
pamamagitan ng pagtulong, pagpapatuloy sa mga nawalan
ng bahay at pagbibigay ng donasyon.
Marami din sa ating kapwa ang nagpakita ng
kanilang malasakit sa pamamagitan ng pagbibigay
ng libremg pagkain sa mga naapektuhan at nagtayo
ng iba’t ibang proyekto upang makalikom ng
tulong pinansyal.
Ano ang iyong nararamdaman tuwing
nagpapakita ka ng pagmamalasakit sa
iyong mga kamag-aral?
Ang pagbibigay ng malasakit ay hindi
naghihintay ng kapalit. Sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng malasakit sa kapwa,
nagiging mas maayos, mapayapa at masaya
ang isang pamayanan.
Tukuyin at bilugan ang mga larawan na nagpapakita ng
pagmamalasakit sa paaralan at pamayanan.
Ikatlong Araw
Sa paanong paraan mo maipakikita ang
pagmamalasakit sa mga kasapi ng
paaralan at pamayanan?
Mabibigyan nang lubos na pansin at pang- unawa
sa araw na ito ang pagmamalasakit na dapat
ibigay ng isang batang katulad mo para sa mga
kasapi ng paaralan at pamayanan
Ano ang ipinapakita ng mga nasa larawan?
Paano mo siya matutulungan?
Sa pamamagitan ng pagmamalasakit natin sa
kapwa dito mas mahuhubog at mapapaunlad
ang ating pagkatao.
Nangingibabaw ang paggawa natin ng
kabutihan para sa ibang tao. Nahuhubog ang
ating pagkatao sa pamamagitan ng pagpili ng
paggawa ng tama para sa ating kapwa.
Tingnan ang mga larawan at tukuyin ang
pagmamalasakit dito.
Ang pagmamalasakit sa kapwa ay ang
pagbabahagi ng iyong sarili, kakayahan at
biyaya sa mga taong nangangailangan.
Mga halimbawa para maipakita ang
pagmamalasakit sa kapwa:

1.Pagtulong sa kapwa
2.Pagbibigay ng pagkain sa walang makain
1.Pagbibigay ng mga damit at laruan sa
mga nasalanta ng baha at bagyo.
2.Pagtulong sa gawaing bahay.
• Ginagawa mo ba ang mga ito?

• Magbigay ka pa ng mga halimbawa na


magpapakita ng malasakit sa kapwa.
Gumuhit ng puso kung nagpapakita ito ng
pagmamalasakit at bilog naman kung hindi.

____1. Pagsagot ng pabalang sa naliligaw sa


pamayanan.
____2. Pagtawa sa kaklaseng walang baon.
_____3. Pagdalaw sa kaklaseng maysakit.
_____4. Pagbibigay ng mga damit at pagkain sa
biktima ng kalamidad.
_____5. Pag-alalay sa kaklaseng nahihirapan sa
aralin.
Ano ang iyong mararamdaman kapag
may nakikita kang batang
pinagtatawanan? Bakit?
Ang pagmamalasakit sa kapwa ay ang
pagbabahagi ng iyong sarili, kakayahan at
biyaya sa mga taong nangangailangan.
Tukuyin ang mga pangungusap na
nagpapakita ng pagmamalasakit sa
kapwa, gumuhit ng masayang mukha .
Malungkot na mukha  naman kung
hindi
_____1. Binibigyan ko ng damit ang
pulubi sa daan.
_____2. Tumutulong ako sa mga
matatanda kung marami silang dala.
_____3. Inaalalayan ko ang batang pilay sa
.
pagtawid sa kalsada.
_____4. Nagbabahagi ako ng pagkain sa ibang
bata.
_____5. Ipinagdarasal ko ang aking mahal sa
buhay.
Ikaapat na Araw
.
Paano mo maipapakita ang malasakit
sa iyong kaklase?
.
Kailan ninyo nararamdaman ang pagiging
masaya?malungkot?
.
Ang mga damdaming ipinapakita ng mga mukhang
ito ay nauugnay sa damdaming nararamdaman dulot
ng malasakit sa kapwa.
Ang
. pagmamalasakit sa kapwa ay
pagpapakita ng pagmamahal. Masarap sa
pakiramdam ang makatulong sa kapwa.
Maraming paraan upang maipakita ang
.
pagmamahal sa kapwa sa paaralan at sa
pamayanan. Ang ilan sa mga ito ay ang
pagbibigay, pagtulong, paggalang at
paggawa ng kabutihan.
Paano mo maipapakita ang malasakit sa iyong kapwa?

. ang ilang halimbawa:


Narito
.
.
Ano ang ipinapakita ng mga nasa larawan? Paano
mo. siya matutulungan?
Kung
. ikaw naman ang makakatanggap ng
pagmamalasakit mula sa iyong kamag-aral, ano
ang mararamdaman mo?
Ang pagmamalasakit sa kapwa ay
.
pagpapakita ng pagmamahal. Masarap sa
pakiramdam ang makatulong sa kapwa.
Tukuyin at kulayan ang mga larawan na
nagpapakita ng pagmamalasakit:
Ikalimang Araw
Paano mo maipapakita ang malasakit
mo sa iyong guro?
Ano ang ipinapakita ng mga
larawan?
Ang pagmamalasakit sa kapwa ay pagbibigay o
pagpapaabot ng tulong sa kapwa. Isa itong
magandang katangian nagpapakita ng pagmamahal
sa ating kapwa at isang paraan ng paggawa ng
kabutihan.
Ang pagmamalasakit sa kapwa ay hindi dapat
naghihintay ng kapalit dahil kusa mong loob na
ginawa ito, at bukal sa loob mo ang pag-aalay
ng pagtulong sa iyong kapwa.
Kaya kapag ikaw ay nagmamalasakit at tumutulong sa isang
tao, nararapat na huwag ng maghihintay pa ng anumang
kapalit sapagkat sa ginawa mo pa lang na pagtulong, may
kapalit na ang iyong ginawang kabutihan at ito ay ang
kinalugdan at kinatuwaan ka ng Diyos.
Paraan ng Pagpapakita ng Pagmamalasakit

Pagtulong sa isang matanda sa pagtawid sa kalsada.


Pag-alalay sa mga matanda na nihihirapang
maglakad.
Pagtulong sa mahihirap at wala ng makain.
Pagbibigay ng pagkain sa mga batang namamalimos
sa mga kalye.
Ang pagtulong sa kamag-aaral na maunawaan ang
aralin.
Pagalalay sa mga taong may mga kapansanan.
Pagbibigay tulong sa mga taong
nasalanta ng bagyo o anumang uri ng
sakuna.
Ano ang ipinapakita ng mga nasa larawan?
Paano mo siya matutulungan?
Maipakikita natin ang pagmamalasakit sa
kasapi ng paaralan at pamayanan sa
pamamagitan ng ating mga kilos at gawi.
Tukuyin ang mga pangungusap na
nagpapakita ng pagmamalasakit, lagyan ito
ng tsek (/) at ekis ( X ) naman kung hindi.
_____1. Laging tumutulong ang Pamilyang
Alcantara sa mga biktima ng kalamidad.
_____2. Inuunahan ng mga magkakaibigang Rey,
Jun at Jay ang kaklase nilang may kapansasan.
_____3. Ipinagdarasal na mawala na ang
Covid sa pamayanan.
_____4. Pinagtatawanan nina Ana at Den
ang kaklase na butas ang damit.
_____5. Tinutulungan ni Allan ang kamag-
aaral na hirap sa Math.
Thank you!

You might also like